I am busy scanning my notes. Bukas na ang exam kaya naman puspusan ang pag-aaral ko para makapasa. Masaya ako dahil nagagawa kong i-balance ang oras ko sa pag-aaral sa pagiging tutor ni Russel. Ang mas nakakatuwa pa ay nagagawang i-open up ni Russel ang mga nararamdaman niya sa akin. Siguro dahil nakuha ko na ang tiwala niya, not only as his tutor, bilang tinuturing na din niyang ate. Bukod doon, madalas akong sinusundo ni Keiran sa school. Minsan ko lang pinaunlakan ang lunch tuwing mag-aaya siya. Hindi pa rin ako sanay na nakukuha namin ang atensyon ng mga tao sa paligid namin. Nagkakausap lang kami kapag narito lang kami sa bahay ng mga Ho. Kung minsan pa nga ay gumagala kami sa buong subdivision.
"I'm done at my homework, Naya!" Russel exclaimed. Talagang ipinakita pa niya sa akin ang assignment na nagawa nga niya.
"Very good! Sige, you can play na. Ililigpit ko lang itong mga gamit mo." Sabi ko na nakangiti.
"Yey!" Aniya sabay nagmamadali siyang lumabas sa kaniyang kuwarto.
"Naya,"
Napatingin ako sa pintuan. Si Keiran na nakatayo doon. He's wearing simple printed t-shirt and sweat pants. "Bakit?"
"Sabi ni mama, meryenda ka daw muna." He said.
Tumango ako saka tumayo na. Inayos ko muna ang study table ni Russel at lumabas na ng kuwarto. Si Keiran na ang nagsara ng pinto ng kuwarto. Sabay kaming bumaba. Dumiretso kami sa Dining Area nang naabutan namin si Mrs. Ho na may hinahanda siyang pagkain.
"Oh! Mabuti tapos na kayo ni Russel. I made sushi. Halika, Naya. Tikman mo." Sabi niya na nakangiti.
"Sige po." Sabay lapit kami sa dining table. Hinila ko ang isang upuan at kumuha ng isang sushi. I draw an amusement face. "Ang sarap!" Bulalas ko.
"Aw, mabuti nagustuhan mo." Bumaling siya kay Keiran. "Kuha ka din, anak."
Tahimik kumuha si Keiran ng sushi na gawa ni Mrs. Ho. Tumango siya. "Good." He commented.
"Pwede ka rin mag-uwi pa nito, Naya." Segunda pa ni Mrs. Ho.
"Ay! Nakakahiya naman po, Mrs. Ho..."
"No, it's okay. Para naman may pagkain ka pa habang nag-rereview mamaya."
Aww! Nata-touch akooo! Sa totoo lang, masaya lang ako. Kahit na malayo ang parents ko, ramdam ko na may nanay parin ako.
"Thank you po, Mrs. Ho." Sabi ko.
"Ihahatid na din kita pagkauwi mo." Keiran suggested.
Ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya.
**
"Thank you sa paghatid, Keiran." Sabi ko nang nakarating na kami sa tapat ng bahay.
"No problem. Huwag kang masyadong magpupuyat sa pagrereview mo." He said. "By the way, good luck sa exam mo bukas."
Ngumiti ako saka tumango. Lumabas na ako sa sasakyan and I waved to him.
**
Since alas nuwebe pa naman ang umpisa ng exam ko ay nagreview ulit ako. Baka kasi may nakalimutan ako na item, sayang iyon kung nagkataon. Alas singko ng umaga pa akong nagising at naligo. Nakapambahay na damit ako ngayon.
Tumigil ako saglit sa pagrereview nang tumunog ang cellphone ko. Napaatas ang isang kilay ko nang makita ko ang pangalan ni Keiran na tumatawag. Sinagot ko iyon.
"Keiran?"
"Nandito ako sa labas ng bahay ninyo."
Lumabas ako ng bahay na nakadikit pa rin ang cellphone sa tainga ko. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ngang nasa labas nga siya. Dahil na rin sa kaniyang sasakyan. Wala pang sampung segundo ay lumabas siya't lumapit sa gate na may dalang paper bag.
Ako naman ang lumapit sa gate para pagbuksan ko siya. "Ang aga, bakit ka narito?" Tanong ko.
Bago niya sagutin ang tanong ko, ipinakita niya sa akin ang hawak niyang paper bag. Jollibee? "Masyado kang busy sa pagrereview, naisip ko lang na baka nakakalimutan mong kumain ng almusal."
Napangiti nalang ako't napailing. Nilakihan ko ang awang ng gate para makapasok siya. "Tuloy ka." Sabi ko. Sumunod naman siya.
"Kumain ka muna. I can wait." He said.
Tumango ako't ginawa ko ang sinabi niya. Dumiretso ako sa kusina para kainin ang binigay niyang almusal. 2-pieces burger steak at may extra rice ang laman ng paper bag, may coffee din. Ay!
"Keiran?" Malakas kong tawag sa pangalan niya.
"Yep?"
"Kumain ka na din ba?"
Hindi siya agad sumagot. Sinundan niya ako dito sa kusina. "Yeah, kumain na ako sa bahay. Sadyang dumaan ako sa fast food para bilhan ka ng almusal. Mahirap mag-exam nang walang laman ang tyan."
"Thank you!" Sabi ko. Umupo na ako sa dining chair at binuksan ko na ang pagkain na dala niya.
Pagkatapos ko kumain ay nagbihis na ako. Naghihintay lang si Keiran sa salas at nanonood lang ng TV. Eh, hindi naman uso ang cable sa amin kaya magtiis muna siya sa mga istasyon na meron sa TV namin.
Mabilis akong nakababa. Tumayo si Keiran saka pinatay na niya ang TV. "Are you done?" Tanong niya. Tumango ako bilang sagot. "Let's go."
Ang akala ko, doon na magtatapos ang lahat. Nagawa pa niya akong ihatid sa mismong University! Tinatanong ko nga siya kung hindi ba siya malelate sa klase niya, ang sabi naman niya 10 AM pa naman magsastart ang klase niya kaya may time pa naman daw siya.
"Thank you ulit!" Sabi ko.
"No worries, Naya. Good luck."
Ngumiti ako. "Thank you ulit." Saka lumabas na ako sa sasakyan. Sinara ko ang pinto at nagmamadali akong pumunta sa nakaassign na room kung saan ako mag-eexam.
I feel good now. Parang naging kompleto. Hindi ko alam ko alam ang specific na dahilan. Dahil siguro sa pagdala ng almusal sa akin ni Keiran.
I think, confident ako sa isasagot ko sa exam ngayon!