"What the f**k are you doing here?!" Iritadong tanong ni Keiran kay Flare.
Ngumuso si Flare sabay nagkibit-balikat siya na para bang inosente siya sa isang krimen. "I just want to see your girl, dude. Is that a problem?" Then he glare grinned. "Did I destroy the sweet momentum, hm?"
Pakurap-kurap ko silang tiningnan. Nagtataka. "O-okay na kayo?" Tanong ko na tila hindi pa makapaniwala sa aking nasaksihan. Sabay turo ko sa kanilang dalawa.
Tuwid tumayo si Keiran at tumikhim. Samantalang si Flare naman ay humalukipkip saka sumandal sa pader.
"We're sixty percent okay now, Naya." Si Flare ang sumagot pero hindi maalis ang nakakalokong ngisi.
"H-how?" Muli kong tanong.
"Pumunta ako sa bahay nila kagabi para kausapin siya. He grab my collar as his greetings, well..." Tumingin siya kay Keiran. "I told everything and I explained my side. Buti nalang hindi niya magawang suntukin ang guwapo kong mukha."
Inirapan siya ni Keiran. Lumapit siya sa mesa para ipagpatuloy ang gagawin. "Kung wala kang magawa o maitulong dito, you better get off your ass here, Flare." Bakas parin sa kaniyang tinig ang inis.
"Oy, bunganga mo naman, pre. Nariyan si Naya, oh. Sige ka, matu-turn off sa iyo iyan." Sabi ni Flare na may halo pang-aasar.
Matalim niya itong tiningnan. "Shut up, Flare."
Flare chuckled. Bumaling siya sa akin. "Nga pala, Naya. Sorry kung nadamay ka yata sa away naming dalawa. Saka, approve ako sa relationship na meron kayo." Then he give me a thumbs up.
Napangiti ako. Hindi ko akalain na may ganitong ugali pala si Flare. Ang akala ko kasi, tulad ni Keiran ay may pa-mysterious effect. Iyon lang din ang impresyon ko sa kaniya noong una ko siya nakita.
"Oy, pre! Ni-like at nagcomment ako sa picture ninyo ni Naya kahapon. Pambihira ka, hindi mo man lang ako namention!" Dagdag pa ni Flare sa pangungulit niya kay Keiran.
"Wala naman akong sasabihin sa iyo." Pagsusuplado pa nito sa kaniya.
"Kahit mention lang ng pangalan ko, dude!"
Napailing ako't hindi maalis ang ngiti sa aking labi habang pinapanood ko ang dalawa sa kanilang kulitan moments. Hindi ko akalain na ganito pala sila kaclose. Sayang lang, hindi ko nasaksihan ang bonding nila bago sila nag-away. Di bale, makikita ko pa rin naman iyon. Siguro, this is a new beginning for them.
Mas lalong nainis si Keiran dahil hindi talaga umalis si Flare dito sa bahay. Dito na siya kumain ng lunch.Tumulong din naman siya. Iyon nga lang ay panay kwento niya para daw hindi kami mabored. Ang nakakaloka lang ay nilalaglag niya si Keiran sa akin. Kaya naman ang isa ay napipikon. Kulang nalang ay bugbugin niya ito.
"Oo nga pala, chinat ko si Fae kanina bago ako pumunta dito." Sabi ni Flare habang nasa hapag kami. "May lakad pala kayo. Pupunta kayo ng Baguio?"
"Yeah," Si Keiran ang sumagot. "Bakit?"
"Hindi ninyo ako inaya." Saka ngumuso siya. "Gusto ko sumama."
"Mag-iingay ka lang."
"Oy! Behave ako, pre!" Bumaling siya sa akin. "Naya, sabihan mo naman ang jowa mo na sama ako." At talagang nagsad face siya.
Natawa naman ako sa kaniyang inakto. Sa hitsura ngayon ni Flare ay parang kaawa-awa siya dahil mukhang gustong nga talaga niyang sumama.
"Don't use her, Flare. Naya, don't listen to him." With his warning tone. He glare at his bestfriend. "After you eat, you get outta here."
Umingos si Flare. "Ayaw mo lang maistorbo." Saka ngumisi. "Aalis ako pero sa isang kondisyon."
"What?"
"Aalis ako dito para masolo mo si Naya. Pero isasama mo ako papuntang Baguio."
Tumingin ako kay Keiran. Masuyo kong hinawakan ang kaniyang kamay. "Sige na, pumayag ka na. Para naman makasama din natin siya sa pagbabonding. Mukhang namiss ka nga bestfriend mo, oh." Sabi ko.
Bumaling si Keiran kay Flare na nakangiwi. He sighed, tanda ng pagsuko. "Alright. I'll call Fae to fix everything. Tsk."
Parang bata na tuwang tuwa si Flare nang pumayag na si Keiran na sumama siya.
"Kani-kaniyang kotse ba ang gagamitin?" Tanong pa ni Flare.
Tumango lang si Keiran.
"Hindi ko dadalhin ang akin. Makikisakay ako sa iyo."
Nanlalaki ang mga mata ni Keiran sa sinabi ng kaibigan. "Pinayagan na nga kitang sumama, makikisakay ka pa sa sasakyan ko?!" Hindi na niya mapigilang sigawan ang bestfriend niya.
"Dude, mahirap magdrive lalo na kung ganoong kalayo, alam mo 'yan." Ngumisi siya. "Ganito lang, salitan tayo. Kapag ako naman ang driver ninyo, pwede mo naman masolo si Naya, eh. Kahit sa backseat kayo. Basta walang rated spg, ha?"
Napalunok ako't nag-iinit ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. Mukhang naiitindihan ko ang ibig niyang sabihin na rated spg. My god!
Dahil d'yan ay binatukan siya ni Keiran. "Shut up, Flare. Kapag hindi na ako makapagtimpi, susunugin na kita nang buhay!"
*
Nanonood lang ako ng telebisyon habang hinihintay ko ang pagdating ni Keiran. Kasama din syempre si Flare sa pagpunta namin sa Baguio. Nakatanggap ako ng text na alas siete ako susunduin. Napangiti pa ako dahil talagang tinext niya sa akin na naiirita siya sa kaingayan ni Flare. Ibig sabihin ay magkasama silang dalawa sa sasakyan ni Keiran.
Ilang minuto pa ay narinig ko ang busina sa labas ng bahay namin. Agad ako tumayo para salubungin silang dalawa.
"Hey, pretty." Nakangiting bati sa akin ni Keiran nang pagbuksan ko siya ng gate.
"Keiran," Dahil sa tuwa ko ay pangalan niya lang nasabi ko.
Nakuha ng atensyon ko ang pagsara ng pinto mula sa kotse ni Keiran. Si Flare ang lumabas doon saka lumapit sa amin. "Hi, Naya!" He cheerfully greet me. "Narito na ang mga guwapo para sunduin ka!"
Natawa naman ako. Napapansin ko na mas kumukulit si Flare.
Mas napukaw ng atensyon ko ang isa pang kotse na nasa likuran lang ng sasakyan ni Keiran. Isa-isa silang lumabas doon. The Ho cousins!
"Nayaaaa!" Excited na bati sa akin ni Fae sabay niyakap niya ako ng mahigpit. "Buti sasama ka! Yiheee!"
"Syempre naman." Sabi ko. Kumalas din siya ng yakap sa akin.
"Hey, cousin-in-law!" Bati ni Kal sa akin.
"Hi, Naya." Nakangiting bati ni Finlay. Nakasunod lang sa kaniya ang iba ring pinsan nilang sina Suther, Archie at Vlad. Kumaway sila sa akin na nakangiti.
"Hi!" Balik-bati ko sa kanila.
Nagulat ako nang biglang pinulupot ni Keiran ang braso niya sa bewang ko. "Where's your things, baby? Kukunin ko na para ayusin ko na ilagay sa compartment." Bulong niya.
"Keiran, nakakahiya sa mga pinsan mo." Suway ko sa kaniya dahil sa kaniyang ginawa.
Nagtawanan ang magpipinsan.
"Respeto naman sa mga single, dude." Natatawang wika ni Flare.
Keiran glared at him. "Shut up." Umirap siya saka pumasok sa loob ng bahay para kunin ang mga gamit ko na nakapatong lang sa sofa.
"Ihahanda ko na ang aking sarili." Biglang sabi ni Kal. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata na para bang nangangalangin.
Taka ko silang tiningnan. "Ha? Bakit naman?"
I heard them chuckled.
"It'll definitely a group trip. I thought we were wrong." Si Suther ang sumagot.
"Ihanda mo na din ang sarili mo, Naya. Ibubuhos niya sa iyo ang pagiging cheesy niya." Archie said with his warning tone. Pero nakangiti din.
Lumapit sa akin si Fae. "I brought my DSLR with me para sa mga cheesy moments. Hihi!"
"Parang tinatakot ninyo naman si Naya." Sabi naman ni Finlay na nagkukulikot sa kaniyang cellphone.
"Syempre hindi. Binabalaan pa nga namin." Nakakalokong sabi ni Kal..
Hinawakan ni Fae ang kamay ko. "Pero seryoso talaga, Naya. Sobrang saya namin dahil ikaw ang naging girlfriend ni Keiran."
"Yeah, I agree with her." Segunda pa ni Suther.
"Tama na 'yan." Biglang sumulpot si Keiran sa aking tabi. Sabay hinawakan niya ang isang kamay ko. "Matagal pa ang byahe natin."
"Yeah, yeah, right." Sabi ni Kal.
"Convoy nalang tayo!" Pahabol pa ni Suther. Tumalikod na siya sa amin para puntahan na niya ang kaniyang sasakyang na Ford Edge.
Ganoon din ang ginawa ng iba pa nilang pinsan. Pumasok sa Ford Edge sina Suther, Vlad at Finlay. Sa Subaru Impreza naman sina Archie, Fae at Kal. Habang sa Audi A5 naman kaming tatlo nina Keiran, Flare at ako.
Dahil si Keiran ang driver, pinasakay niya ako sa front seat habang si Flare ay nasa backseat.
"Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong ni Keiran sa akin bago kami umalis.
Umiling ako. "Wala naman na." Sagot ko saka ngumiti. Naeexcite ako sa trip na ito!
"Alright then." He turned the machine up until we left.