chapter 9

1226 Words
Halos ayaw akong lubayan ni Elene para magkwento daw ako tungkol sa amin ni Keiran. Ang tanging sinabi ko lang ay nagkakausap naman kami. Iyon lang. Wala nang lalagpasan pa doon. Siguro ayaw ko lang mag-assume na nagkakasundo kami. "Eh bakit iba na ang pinopost niya sa twitter niya?" Sabi niya habang papunta na kami sa Da Nicole. Tumaas ang isang kilay ko nang tingnan ko siya. "Anong ibig mong sabihin?" I asked. Nagkamot ng kilay si Elene saka umupo sa tapat ko. "Parang may nagugustuhan siyang babae pero wala naman siyang binibigay na hint. Ang mas nakakaloka pa, niretweet pa ng mga pinsan niya!" Bulalas niya na malapad ang ngisi na nakakaloko. "Baka may balita ka, may nililigawan na ba siya?" Gustuhin ko mang sagutin na 'OO', hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit. Ang tanging naiitindihan ko lang ay parang kunurot ang puso ko sa tuwing naalala ko ang huling sinabi niya. What the hell? Ano bang nangyayari sa akin?! "Hindi ko alam, be." I finally answered. She pouted, as if she's very disappointed. Wala talaga siyang mahihita sa akin ngayon. Kahit na sabihin nating crush na crush niya si Keiran Ho. "Anubayun! Sayang! Hindi man lang ako makasaganap ng tsismis!" "Para saan ba?" Isinandal niya ang kaniyang likod sa upuan at napabuntong-hininga. "Para makita natin kung may pag-asa ka pa!" "H-huh?" Whut? Bigla ako naguluhan! Napangiwi siya. "Alam mo kasi, hindi ka naman pangit, eh. Hindi ka lang pala-ayos which is okay siya. What more kung nag-aayos ka talaga? Eh paniguradong bagay na bagay ka doon kay Keiran! Hmp!" Nanatili lang akong tahimik. Alam ko kahit papaano tungkol kay Keiran. Of course with Fae's help. Talagang nilaglag niya ang pinsan niya sa akin. "Try mo kaya mag-ayos kahit minsan, be. Try mo 'yung ,mga pormahan ng mga babae sa tumblr." Sabay nilabas niya ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa. Nanatili siyang nakatitig doon ng ilang segundo na tila may hinahanap siya. Nang mahanap na niya ito, agad niyang itinutok sa akin ang screen ng cellphone. "Heto ang mga tinutukoy ko, girl!" Heto pala ang mga bihis ng mga babae sa tumblr. Ang masasabi ko ay magagaling sila magdala ng mga damit. May halong Western and Asian trends. Bagay na bagay ang mga damit sa mga nagsusuot. Binawi niya ang kaniyang cellphone at parang may hinahanap pa siya. Ilang segundo din ay muli niya iyon ipinakita. Medyo natigilan ako nang makita ko ang account ni Keiran sa tumblr. Totoo nga ang sinasabi ni Elene. Walang halong biro o hindi nga siya nagiging exaggerated tuwing binabanggit niya ang tungkol kay Keiran. Marami nga itong followers at bawat post niya ay thousands ang nagugustuhan ng bawat litrato na kaniyang pinopost. Model ba siya? Bagay sa kaniya... "Nasagap ko lang din ang balitang model siya ngayon. Freelance yata. Nakilala lang din siya dahil racer daw siya ng motorsiklo..." Hindi ko na nasundan pa ang sinasabi ni Elene nang may sumagi sa isipan ko. Kaya pala marami siyang kakilala noong nagpunta kami sa isang racing track na malapit sa subdivision ng Montecarlo. Nabanggit din sa akin ni Fae na doon madalas nagpapraktis ang mga pinsan niya lalo na't may laban ito. Hindi ko na matandaan kung saan. Malalayo daw, eh. Keiran: Nakauwi ka na ba? Iyan ang natanggap kong mensahe mula sa kaniya nang nakauwi na ako ng bahay ngayong sabado ng hapon. Nag-pm siya sa f*******:, hindi nalang mismong text message. Pambihirang lalaking ito. Nakita kong online pa rin siya kaya nagreply ako. Ako: Kakauwi ko lang. Bakit? Keiran: I was checking on you. Checking on me? Bakit naman? Wala naman akong sakit o anuman. Nagkibit-balikat ako't inilapag ko muna ang cellphone ko sa kama at nagpalit muna ng damit. Muling tumunog ang notification galing messenger. Keiran: Naya Sasagutin ko ba? Hala, kahit naman na ayaw ko munang sumagot sa chat niya ay malalaman niyang sineseen ko siya. Ako: Bakit? Keiran: What are you doing right now? Ako: Hm, magpapahinga lang saglit. Bakit? Keiran: Nothing. I'm just asking. Ako: Sikat ka pala sa tumblr? Keiran: Where did you get that info? (With blank face) Ako: Sabi lang sa akin ng kaibigan ko. 'Yung kasama ko noong una naming punta sa bahay mo para ako magchu-tutor para kay Russel? Keiran: Oh, I see. Ako: Eh ikaw ba? Ano bang ginagawa mo ngayon? Keiran: I'm just doing some origami too. Tumaas ang kilay ko sa chat niya. Hindi ko mapigilang mapangiti. Ang akala ko ang pagturo ko sa kaniya ng origami na pusa ang una't huli na magagawa niya. Mayroon pa pala! Ako: Talaga? Ano ba iyang ginagawa mo? Keiran: Roses. I want to give thiis for a special girl. Unti-unti nawawala ang ngiti sa aking mga labi. Kasabay nun na parang tinusok ng karayom ang parte ng puso ko sa aking binabasa. May special girl na pala siya... Pinili ko nalang na huwag nang magreply. Wala na akong pakialam kung malaman niyang seenzoned siya sa akin. Biglang sumama ang pakiramdam ko. Linggo ngayon. Ngayon ko lang napagtanto na may pupunta ako sa bahay ng mga Ho para mag-tutor ulit kay Russel pero laking pasalamat ko dahil hindi matutuloy iyon ngayon. Nakatanggap kasi ako ng text mula kay Mrs. Ho na may importanteng lakad sila papuntang Maynila kaya ipinagliban muna ngayon ang pagtuturo ko kay Russel ngayong araw... Para makaiwas muna ako kahit papaano kay Keiran. Now, I'm just thinking... Ano na ang gagawin ko ngayong araw? Ah! Laundry! Tama! Kailangan ko na din maglaba para may uniform ako para bukas! May natanggap pa akong message galing kay Keiran pero hindi na ako nag-abala pang replyan iyon. Kung magtatanong siya kung bakit, atleast may palusot ako. May rason ako. Para hindi na rin halata na iiwasan ko siya... Hapon na akong natapos sa paglalaba. Tapos na din ako magsampay. Yey! Kahit medyo masakit ang katawan ko ay okay lang. Feeling ko, naging productive ngayong araw. Parang nakalimutan ko si Keiran kahit panandalian lang. Nagpapahinga ako sa salas. Nagpasya akong manood muna ng tv nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tunog iyon mula sa messenger. Keiran: Naya? You there? Gumuhit ng pagtataka sa aking mukha. Nagtipa ako para replyan siya. Ako: Yep. Bakit? Keiran: What are you doing? Are you busy? Ako: Kakatapos ko lang maglaba. Sa ngayon, nagpapahinga muna ako. Keiran: How about later? May gagawin ka? Ako: Wala naman. Keiran: Hindi ka mag-aadvance study? Homework? Paperworks? Ako: Hm, nope. Pahinga ako ngayon. Keiran: I hope you're still awake at 10. Bahagyang kumunot ang noo ko. Ako: Bakit naman? Keiran: I'm going to call you. Natigilan ako. Pakurap-kurap kong tinititigan ang screen ng cellphone ko sa nabasa ko. Bakit naman niya ako tatawagan? Para saan? Keiran: Naya Nnaumbalik ang ulirat ko nang muling tumunog ang messenger. Ako: Bakit? Bigo akong makatanggap ng reply mula sa kaniya. Bigla nalang siya nag-offline sa hindi ko malaman na dahilan. Nagkibit-balikat ako't dineactivate ko ang wifi sa phone ko. Halos mahagis ko ito nang bigla itong tumunog. Caller tone! And the caller is Keiran! Natataranta ko namang sinagot ang tawag. "K-Keiran..." "I can't wait to strike 10 PM, Naya." He said with his baritone voice. "Bakit ka na-napatawag?" Damn, bakit ba ako natataranta?! "I was bored here." And I heard him sighed. "Family gathering ninyo ngayon, diba? Okay lang 'yan. Minsan lang naman kayo magbonding." I said and I bit my thumbnail. "I probably choose to stay there with you, Naya." He said. Natigilan ako sa sinabi niya. Ano daw? Mas gusto niyang dumito siya magstay sa bahay? "Ano naman ang gagawin mo dito, Keiran? Mas boring ang bahay namin." Wala na akong maisip pa na sasabihin. "It doesn't matter, Naya. Kasama naman kita." I gulped. Speechless. Wala akong makapang salita para sagutin ang kaniyang sinasabi. Pero ang mas malinaw, parang nagwala ang sistema ko... ⏩
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD