chapter 2

1465 Words
Nakasakay na kami ng jeep ay hindi tumitigil sa pagdadaldal ni Elene dahil nakita namin ang panganay na anak ni Mrs. Ho. Napailing ako't hindi nalang nagbibigay ng kumento dahil mas nakakahiya lalo na't marami kaming pasahero dito sa jeep na ito. "Guwapo niya talaga, Naya!" She exclaimed when we reached the last stop, ang terminal. "Oo na, guwapo na." Sabi ko nalang para tumigil na siya. Hindi ko maitanggi iyon. Guwapo nga ang anak ni Mrs. Ho. Maputi (mas maputi pa siya siguro sa akin!), matangkad na tingin ko ay nasa 5'9 or 5'10 ang height niya, neatly combed black hair, matangos ang ilong, thin lips... I can see he has a distinguish feature... Mga mata niya. Hindi ko lang ma-clarify dahil malayo siya nang nakita namin siya ni Elene. Pero iyong kilay niya tugma tugma sa kaniya, parang katulad sa mga korean actors. Pansin ko din nasa gestures niya, tahimik, at seryoso. Iyong tipong nababasa mo sa mga libro na pa-mysterious effect. _ Hindi ako agad umuwi sa bahay dahil dumaan muna kami ni Elene sa Perps para tumambay saglit. Mabuti nalang ay kilala naman kami ng guard kaya napasok kami agad kahit hindi na magpresent ng ID or registration form. "Hi Ethan!" Bati ni Elene nang nakasalubong namin ang isa sa mga kakilala namin. Si Ethan, siya ang president ng dancing club na Agbuya? Not sure kung tama ba 'yung iyon nga kasi hindi naman ako active sa mga ganyan. Schoolmate ko siya, taking up Education. "Yow! Saan kayo nagpunta? Bakit ganyan mga suot ninyo?" Tanong niya sa amin. Elene rolled her eyes. "Di ba nga? Wala kaming pasok tuwing Thursday and Friday? Galing kaming Greenwoods kanina, nameet namin si Mrs. Ho, nanay nang ichu-tutor nito ni Naya." She answered. Napatingin sa akin si Ethan na parang namangha. "Talaga? Nagpapart time ka ngayon, Naya?" Hilaw akong ngumiti saka tumango. "Kailangan, eh. Para maging handa next year, paniguradong marami ulit bayarin." Sagot ko naman. Tumango siya, na para bang nakuntento siya sa sagot ko. "That's good. Oh sige, pupuntahan ko muna mga kagrupo ko." Paalam niya sa amin. "See you next week!" Hinatid lang namin siya ng tingin habang naglalakad siya palayo sa amin. "Tara, puntahan natin si Inez sa Gym!" Biglang aya ni Elene sabay hatak sa akin papunta sa Gym.  Naabutan namin na nagbebreak time ngayon ang women volleyball team. Nahagip ng mga mata ko si Inez na nakaupo sa bleachers habang umiinom ng tubig. Nilapitan namin siya ni Elene. Tatlo talaga kami magkaibigan, iyon nga lang, Education din ang kinukuha ni Inez. She has a fair skin, tall with an athletic figures na bagay talaga dahil player siya. Dark brown eyes with thin eyebrows. Hanggang balikat lang ang kaniyang buhok. "Oh, napadaan kayo?" Salubong niya sa amin nang nakalapit na kami sa kaniya. "Binibisita ka lang, eh." Natatawang sagot sa kaniya ni Elene. Umupo kami sa tabi ni Inez. Nasa gitna namin siya. "May nakita akong pogi kanina." Napailing ako. Here we go again... "D'yan ka magaling, pogi ka ng pogi pero yung grades mo, hindi mo inaasikaso. Lalo na 'yung incomplete mo." Napasimangot naman itong si Elene dahil uumpisahan na naman siyang sermonan ni Inez. "Grabe ka talaga sa akin! Aasikasuhin ko din naman!" "Ilang sem na kaya nakatengga 'yung inc mo. Nako, kung ako sa iyo, asikasuhin mo na para wala ka nang poproblemahin kapag nag-OJT na." Dagdag pa ni Inez saka uminom ulit ng tubig. Minsan hindi magkasundo itong si Inez at Elene dahil sa pag-aaral. Steady kasi sa pag-aaral at pagiging varsity si Inez kaya wala siyang panahon para sa lovelife o lumandi, habang si Elene naman ay easy-go-lucky ang peg niya. Hays! _ Kinabukasan ay unang araw kong maging tutor ni Russel. Sayang lang, hindi ko siya nakita kahapon dahil alas kuwatro y media pa ang dating niya. Three thirty naman kaming umalis sa bahay nina Mrs. Ho kaya hindi ko din siya naabutan. Tanging panganay na anak lang ni Mrs. Ho. "Hi, Naya!" Nakangiting bati sa akin ni Mrs. Ho nang nakarating na ako sa bahay nila. "Good afternoon po, Mrs. Ho." Balik-bati ko sa kaniya na medyo nahihiya pa. "Nasa kuwarto na si Russel, hintayin mo lang at pababa na din iyon. Nagmeryenda ka na ba?" Napaawang ang bibig ko. "A-ah, o-okay lang po, Mrs. Ho. B-busog pa naman po ako." Sabi ko. She chuckled. "It's okay, iha. Kumain ka muna. Para may energy ka para makipag-argue kay Russel." Huh? Argue? Bakit? "Mom! Sabi ko naman kasi sa iyo huwag mo na akong kuhaan ng tutor!" Isang matinis na boses ang aming narinig. Napatingin kami sa hagdan. Tumambad sa amin ang isang batang lalaki. Nakasimangot ito. "Russel, behave." Saway ni Mrs. Ho sa kaniya. "She's Naya and she will be your tutor for a short time." "H-Hi..." Bati ko. Hindi nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Nakasimangot parin ito saka lumapit sa akin nang padabog. Muli siyang sinuway ni Mrs. Ho pero mukhang hindi nakikinig ang batang ito. "Sorry, Naya, ha? Ganyan talaga si Russel. Ihahanda ko lang ang meryenda ninyong dalawa." Wika ni Mrs. Ho na nababasa ko sa ekspresyon ng mukha niya na nahihiya. Agad akong umiling. "Okay lang po, Mrs. Ho." Nang iniwan kami ni Mrs. Ho ay tumingin ako kay Russel. Napabuntong-hininga ako saka nilapitan siya. "Uhm, let's start?" Tumingin siya sa akin. Isang masamang tingin ang iginawad niya sa akin. Kinuha ko ang english book niya saka binuklat iyon. Tiningnan ko ang pahina kung saan ang last discussion. May assignment pala siya! "May assignment ka, sagutan natin." Nakangiting sabi ko nang tiningnan ko siya. "Ayaw." Mariin niyang sagot. "Bakit naman?" "I want to play! Ayaw kong sagutan iyan." "You can play later, Russel. Basta sagutan natin itong assignment mo. Alright?" "Sabing ayaw ko. Bakit ba ang kulit mo?!" He almost shout at me. Mataimtim ko siyang tiningnan. Naniningkit ang mga mata ko. "Makulit ako kasi kailangan mong gawin ito. Kung hindi mo gagawin ito, hindi ka pwedeng lumabas para maglaro." Tumayo siya. "Hindi kita nanay!" Okay, Naya... Patience is a virtue... Tandaan mo iyan. "Russel! Huwag mong sigawan si Naya!" Biglang sabi ni Mrs. Ho na dala na niya ang meryenda at inilapag na niya iyon sa center table. Tumingin ako kay Mrs. Ho na nakangiti. "Ako na po ang bahala sa kaniya, Mrs. Ho." Parang nag-aalanganin pa si Mrs. Ho na iwan ako dahil sa kaniyang anak. Nag-aalala daw siya na baka anong gawin sa akin ni Russel but I insist. Muli akong tumingin kay Russel. "Okay, kung ayaw mo talagang sagutan... Hinding hindi ka makakalabas. Aabutin tayo ng gabi kung hindi mo pa gagawin iyan." And I crossed my arms. "Anong gusto mo? Maglalaro ka nang tapos mo na ang assignments mo o hindi ka makakapaglaro dahil hindi mo pa ito tapos? Choose one, Russel." Padabog siyang lumapit sa center table. Kumuha siya ng ballpen mula sa kaniyang pencil case at sinagutan niya ang assignment niya dahil wala na siyang choice. I can understand him. At his age, nasa isip pa nila ang paglalaro pero hindi rin nila pwedeng tabukan ang kaniyang responsibilidad sa school which is homework. "Kapag naperfect ko ang assignment ko, dapat may reward ako!" Sabi niya nang natapos naming sagutan ang assignment niya. I smirked. "Sure." -- "I'm done with my assignments. Can I play now?" Iritado niyang tanong sa akin. Sumandal ako sa sofa. "Sure." Halos matalon na siya sa tuwa nang pumayag ako na maglalaro na siya sa labas. Saktong lumapit sa akin si Mrs. Ho na may ngiti sa kaniyang mga labi. "Thank you so much, iha. Kanina nag-aalala ako na baka hindi sumunod sa iyo si Russel." I smiled. "You're welcome po, Mrs. Ho." "Tama pala ang sabi ni Elene sa akin. You can handle a kid like Russel." "N-naku! Hindi naman po..." Sabay kaming napatingin ni Mrs. Ho sa may hagdan na tila may pababa na dito. Medyo natigilan naman ako nang makita ko ang panganay niyang anak na si Keiran. He's wearing a simple printed shirt, a jersey shorts and slippers. Medyo magulo lang ang kaniyang buhok, siguro ay bagong gising. "Oh, you're awake! May pagkain pa sa Dining, anak. You can grab some." Wika ni Mrs. Ho sa panganay niyang anak. Tango lang ang sagot nito. Dumiretso siya sa kusina. _ Pagkatapos naming magmeryenda at magkwentuhan ni Mrs. Ho ay nagpasya na akong umuwi. Ayaw pa nga niya akong paalis dahil wala akong kasama para ihatid ako sa labasan pero nagpumilit parin ako. Hindi pa naman gabi na gabi. May tricycle pa naman sa may gate kaya okay lang. "Keiran!" Tawag ni Mrs. Ho nang nasa labas na kami ng bahay nila. Lumapit naman si Keiran sa amin. "Hmm?" "Pupunta ka naman kina Benedict, diba? Baka naman pwede mo nang isabay si Naya sa may waiting shed o hindi kaya sa mismong terminal na papuntang Paliparan Site?" Wala akong narinig na pagtatanggi mula kay Keiran. Sa halip ay tumango siya. "Ilalabas ko lang ang kotse." Sabay tinalikuran niya kami. "Ayan, sasabay ka na kay Keiran—" "N-nakakahiya naman po, Mrs. Ho... O-okay lang..." "Iha, babae ka. Hindi pwedeng palagi kang mag-isa. Panatag ako kung anak ko ang kasabay mo"  Napangiti ako. Hindi ko akalain na sobrang bait pala nito ni Mrs. Ho. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD