Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Kahit medyo masakit pa ang mga mata ko ay pilit ko pa rin magising ng tuluyan. Kinusot ang mga mata. Marahan akong bumangon. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Nasa kuwarto ako. Mabuti nalang. Pinagmasdan ko ang aking suot. 'Yung suot ko kahapon ang suot ko ngayon.
Sa aking pagkakatanda ay hinatid ako ni Keiran dito sa bahay. Wait, ang sabi niya ay nagpaiwan siya. Pinauna niya ang mga pinsan niya na makauwi!
Agad kong tinanggal ang kumot sa aking katawan at umalis sa kama. Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto para makumpirma ko kung narito pa si Keiran sa bahay!
Sa pagbaba ko ay walang Keiran sa salas. Pinuntahan ko ang kusina pero wala din. Ang tanging nakakuha lang ng aking atensyon ay isang memo na nakadikit sa ref. Nilapitan ko iyon ay binasa ang nakasulat doon.
I won't stay longer, baby although gusto kitang makita ka na bagong gising. Kapag kasal na tayo, saka ko na lang papanoorin kung papaano ka magising but thank God, he let me watched you sleep and I'm glad for that.
I prepared your breakfast and please, don't be starve, okay? I love you, Naya.
- Keiran
Hindi ko mapigilang mapangiti nang mabasa ko ang nakasulat. Kinagat ko ang aking labi para pigilang tumili dahil sa kilig. My god, dito palang ay halos kompleto na ang araw ko.
Tiningnan ko kung anong niluto ng boyfriend ko para sa akin. French toast na nasa tabi nito ay ube at strawberry jam na malalaking bote. May kanin, sunny-side-up (perfect pa ang pagkaluto) at tocino!
Ugh, ang sweet ng boyfriend ko!
Bago ako kumain ay agad kong kinuha ang cellphone ko saka hinahanap ang number niya sa contacts ko then tinawagan ko siya. Wala pang limang ring ay sinagot niya iyon.
"Baby," Bungad niya sa akin.
"Keiran..." Aw, hindi ko na alam ang sasabihin ko!
"Nagluto ako para sa iyo, baby." He said, with his husky voice! "I hope you'll like it."
"Yeah... Kakain palang ako..." Mahina ko pagkasabi pero alam kong maririnig naman niya iyon. "Thank you..."
"Your welcome, baby. Anything for my princess."
Sumikdo na naman ang puso ko sa aking narinig. Totoo nga ang sinasabi ni Fae sa akin noong nasa Baguio pa kami. Prinsesa ang turing ni Keiran sa akin. Ni ayaw nito na matulog ako sa sahig.
Nag-usap lang kami saglit ni Keiran then kinain ko na ang niluto niyang almusal para sa akin. After nun ay nakatanggap ako ng tawag mula kay mama. Siguro ay nabasa niya ang message ko na mag-eenroll na ako.
"Inutusan ko ang papa mo na magpadala ng pera para sa iyo, anak." Sabi niya habang siya'y nasa kabilang linya.
"Opo, kukunin ko nalang po, ma." Sabi ko.
"Kamusta na kayo ni Keiran?" Bigla niyang tanong.
Napalunok ako. Papaano nalaman ni mama ang tungkol sa aming dalawa... "Ma..." May halong kaba at takot na baka mapagalitan niya ako.
Narinig ko na natatawa si mama. "Naya talaga, bakit ka natatakot? Hindi naman namin kakatayin ang boyfriend mo. Sa totoo lang ay nagpaalam na siya sa amin noon na liligawan ka daw niya."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Po?"
"Oo, nagpaalam siya sa amin ng papa mo na liligawan ka daw niya. Nangako siya na hindi daw siya magiging sagabal sa pag-aaral mo. In fact ay nagustuhan ka pa niya dahil seryoso ka sa pag-aaral mo. Sinabi pa nga ng papa mo na huwag na huwag daw kayo gagawa ng magiging apo namin pagbalik namin d'yan sa Pinas."
Matik na nag-init ang magkabilang pisngi ko. "Ma naman!" Nahihiya kong suway sa mama ko.
"Malaki ang tiwala namin ng papa mo sa inyo ni Keiran. Hinahayaan ka lang namin ng papa mo na pumasok ka sa isang relasyon para naman maranasan mo. Basta ang tanging gusto ko lang ay makapagtapos ka ng pag-aaral, anak. Iyon lang talaga ang hinihiling namin."
Sa huli ay napangiti ako. Sinabi pa ni mama na gusto pa nila lubos makilala si Keiran sa oras na makakauwi sila ni papa dito sa Pilipinas.
Nang hapon ding iyon, bago ako nag-enroll ay nagpasama ako kay Keiran para kunin ang ipinadalang pera ni mama at papa pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa Perps. May usapan din kami ni Elene na sabay kami sa enrollment.
"Naya!" Maligayang salubong sa akin ni Elene nang lumabas na ako ng sasakyan ni Keiran.
"Elene!" Bati ko sa kaniya't nagyakapan kami. Kala mo ilang taon na kaming hindi nagkita pero sembreak lang naman. Hehe.
"Namiss kita! Hi, Keiran!"
"Hi." Nakangiting bati sa kaniya nito.
Talagang sinamahan nga ako ni Keiran sa pag-eenroll. Mabuti nalang ay wala pa masyadong nag-eenroll. Medyo matagal kasi kapag marami nang estudyante dito. Inaabot nang dalawang oras sa pagproseso.
"Malapit na din tayo mag-OJT!" Bulalas ni Elene nang matanggap na namin ang yellow form, sign na talagang enrolled na kami.
"Oo nga, eh." Sang-ayon ko.
"Naya! Elene!"
Sabay kaming napatingin ni Elene sa tumawag sa amin. Si Inez! Kumaway siya't mabilis siyang lumapit sa aming direksyon.
"Buti nakita ko kayo! Namiss ko kayo!" Sabay nagyakapan kaming tatlo. Agad din kaming kumalas. Napatingin siya kay Keiran na nakakunot ang noo.
"Siya si Keiran, Inez." Bumaling ako kay Keiran. "Boyfriend ko." At muling tumingin sa aking kaibigan.
Nanlalaki ang mga mata niya nang isinawalat ko na may boyfriend na ako. "Halaka! May boyfriend ka na nga talaga!" Nilahad niya ang kaniyang palad kay Keiran. "Hi, I'm Inez, friend ako nina Naya at Elene."
Tinanggp ni Keiran ang kamay ni Inez. "Nice to meet you, Inez."
Sa gitna ng pag-uusap naming apat ay may sasakyan na kumuha ng aming atensyon.
"Damn." Mariing sambit ni Keiran na ipinagtataka ko. "He's here."
Pinanood namin ang sasakyan habang pinapark ito sa tabi ng pathway. Sabay naming inaabangan kung sino ang lalabas doon.
Si Flare!
Pagkasara niya ng pinto at lumingon siya sa amin. Kumaway siya sa aming direksyon. Mabilis siyang naglakad palapit sa amin.
"Yow!" Nakangiti niyang bati sa amin.
Sa ayos ni Flare ay hindi rin maitatanggi na guwapo din. He's wearing a white printed shirt, black leather jacket, skinny jeans and Vans asher shoes. Kahit na wala siyang accessories ay sapat na ang hikaw niya sa tainga.
"What are you doing here?" Iritadong tanong ni Keiran sa kaniya.
"Magkakilala sila?" Biglang tanong na naguguluhan na hindi makapaniwala.
Bumaling ako sa kaniya na nakangiti. "Magbestfriends sila, Elene." Sabi ko.
Napasapo ng bibig si Elene, nanlalaki ang mga mata.
"Relax, pare. Pumunta ako kanina sa bahay ninyo kasi naabutan ko doon si tita Miranda, sabi niya nandito ka daw sa Perps para samahan si Naya sa enrollment." Paliwanag ni Flare.
"Eh ano nga ang ginagawa mo dito?" Tanong ulit ni Keiran, iritado pa rin.
Ngumisi siya sa amin. "Gig ko mamayang gabi, I'm just inviting you..." Tumingin siya sa akin. "Papayag ka naman diba, Naya? Para naman mapanood ninyo ako kumanta."
"Sure," Mabilis kong sagot.
"Don't cha worry, kasama din ang iba mo pang pinsan, dude. Fae and Archie will be there soon from Manila pa."
Napangiwi si Keiran, tinatago ang inis. Mukhang dadakmalin na naman niya ang bestfriend niya.
Dinamay na din niya sina Inez at Elene sa invitation niya. Sumama naman ang dalawa. Narito kami ngayon sa kotse. Nauna nang umalis si Flare dahil mapeprepare na din siya sa tutugtugin niya mamaya. Kaming dalawa ni Keiran sa front seat habang ang dalawa ko pang kaibigan ay nasa back seat. I'm thankful with Elene's itchy tongue. Atleast medyo maingay dito sa loob ng sasakyan. Kahit na maingay at madaldal siya, hindi siya nakakairitang pakinggan. In fact, natutuwa pa nga si Keiran dahil nakikita ko na gusto niya din maging close sa mga kaibigan ko.
Panay puna niya magbestfriend sina Keiran at Flare. Hindi pa yata siya nakamove on.
"Tell me, Elene. Are you a fan of him? Or you have a huge crush on him? Don't worry, I won't tell your secret." Nakangiting tanong ni Keiran sa kaniya habang nasa highway ang mga tingin nito.
Papunta kami ngayon ng Skyview Resto Bar sa Tagaytay. Doon daw tutugtog si Flare.
"Fan lang ako, ano ka ba?" Saka tumawa ito nang malakas na akala mo naman sinasapian na.
I heard him chuckled. "As you say so."
Tumigil ang sasakyan ni Keiran sa parking lot ng Skyview. Nahagip ng mga mata ko ang iba pang pinsan ni Keiran na nagkukumpulan sa sasakyan ni Archie, mukhang naghihintay. Naroon din si Flare na nakikipag-usap sa magpipinsang Ho.
Nakuha namin ang atensyon nila. Naunang lumabas si Keiran habang tinatanggal ko ang seatbelt. Una niyang pinagbuksan ng pinto ang mga kaibigan ko pati na din ako.
"Hey, cous!" Rinig kong boses ni Kal. Papalapit na sila sa amin.
"Hi, Naya!" Boses ni Fae sabay yakap niya sa akin.
"Hi, kasama namin ang mga kaibigan ko." Bumaling ako sa dalawang kong kaibigan na tulala. Nakaawang pa ang bibig ni Elene nang nasa harap na niya ang mga pinsan ni Keiran, lihim ako napangiti dahil alam kong ganito ang magiging reaksyon niya. "Sina Elene at Inez pala." Pakilala ko.
"Hi, Elene! Hi, Inez!" Masayang bati ni Fae sa kanila. "I'm Fae, pinsan din ni Keiran. Nice to meet you!" Sabay lahad nito ng palad sa dalawa.
Natataranta namang tinanggap nina Elene at Inez ang kamay ni Fae.