chapter 3

1478 Words
"Dito nalang ako." Sabi ko nang itinuro ko sa kaniya kung saan niya ako ibababa nang narating namin ang terminal. Hininto naman niya ang kotse sa gilid ng kalsada. Kinalas ko ang seatbelt at bumaling sa kaniya. "S-salamat..." Ang tanging nasabi ko. Binuksan ko ang pinto at nagmamadali nang lumabas ng sasakyan. Hindi na ako nag-atubili pang lumingon sa kaniya. Dire-diretso akong naglakad papunta sa jeep papuntang Paliparan. Sa totoo lang, hindi ako mapakali habang nasa loob ako ng sasakyan niya. Ramdam ko parin ang awkward sa pagitan naming dalawa. At saka, naiintimidate ako sa presensya niya na hindi ko naman alam kung bakit. Payapa akong nakauwi. Sinalubong ako ni mama na nakangiti. "Naya, anak? Pwede ka ba namin makausap ni papa mo?" Aniya. "S-sige po, ma." Sabi ko. Tinalikuran ako ni mama at dumiretso siya sa kusina kung nasaan din si papa. Ginagapangan na ako ng kaba dahil pakiramdam ko ay importante at seryoso ang sasabihin nila sa akin. Hindi kaya dahil sa pagpa-part time ko bilang tutor? Tumutol na kaya sila? Nakaisang araw palang naman ako. Umupo ako sa madalas kong pwesto. Tiningnan ko maigi sina mama at papa. Nung una ay parang hindi nila alam kung papaano nilang uumpisahan. "Ma? Pa?" Tawag ko sa kanila. Panatingin silang dalawa sa akin. Yumuko si papa habang si mama naman ay napabuntong-hininga. "Anak, ano kasi..." Hilaw ngumiti si mama. "Babalik na kami ng papa mo sa Dubai. Pinapabalik na kasi kami ng amo namin doon." Oo nga pala, parehong OFW sina mama at papa sa Dubai. Pareho silang naninilbihan sa isang mayaman pamilya doon. Maid si mama habang si papa naman ay family driver. Parang hinampas ang puso ko sa narinig ko. "A-aalis na po kayo?" Parang hindi pa nagsisink in sa isip ko ang sinabi nila. Nag-umpisa silang pumunta doon noong second year high school palang ako. Medyo mahirap lang dahil hindi ako sanay na wala sila palagi sa tabi ko. Hindi sa lahat ng oras ay dadamayan nila ako sa problema ko, tuwing may sakit ako, sarili ko lang ang inaasahan ko. Pero hindi ibig sabihin nun ay isusumbat ko sa kanila ang pinagdadaanan ko dito. Naiitindihan ko naman sila. Ginagawa naman nila iyon para sa akin. Kaya gustong gusto kong magtapos na para hindi na sila bumalik doon at magbabanat ng buto. Ang gusto ko, dumito nalang sila sa Pilipinas magtrabaho. "Sorry, anak... Kailangan na kasi..." Dagdag pa ni mama. Yumuko ako. Pinipigilan ko ang sarili kong maluha sa harap nila. Ayaw kong makita nila na mahina ako. "Naya..." Mahinang tawag ni papa sa akin. Hinawakan niya ang isang kamay ko kung kaya napatingin ako. "Alam naming maiksi na panahon lang na nakabalik kami dito sa Pinas. Alam naming marami kaming pagkukulang sa iyo." Pilit akong ngumiti. "Okay lang papa, mama... Naiitindihan ko naman po kayo..." Sabi ko. Tatagan mo pa ang loob mo, Naya! Iniwan ko sa bahay ang frustrations ko. Gustuhin ko mang sabihin kay Elene na magiging mag-isa na naman ako sa bahay ay hindi ko magawa. Pilit kong maging focus sa part time ko. Ginagawa ko ang best ko para hindi maapektuhan. Parang normal lang... Parang wala lang. Seryoso akong nagtuturo kay Russel. Medyo gumaan naman ang trabaho ko sa kaniya dahil hindi na tulad noong Biyernes na nakikipag-argue pa siya sa akin. Ngayon, nakikipagcooperate na siya sa akin. Bawat tanong ko, nasasagot naman niya nang maayos. Dahil nagawa niya ang task niya nung nakaraan, binilhan ko siya ng chocolate sa 7 Eleven pa na kahit ang mahal-mahal niya. Huhuh! "Alam mo kung bakit palagi akong bagsak sa English at pasaway?" Bigla niyang tanong sa akin. Nandito kami ngayon sa kuwarto niya. Napatingin ako sa kaniya. Hindi ako nakapagsalita. Sa halip ay hinintay ko lang ang sagot mula sa kaniya. "Gusto ko lang naman mapansin ako ni papa. Wala nga lang siya dito dahil nasa Manila siya. Busy siya sa work niya." Dagdag pa niya na nakatingin lang sa kaniyang libro. "Buti pa ang work niya, mahal na mahal niya. Pero kami hindi." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ko akalain na masasabi niya ang mga bagay na ito. Dalawang beses palang naman kami nagkikita. "I hate him. Gusto niya ang masusunod. Kahit gusto ni kuya maging architect, kumuha nalang siya ng kurso na may kinalaman sa business dahil si kuya ang susunod na maghahandle ng kompanya niya." "R-Russel..." Mahina kong tawag sa kaniya. May tumulo na isang butil ng luha mula sa kaniyang mata at agad naman niya iyon pinunasan na para bang ayaw niyang makita ko kung anong kalagayan niya ngayon. Duampo ang tingin ko sa libro. Parang pinipiga ang puso ko sa mga nalaman ko. Ganito pala ang nararamdaman niya para sa tatay niya. Samantala naman ako, may tatay at nanay ako pero malalayo ulit sila sa akin. Feeling ko, nakarelate ako sa pinagdadaanan ng pamilyang Ho. Biglang tumulo ang luha at umagos iyon sa aking pisngi. "N-Naya... Why a-are you c-crying?" Marahas akong umiling. Agad ko din pinunasan ang luha ko. Tumingin ako sa kaniya at pilit ngumiti. "Wala... Huwag mo nalang ako pansinin. You can play outside na. Tapos na tayo sa lesson mo." Tumango lang siya saka lumabas na siya sa kaniyang kuwarto. Marahas akong napabuntong-hininga. Tumayo ako para ayusin ang mga gamit ni Russel. Natigilan ako nang may tissue sa harap ko. Napatingin ako sa gilid ko nang makita ko si Keiran. Inabot niya ako ng tissue. "Narinig ko sa labas na umiyak ka daw." He said. Naalarma naman ako. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko kung basa pa rin ba dahil sa luha. Meron pa, kaunti nga lang. Agad kong tinanggap ang tissue na inabot sa akin ni Keiran saka pinunasan ang mga naiwan pang luha. "S-salamat..." "Bakit ka umiyak?" He asked. Parang umurong ang dila ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba iyon o hindi. Kaso ang ending ay "Nalulungkot lang ako." Sagot ko. Tahimik lang siyang natingin sa akin, para bang inaabangan niya ang susunod kong sasabihin. "Aalis na ang parents ko dito sa Pinas..." "When?" He asked again. "N-ngayong hapon..." Hapon pa ang flight nina mama at papa. Nagpaalam ako na hindi ko sila maihahatid sa Airport. Sinabi ko na may lesson ako gawa ng part time ko. Naitindihan naman nila. Pero sa loob-loob ko, hindi ko kayang makita sila na paalis na sila. Na unti-unti na naman silang hahakbang palayo sa akin. Na magiging mag-isa na naman ako. "What time?" "F-five PM." Tumango siya. Muli siyang nagsalita. "Hintayin mo ako sa garahe." Sabi niya saka mabilis siyang umalis sa kuwarto ni Russel. Sinunod ko naman ang kaniyang sinabi. Sinalubong pa ako ni Mrs. Ho na nakangiti. Tuwang tuwa siya dahil naging successful ulit ang pagtuturo ko kay Russel ngayong araw, na hindi ito naging pasaway sa akin. "Uuwi ka na ba, iha?" Tanong niya. "A-ano po—" "I'll take her to the Airport." Biglang sumulpot si Keiran. Pareho kaming napatingin ni Mrs Ho sa kaniya. Kumunot ang noo niya na parang naguguluhan. "Ha? Sa Airport? Bakit?" "Flight na ng parents niya ngayong hapon. Kailangan niyang maabutan." Sagot niya sa kaniyag ina. Unti-unti naalis ang pagkakunot ni Mrs. Ho. "Oh... Okay. Mag-iingat kayo ha?" Tumingin sa akin si Keiran. Nilagpasan niya ako't binuksan niya ang pinto ng kaniyang kotse. Muli siyang tumingin sa akin. "Hop in." He commanded. Tumango naman ako saka lumapit. Sumakay ako sa passenger's seat. Siya na din ang nagsara ng pinto. Umikot siya sa harap hanggang sa nakasakay na din siya sa driver's seat. Binuhay na niya ang makina at dahan-dahan kaming lumalabas sa bahay ng mga Ho. Nagpahabol pa ng kaway si Mrs. Ho bago kami tuluyang nakaalis sa Greenwoods. Ilang beses na akong nagtetempt na itanong kung bakit niya iyon ginagawa. Bakit nagprisinta siyang samahan niya ako sa Airport? "You are their strength, Naya. Kung ikaw ay natatakot na umalis sila. Mas natatakot naman sila na lumayo sa iyo." Sabi niya. Bumaling ako sa kaniya. Napaawang ang bibig ko sa kaniyang sinabi. Parang nababasa niya ang iniisip ko ngayon. "It's hard to say goodbye, pero ang mas mahirap, kung nararamdaman nila na may tampo ka sa kanila." That words hit me. Dahil d'yan ay kusa na namang tumulo ang luha ko na walang pasabi. Naninikip ang dibdib ko. Yumuko ako't hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong humikbi. Wala na akong pakialam kung nakikita o naririnig man ni Keiran ang eksena na ito. Ito ang nararamdaman ko ngayon, eh. Pagdating namin ng NAIA ay agad kaming pumasok para hanapin sina mama at papa. Tama nga siya, natatakot lang ako na iwan ulit. Natatakot ako na maging mag-isa na naman ako. Natatakot ako na mangungulila ako sa kanila. "Naroon sila." Sabi niya sabay turo niya sa direksyon kung nasaan sina mama at papa, nakaupo't naghihintay na inannounce ang flight nila. "Ma! Pa!" Malakas kong tawag sa kanila. Napukaw ko ang atensyon ni mama. Napaawang ang bibig niya nang makita niya ako. Naiiyak na ako, naiiyak na ako! Agad silang lumapit sa akin at niyakap ng mahigpit. "Naya..." Mahinang tawag ni mama, napapaos. "I'm sorry ma. Sorry...." Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapaiyak. "Naiitindihan ko anak. Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kami ng papa mo." Sabi niya na hindi na rin niya mapigilan pang napaiyak. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD