chapter 17

1444 Words
Habang nasa byahe kami ay panay kwentuhan naming tatlo. Kung hindi panlalaglag ang ginagawa ni Flare, inaasar niya si Keiran. Kaya itong si Keiran, namumura niya si Flare nang wala sa oras. Ganyan pala kaclose ang dalawa. Ang hilig mag-asaran. "Baby, grab my phone there. Tell Fae na magsa-stop over tayo." Pasuyo niya sa akin. Tumango ako. Kinuha ko naman ang cellphone niya sa kaliwa ko. Kumunot ang noo ko dahil napansin ko na walang lock pin o lock pattern ang cellphone niya. Ah. Nevermind. To: Fae Fae, Naya ito. Pinapasabi ni Keiran na magsastop over daw tayo. Then I hit send. Bumaling ako kay Keiran na abala sa pagdadrive. "Nasabi ko na." He nodded. "Just wait her reply." "Tamang tama, ihing ihi na ako!" Biglang sabi ni Flare sa likuran namin. Natawa naman ako. Si Keiran ay napamura na parang napupuno na dahil sa kaingayan ni Flare. "You made my life as hell, Flare. Can you please shut up?!" Tumawa lang si Flare para bang sinasadya niya talaga. Nagvibrate ang cellphone ni Keiran. May reply si Fae! Agad kong binasa ang text message niya. From: Fae Sure. Since nasa TPLEX na us. Nasa harap namin kayo. Susunod kami. Sinabi ko naman kay Keiran ang sinabi ni Fae sa text message. Dahil hindi pwedeng magtext si Keiran, ako na talaga ang tagatype ng sasabihin niya sa mga pinsan niya. Eh 100 kph pa naman ang speed limit namin. Hindi pwedeng kaligtaan ni Keiran ang pagmamaneho niya. Sa Shell Select napili naming stop over. Nakasunod lang sa amin ang iba pang pinsan ni Keiran sa likuran. Dahil din d'yan ay magkakatabi ang mga sasakyan nila nang nakapark na kami. Kani-kaniyang labas sa mga sasakyan habang si Keiran naman ay pinagbuksan ako ng pinto. "Ako din, pre, pagbuksan mo din ako ng pinto!" Masayang sabi sa kaniya ni Flare. Muli nagmura si Keiran at padabog niyang sinara ang pinto ng front seat. Kusang binuksan nalang ni Flare ang pinto sa back seat pero nakangisi pa ang loko. Ang hilig talaga niyang asarin si Keiran. "Yes, makakaihi na ako!" Sinadya pang nilakasan ni Flare ang pagkasabi niyang iyon. Natawa at napailing nalang ang mga kasamahan namin. Buti ay kami-kami lang nakarinig nun. Mabilis umalis sa grupo si Flare para sugurin ang banyo. Katabi namin ang sasakyan ni Suther. Sumandal siya sa kaniyang kotse at humalukipkip. "I feel I'm humiliated of him!" Keiran cried. Mukhang malaki ang pinoproblema niya sa bestfriend niya. "Parang nakatakas ng mental. Kainis." Natawa naman sina Suther, Archie, Fae, Vlad, Kal and Finlay. "Eh siya ang bestfriend mo." Sabi sa kaniya ni Vlad na nakangisi. "Ow, may tatalo na pala kay Kal sa pagiging maingay kung ganoon." Puna ni Finlay kay Kal na nanahimik. "Dahil sa guwapo ako, magpapaubaya na ako." Nilapitan ako ni Fae sabay hawak niya sa kamay ko. "Tara, pasok tayo doon. Bili tayo ng mga snacks." Ang binabanggit niya ay ang convenience store ng gasolihan na ito. Ramdam ko ang paglupot ng braso ni Keiran sa bewang ko. "I'll go with you." Bulong niya sa aking tainga. "Ugghhh!" Rinig ko si Kal na nagreact na parang nandidiri. "Ayan, Naya! Ihanda mo na ang posibleng mangyari!" Babala pa ni Archie na natatawa. "Ha?" Wari'y hindi ko pa alam ang ibig nilang sabihin. Bago pa ulit sila makasagot ay hinatak na ako nina Keiran at Fae papasok sa convenience store. Bumili kami ng mga snacks. Tinanong pa ako ni Keiran kung okay na daw talaga ko sa tubig na malaki at dalawang junk food. Syempre, I insist. Ang akala ko pa nga, okay na pero talagang dinagdagan pa niya. Hindi lang ako ang binilhan niya, pati na din si Flare. Aww, sweet din pala siya sa best friend niya. As we returned, nakabalik na din si Flare. Masaya siyang nakipagkwentuhan sa iba pang pinsan ni Keiran. Mukhang masaya ang kwentuhan nila, ah. "Oh, narito na sila!" Kal announced. "Mukhang ang dami naman ng pinamili ninyo." Puna ni Vlad sa mga bitbit ni Keiran. "Oy, marami pa tayong bibilihin sa Baguio baka nakalimutan mo." "We can withdraw. ATM." Tipid niyang sagot sa pinsan. "Oo na!" Bago kaming umalis, nagprinsinta na si Flare na siya na ang magmamaneho ng sasakyan ni Keiran and he let him drive. Ang dahilan naman nito ni Flare ay para daw malandi na ako ni Keiran. Bigla naman uminit ang magkabilang pisngi ko sa mga sinasabi niya. Kaya ayon, batok ang natikman niya mula sa boyfriend ko. Haha! Sa Hotel Supreme daw kami magche-check in. Nung una parang natatakot akong pumasok dahil wala akong pambayad. Mabuti nalang ipinaalala sa akin ni Fae na wala pala akong babayarin, unless kung may bibilhin daw ako. Apat na executive suite ang kinuha nila. So bale ang makakasama ko sa kuwarto ay si Fae dahil pareho kaming babae. Si Keiran at Flare, Suther at Archie, ang problema nga lang ay tatlo na sina Kal, Vlad at Finlay. Dahil ayaw mag-isa ni Kal sa isang kuwarto, talagang pinagsiksikan niya ang sarili niya kina Vlad at Finlay. Saka nagrequest na din si Keiran about sa extra bed kaya wala nang poproblemahin pa. "Wow!" Hindi ko maiwasang mamangha nang nakapasok na kami sa loob ng hotel suite. "Ang laki, Fae!" Bulalas ko pa. I heard her chuckled. "Para naman maging comfortable ka." Sabi niya't umupo sa gilid ng kama. "Nako, kahit naman sa sahig—" "Hep! Kapag nalaman ni kuya Keiran na sa sahig ka matutulog, paniguradong aawayin ako nun. Remember, prinsesa ka niya, Naya." Then she winked at me. Napangiti ako. Parang kinikilig ako! My god. Kinikilig nga ako! Tumayo siya't may inilabas siyang damit mula sa kaniyang maleta. "Magsashower ako, ikaw ba?" Tanong niya. "Mauna ka na muna." Sabi ko. She nodded. "Okay, then. Handa mo na din mga damit mong pamalit. Maaga din tayo aalis tomorrow. You know, umpisa na ang adventure." Sinunod ko naman ang kaniyang sinabi. Nasa banyo na si Fae at nagsashower na. Samantalang ako naman ay inihanda ko na ang mga damit na isusuot ko. Nang natapos ako ay biglang may kumatok sa pinto ng suite na ito. Tumayo ako para daluhin ang pinto. Nang buksan ko iyon ay halos mapunta na sa sahig ang aking panga nang tumambad sa akin ang isang bulto ng lalaki. Dahil d'yan ay hindi ko na naman mapigilang mapangiti. "Hi, pretty." Matamis niyang tawag sa akin. Yes, ang boyfriend ko ang nasa labas ng suite na ito. Bagong ligo siya! Magulo pa nga ang kaniyang buhok, mukhang sinadya pa nga niyang huwag munang magsuklay o patuyuin ang kaniyang buhok. "Hi! Oh, nasaan si Flare?" Sumimangot siya nang banggitin ko ang kaniyang bestfriend. "Hey, ako ang boyfriend mo, bakit si Flare ang hinahanap mo? Well, he's dead sleeping now. Napagod sa pagdadrive. Tss." I curved a smile. Hala, nagseselos siya! Haha. Pwera biro, ang cute niya magselos. Hehe. Nilakihan ko ang awang ng pinto then I extended my arms. Niyakap ko siya para mapawi ang selos na kaniyang nararamdaman. "Huwag na magselos, ikaw naman ang mahal ko." Sabi ko na talagang nilalambing ko pa ang aking boses. Tumingala ako sa kaniya kahit na nakayakap pa rin ako sa kaniya. I saw he biting his lower-lip na para bang pinipigilan niya ang kaniyang sarili na mapangiti o matawa. Rinig ko pa ang pagmura niya sa hindi ko alam na dahilan. Hala? He hugged me back. "Damn. Naya. Why are you so adorable? Hindi kita matiis." He whispers. "Ehem!" Natigilan kaming dalawa nang may tumikhim sa bandang likuran ko. Si Fae! Tapos na siya sa pagsashower pero buti nalang ay nakadamit ito't hindi nakatapis. Jusko, sa sobrang lamig ba naman dito sa Baguio, aayaw ka sa aricon! "Umaasa ako na rerespetohin ninyo ang single." She said pero pabiro naman. "Humanap ka na kasi ng iyo," Sabi ni Keiran kay Fae. Umirap naman si Fae. "Alam mo kasi, hindi hinahanap iyan, hinihintay iyan." Sagot pa niya. "Eh papano kung nastuck sa traffic?" "Traffic lang naman, uusad din naman." Nagkatinginan kami ni Keiran na natatawa. Grabe, parang may pinanghuhugutan pa itong si Fae.  "You think, he will come back?" Biglang sumeryoso ang mukha at boses ni Keiran nang tanungin niya ang bagay na iyon kay Fae. Seryoso ding tumingin sa kaniya si Fae. "I'm always waiting, Ahia. Kung babalik siya at hahanapin niya ako, it's a sign." She said. Panay tingin ko sa kanila na wari'y wala akong naiitindihan sa kanilang pinagsasabi. Ibig sabihin, may lovelife din pala si Fae? Sino naman ang maswerteng lalaking iyon? "Balik ka na sa kuwarto ninyo, matutulog muna kami ni Fae." Sabi ko kay Keiran na nakangiti. He pouted. "I want to sleep with you, baby." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Bakit iba ang dating sa akin nun?! Hala!  He chuckled and he hugged me tight. "Gusto kong matulog sa tabi mo, Naya. Whenever I wake up, mukha mo ang kauna-unahang masisilayan ko." And he planted a kiss on my forehead. "Every night before I sleep, I want to plant a good night kiss at your forehead, baby." "K-Keiran..." "I love you so much, Naya. Always remember that, okay?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD