Medyo late na ako natulog kagabi. Talagang gusto pa daw ako makausap ni Keiran. Kahit sa byahe pauwi ay panay text niya sa akin para hindi daw ako makatulog hanggang sa sumapit na nga ang alas diez ng gabi para tawagan niya ako. Ilang beses na ako nagtatangka na tanungin siya kung bakit niya ginagawa iyon pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Nakakahiya naman kasi. Baka anong sabihin niya kung sakaling itutuloy ko ang tanong na iyon.
"Doon tayo, Naya!" Sabi ni Elene sabay turo sa karinderya na nasa tapat lang ng school namin. Sumunod lang ako sa kaniya.
Sabay naming tiningnan ang menu. Bumaling ako kay manong na nag-aabang ng order namin. "Isang adobo sa gata po saka kanin." Sabi ko.
"Bicol express naman po sa akin saka kanin." Si Elene.
Mabilis kumilos si manong sabay inabot niya sa amin ang mga inorder naming pagkain. Kakain na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin sa akin si Elene na para bang inaabangan niya ang isang magandang balita.
Nakatanggap ako ng tawag mula kay Keiran!
Nagkatinginan kami ni Elene. Ngumisi siya't tumango. "Sagutin mo na." Utos niya sa akin.
Bumuntong-hininga ako't sinagot ko ang tawag niya. "Hello..."
"Kumain ka na?" Bungad niya.
"Kakain palang..." Tumingin ako kay Elene na ngiting-aso na. "B-bakit?"
"Sabay na tayo. Where are you? Puntahan kita."
"Nandito sa karinderya. Katabi ng basketball court." Sagot ko.
"Okay, I'll be there. Cut the line, Naya."
Kahit nagtataka ay sinunod ko pa rin ang sinabi niya. Pinutol ko ang tawag.
"Anong sabi?" Agad na tanong ni Elene sa akin na tila naeexcite siya.
"Tinanong niya kung kumain na ako—"
"Naya,"
Sabay kaming napatingin ni Elene sa direksyon ng nagmamay-ari ng boses. Napalunok ako nang wala sa oras. Alam ko namang pupuntahan ako ni Keiran dito pero bakit parang hindi pa rin ako makapaniwala na nakarating nga siya agad dito?!
"OMG!" Rinig kong bulalas ni Elene sa aking tabi.
He's wearing a DLSU uniform. Nakabrush up ang kaniyang buhok kaya naman nagmukhang maaliwalas ang kaniyang mukha. Mas tumitingkad ang kaguwapuhan niyang taglay. Dahil d'yan, napatingin sa kaniya ang iba naming schoolmate sa kaniyang presensya. Humakbang siya palapit sa amin.
"I hope I'm not late." Sabi niya. Bumaling siya kay Elene. "You're Elene, right? Naya's friend?"
"Ay! Oo, ako nga! Hehe." Bakas sa boses niya na kinikilig siya.
Sa akin naman siya tumingin. Medyo nagulat pa ako na tumabi siya sa akin dahil pahaba ang upuan na inuupuan namin.
"W-wala ka bang klase ngayon? Napagawi ka dito..." Mahinang sabi ko.
"It's my vacant time."
"At dito ka pa talaga maglalunch?" I said in disbelief.
He shrugged. "Yep, I want to eat lunch with you." Bumaling siya kay manong. "Manong, oorder ako ng tulad sa kaniya."
Agad naman kumilos si manong para sa order niya.
"And I want to talk to you." He added.
Tumingin ako sa kaniya na may pagtataka. "Tungkol saan naman?"
"You know my cousin Fae, right?"
Tumango ako bilang sagot. "What about her?"
"It's her birthday tomorrow. But she decided to celebrate it on Saturday." Tumigil siya saglit nang inabot na ni Manong ang kaniyang order. Tinanggap niya iyon saka inayos ang pagkain. "She want you to come, pwede mo rin isama ang kaibigan mo."
"I have class on Saturday..."
"Don't worry, sa gabi naman gaganapin iyon. Sa umaga lang naman ang klase ninyo, hindi ba?" Muli siyang tumingin kay Elene. "Okay lang ba?"
Bumaling din ako kay Elene. Kita ko na parang naghehesitate siya. Mukhang alam ko na ang ibig niyang ipahiwatig. "I'm sorry, I can't make it this week, sobrang busy ako ng araw na iyan. You know, part time..."
"How about you, Naya?" Sa akin naman dumako ang atensyon ni Keiran. "Are you available that time? I hope you are."
Hilaw akong ngumiti. "Pwede naman..."
Malapad ngumiti si Keiran sa aking sinagot na para bang nanalo siya sa isang pustahan. "So it's settled then. I'll pick you up at seven sharp."
Buhat nang nalaman ko na may gustong ligawan si Keiran ay alam kong hindi ako iyon. Sino ba ako para gustuhin ni Keiran? Bigla lang naman ang pagsulpot ko sa bahay bilang tutor ng kapatid niyang si Russel. Isang babae na may pangarap sa buhay.
I want to step back. I need to step back bago man ako mapunta sa hindi dapat. Hindi ako maaaring mainlove sa kaniya. Hindi pupwede. Ayokong may masabi si Mrs. Ho sa akin. Kaya nga ako nagpupunta sa bahay nila ay para maging tutor ni Russel at hindi para lumandi sa panganay niyang anak.
Hangga't maaga pa, kailangan kong ilayo ang sarili ko sa kaniya.
Huwebes. Araw na kailangan kong pumunta sa bahay ng mga Ho para turuan si Russel. Nakatanggap pa ako ng tawag mula kay Keiran na susunduin niya ako pero ang sabi ko nalang ay sa waiting shed nalang niya ako susunduin kung saan papasok sa Subdivision nila.
"Hindi ka ba nahassle sa waiting shed?" He asked while he's driving. Papunta na kami sa bahay nila.
"Okay lang naman." Tanging nasagot ko pero nakadungaw lang ako sa bintana. Pinipilit kong huwag tumingin sa kaniya. Isa sa mga way ko para maiwasan ko na siya at nagsisimula na ngayon.
"Two days mo akong hindi kinakausap." Muli niyang sabi.
Yes, sinadya ko talaga siyang hindi kausapin sa loob ng dalawang araw. Sinisimulan ko na kasi. "Medyo busy lang ako." Palusot ko kahit naman na ang totoo ay nakatunganga lang ako sa bahay. Gustuhin ko man ibaling sa pag-aaral ng mga oras na iyon ay hindi ko magawa. Saka, useless lang din. Walang papasok sa utak ko kung sakaling itutuloy ko ang pag-aadvance study ko.
Nakarating na kami sa bahay nila. Sinalubong kami ni Mrs. Ho na may ngiti sa kaniyang mga labi.
"Good afternoon po, Mrs. Ho!" Maligayang bati ko sa kaniya.
"Good afternoon din, iha. Halika, pasok na kayo. May inihanda akong meryenda. Nagbibihis pa si Russel." Aniya sabay inakay niya ako papasok sa sa bahay nila.
Bumungad sa amin ang dalawang hiwa ng blueberry cake nasa tig-iisang plato. May dalawnag baso din ng juice.
"Hindi pa nakapagmeryenda si Keiran kaya sabay muna kayo magmeryenda. Aakyatin ko muna si Russel sa kuwarto niya. Maiwan ko muna kayo." Paalam niya sa amin.
"Upo ka muna," Wika ni Keiran.
Sumunod ako. Umupo naman ako. Kinuha ko ang plato na may lamang blueberry cake. Kumain ako.
"Naya,"
Bumaling ako sa kaniya. "Hmm?"
Medyo kinabahan ako dahil sa ekspresyon ng kaniyang mukha. I can see his jaw clenched. I can his po-faced. "Are you avoiding me?"
Napalunok ako sa sinabi niya. Ginapangan agad ako ng kaba sa aking dibdib. Ano nga ba ang isasagot ko? Oo o hindi?
Hilaw akong ngumiti. "B-bakit ko naman g-gagawin iyon?" Come on, Naya! Act innocent! Be cooperate, okay?!
"Because I noticed it." Sabi niya. Bakas sa kaniyang tinig na pilit niyang maging kalmado. "Is there something wrong, Naya? May nagawa ba akong masama? Na ikinagalit mo? Tell me."
Parang may nakabara na kung ano sa aking lalamunan. Ni hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita. Instead, I shook my head.
"Naya..."
Marahan akong ipinikit ang mga mata ko. Bumuntong-hininga ako. I composed myself for a seconds then I glanced at him. "Ayokong may masira akong relasyon, Keiran." I said calmly.
Kita ko ang pagkunot ng noo niya sa sinabi ko. "W-what? Relasyon?" Tila ba naguguluhan siya sa sinabi ko.
Tumango ako. "Hindi ba may nililigawan ka? P-papaano kung ma-misinterpret niya tungkol sa akin? Imbis sagutin ka niya... mabasted ka pa niya..." Yumuko ako. Damn, ano na naman ba itong nasabi ko!?
Tumayo siya at bigla siyang lumuhod sa harap ko! Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. I can his gentle and warm dark brown eyes closely. "K-Keiran..." Walang sabi na marahan niyang hinawakan ang mga kamay ko. "W-what are you doing?"
"Yes, may nililigawan nga ako, Naya." Sa wakas ay sinabi niya.
Parang may kumurot sa parte ng aking puso nang narinig ko ang mga salita na binitawan niya. Hindi lang iyon. Para akong sinaksak! Damn, what's wrong with me? Bakit ganito ang nararamdaman ko?!
"Pero huwag mo namang gawin ito, ang layuan ako. Papaano pa ako lalo magiging malapit sa iyo, hm?" Malumanay niyang sabi. "Papaano pa ako magiging malapit sa nililigawan ko?"
Ako naman ang napakunot ng noo dahil sa naguguluhan. "A-anong sinasabi mo?"
Ramdam ko na mas lalo humigpit ang pagkahawak niya sa aking kamay. Unti-unti sumisilay ang ngiti sa kaniya mga labi. "Ikaw ang tinutukoy ko, Naya."
"H-ha?" Mas lalo ako naguguluhan!
Mas lalo lumapad ang ngiti niya. "Ikaw ang nililigawan ko, Naya... Ikaw lang."
Ang mga negatibong nararamdaman ko kanina ay unti-unti naglalaho! Napalitan iyon ng saya. Kasabay ang pagbilis ng pintig ng aking puso at pagwawala nang kung ano sa aking tiyan!
⏩