Kinabukasan din iyon ay alas otso ng umaga ako ginising ni Fae. Inaaya ako mag-jogging. Pinagbigyan ko naman. Nagsuot ako ng sweat pants, t-shirt, at hood jacket. Nakarubber shoes din ako dahil nga malamig dito sa Baguio.. Nagtoothbrush pa ako bago kami lumabas sa Hotel.
"Hindi pa gising mga boys?" Tanong ko kay Fae nang nasa lobby kami para lumabas.
Tulad ko ay naka-jacket din si Fae at printed t-shirt. Naka-rubber shoes din. Ang pinakaiba lang ay nakatokong pants siya. Naglagay pa nga siya ng lip tint dahil tingin niya ay maputla siya. I'm just shook my head because she really like she's freaking out.
We decided to jog in Wright Park. Dala ni Fae ang sasakyan ni Archie, napag-alaman ko na pinapatago pala sa kaniya ng kapatid niya ang susi ng sasakyan nito kaya na-grab ni Fae ang opportunity na magamit ang sasakyan nito. Seriously, feeling ko nasa ibang bansa ako. Okay lang masabihan akong ignorante, first time ko kasing makarating sa mga ganito. Ang akala ko nga hinding hindi ko mararating ang mga ganito. Ang akala ko hanggang textbooks ko lang maeencounter ang mga ganito. Heto nga't nakatapak na ako sa Baguio!
"Hindi kaya magagalit ang mga pinsan at kuya mo dahil iniwan natin sila doon sa hotel?" Tanong ko kay Fae habang nagpapahinga kami sa gilid ng daan. Kasalukuyan kaming nainom ng baon naming mineral water.
"Hayaan mo sila. I'm pretty sure they're sleeping as dead." She joked and sip her water.
Umiling ako't ininom ko din ang aking tubig na hawak ko. Biglang sumagi sa isipan ko si Keiran. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang wala na kami ni Fae sa kuwarto namin?
"Hi, two gorgeous." Biglang may bumati sa amin.
Pareho kaming napatingin ni Fae sa nagsalita. Dalawang lalaki. Parehong matatangkad. Ang isa ay moreno habang ang isa naman ay may kaputian. Pareho silang mukhang mestiso dahil sa features.
Gusto ko sanang dumistasya pero hindi na natuloy iyon nang binati din ni Fae ang dalawang lalaki.
"Hi. Mga turista din ba kayo?" She asked, with a sweet smile.
Ngumiti ang isa. "Yes, kakarating lang namin kahapon dito sa Baguio. We're from Manila." The moreno one answered.
Pansin ko na nakatitig sa akin ang lalaking maputi. Hindi ko alam kung bakit. Kinakabahan ako na ewan. Sa totoo lang, gusto ko nang lumayo sa mga ito! I'm wishing Keiran would be here. Mas okay pa na siya ang kasama ko...
"If you don't mind, we're gonna join you..." Dagdag pa niya.
Halos matalon ako sa gulat nang may naramdaman akong may pumulupot sa aking bewang. Napalunok ako nang maamoy ko ang pamilyar na pabango! Hindi kaya...
"That's impossible." Isang baritonong boses na aking narinig. Medyo nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa hindi makapaniwala. Napalingon ako para makumpirma ko kung siya nga ba iyon! At hindi nga ako nagkakamali! Ginapangan ako ng kaba nang makita ko ang kaniyang mga mata. His gentle and warm dark brown eyes turns into furious one. Like he's ready kill someone! "These girls are prohibited to talk to strangers like you. Especially this girl..." Mas lalo humapit ang pagkahawak niya sa bewang ko, ramdam ko pa ang marahan niyang paghalik sa aking sentido.
"Back off, dude." Rinig kong seryosong boses ni Flare na nasa likuran ni Keiran, palapit sa amin.
Wala naman magawa ang dalawang lalaki kungdi tinalikuran kami't lumayo na.
I gently remove Keiran's hand on my waist. Hinarap ko siya.
"How did you know we're here?" Hindi makapaniwalang tanong ni Fae kay Keiran.
Keiran smirked. "Nakabukas ang GPS ng girlfriend ko. That's it." Simpleng sagot niya sa kaniyang pinsan. Hinawakan niya ang isang kamay ko't walang sabi na hinalikan niya iyon. "Are you alright? I brought some t-shirts so you can change. Baka matuyuan kayo ng pawis."
Napalunok ako't nakaramdam ng hiya. Jusme, medyo okay pa naman ako kanina pero ngayon ay hindi na! Dahil sa pinapakitang kasweetan ng boyfriend ko!
Naghanap kami ng banyo sa park para makapagpalit kami ng damit Fae. Nag-ayos na din ng sarili. Medyo malaki ang damit ni Keiran para sa akin pero okay na din ito. After ay lumabas na kami. Naghihintay lang si Keiran sa labas habang kausap niya si Flare.
Napako ang tingin ni Keiran sa akin. He grinned. Lumapit siya sa amin. Agad niyang hinawakan ang aking kamay. "My shirt goods in you. Now, let's look for coffee then." Then he glare at Flare and the throw his key to him. "Tinatamad akong magdrive, ikaw naman."
Napakamot naman ng ulo itong si Flare. Medyo nagpapaawa effect pa nga sa amin ni Fae na as if kinakawawa siya ni Keiran.
"Don't complain, Flare. In the first place, you want to come with us. You volunteered to be a driver as an agreement." He said with his devilish smile.
"Oo na, wala naman kasi akong sinasabi, diba?" Then he tsked. Nauna siyang naglakad para puntahan namin ang sasakyan ni Keiran.
"How about Archie's car?" Biglang tanong ni Fae.
"Don't worry, Archie's with us. He's preparing his speech for you, Fae."
Lumaylay ang magkabilang balikat ni Fae. Sa tingin ko ay nagalit yata si Archie dahil ginamit ni Fae ang sasakyan nito nang walang paalam.
As my expected, sinermonan nga ni Archie si Fae. Sa tingin ko naman ay marunong naman magmaneho si Fae, ayaw lang ni Archie. Bukod sa hindi kabisado ni Fae ang pasikot-sikot dito (gamit lang namin ay google maps kanina) ay baka magkaroon pa ng aksidente nang wala sa oras.
"And, she doesn't have her license yet. " Sabi sa akin ni Keiran na pareho kaming nakaupo sa backseat. Talagang ginawa niyang driver si Flare! My god. Haha. "Kaya sobrang alala si Archie sa kaniya. Well, I can't blame him, though."
Tumango ako. Ngayon ay naitindihan ko na kung bakit. Kung sabagay, ginagawa nilang prinsesa si Fae dahil ito lang ang-iisang babae na pinsan nila.
Sa isang coffee shop kami tumigil. Magkakatabi pa ang mga sasakyan nila habang nagpapark. Kani-kaniya din kaming labas. Ako, bago man tuluyang nakalabas ay inaalalayan pa ako ni Keiran. Humirit pa nga si Flare na pagbuksan din siya ni Keiran pero snob ang peg ng lolo ninyo. Hehe.
Sabay din kaming pumasok sa loob. Hinayaan ko lang nakaakbay sa akin si Keiran. Mas lalo gumaan ang pakiramdam ko nang sinalubong kami ng isang acoustic na kanta na pinapatugtog dito. Pansin ko na halos ang mga tao dito ay nakatingin sa amin.
Hindi naman talaga maitanggi na puros guwapo ang mga pinsan ni Keiran (syempre, including him.) Ang iba ay parang ngayon lang nakakita ng guwapo, ang iba naman ay naintriga.
"Kami na ni Finlay mag-order. Hanap nalang kayo ng pwesto." Wika ni Suther.
"You know my usual order, dude." Wika ni Kal.
"How about you, baby?" Tanong ni Keiran na nanatiling naka-akbay sa akin.
"Macchiato nalang siguro sa akin." Sagot ko.
"Macchiato for my baby, cous." He told Suther. And he beamed at me. "Let's go, baby."
Sumunod lang ako sa kaniya. Gayundin din ang iilan pa nilang pinsan para maghanap ng malawak na pwesto para sa amin. Kung sabagay, hindi nga bang hindi mapapatingin eh kung puro mga guwapo ang mga itong kasama mo, hindi ba?
Hinila ni Keiran ang isang upuan at doon niya ako pinaupo. Umupo naman ako then he dragged the other one and sitting there. Inshort, magkatabi kami. Nasa tapat namin sina Flare at Fae. Nasa likuran naman namin sina Kal, Vlad, and Archie. Isesave nalang nila ang upuan sina Finaly at Suther.
"So..." Panimula ni Flare. "Saan ang una nating destination?"
"Sino ba ang nag-arrange ng itinerary natin?" Kal said and he grinned at Fae.
Fae just rolled her eyes. "Pwede bang magkape muna? Dala ko naman ang itinerary natin, duh!" She sounds like offended. "Isa pang pang-aasar mo, Kal... I'll make it sure I'll throw you away while the car's running."
"Stop it, Kal." Wika ni Archie pero nakangisi din. "Alam mo namang pikon iyan."
Hinayaan lang namin sila mag-asaran. Naramdaman ko nalang na marahang hinawakan ni Keiran ang kamay ko. "Ikaw ba, baby? Saan ba gusto mong pumunta habang nandito pa tayo sa North?"
Saglit ako nag-isip. May sumagi sa isipan ko na isang tao na gusto ko ding makita at makilala. "Apo Wang Od..."
"Wait, gusto mo magpatats?" Biglang sumingit si Flare nang marinig niya ang binaggit kong pangalan.
"Gusto ko lang subukan..." Saka ngumiti ako.
"You really want to try it, baby?" Si Keiran na kalmado lang. "Medyo masakit ang pambabatok."
Ngumiwi ako. "Ay, huwag nalang pala..."
"Keiran, dude... Hindi ganyan ang boyfriend." Sabi ulit ni Flare. "Tinatakot mo naman, eh."
"Hindi ko siya tinatakot. I'm just warning her. Baka sa kalagitnan eh bigla siyang magback-out. I'm just stating the possibilities." Pagpapaliwanag pa niya. "Sobrang layo ang pagpunta sa community nila, bundok ang dadaanin natin."
"Gusto ko din subukan." Biglang sabi naman ni Fae. "It's such an honor na makikilala ko si Apo Wang Od, atleast may souvenir pa ako sa kaniya." Then she smiled. "Bakit hindi ko nailagay iyon sa list ko? Hala?"
"I agree, cous. Let's give it a try." Segunda pa ni Vlad.
"Tutal naman ay pupunta din tayo ng Sagada, pwede muna tayong dumaan doon."
Blangko ang mukha ni Keiran. "Hey, guys. I'm afraid to lose your hopes but I'm not really agree this one." Aniya. Natahimik naman kami't tumingin sa kaniya. I can hear Fae's Awwww, why? "Seriously, kapag magpapatats kayo kay Apo Wang Od, it's not very easy as you think. Hindi iyon tulad sa Manila or somewhere na kapag magpatattoo ka na ay okay na. Bago ka niya ipa-tattoo, kailangan mo munang tumulong sa community service nila for a week." He explained.
Napasinghap ako sa info na binigay ni Keiran.
"Aw, eh di hindi matutuloy?" Tanong ni Flare na may bakas na pagkadismaya.
"Yeah, maybe some other time nalang." He suggest. Bumaling siya sa akin. "I'm sorry, baby."
Ngumiti ako saka tumango. " I understand. Don't worry."
Hinawakan niya ang ulo ko saka hinalikan niya ang sentido ko which mukhang nandiri pa ang mga pinsan niya sa kaniyang inakto habang si Flare naman ay humalakhak lang.
"We can go there, if we we're married, baby. I promised." He whispers.
Mas lalo lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya. "Sige, aabangan ko 'yan." Sabi ko.
Hindi pa siya nakuntento na halikan niya ang aking sentido. He grab my hand and he plant a kiss at the back of my palm. "I love you, baby."
Hindi na ako makasagot dahil sa nag-iinit na ang mga pisngi ko kahit na ang lamig-lamig naman dito! My goodness gracious!