chapter 19

1679 Words
Pagkatapos naming magkape at kumain ng almusal ay nag-umpisa na ang paggagala namin. Sinabi din ni Fae na maganda din daw ang night market dito. May mga ukay din daw at iba pang mabibili. Bigla naman ako naexcite! Hindi ko pa kasi naencounter ang night market na iyan. Ngayon palang! Bago iyon ay inuna muna namin puntahan ang Burnham Park. Nakakatawa lang kasi parnag mga bata ang mga kasama namin. Mukhang magkasundo itong sina Flare at Kal pagdating sa kalokohan. Sina Finlay at Vlad naman ay lumalabas na din ang kakulitan. "Dito! Renta tayo nito!" Sabay turo nila sa kart na may mga pedal. "You want to ride?" Tanong ni Keiran habang hawak-hawak niya ang aking kamay. Agad akong tumango na bakas na nasasabik! Gusto ko ding itry kasi. Hehe. "Okay, puntahan ko lang ang nagbabantay." He said. Pinapanood ko lang siya habang kinakausap niya ang may edad na lalaki na nagbabantay ng mga cart. "Baby, solo? O side car?" Malakas ang boses niya. "Solo!" Sagot ko naman. Tumango siya't bumaling sa kausap niyang lalaki. He handed the money and take the two solo carts. Kumaway siya sa akin para lumapit. "Come here, baby!" Lumapit naman ako. Isang red at isang blue ang kulay ng cart na nirenta ni Keiran. "Sa iyo ang red then sa akin ang blue." He said. Sabay na kaming sumakay. "Nasaan sila?" Tanong ko sa kaniya nang nakasakay na kami pero hindi pa naandar. "Nauna na siguro sila." Sagot naman niya. "Leggo, baby." Then he grinned. Pinadyak ko ang pedal. Hindi kami nagpapaunahan or something. Ganito pala ang feeling kapag nagdadrive. Heheh. Tinuturo sa akin ni Keiran kung papaano humawak ng maayos ng manibela. Parang nagdadrive lang daw ng kotse. Nang paliko na kami, nakasunod pala kami sa mga magpipinsang Ho. Bahagyang tumigil ang mga cart pagpaliko. "Oh men, pati ba naman dito traffic?" Malakas na pagkasabi ni Kal. Natawa naman kami. Pati pala sa mga ganito ay nauso pa ang traffic. Maya-maya naman ay umusad na din. Rinig ko pa ang hinayawan nina, Flare, Kal at Suther. Si Keiran naman ay hindi naalis sa tabi ko. After an hour, ay nagpasya kaming maglakad-lakad naman. Tanaw na tanaw namin ang SM Baguio mula dito sa direksyon namin. Panay picture ni Fae. Napag-alaman ko na photograhy ang kinukuha niyang course sa St. Benilde, from Keiran. Kapag naririnig ni Fae na siya ang pinag-uusapan namin ay sumasali siya. Actually, she's giving me a fact about her. May condo unit naman siya malapit sa school na iyon. Madalas lang talaga siyang umuuwi ng Cavite dahil naho-homesick siya sa condo unit niya. Kapag may oras naman daw si Archie ay doon ito nakikitulog, especially wala itong pasok. Kahit din sina Keiran ay sinasamahan si Fae. "You wanna know a secret, baby?" My boyfriend asked me. Nandito kami ngayon sa may bangka na swan. Bumaling ako sa kaniya. Oo nga, wala siya masyadong kinukwento about sa buhay niya. So, I think this a chance to know him more! "Can I?" Ngumiti siya. "Of course 'cause you're my girlfriend." Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya. Inaabangan ko ang kaniyang sasabihin. Yes, baby... I want to know everything about you... "My mom... As you called Mrs. Ho... Is a second wife of my father." He said coldly. Lalo na ang pagbanggit niya na father. Tahimik pa rin akong nakatingin sa kaniya. Sumagi sa isipan ko ang mga sinyales noon habang nagtuturo ako kay Russel. Nabanggit na galit si Russel sa ama nito. Wala rin akong makitang family picture na kasama ang kanilang tatay. I want to know more, Keiran... "Wala naging anak na lalaki si papa sa una niyang asawa. He's always wanted a son. That was his possession..." I nodded. Unting-unti na nagiging malinaw sa akin ang lahat. Kung bakit madalas tatlo lang sila sa bahay nila sa Greenwoods. Ngayon alam ko na kung bakit galit si Russel sa tatay nila. "As a businessman, he's looking forward for a son who will take over his business one of these days." Dagdag pa niya. "I heard from Russel you want to be an architect..." Hindi ko mapigilang sabihin iyon. I can see his amusement over his face. "Russel told you? How?" I shrugged. "You remember the day I cried? Noong aalis sina mama at papa paalis ng bansa? Iyon." Paliwanag ko pa. He nodded. "Yeah, I want to take architecture before I entering college. Pero gusto ni papa na business course ang kukunin ko. Well, wala naman akong magagawa, that's my father's wish. I don't want to disappointing him." Hindi ko alam kung bakit pero may nagtulak sa akin para hawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya sa kamay ko na tila mas ikinagulat pa niya ang aking ginawa. I beamed at him. "Kaya ba sinabi mo sa akin noon na susuportahan mo ako noong nalaman mo na gusto kong kumuha ng law?" Malumanay kong tanong sa kaniya. He didn't hesitate to nodded again. "Yes, ayokong maranasan mo na hindi mo makukuha ang gusto mo talaga. I've already gave up my passion kaya naisip ko na kahit ikaw nalang, masaya na ako." I bite my lower lip. Hindi ko lubos akalain na sobrang kabaitan na taglay ni Keiran. Aminado akong na natouch ako sa sinabi niya. Ganito pala ang perception niya. "Thank you, Keiran." "I love you, that's why, baby." Then he kiss my temple. After Burnham Park, sa SM Baguio naman kami pupunta. Doon daw kami magla-lunch. Nagulat ako dahil parang hind uso ang aircon dito. Kung sabagay, given talaga na over sa laming a Baguio. Dahil ayaw nila ng kanin, nagdecide nalang kami ng pasta, pizza or any italian dishes sa isang fast food. Tutal naman daw ay heavy pa rin sa tyan ang mga pagkain na iyon. Lasagna with garlic bread ang inorder ni Keiran para sa akin. Natatawa nga ako sa kaniya kasi parang gusto pa niyang dagdagan ang pagkain para sa akin. I insist na huwag na kasi maglalakad pa. Naisip ko lang kasi na baka may makita akong masarap tas sobrang busog ako, sayang naman, diba? Kaya okay na sa akin ang order na 'yun. "Naya, kailan ulit ang resume ng klase ninyo?" Biglang tanong ni Fae habang hinihintay pa namin ang food. "Sa Novermber 20 pa naman..." Sagot ko. "Samahan na kita sa pag-enroll mo." Biglang sumabat si Keiran, sabay pinatong niya ang braso niya sa sandalan ng upuan ko. "Huh? Baka mainip ka sa kakahintay." He grinned. "Who says I'll wait inside of my car? Syempre, sasama ako mismo sa pag-eenroll mo." He said. Pumalakpak si Flare. "Sama din ako! Gusto kong makapunta—" Keiran cut him off. "Namimihasa ka na, Flare." Tinapunan niya ng masamang tingin si Flare. Flare pouted. "Masama bang makita ang school nina Naya, dude?" Natawa naman si Fae saka tinapik niya ang balikat ni Flare. "Alam mo kasi, private time na nila iyon. Bakit kasi nakikisali ka pa? Maghanap ka din kasi ang magiging girlfriend." "I have no time for girlfriend, Fae. You know, I'm still chasing my dreams." Bumaling siya sa amin. "Kapag kasal ninyo, invite ninyo ako, ha? Lalo na dapat best man ako..." "You are not invited, Flare." Mariing sabi ni Keiran. Napahawak naman ang kawawang bata sa dibdib kung nasaan ang kaniyang puso na wari'y nasasaktan. "Ouch, ha? Bestfriend mo ako, pare. Simulang nasa obaryo palang tayo, magbestfriends na tayo!" "Tangna mo." "Oy, nagmumura ka na talaga. Umayos ka nga, katabi mo lang si Naya, oh." I chuckled. Nag-uumpisa na naman silang magkulitan, oh. "Tss." Tumingin siya sa akin. "I'm sorry, baby. My bad." "It's okay." Maya-maya ay dumating na sina Suther, Archie at Kal, dala-dala na nila ang pagkain. Kahit na kumakain ay patuloy parin sa pagdadaldal nina Flare at Kal. Marami sigurong nakaimbak na energy sa katawan nila kaya sobrang hype sila ngayon. Hahah. May part din na nagkukuwento sila sa about sa school. Nalaman ko na sa iisang university lang pala nag-aaral sina Keiran, Suther, Vlad at Archie. Samantalang sina Finlay ay sa PCU at si Kal ay sa CAVSU-Indang. Ang akala ko talaga sa iisang school sila nag-aaral at iisang subdivision nakatira. After we ate, ang sunod naman naming pinuntahan ay ang Botanical Gardern. Sa entrance may mga ifugao na nakaupo sa tabi at pwede kang magpapicture sa kanila. Dahil dala-dala ni Fae ang DSLR niya, siya ang kumuha ng litratro. Group picture, kumbaga. Mas nakakatuwa pa nga kasi talagang magpoise kami ng 'oppa.' Medyo naghiwa-hiwalay kami dahil gusto nila magtake ng selfie sa ibang-ibang sulok dito sa garden. Ang sumama si Flare at Fae sa grupo nina Archie. Siguro ay magpapakuha si Fae ng mga litrato sa kuya kasi kadalasan, siya ang kulang sa mga picture dahil siya ang photographer namin. Dumaan kami sa lush pathway na may hagdan. Pero bago 'yun, nagtake muna kami ng picture para may souvenir na din. Hehe. Lumapit sa amin si Archie na nakasabit sa kaniya leeg ang dslr. "Kuhaan ko kayo ng picture, Keiran, Naya." He suggested. Sumang-ayon naman kaming dalawa. Nasa gitna kami ng lush pathway, buti nalang ay wala masyadong nadaan) niyakap ako ni Keiran mula sa aking likuran. He lean his chin into my shoulder. Nakahawak naman ako sa kaniyang kamay. "Smileee!" Then he click the camera. Nireview niya ang picture at malapad itong ngumiti. "Ang ganda ng kuha ninyo dito, cous, Naya." Lumapit siya sa amin saka ipiankita niya ang litrato na kuha niya. "Send me the copy, Archie thru e-mail." WIka ni Keiran. Nagthumbs up si Archie. "Sure, cous." Iniwan niya muna kami para puntahan naman niya ang kapatid at iba pa nilang pinsan. "Ang ganda dito..." Kumento ko habang iginala ko ang aking paningin sa paligid ng Botanical Garden. Mahigpit hinawakan ni Keiran ang kamay ko sabay hinalikan niya ang likod ng palad nito. Tiningnan niya ako ng diretso sa aking mga mata. "Don't worry, babalik din tayo dito." And his smile gets wider. "Kapag misis na kita." Nag-iinit ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. Para hindi niya mapansin iyon ay agad kong tinakpan ang mukha ko sa pamamagitan ng mga kamay. "Why, baby? May nasabi ba akong masama?" Nag-aalalang tanong niya. Agad akong umiling. "W-wala..." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko hanggang sa tagumpay niyang naitanggal ang mga palad ko sa aking mukha. Hindi niya mapigilang mapangiti nang nakita niya an ekspresyon ng aking mukha. "Don't hide your face, baby. I always wanted to see your beautiful face." Lihim ko kinagat ang aking labi para pigilan ang kilig na bumabangon sa aking sistema!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD