Kinaumagahan ay nakatanggap ako ng tawag mula kay mama. Nangangamusta at nagbilin lang. Hindi ko pa nababanggit sa kaniya na may boyfriend na ako. Mas maiging sabihin ko iyon kung nakauwi na sila ni papa dito sa Pinas para na din maipakilala ko na ng maayos sa kanila si Keiran.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtatambay ko sa kuwarto nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napanguso ako nang mabasa ko ang pangalan ni Elene. Agaran ko naman sinagot iyon.
"Hello?"
"Naya! Ang daya mo!"
Bahagyang kumunot ang aking noo. "Ha? Bakit? Anong nagawa ko?"
"May i********: ka ba?"
"Wala akong ganoon, be. Alam mo 'yan."
Rinig ko pa ang pagmumura niya na parang kinikilig sa kabilang linya. "Online ka sa sss! May isiscreenshot ako! Wait!" Sabay pinatay niya ang tawag.
Inalis ko ang cellphone sa aking tainga. Nagtatakang tiningnan ko ang cellphone. Pinindot ko ang messenger app. Inaabangan ko ang sinasabi ni Elene na screenshot.
Elene: Heto, Naya! (inserted photo)
Halos lumuwa ang eyeballs ko sa aking nakita. Picture naming dalawa pero nilagyan niya ng filter. Black and white!
@RealHoKeiran How lucky boyfriend I am. #102617
Maraming naglike at nagcomment sa naturang litrato!
Elene: Nakita mo na? My gosh! Ang swerte mo, be! Huhuh. Ang cute ninyo sa picture!
Lihim ko kinagat ang aking labi.
Ako: Wait lang, be.
Pinindot ko ang pangalan ni Keiran sa messenger.
Ako: Keiran?
Keiran: Good morning, baby! What can I do for my princess?
Ako: Pinost mo daw ang picture natin? Sa i********:?
Keiran: Yes, baby. Why? You don't like it?
Ako: Nahihiya ako!
Keiran: Don't be shy, baby.
Ako: Ang dami mong fans, Keiran. Baka magalit sa akin ang mga iyon.
Keiran: I don't care, Naya. Hindi sila ang girlfriend ko. Ikaw.
Napabuntong-hininga ako. Tanda ng pagsuko.
Keiran: Are you worried, baby?
Ako: Medyo...
Keiran: Alright. Wait.
Hinintay ko ang pagbabalik niya. Mukhang may gagawin yata siya.
Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang messenger. This time, hindi na chat kungdi tawag! Mula sa kaniya! No hesitation na sinagot ko ang video call na iyon.
Bumungad sa akin ang Keiran na bagong gising. Magulo ang buhok pero guwapo pa rin. Hindi ko mapigilang mapangiti.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Hi, baby." Bati niya sa akin sabay kumaway pa.
"H-Hello..." Saka ngumiti.
"You're smiling, baby. Mabuti nalang."
"H-ha?"
Napailing siya. "The last time you said you are worried, right? So I tried to video call you if this will be work. Thank goodness it works."
"Thank you." Kahit papaano ay gumaan ang aking loob sa kaniyang effort. Naappreciate ko iyon.
"So... Are you okay na?"
I nodded. "Yep, okay na okay na. Thank you ulit."
"By the way, sa makalawa ay aalis na tayo papuntang Baguio. So be ready, okay?"
I chuckled. "Yes po, boss."
"Pupuntahan kita mamaya, okay? May dapat pala akong ibigay sa iyo."
"Ay, ano iyon?" Bakas sa boses ko ang excitement.
He chuckled again. "Basta, you'll see it later."
Ngumuso ako. "Sige na nga. Siya nga pala, dito ka ba maglalunch?"
He pressed his lips. "Yeah, why?"
"Hm, magluluto sana ako."
"May stocks pa rin ba d'yan? Na gagamitin mo sa pagluluto?"
"Actually, mamalengke pa ako."
Nag-iba siya ng posisyon. Mukhang nangalay siya. Haha! "Ano bang lulutuin mo?"
"Kaldereta sana." Sagot ko.
"Okay, forward mo nalang sa akin ang mga kakailanganin mong ingredients. Dadaan muna ako sa grocery then didiretso na ako d'yan. Hmm?"
Hindi ko mapigilan na naman mapangiti. "Ayaw mo akong maarawan. Sayang iyon. Vitamins din sa katawan."
"We can go together outside naman, eh. Basta kasama ako."
Napailing nalang ako. Nagpaalam na din ako dahil balak ko pang manood ng Korean drama na nadownload ko pa nung mga nakaraan pa.
"See you later, baby." Paalam din niya.
"Okay po."
Alas diez nang nakarating si Keiran dito sa bahay. Umaribas ako ng takbo papunta sa pinto para pagbuksan ko siya. Nang buksan ko ang pinto ay hindi ko mapigilang mapangiti. Ang guwapo talaga niya! Kahit anong suot ay kayang niyang dalhin. Sa ngayon ang suot niya ay simpleng printed t-shirt and faded jeans. Ang isa niyang kamay ay may hawak na paperbag ng groceries.
"Hi, baby." Masayang bati niya sa akin.
"Hello!" Balik-bati ko sa kaniya.
Bago ulit siya nagsalita ay may nilabas siyang bagay mula sa kaniyang likuran. Napasinghap ako nang makita ko ang mga rosas na gawa sa origami.
"For you, my princess. I hope you like it." He said sweetly.
Mas lalo lumapad ang ngiti ko nang tanggapin ko ang mga rosas. Talagang magugustuhan ko ito. Nilakihan ko ang awang ng pinto. "Pasok ka." I said.
Humakbang siya papasok ng bahay. "Ilalagay ko ang mga ito sa kitchen. Magluluto ka na ba?" Tanong niya sabay tingin sa akin.
I nod. "Yep. Para sakto lunch na pag naluto na siya." Sagot ko.
"Alright. I'll help."
Sabay kaming dumalo sa kitchen para asikasuhin ang pagluluto. Pinatong ni Keiran ang mga pinamili niya sa dining table habang ako naman ay pinuntahan ang cabinet kung saan nakalagay ang mga kitchenware. Lumapit ako kay Keiran na may hawak na akong peeler. Nakapagsaing na din ako thur rice cooker.
"Ako na sa mga carrots, ikaw naman sa mga patatas." Nakangiting saad ko sabay abot ko sa kaniya ang extrang peeler.
"Alright." He agree.Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. "We're look like husband and wife, Naya."
Natigilan at napatingin sa kaniya na parang hindi mapaniwala. "H-ha?"
"I can imagine I am your husband and you are my wife, baby." Lumapit siya palapit sa akin. He snake his arm on my waist. Nararamdaman ko na naman ang pagwawalasa aking tyan! Lalo pa bumibilis ang pintig ng aking puso!
"K-Keiran... Ano kasi..."
"What is it, baby?"
I sighed with a small breath. "Ano kasi... B-baka hindi ako ma-makahinga..."
"Likewise, baby." He whisper. "You always take my breath away since I laid my eyes on you."
Napatitig ako sa kaniyang mga mata. Bakit ganito ang nangyayari sa akin sa tuwing ganito kalapit sa akin si Keiran. I am too attracted to him?!
"The first time I saw you, I feel I was spellbound in you, Naya." He said with his husky voice!
"K-Keiran..." Mahinang tawag ko sa kaniyang pangalan. Para akong nahihypnotize. No, Keiran... Parang ako ang nasa ilalim ng isang spell ngayon sa tuwing ganito ang ginagawa mo sa akin.
"Tao poooo?!"
Nanumbalik ang aking ulirat nang may narinig akong boses mula sa salas! Dahil d'yan ay naitulak ko si Keiran nang wala sa oras! Mabuti nalang ay hindi siya napasubsob kung saan!
"Shit." Mariing sambit ni Keiran. Hala! Nagalit ba siya sa akin?
"Hey!"
Sabay kaming napatingin sa bungad ng kusina. Mas lalo nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang bisita na hindi ko inaasahan. Si Flare!