Parang nawala ang tama ng alak sa aking sistema habang pauwi na kami ni Keiran. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Panay sorry ko naman kay Fae dahil mukhang nasira ang kaniyang party dahil sa nangyari. Gustuhin ko man magtanong kung bakit ganoon ang reaction niya sa lalaking nagligtas sa akin pero hindi ko naman magawa. Natatakot tuloy akong i-open up.
Kung hindi ako nagkakamali. Siya ang lalaking nakabangga ko noong nasa race track kami sa may Carmona. He looks like a bad boy dahil sa kaniyang hitsura. Wait, kailan pa ako naging judgemental?!
Tumigil ang kotse niya sa mismong tapat ng bahay namin. Kinalas ko ang seatbelt. Bumaling ako sa kaniya. "Keiran?"
"Naya..." Malumanay niyang tawag sa aking pangalan. Tumingin siya sa akin. Seryoso iyon. "I'm sorry..."
Ngumiti ako. "Okay lang, Keiran." Sabi ko.
Huminga siya ng malalim. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay na para bang pinag-aaralan niya iyon. "Dapat pala ay doble ang pagbabantay ko sa iyo." Sabi niya.
Pakurap-kurap ko siyang tiningnan.
"That guy, Flare..." He started. "My ex-bestfriend."
Ilang segundo ako tumahimik. Ex-bestfriend niya ang Flare na iyon?! How come?!
"Pumasok ka na sa loob, so you can take some rest." Sabi niya.
Lumunok ako't tumango. "Mag-iingat ka sa pag-uwi ha?"
Siya naman ang tumango. "Yeah, I'll text you once I got home."
Hindi ko na siya pinalabas pa para pagbuksan ako ng pinto. Ako na ang kusang nagbukas para makalabas. Bago ko tuluyang isara ay tumingin ako kay Keiran. "Ingat ulit." Ang huling sinabi ko bago ko tuluyang sinara ang pinto.
Lunes ng umaga ay alas sais akong nagising. Nasa harap lang ako ng salamin at nagsisipilyo. Biglang sumagi sa isipan ko na ex-bestfriend ni Keiran si Flare. Bakit kaya ganoon? Uso rin pala sa mga lalaki ang friendship over. Ang akala ko ay nature sa kanila ang asaran at pikunan. Sa tingin ko ay may malalim na dahilan kung bakit humantong sa ganoon ang dalawa.
Napabuntong-hininga ako habang may nagrereport sa harap. Hindi ko na masundan ang sinasabi ng reporter dahil sa iniisip ko.
"Uy, okay ka lang?" Bulong sa akin ni Elene nasa aking tabi.
Bumaling ako sa kaniya't tumango. "Ok lang ako. Medyo pagod lang siguro ako."
"Kamusta ang party?"
Ngumuso ako. "Okay naman sa una kaso biglang may nang-away sa akin..."
Nanlalaki ang mga mata niya sa aking sinabi. "What? May nang-away sa iyo? Sino?" Mariin niyang tanong kahit bulong parin.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko kilala, eh. Pero buti nalang niligtas ako nung Flare..."
"Flare?" Ulit pa niya saka nag-isip ng ilang segundo. Mas lalo namilog ang mga mata niya na para bang may narealize siya. "Omy! Si Flare Hoffman ba iyong tinutukoy mo?"
Kumunot ang noo ko. "Flare Hoffman? Huh?"
She rolled her eyes. "Be, kung tama ang description ko sa kaniya. Siya ba iyong lalaking magulo ang buhok? Iyong mukhang badboy tas may hikaw ang tainga? 'Yung mukhang kano?"
I draw an amusement across my face. "Kilala mo siya?"
Tumango siya. "Yep. Sino bang hindi makakilala sa lalaking iyon? Sumisikat na sa youtube iyon. Mahilig kasi siyang magcover ng mga kanta iyon. Taga-LPU - Gen Tri iyon." Gen Tri also known as General Trias na isa ding municipality dito sa Cavite. "Omg. Nakilala mo pala sa personal iyon? Ang swerte mo."
No comment na muna ako. Hindi lang pala mga basta-basta ang mga taong nakikilala ko ngayon. Hindi na normal ito!
Pagkatapos ng klase ay vacant ulit namin. Magkahiwalay muna kami ni Elene dahil may kakausapin daw siyang kaklase niya sa isang subject. Maglalakad sana ako papunta sa Library sa kabilang building para mag-advance reading o di kaya tumambay nang biglang tumunog ang cellphone ko. Mabuti nalang ay nasa pathway ako ngayon at hindi nasa gitna ng kalsaa.
Si Keiran ang tumatawag.
"Hello?"
"Where are you, Naya?" Malumanay niyang tanong sa akin.
"Nasa pathway, pupunta sana ng Library. Gagawin ko na agad yung assignment para hindi na hassle bukas. Bakit?"
"Oh, I see. Hindi kasi ako makakasabay kumain sa iyo ngayon dahil may assignment din akong gagawin." He said.
Ngumiti ako. "Okay lang naman. Tipid-tipid din kasi sa gas." Biro ko pa.
"I can't help to see you, Naya."
Pinipigilan kong ngumiti. Pero kahit anong tago ko ay nahahalata pa rin. Shet, ayaw kong magmukhang ngiting-aso ako dito. Nakakahiya! Public place pa naman ito. Baka sabihin nila ay nababaliw na ako.
"Ewan ko sa iyo, Keiran." Pilit kong maging normal ang boses ko.
"I'll make up to you later. Susunduin kita pagkauwian mo." He assured.
"Oh sige. Ibaba ko muna ito para magawa ko na 'yung assignment." Then I end the call. Ibinalik ko iyon sa bulsa ng uniporme ko. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakarating na ako sa Library.
It's already 6 PM natapos ang last subject ko ngayong araw. Agaran kong iniligpit ang mga gamit ko. Napailing ako dahil hindi na pumasok si Elene. Nag-cutting nga talaga siya! Pambihira talaga ang babaeng iyon. HIndi man lang nagsabi kung saan pupunta.
Mabilisan akong lumabas ng classroom para puntahan ang parking lot kung saan ko makikita si Keiran. Ang sabi kasi niya susunduin niya daw ako.
Kakababa ko lang ng ground floor ay nakatanggap ako ng text message mula sa kaniya.
Keiran:
Nasa chapel ako.
Hindi na ako nagreply. Sa halip ay pinuntahan ko siya doon at hindi ako nabigo. Hindi ko lang inaasahan na hihintayin niya ako habang nasa labas siya ng kaniyang sasakyan. Nakasandal lang siya sa kaniyang kotse habang nakahalukipkip. Hindi ko na namang mapigilang mapangiti.
Napitingin siya sa aking direksyon. Umalis siya mula sa pagkasandal niya sa sasakyan saka nilapitan niya ako. "Hi," Bati niya sa akin.
"Hello..."
"Let's go?"
Tumango ako't sabay naming pinuntahan ang sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok ako saka sinara din niya ang pinto ng passenger's seat. Hinintay ko hanggang sa marating din niya ang driver's seat.
"Are you hungry? Kain muna tayo." He said.
"Okay lang sa akin." Sagot ko, tanda na din na pagsang-ayon ko.
Binuhay niya ang makina saka pinaandar na niya iyon hanggang sa nakalabas na kami ng University.
"You want heavy or light lang?" Tanong niya sa akin habang nasa kalsada ang mga mata niya.
Saglit ako nag-isip. "Hmm, okay sa aking magfoodtrip so heavy na lang."
I heard him chuckled.
"Eh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"I'm glad you're not picky when it comes to food." He answered.
Nagkibit-balikat ako. "Ang sarap kayang kumain. Ang sabi nga ni mama, hangga't binibiyayaan ka pa ng pagkain, kumain ka." Ngumiti ako. Bigla ko na naman naalala si mama at papa. Bigla ko tuloy ko sila namiss.
"Hindi mo pa ba sila nakakausap?" Tanong niya.
"Nakakausap pa rin naman. Madalang nga lang. Alam ko namang busy sila at busy din ako."
Huminto ang sasakyan sa Sunset Food Park. Sabay kaming lumabas ni Keiran at pumasok sa loob. Marami palang costumer dito. Hindi ko iyon inaasahan.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya.
Nahagilap ng aking mga mata ang pagkain na malapit sa amin. Bigla tuloy ako natakam. "Pizza and tacos." Sagot ko. Tumingin ako sa kaniya.
"Alright. I'll order pizza and tacos. Hanap ka muna ng mauupuan natin."
Sinunod ko naman ang kaniyang sinabi. Naghanap ako ng mauupuan.
"Hey, Keiran's girl."
Natigilan ako. Pamilyar sa akin ang boses na iyon. Agad akong lumingon kung sino. Napaawang ang bibig ko nang nasa harap ko ang lalaki na nakaleather jacker, black tshirt at nakafaded jeans. Kilalang kilala ko siya dahil sa magulo niyang buhok lalo na ang hikaw sa kaniyang tainga.
"F-Flare..." Mahina kong tawag sa kaniyang pangalan.
Walang emosyon nag kaniyang mukha. Humakbang siya ng dalawa palapit sa akin. "As far as I remember, hindi ko pa binibigay ang pangalan ko sa iyo pati ang pangalan mo ay hindi ko pa nakukuha. How come do you know my name, hm?" Then he smirked.
I gulped. Hindi ako makapagsalita. Oo nga naman, hindi pa kami nagpakilala sa isa't isa. Ang tanging naalala ko lang ay nakabangga ko siya't niligtas niya ako.
"Sorry kung ganoon." I said. "You're quite popular now a days, diba? You're a youtube senstation ngayon, eh." Palusot ko. Thanks for Elene's information!
"I see." Nagkibit lang siya ng balikat. "I bet you're with Keiran."
"Oo, kasama ko siya. Gusto mo siyang kausap?" May bakas na pagiging sarkastiko kong sinabi iyon.
Umiba ang ekspresyon ng mukha niya nang sabihin ko iyon. Mukhang nairita pa siya. Oo nga't niligtas niya ako pero kasi parang balak niya akong pagtripan kaya inunahan ko na.
⏩