chapter 11

1627 Words
Parang hindi pa rin ako makapaniwala. Ako ang nililigawan ng isang Keiran Dimitri Ho! Ang lalaking kinababaliwan ng karamihan! Ang mala-heartthrob! Ang model! Ano ba itong naisiip ko?! Medyo nakakahiya pa nga dahil nahuli kami sa akto nina Mrs. Ho, Russel at ang maid nila na harap-harapang nagconfess sa akin si Keiran. Ang akala ko pa nga ay magagalit ng bonggang bongga si Mrs. Ho sa ginawa ni Keiran, kabalikataran pa ang nangyari. Tuwang tuwa pa siya. Nang araw ding iyon ay official nang nanliligaw sa akin si Keiran. Hindi ko muna sinabi kay Elene dahil busy nga siya. Siguro ay next week ko nang sasabihin sa kaniya. From Keiran: I'm already here. Outside. Text message mula kay Keiran. Sabado ngayon. Tulad ng usapan namin ay alas syete ng gabi dahil birthday ni Fae. Ngayon ko lang ulit siya makikita. May dala naman akong regalo para sa kaniya. Hindi nga lang kasing bongga tulad ng mga ireregalo ng mga kaibigan niya talaga. Binuksan ko ang pinto. Tumambad sa akin ang guwapong lalaki na nasa pintuan. He's wearing v-neck white printed tshirt na pinatungan iyon na black coat. Naka-faded jeans na nakatupi ang dulo at top sider shoes. Nakataas ang bangs niya kaya maaliwalas tingnan ang mukha niya. Kapag kasi nasa bahay nila, nakababa ang bangs niya. Ang mas nakuha ng aking pansin ay ang mga mata niya... his gentle and warm dark brown eyes. It's captivating... Wait, my gulay! Kung anu-ano na namang pinagsasabi ko! "You ready?" Nakangiti niyang tanong. I was wearing a simple baby blue lacy dress and a white flats. Nakafish braid din ang buhok ko. Simple lang din ang make up ko kahit na hindi talaga ako marunong. Pinag-aralan ko pa nga thru youtube. Dahil na din sa tulong ni Elene. Talagang inabala ko pa talaga siyang tulungan niya ako kahit na alam ko ay may ginagawa siya. "Yes po." Sagot ko na ngumiti din. He nodded and she gently hold my hand. "You're my date tonight." He announced. Yumuko ako na hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. Ginapangan tuloy ako ng hiya! Lalo humigpit ang pagkahawak ni Keiran sa kamay ko. "Let's go?" Tumango ako. Sabay kaming lumabas ng bahay. Talagang nilock ko pa ang gate. Hinintay naman ako ni Keiran. Nilagay ko ng susi sa leather shoulder bag ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat at pumasok ako doon. Sinara niya ang pinto pagkatapos ay umikot siya sa harap hanggang sa nakasakay na din siya. Binuhay niya ang makina ng kotse hanggang sa tuluyan na kaming nakaalis ng bahay. Sa Wood Land Hills gaganapin ang party ni Fae. Napag-alaman ko na dito rin pala siya nakatira pati ng kapatid niyang si Archie. Sabi din sa akin ni Keiran, sa ibang subdivision naman nakatira ang iba pa niyang mga pinsan, including Kal. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng club house ng subdivision. Pool party pala ang gaganapin dito. Mula dito ay rinig ko ang party songs na pinapatugtog sa loob. "We're here." He announced. Kinalas niya seatbelt at bumaling sa akin. "Pool party pala dito, Keiran..." I said. Tumingin ako sa kaniya. I saw him smiled. "There's no problem with that, Naya." Tumango ako. Binuksan niya ang pinto sa gilid niya habang ako naman ay kinalas na ang seatbelt sa katawan ko. Binuksan niya ang pinto na nasa gilid ko. Bago man ako lumabas ay nilahad niya ang kaniyang palad sa akin para alalayan niya akong lumabas. Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin iyon. "Thank you." Sabi ko. "Your welcome." Marahan niyang hinawakan ang aking kamay at pinatong niya iyon sa kaniyang braso. "They are waiting, let's go?" Muli akong tumango. "Nayaaa! Buti nakarating ka!" Salubong sa akin ni Fae. Binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap na akala mo ay ilang taon na kaming hindi nagkita. Bakas sa kaniyang mukha ang kasiyahan. Ginantihan ko siya ng yakap na nakangiti. "Happy birthday, Fae!" Malakas kong bati sa kaniya. Kumalas siya ng yakap sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Thank you!" Ipinakita ko sa kaniya ang paper bag na hawak ko. "Here's my gift for you. Sana magustuhan mo." Sabi ko. Nanlalaki ang mga mata niya nang inabot ko sa kaniya ang paper bag na hawak ko. Tinanggap niya iyon. "Grabe! Nag-abala ka pa, Naya! Pero thank you parin!" "Your welcome!" Bumaling siya kay Keiran. "Cous, kain muna kayo ni Naya! After niyan, alam mo na!" Malapad siyang ngumisi na hindi ko malaman kung ano ang ibig niyang sabihin. Ramdam ko ang marahan na pagkahawak sa akin ni Keiran sa braso. "I got it, Fae." Sa akin naman siya tumingin. "Let's eat first, Naya." Sumang-ayon naman ako. Sa totoo lang ay medyo nakaramdaman na din ako ng gutom. Maraming bisita si Fae. Pansin ko puros kaedaran lang namin ang narito. Bumabahang beverages at pagkain. Iba't ibang party songs ang pinapatugtog. Good thing, hindi sobrang lakas ng tugtog dahil baka makabulabog sa mga kapitbahay. How about her parents? Nakikita ko din dito ang kapatid niyang si Archie kahit ang iba pa nilang pinsan na abala sa pakikipag-usap sa gilid ng pool. Pagkatapos kumain ay agad na naming dinaluhan ang mga pinsan ni Keiran, naroon na din si Fae. Masayang silang nag-uusap habang hawak nila ang wine flute na may mga lamang alak. "Nainom ka ba, Naya?" Tanong ni Fae na nakangiti. Hilaw akong ngumiti. "H-hindi, eh..." Nahihiyang sagot ko. "She's not allowed to drink liquor, Fae." Seryosong sabi ni Keiran sa pinsan niya. Fae rolled her eyes at Keiran. "Keiran, it's my birthday! Huwag ka ngang KJ!" Pikon niyang sabi. Tumingin sa akin si Keiran. "Kaya mo ba?" Napangiwi ako. "Mga kaunting shots lang, sasabihin ko naman kung nahihilo na ako." "Yey! Here, Naya. Try this." Sabi ni Fae sabay abot niya sa akin ang isang shot glass. "Margarita." Tinanggap ko ang alak na bigay ni Fae. Bago ko man inumin iyon ay sumulyap ako kay Keiran. His eyes on me! Kita ko pa ang pagtango niya na parang sumang-ayon siya sa aking gagawin. Pumikit ako ng mariin saka ilagok ko ang alak. Oh my! Ang pait! "Wow!" Sabay nilang kumento na narinig ko pagkatapos kong inumin ang alak. "Are you okay?" Keiran asked me, worriedly. Tango lang ang naisagot ko sa kaniya. Parang hindi ko kinaya ang alak na iyon! Masyado siyang matapang! Unti-unti na tinatanggap ng sistema ko ang alak. Panay kwentuhan namin. Palaging nasa tabi ko si Keiran para alalayan ako. Panay tanong niya sa akin kung okay pa daw ba ako? Kung kaya ko pa? Kung gusto ko na daw bang umuwi? Habang abala sila sa pagkukwentuhan ay bumaling ako kay Fae. Kinalabit ko siya kaya nakuha ko ang kaniyang atensyon. "Yes, Naya?" Rinig ko pa rin ang kaniyang boses kahit na malakas pa rin ang tugtog. Napangiwi ako. "Naiihi na kasi ako, tanong ko lang kung saan ang banyo?" Nahihiyang bulong ko. "Pumasok ka lang d'yan sa club house. Sa first floor lang 'yung CR dito." Sabay turo niya sa club house na katabi lang ng pool are. Tumango ako. "Thank you." Sabay tumayo na ako. "Where are you going?" Malumanay na tanong ni Keiran. "Banyo lang." Mahinang sagot ko. "Mabilis lang ako, wait." Then nilayasan ko muna sila sa pwesto. Good thing, hindi ako lasing. Ayon kasi kay Elene, para hindi daw ako malasing ng bonggang-bongga, dapat iihi ko lang para mawawala ang tama ng alak sa sistema ko. Dahil masunurin ako, susundin ko ang payo niya.Fortunately, walang pila sa cr. Mukhang busy sila sa kani-kanilang kausap. Pagkatapos kong mangbanyo ay naghugas ako ng kamay at pinatuyo ito. Pinihit ko ang pinto para makalabas na. Pabalik na sana ako nang biglang may humarang sa dinadaanan ko. Tatlong babae. "So you're Keiran's date for tonight, hm?" Sabi ng babae na nasa gitna. She's wearing hot pink skirt and white crop top. Naka-heels siya. Kapansin-pansin ang kaniyang pulang lipstick. "H-ha?" Animo'y nabingi ako sa kaniyang sinabi. Napangiwi siya sa aking inakto. "You look like an angel, pero ugali mo mala-demonyo. Tell me, kaya ka lang dumidikit sa magpipinasan na Ho dahil famewhore ka, right? O dahil gold digger ka din?" She smirked. Okay, Naya. Huwag mo silang patulan. Hindi mo sila ka-level. Tumingin ako sa kanila at binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti. "Excuse me, medyo busy po ako..." Tinalikuran ko sila pero... "Huwag kang bastos!" Sabay hawak niya sa braso ko. "Kinakausap pa kita!" Malakas niyang sabi.  Nagpapigil naman ako. Pumikit ako ng mariin. Oh, god. Please, iligtas ninyo ako... "Ano? Hindi ka makasagot dahil totoo ang sinasabi namin, ha?!" She's out of control. Talagang nilakasan niya ang boses para makuha niya ang atensyon ng mga bisita. "If she's a gold digger o fame w***e, how about you?" Biglang may nagsalita na boses lalaki. Napatingin kami kung sino iyon. Nasa tabi ko siya. Natigilan ako nang makita ko ang lalaki iyon. Ang matangkad at maputi na lalaki! Ang walang emosyon niyang mukha, ang magulo niyang buhok na kulay tsokolate, his hazel brown eyes, ang lalaking may hikaw sa tainga. He's familiar! "F-Flare..." Tawag sa kaniya ng babae na nasa gitna. Bakas sa kanila ang pagkawindang nang nasa harap na nila ang lalaking ito. "You're a gate crashers. The last time I check, hindi kayo invited sa party na ito." Mariin niyang sabi. Matalim ang tingin niya sa mga babae na nasa harap namin. "If I were you, umalis nalang kayo baka kayo pa ang uuwi nang luhaan." Then he smirked. Nanggagalaiti ang babae sa gitna. Alam kong naiinis siya. Padabog niya kaming tinalikuran, sumama sa kaniya ang mga alagad niya. "Hey, you okay?" He asked. "S-salamat..." "Naya!" Rinig kong tawag ni Keiran. Tumingin ako sa kaniyang direksyon. Natigilan siya. Nasa likuran niya ang iba pa niyang mga pinsan. Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang makita niya ang lalaking katabi ko. "Flare." "Yoh." Tamad na bati sa kaniya nung Flare. "It's been a while, Keiran." Hindi agad nakapagsalita si Keiran. I saw his jaw clenched. Parang kulang nalang ay suntukin niya ang tinutukoy na Flare. "I saved your girl, Keiran. So you better watch her." Ang huling sinabi niya hanggang sa tinalikuran niya kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD