Tulad ng sabi ni Keiran, sinundo niya ako bago maglunch. He's wearing a simple v-neck shirt na pinatungan iyon ng baby blue long sleeves polo shirt. Nakafaded jeans din siya at Vanz shoes.
"Hi," Masayang bati niya sa akin nang pinagbuksan ko siya ng pinto.
Ngumiti ako. "Hi din."
"Are you done?" Tanong niya sa akin.
Tumango naman ako. Ano nga ba ang suot ko? Floral off shoulders top, skinny jeans and white wedge shoes (na pinadala pa sa akin ni mama mula sa Dubai dahil hindi naman ako nabili ng mga ganoong sapatos.) Buti nalang pala may mga pinadalang damit si mama sa akin habang nasa ibang bansa pa sila ni papa at magagamit ko ang mga iyon tulad ng mga ganitong lakad. Light lang din ang make up ko (thanks to youtube!) at nakalugay lang ang buhok ko. Natural wavy ang buhok ko.
Nakadungaw lang ako sa bintana. Wala akong ideya kung saan ako dadalhin ni Keiran. May tiwala naman ako sa kaniya.
Biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Flare. Ang dahilan kung bakit naging friendship over na sila.
'Dahil tingin niya ay hinarangan ko ang relasyon na meron sila ng dati niyang nililigawan. I did that bullshit just to protect him. Because that girl she's a gold digger.'
May niligawan na palang iba si Keiran bago ako. Natural lang naman may liligawan ang tulad ni Keiran dahil nasa nature na rin niya iyon. Naalala ko din ang sinabi sa akin noon ni Fae na NGSB pa ang pinsan niya. Kung hindi pala hinarang ni Flare ang panliligaw ni Keiran sa babae ay paniguradong may girlfriend pa ito.
"Are you alright?" Biglang tanong ni Keiran.
"Yep, may naalala lang."
"School?"
"Nope."
Sasabihin ko ba sa kaniya na nakapag-usap kami ni Flare kanina? Kaso parang natatakot ako!
Mamaya ko na nga lang itanong! Hahanap ako ng tyempo!
Tumigil ang sasakyan sa Chateau Hestia. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang ambiance sa labas. Lalo na sa loob! Garden restaurant yata itong napuntahan namin.
"Let's go?" Aya ni Keiran sabay hawak niya sa likod ko.
Tumingin ako sa kaniya. "Keiran, ang mahal dito." Alanganin kong sabi.
Ilang segundo niya akong tiningnan. "Naya, it's our date. Ako ang nag-aya kaya ako ang magbabayad. Hm?" Malumanay pa pagsabi niya nun.
Huminga ako ng malalim, tanda ng pagsuko.
"Good afternoon, sir." Nakangiting bati sa amin ng staff ng naturang resto.
"Table for two, please." Wika niya sa waiter.
"This way, sir... mam..." Aniya sabay lahad niya sa kaniyang palad upang ipakita niya sa amin ang daan patungo sa nasabing table.
Hinatak ni Keiran ang isang upuan para makaupo ako. Sa tapat ko naman siya umupo. Pagkatapos ay inabot sa amin ng menu.
Binuklat ko ang menu. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko akalain na medyo mahal pala sila sa inaasahan ko. Marahan kong tiniklop ang menu. Napatingin sa akin si Keiran na may pagtataka sa kaniyang mukha.
"Naya, what's wrong?" He asked worriedly.
Hilaw akong ngumiti. "Kung ano nalang mga naorder mo, iyon nalang din ang sa akin." Nahihiyang sambit ko saka yumuko.
"Two singles of Swiss Raclette, two Pasta di Mare and two Panna Cotta." Sabi niya sa waiter.
"How about drinks, sir?"
"One passion fruit smoothie and one strawberry smoothie."
"Is that all, sir?"
"Yes." Sabay balik niya ng mga menu sa waiter. Bumaling siya sa akin. "Naya?"
"Keiran..."
"May problema ba?"
I pressed my lips. "Hindi ako sanay na kumain sa ganito, eh. Sorry, first time ko kasi." Pag-amin ko na hindi ko siya matingnan sa kaniyang mga mata.
Nagulat ako nang abutin niya ang isang kamay ko. Napatingin tuloy ako sa kaniya nang walang sa oras. Nakangiti siya sa akin na parang sinasabi niya na maging relax lang ako.
"I'm sorry, Naya. Since this is our special date, I thought this place will be good for you."
"Eh? Okay lang naman. Nakakatuwa lang din kasi na may mga halaman at bulaklak dito. Nakakarelax silang tingnan. Heheh."
Hindi siya nagsalita pa. Sa halip ay nakatitig lang siya sa akin.
"M-may dumi ba ako sa mukha?"
Umiling siya. "Wala naman, may naiisip lang ako."
"Ano naman ang iniisip mo?"
Bago man siya magsalita ulit ay inilapit pa niya ang sarili niya ng kaunti na hindi binibitawan ang aking kamay saka nagpangalumbaba siya. "I was thinking, you're so perfect, Naya."
I froze. Pakurap-kurap ko siyang tiningnan. Nararamdaman ko na naman ang pagwawala ng kung ano sa aking tyan. Dagdag pa nun ay parang kakapusin na naman ako ng hininga!
Habang kumakain ay hindi kami nauubusan ng topic. Kwentuhan. Minsan pa nga ay nagagawa pa ni Keiran magjoke kahit corny. Pero natatawa pa rin ako kahit corny ang mga jokes niya.
Pagkatapos namin kumain ay nagpasya naming maglakad-lakad muna sa garden ng resto na ito. Basta ang ganda niya talaga, eh.
"Keiran! Keiran!" Tawag ko sa kaniya nang narating namin ang lush pathway.
"Hm?"
Dinukot ko ang cellphone ko sa shoulder bag. Pinindot ko ang camera saka binigay ko sa kaniya. "Kuhaan mo ako ng picture. Hehe."
Tinanggap naman niya ang cellphone at napangiti. Pumuwesto ako sa gitna ng pathway at nagpose ng simple lang at matamis ngumiti..
"Okay na." He said. Saka nilabas naman niya ang kaniyang iPhone. Tinutok niya iyon sa akin. "One more for me, baby."
Natawa naman ako. Pinagbigyan ko siya. Nagsideview ako para kungwari may art. Lol.
"Okay na?" Tanong ko.
Nagthumbs up siya bilang sagot. Nilapitan ko siya. "Ikaw naman ang kukuhaan ko ng picture. Doon ka." Masayang sabi ko at tinuro ang pwesto ko kanina.
I heard him chuckled. Binigay niya sa akin ang fone niya at pumuwesto. Dahil nagpapart-time model siya ay hindi siya nahirapan sa mga pose.
"Okay na!" Sabi ko nang makuhaan ko siya ng dalawang shots. Nilapitan ko siya para ibalik ang phone.
Tinanggap niya iyon. "Let's selfie, baby." He said.
Kahit nahihiya ay pinagbigyan ko nalang siya. Nasa harap ko ang camera at nasa tabi ko siya. "Anong pose ba natin?" Tanong ko.
Ngumiti siya. "Close your eyes, baby." Suhesyon niya.
Sinunod ko naman. Marahan kong pinikit ang aking mga mata. Tumindig ang balahibo ko sa katawan nang naramdaman ko ang kaniyang mga labi sa aking sentido. Bago ko man naidilat ang mga mata ko ay tumunog ang camera na hudyat na nakuhaan na niya iyon.
Sa pagdilat ng mga mata ko ay mas lalo ako nawindang na nagtama ang mga mata namin. Namimilog ang mga mata ko nang masyado nang malapit ang mukha niya sa akin. Kulang nalang ay halikan niya ako!
"K-Keiran..." Mahina kong tawag sa kaniyang pangalan.
"Yes, baby?"
"W-what are you d-doing?" Nauutal kong tanong. Bumuhay ang kaba sa aking sistema. Nararamdaman ko na din ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Pero nagawa ko pang maamoy siya. Ang bango! Lalaking lalaki! My god!
"I'm just staring my princess." Malambing niyang tugon.
Lalo bumilis ang t***k ng aking puso. Anumang oras ay maaari na akong kapusin ng hininga sa kaniyang ginawa!
"I want to be your boyfriend, Naya. So bad." Dagdag pa niya.
Wala akong mailabas na salita. Hindi ko alam kung papaano ko bang tugunin ang mga salita na binitawan niya para sa akin.
"Do you like me too, Naya?" He asked, still staring at me.
Limang segundo bago ako sumagot. Tumango ako. "O-oo, Keira. G-gusto din kita..." Hindi ko mapigilang sabihin iyon.
"I want us to be official, baby. That we're exclusively dating."
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Napalunok ako. Lalo bumibilis ang t***k ng aking puso.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para maayos ko siyang harapin. Marahang dumapo ang magkabilang palad niya sa aking mga pisngi.
"I want you mine, alone... Naya. Can you be my girlfriend, Nayana Dianthe Alvez?"
Unti-unti ako napangiti. Dahan-dahan akong tumango. "Yes, Keiran Dimitri Ho." I answered.
Napakagat siya sa kaniyang labi para bang pinipigilan niya ang kaniyang ngiti. Ang akala ko, hanggang doon lang. Binitawan niya ang mga pisngi ko't niyakap niya ako. Ginantihan ko din siya ng yakap.
"Thank you, Naya. I can't promise you everything but I promise to be your best boyfriend." He whispered and he planted a kiss on my forehead.