Pagkatapos naming kumain ay nagpasya munang maggala-gala muna sa loob ng Mall. Then tutulak daw kami ng Session Road para magkaroon daw kami ng Night Life dito. Pumayag na din ako. Mukhang uhaw-uhaw na nga sila sa alak, eh. Haha.
Sinamahan pa namin si Kal at Suther sa isang bangko para magwithdraw ng pera tru ATM. Nasa isang tabi naman kami. Panay daldal ulit ni Flare. Ang kinukulit niya sa ngayon ay sina Finlay at Vlad na mga tahimik. Nakikitawa lang si Vlad, samantalang si Finlay ay parang nabubuwisit. Napagtanto ko na kaugali niya pala si Keiran.
"Suplado si Finlay, si Vladimir, marunong makisakay sa trip." Sabi sa akin ni Fae, pabulong.
Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat!
"We're done. Leggo?" Bgilang sabi ni Kal, palapit siya sa amin, kasama ni Suther.
Bigla akong inakbayan ni Keiran. "Alright, let's go." Sabi niya't umalis na kami papunta sa kung saan man kami napapadpad.
"Aww! Ang daming shoes!" Biglang bulalas ni Fae nang madaanan namin ang shop nang branded na sapatos. "Aaah! Ang gaganda, shet."
"Marami ka pang sapatos sa bahay, Fae." Sumingit si Archie. "Hindi mo naman araw-araw sinusuot."
She pout. "It's a girl's stuff, ahia." Sabay bumaling sa kuya niya na nasa likuran niya lang. Then dumapo ang tingin niya sa akin. "Mahilig ka din sa mga ganito diba, Naya?" She asked.
Hilaw akong ngumiti. "H-hindi naman... Hindi lang ako komportable sa mga heels." Which is true naman. Hindi ko talaga hilig magsuot ng mga stilettos or high heels. Ang sakit sa paa, eh. Napapasuot lang naman ako ng mga ganyan kapag kailangan talaga, oh hindi kay may okasyon akong pupuntahan like party.
Biglang hinapit ni Keiran ang bewang ko. "Thank God." He murmured.
Tumingin ako sa kaniya. "Huh?" May pagtataka sa aking mukha. "What do you mean?" I asked.
Agad siyang umiling pero malapad ang ngiti. "Nothing, baby... Nothing." Ang tanging nasabi niya.
We spend three days in Baguio. Fortunately, nagawa naming puntahan ang mga lugar na nakalista sa listahan ni Fae. Sobrang saya ko lang dahil bukod sa walang kill joy sa mga kasamahan namin, go na go pa sila. Nakakatuwa lang dahil nasaan ang isa ay naroon ang lahat. Ang tanging pupuntahan nalang namin ay ang night market dahil gustong gusto magshopping doon ni Fae. Pinipilit pa nga niya ako, dahil sumang-ayon ako, sasama daw ang lahat. Pati na din ang Church Bell at Baguio Cathedral.
"Are you hungry?" Tanong ni Keiran sa akin habang naghihintay kami sa pagbukas ng night market.
Agad akong umiling bilang sagot. "Busog pa naman ako. Parang hindi natutunawan." Then I pouted.
Marahan niyang hinawakan ang aking kamay sabay hinalikan niya ang likod ng aking palad. Napatingin ako sa kaniya dahil sa kaniyang ginawa. He beamed at me. "Just tell me if you're hungry, baby." Malambing niyang sabi.
Tila napugto ang hininga ko sa bawat sweet actions na kaniyang ginagawa. Ughh, bakit sobrang sweet talaga nitong boyfriend ko?
"Ako, Keiran? Hindi mo tatanungin kung gutom na ako?" Biglang sumingit si Flare sa usapan.
Bumaling sa kaniya si Keiran at walang sabi na binatukan niya iyon. Napadaing naman ang bestfriend niya. "You are not my girlfriend, Flare."
Ngumuso si Flare habang hinmas-himas nito ang batok. Natatawa naman ako saka bumaling ako sa malawak na mga stalls na inaayos pa.
"What are you going to buy, Naya?" Tanong sa akin ni Fae na malawak ang ngiti. Mukhang excited na siyang magshopping.
"Hmm, titingnan ko pa." Sagot ko.
The night market was almost done, mas lalo dumami ang mga tao dito sa paligid. Marami ding mga night shoppers dito. Dahil hindi na talaga makapaghintay pa si Fae ay walang sabi na hinatak niya ako't nagtingin-tingin na kami ng mga paninda sa bawat stalls. Nakasundo lang sa amin ang magpipinsang Ho pati na din si Flare.
Maraming ukay pala dito! Mukhang mga bago pa o ilang beses palang nagamit kung sakali. May mga accessories din, sapatos at mga make up. Syempre, meron ding panlalaki.
Feeling ko nasa Divisoria kami kasi sa sobrang dami talagang nagbebenta. May mga pakulo din sila. Sigaw na pampaakit ng costumers.
After an hour at kakaunti lang ang aking nabili dahil kailangan kong maghigpit ng sinturon. Mas naloka naman ako dahil mas maraming nabili ang mga pinsang lalaki ni Fae kaysa sa kaniya. Hahah. Lahat iyon ay damit panlalaki. Meron ding pambabae. Nagtatanong nga si Fae kung bakit bumili si Vlad ng damit pambabae.
"Secret." Tanging sabi ni Vlad na nakangiti.
"Anong secret 'yan? Bakla ka na ba, Vlad?" Kunot-noong tanong sa kaniya ni Archie.
"Oo nga, cous? Tanggap ka parin namin kung ano ka pa." Segunda pa ni Kal na natatawa.
Sinuntok lang ni Vlad ang mga braso nina Kal at Archie. Sumimangot ito. "Gago, hindi ako bakla. May pagbibigyan lang ako nito."
"Aba, may chicks ka na dre? Pakilala mo na!" Wika ni Suther.
"Hindi pa pwede. Mahiyain iyon. Kapag nakita niya kayo, she will freak out."
"Bakit nung pinakilala ni Keiran sa amin si Naya, hindi naman siya nafreak out?" Wika naman ni Fae.
"They're different, Fae. Hindi siya sanay na sumama sa maraming tao. Dinadahan-dahan ko muna." Vlad added.
Bumalik kami sa Hotel Supreme after nang shopping. Kani-kaniyang pasok na sila sa mga room hotels habang si Keiran ay hinatid pa kami sa aming room hotel, dala-dala pa niya ang aking pinabili. Dahil ayoko naman na lahat ay dala niya ay naghati kami para hindi rin siya mahirapan.
"Thank you," Nakangiting sabi ko sa kaniya nang nakapasok na kami sa room hotel.
"You're welcome, baby." Then he smiled.
"Tama na 'yan, magkikita pa rin naman kayo bukas." Pang-aasar na sabi ni Fae.
Sumimangot si Keiran sa sinabi ng pinsan. "Kapag nakita ko talaga si Arran, papatumbahin ko."
Si Fae naman ang sumimangot. "Subukan mo, ahia. Ako ang unang makakalaban mo, sinasabi ko."
Bumaling sa akin si Keiran. "I'll go back in my hotel room."
"Hatid na kita." Nakangiting prisinta ko.
Pinauna ko muna si Keiran hanggang nasa hall way na siya. Humarap siya sa akin. Medyo nagulat pa ako dahil sa kaniyang ginawa. Marahan niya akong hinaklit palapit sa kaniya. Dumapo ang braso niya sa aking bewang. My god, kahit na buong araw kami nasa labas nang bahay ay ang bango parin niya!
"Did you have fun?" Malumanay niyang tanong, nakatingin siya nang diretso sa aking mga mata.
Napalunok ako. Dahan-dahan akong ngumiti bilang tugon.
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. "I'm glad."
"A-ako din, masaya ako."
After that, we exchange goodnight and kiss before I return back in hotel room. Bumungad sa akin si Fae na basa na nakatapis lang at binalutan niya ng tuwalya ang kaniyang buhok.
"Ikaw naman maligo, Naya." She said, umupo siya sa gilid ng kama para magpahid ng lotion sa katawan.
Agad ko kinuha ang tuwalya at pumasok na sa banyo para mag-hot shower. Super thankful talaga ako dahil may heater dito kaya naenjoy ko ang shower dito.
Kinaumagahan, nasa plano na dadayo kami sa Bell Church pati sa Baguio Cathedral. Then bibili na kami ng mga pasalubong bago kami babalik ng Cavite.
Namangha ako sa ganda ng Bell Church. Puros mga chinese characters ang nakikita ko sa entrance. Napasulyap ako sa magpipinsang Ho sa hindi kalayuan sa akin. Nagkukumpulan sila sa isang tabi. Sa aking isipan ang may namumuong balintataw. Bagay na bagay ang mga presensya nila sa ganitong lugar. Chinese temple ba naman tapos mga kasamahan mo ay mga pawang mga chinese din.
Pansin ko lang din na hanggang dito ay pinagtitinginan din sila. Ang iba ay parang kinikilig, ang iba naman ay palihim na kinukuhaan sila ng litrato.
"Let's go, baby?" Wika ni Keiran sabay hapit niya sa aking bewang.
"Oh, gosh. Girlfriend niya?" Biglang may babaeng nagsalita sa hindi kalayuan sa amin.
"Ang swerte ni ate girl!"
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya. Hindi naman ibig sabihin ay kinahihiya ko na boyfriend ko si Keiran. Nahihiya ako dahil sa pinapakitang kasweetan ni Keiran. Tama nga siguro ang babala na sinabi sa akin ng mga pinsan nito, ihahanda ko daw ang aking sarili sa bawat ako na gagawin nito. Siguro dahil sa siya lang ang tinitingnan ko, hindi ko na napapansin ang mga tao sa paligid namin.
Tig-iisang ensenso ang hawak namin. Sinindi namin iyon saka itinurok namin ito sa pinaglalagyan ng iba pang ensenso. Kita ko na yumuko silang lahat, nangangalangin sila. Napasunod naman kami ni Flare. Mukhang hihiling sila.
'Sana ay matapos ko ang kurso ko. At sana ay mas lalo maging masaya si Keiran...'
Iyan ang mga naging hiling ko. Napadilat ako nang maramdaman ko ang kamay ni Keiran sa aking balikat. Napatingin ako sa kaniya.
"Let's go, baby." Malambing niyang aya sa akin.
Ngumiti ako't sumunod sa kaniya.
Bago kami umalis ay nagpicture-picture muna. Ang mas ikinatutuwa ko ay ang fountain sa harap ng templo. Lalo na ang mga lotus. Sorry na, first time ko palang nakakita ng mga iyan.
Sunod naman naming pinuntahan ang Baguio Cathedral. Mula sa labas ay rinig na namin ang sermon ng pari pero bakit parang iba ang sinasabi nito?
Sabay-sabay kaming naglalakad patungo sa loob ng simbahan. Nagtataka ako kung bakit puros may mga bulaklak sa paligid.
Dumaan kami sa gilid. Napaawang ang bibig ko sa aking nasaksihan.
Isang kasal pala ang dinadaos ngayon!
"OMG," Anas ni Fae sa aking gilid. Tila hindi rin siya makapaniwala sa kaniyang nakita. "What a beautiful wedding."
Tama nga, maganda nga ang kasal. Puros mga puting rosas ang nasa paligid bilang dekorasyon. Umupo kami sa medyo malayo at pinapanood namin ang kasal na ginaganap dito.
Hindi mabura sa aking mga labi ang ngiti habang pinapanood ang mga ikinakasal. Nakakatuwa lang dahil open for public na dapat ay pribado iyon. Parang nakukuha ko ang ibig ipahiwatig kung bakit hinahayaan lang nilang nakabukas ang mga pinto ng simbahan na ito.
Gusto masaksihan namin kung gaano kamahal nila ang isa't isa. Halos ipagsisigawan nila na walang makakapaghiwalay sa kanila. Walang hahadlang at gaano katatag ang pagmamahalan na meron sila.
Nakakatuwang isipin.
Ramdam ko ang mainit na kamay ni Keiran. Napatingin ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha.
"You will be my bride someday, Naya." Mahina niyang sambit.
Tila napugto na naman ang hininga ko sa kaniyang sinabi. Kasabay ang pagbilis ng pintig ng aking puso. Totoo ba ito? Gusto niya akong mapangasawa? Kahit na bago palang kami bilang magboyfriend-girlfriend? Kahit na maikling panahon palang kami magkakilala?
Tahimik lang ako nakadungaw sa window pane ng sasakyan ni Keiran. Medyo pagod na't inaantok. Nakabili na din naman kami ng mga souvenirs at mga pasalubong para sa mga kaibigan. Syempre, hindi ko nakalimutang bilhan din sina Elene at Inez. Paniguradong matutuwa ang mga iyon sa mga ibibigay ko.
Nasa likod lang si Flare, naghihilik na yata dahil sa pagod.
Pabalik na kami ng Cavite, babalik na ulit kami sa dating buhay. Lalo na't babalik na kami sa reyalidad.
Kahit masakit pa ang aking mga mata ay pilit ko paring dumilat. Naririnig ko kasi ang pag-uusap nina Keiran, Flare pati na din ng iba pa pinsan nito. Mukhang hindi nila ako napansin.
"Are you sure? Dito ka lang?" Rinig kong tanong ni Archie.
"Yeah, sasamahan ko lang si Naya dito. Aalis din naman ako agad kapag okay na siya." Si Keiran.
"Alright, sasabihan nalang namin si tita Miranda thru call." Si Fae.
"Huwag mo gapangin si Naya, ha!" Malakas na pagkasabi ni Flare.
"f**k you, Flare. Hindi ko gagawin kay Naya iyon." May bakas na inis nang sabihin ni Keiran iyon.
Tumawa si Flare. "I'm just reminding you, dude."
Ipinikit ko ulit ang mga mata ko para magkungwaring tulog ulit ako. Hindi ko ipapahalata na narinig ko ang conversation niya sa mga pinsan niya. Rinig ko din ang mga tunog ng kani-kanilang sasakyan.
"Baby, nandito na tayo..." Malumanay na tawag sa akin ni Keiran.
Dahan-dahan ulit ako dumilat, nagkukunwaring nagising. "Hmm..."
He smiled. "Nagpaiwan ako para masamahan ka, baby. Are you still sleepy?"
Matik akong tumango. Sa totoo lang talaga, inaantok pa ako. Sobra. Gumalaw ako para makalabas sa kaniyang sasakyan. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata at humikab pa. Rinig ko ang pagsara ni Keiran ng pinto ng kotse.
Medyo nagising ang diwa ko sa sunod na ginawa ni Keiran. Binuhat niya ako in a bridal style!
"Keiran!" Bulalas ko.
Tumingin siya sa akin saka ngumiti. "You're my baby, Naya. Hinding hindi ako magasawang gawin sa iyo ito." Saka hinalikan niya ang aking noo. "Sleep in my arms, baby."
I don't think if it was a wish or a demand or order. Pero sa isang iglap ay bumabagsak na naman ang aking talukap hanggang sa itim nalang ang nakikita ko...