chapter 4

1382 Words
Naging okay ang pag-alis ni mama at papa. Nahimasmasan na din si mama bago inannounce ang flight nilang dalawa. Ipinakilala ko din sa kanila si Keiran bilang kapatid ng chinu-tutor ko. Hindi ko lang maitindihan kung bakit nasasabi ni mama at papa sa kaniya na bantayan ako, siya daw muna sana ang bahala sa akin. Ang mas hindi ko maitindihan kung bakit napaunlakan pa iyon ni Keiran eh ngayon lang naman sila nagkakilala. "Feel better?" Tanong niya sa akin habang nakadungaw lang ako sa bintana ng kotse. Pinapanood ko lang ang mga building na dinadaanan namin. Marahan akong tumango. Tumingin ako sa kaniya. "Yeah. Thank you," Sabi ko at ngumiti. Mukhang kulang pa nga ang simpleng thank you na iyon. Kasi talagang nag-effort siya na samahan ako dito para lang magpakita sa parents ko. Nagamit tuloy ang gas ng sasakyan niya! "You'rr welcome. I'm glad to know you are now okay." Aniya na hindi nakatingin sa akin dahil abala siya sa pagmamaneho. Ang akala ko, magvovolunteer lang siya na samahan ako sa Airport pero hindi. Gusto niya na ihatid niya ako mismo sa bahay. Ilang beses na akong tumanggi but he insist. Panatag daw siya kapag mismo sa bahay niya akong ihahatid. Wala naman akong magawa. "Salamat sa tulong at sa paghatid..." Nahihiyang sabi ko. Hindi nakatingin sa kaniya. "Don't mention it. I'm glad to help." Sabi niya. "Pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka na." I pressed my lips and nodded. Kinalas ko ang seatbelt at lumabas na sa kaniyang SUV. Nakatayo lang ako sa labas ng bahay para ihatid ko siya ng tingin. Isang beses siyang bumusina sensyales na aalis na siya. Hilaw akong ngumiti at umabante na ang sasakyan palayo. Nakahinga ako ng maluwag nang nawala na ang sasakyan sa aking paningin. Lunes din ay maaga akong pumasok sa UPHS. Alas nuwebe ang start ng klase ko at major pa iyon kaya bawal ang late. Medyo strict kasi ang prof ko doon kaya naman kailangan maging responsableng estudyante ako. Mabuti nalang ay 8:43 ako nakarating ng room, iilan palang kami ang narito sa room at hahabol pa ang iba ko pang kaklase. May bakanteng oras pa naman ako kaya naman naisipan kong mag-advance reading muna para kung sakaling may suprise recitation mamaya ay may maisagot ako.  Dahil Lunes ngayon, may mga nalelate sa klase. Buti nalang ay pinalagpas ng prof namin. Mukhang good mood siya ngayon. Natapos ang klase ng alas onse ng umaga. Agad kong iniligpit ang mga gamit ko para lumabas nang kinausap ako ni Elene. "Kamusta ang pagtuturo mo?" Tanong niya nang nakalabas na kami ng room. Ngumiti ako. "Nung una, medyo mahirap dahil pasaway si Russel. Spoiled. Pero kahapon, nagawa na niyang sumunod sa akin. Nag-advance reading lang kami." "Sabi na eh. Kaya mong ihandle iyon." Tuwang tuwa niyang sabi. "Ay, nasearch ko sa sss si ano... Si Keiran Ho. My gulay, sikat pala iyon sa tumblr!" Kumunot ang noo ko. "Tumblr?" She rolled her eyes. "Hays, f*******: lang talaga ang alam mong social website, be?" Saka tumawa siya. "Eh alam mo namang wala akong interest sa mga iyan." "Well, anyway... Hindi lang siya sa tumblr sikat, pati din pala sa IG at twitter! Ang daming followers, be. Nag-aaral pala siya sa DLSU-Dasma!" Ako naman ang natawa. "Mukhang puspusan ang pagreresearch mo sa kaniya, ah." Kumento ko. Pababa na kami ng hagdan. "Syempre. Kapag may crush ka, nagiging stalker na!" She exclaimed. "Pero kapag may pinaparesearch ang mga prof natin, hindi mo naman ginagawa." Dagdag ko pa na ikinasimangot niya. "Eeh! Kasi!" Palabas na kami ng gate nang biglang tumunog ang phone ko. Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ng puting unifom ko. Kumunot ang noo na unknown number. Nagkatinginan kami ni Elene. "Sagutin mo!" She mouthed. Napangiwi ako. Sinagot ko ang tawag. "Hello?" "Hey," Bati niya sa akin. Pamilyar sa akin ang boses na iyon, ah. "It's me Keiran." Namilog ang mga mata ko nang makompirma ko kung sino iyon. Napatingin ako kay Elene na namimilog din ang mga mata. "B-bakit?" "I'm here. Inside the campus." He paused. "Sa harap ng chapel. I'll wait." Saka ibinaba niya ang tawag. "Jusme! Puntahan mo na!" Tili niya na kinikilig. "Dali! Huwag mong paghihintay ang prinsipe!" Saka itinulak niya ako ng mahina. Tumingin ako sa kaniya. Kumaway siya na parang pinapalayas niya ako. Napangiwi ako't naglakad papunta sa chapel. "Good luck!" Nang malapit na ako sa chapel, nagulat parin ako kahit na nasabi na niya sa akin na narito siya sa Perps. Nasa labas siya ng kaniyang sasakyan at nakasandal sa driver's door. Nakatalikod siya sa akin. Siya nga! Naka-uniporme din ito. Napansin ko din na pinagtitinginan din siya ng ibang babae sa corridor ng old building na katapat lang ng chapel. Ang iba ay kinikilig, ang iba naman ay parang pamilyar sila sa lalaking ito. "A-anong ginagawa mo dito?" Agad kong tanong sa kaniya nang nasa harap na niya ako. He looked at me. Eye-to-eye. "Pick you up to lunch with me." Kaswal niyang sagot. Pakurap-kurap ko siyang tiningnan. "P-papano ka nakapasok? Sa pagkaalam ko..." "I bought stickers." Sabay turo niya sa sticker na tinutukoy niya na may logo ng University. "I told the guard that I need to pick up my girlfriend." "H-ha?" Halos mabingi ako sa sinabi niya. He grinned. "Just kidding." Tinalikuran niya ako't binuksan niya ang pinto ng passenger's seat. "Let's go." Hindi ko alam kung bakit kusang sumunod ang katawan ko sa kaniya hanggang sa tagumpay akong nakasakay sa kaniyang sasakyan. Siya din ang nagsara nun hanggang sa nakasakay na din siya. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinaandar na niya iyon. Lumabas kami sa Main Gate ng University. "Saan tayo pupunta?" I asked. "SM Dasma, o pwede ka ring magsuggest kung saan gusto mo." Umiling ako. Wala rin akong ideya kung saan kami kakain. "What time next class mo?" Tanong niya. "A-ala una pa." Sagot ko naman na nakatingin lang sa harap. "That's great then." Tanging nasabi niya, We decided sa Pizza Hut nalang kami kakain. Wala masyadong tao ngayon, mabuti nalang. Sumunod lang ako sa kaniya. Medyo nagulat pa ako nang hinatak niya ang isang upuan at doon niya ako pinaupo. Hilaw akong ngumiti nang nakaupo na din siya sa tapat ko. "Uhmm... W-wala pa akong budget..." Sabi ko. Tumingin siya sa akin na hawak pa niya ang menu. "Ako ang nag-aya ng lunch na ito, don't worry it's my treat." He said. Bumaling siya sa staff at sinabi niya ang pizza na inorder namin. Kumsabagay, matagal na din bago ulit ako makakatikim ng pizza. "T-Thank you," Sabi ko na nakatingin sa mesa. I heard him chuckled, kaya naman napatingin ako sa kaniya. I saw him smiled. "What's funny?" Kunot-noo kong tanong. Napailing siya. "I'm sorry. Napansin ko lang na wala pa tayong first name basis." He answered. Natahimik ako. Oo nga, kahapon ko ay sinamahan niya ako na puntahan sina mama at papa sa Airport hanggang ngayon ay hindi ko pa siya natatawag sa pangalan niya. Napangiwi ako. "S-sorry din." "Naya lang ang alam kong pangalan mo. Ano bang full name mo?" He asked. Ngumuso ako. "Nayana Dianthe Alvez. Eh ikaw ba?" "Keiran Dimitri Ho." He draw a smile in his face. Keiran Dimitri Ho. "Err..." I paused for three seconds. "Tanong ko lang kung bakit... Pumunta ka sa school...? At, inaya mo ako maglunch? Pero kung ayaw mong sagutin, okay lang." Then I looked away. Mukhang nakakahiya naman ang tanong ko! Bago man siya sumagot ay sumandal siya sa dining chair. He tapping his fingers in the table. "Because I made a promise to your parents, right? Bantayan daw kita at ako daw ang bahala sa iyo." "But you don't have to." "Once I made a promise, I keep it." He said. Pinili ko nalang manahimik. Hindi ko trip makipag-argue ngayon. Ilang saglit lang ay dumating na din ang pizza pati na rin ng drinks na inorder ni Keiran. Siya ang naghiwa nun at una niyang nilagyan ng pizza ang plato ko. "Thank you." Sabi ko. "Your welcome." After namin kumain ay bumalik na kami ng Perps. Pinilit ko na ibaba niya ako mismo sa harap ng University. Medyo nahihiya ako na baka pagtitinginan ako. Hindi ako sanay na ganoon. Wala naman siya magawa dahil grabe ako mamilit. "I'll pick you up after classes." Sabi niya bago ako nakalabas ng sasakyan. Tatanggii pa sana ako kaso naunahan na niya ako. "I don't take nos, Naya." I sighed. "Sige na, papasok na ako. Baka malate ako sa klase." Huling sinabi ko hanggang sa tagumpay akong nakalabas sa kaniyang sasakyan. Sinalubong ako ni Elene sa Gate na malapad ang ngiti. She cling her arms in mine. Magtatanong na naman tungkol sa lunch namin ni Keiran! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD