Chapter 3

2369 Words
May sariling pamilya ang tatay niya at naninirahan ito sa America. Ang kwento ng nanay niya, nagtatrabaho ang tatay niya bilang isang taxi driver. Hanggang sa nagkaroon ito ng nobya at nagsasama na sila sa isang apartment. May ibang anak na rin ito na halos kasing edad niya. Matanda lang siya ng dalawang taon. Galit si Lorrene sa tatay niya. Para sa kanya ay patay na ito. Ayaw niya rin itong pag-usapan pa. Kahit pangalan nito ay ayaw niyang marinig. Palaban si Lorrene at hindi nagpapaapi, hindi niya pa naranasan na magkaroon ng boyfriend. Natatakot siya na pareho sa tatay niya ang kanyang magiging boyfriend, kaya mas pinili niyang hindi magkaroon ng karelasyon. “Anak naman eh hindi ko hinihingi yan sa ‘yo ang marangya na buhay. Ang gusto ko makatapos ka ng pag aaral at magkaroon ka ng magandang buhay,” saad ni Divine. “Bahala ka nga diyan, Nay. Matulog muna ako mamaya ka na mag-ingay.” Hinampas ng kanyang nanay ang puwit ni Lorrene at hinila ang kanyang kamay. “Bumangon ka! Bangon! Nagmana ka talaga sa tatay mo! Ganyan ang ugali ang tatay mo! Prangka na wala sa lugar. Kaya ayan lagi kang natatanggal sa trabaho,” dagdag pa nito. “Nanay, huwag mong banggitin ang tatay, namayapa na ‘iyon. Baka biglang mabuhay pa iyon at guluhin ang magulo nating buhay.” May narinig silang sasakyan na tumigil sa tapat ng kanilang bahay. Nagmamadaling bumaba ang kanyang Nanay Divine para tingnan kung sino ang kanilang bisita. “Bumangon ka na diyan! Pagbalik ko mamaya na nakahilata ka pa, bubuhusan kita ng kumukulong tubig!” Sigaw nito mula sa ibaba. Patuloy pa rin sa pagtulog si Lorrene at hindi niya pinansin ang sinabi ng kanyang nanay. Pagbukas ni Divine ng pinto. Bumungad sa kanyang harapan ang napaka-gwapong lalaki. May dala itong bulaklak at maraming chocolates. Nagulat si nanay Divine dahil ang aga pa ay mayroon nang umaakyat ng ligaw sa kanyang anak. “Good Morning po, ma'am. Kayo po ba ang mommy ni Lorrene?” tanong nito. “Ako nga ang nanay ni Lorrene. Good Morning din sa ‘yo, Sir, manligaw ka ba sa anak ko? Bakit ang aga naman? Baka pweding mamayang gabi na lang. Tulog pa kasi ang anak ko.” “Ma'am, ako po ang kanyang boss. Nandito po ako para pabalikin siya sa trabaho.” “Ah ganoon ba, Sir? Mabuti naman kung ganoon. Sige pumasok ka na tatawagin ko si Lorrene para kayo ang mag-usap. Umupo ka muna. Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita.” “Sige po ma'am. Hindi pa kasi ako nag-breakfast. Salamat po.” “Sige maiwan na kita, ipaghanda lang kita ng kape.” Bumangon si Lorrene dahil naiihi siya. Nagmadali siyang bumaba at tumakbo pababa ng hagdanan. Nagulat siya ng bumungad sa kanyang harapan ang kanyang ex boss na si Froilan Ignacio. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Naka-pajama si Lorrene at wala pa itong suot na bra. Nagulat siya ng makita niya si Froilan na nakaupo sa sofa. “Nanay! Nanay! Anong nangyari dito? Bakit po siya nakapasok dito?” Tanong ni Lorrene sa kanyang nanay. Nakasimangot pa ito at galit na galit. “Anak aakyat daw siya ng ligaw sa ‘yo. Kaya pinatuloy ko? Sayang naman ang mga bulaklak at chocolate kung pauwiin ko na lang siya na hindi ka niya nakikita.” Pabiro na sinabi ng kanyang nanay. “Maiwan ko muna kayo. Mag-usap kayong dalawa. Mamimili lang ako ng lulutuin ko mamaya. Sir, ito na ang kape mo.” Sabi ni Divine nang iniabot ang isang tasa na may timplang kape kay Froilan. “Anak, kausapin mo ng maayos ang boss mo at bumalik ka na sa trabaho mo,” saad pa ni Divine sa kanyang anak. “Nanay hindi ko na po siya boss. Bakit hindi ninyo sinabi sa akin na may aso kayong pinapapasok dito? Para naghanda ako ng dog food!” Pang aasar ni Lorrene kay Froilan. Ngumiti lang si Froilan at kinindatan pa siya nito. Lalong umusok ang ilong ni Lorrene at gusto niya itong sipain palabas ng kanilang bahay. “Lorrene okey na ako sa kape, huwag ka nang mag-abala.” Nakangiti pa si Froilan habang kausap si Lorrene. “Lorrene umayos ka nga! Ayusin mo yang ugali mo. Bisita natin siya, kaya gamitin mo ang pinag-aralan mo. Aalis na ako, umayos ka! Sir pasensya ka na sa ugali ng anak ko, normal lang sa kanya ‘yan. Sana hindi ka ma offend.” Saad nito. “Okey lang po ma'am. Naintindihan ko po ang anak ninyo. At isa pa may malaki akong kasalanan sa kanya.” Lumaki ang mga mata ni Lorrene sa sinabi ni Froilan. Kaya hinila niya ang kanyang nanay para lumabas na ng bahay. “Nanay, umalis na po kayo, huh. Hin’di ba mayroon kang bibilhin? May pag-uusapan lang kami ng aking ex boss.” Sabi nito. “Anak anong kasalanan ng boss mo sa ‘yo? Nag-aalala ang kanyang nanay. Iniisip na agad nito na buntis si Lorrene. Tiningnan niya ang tiyan ni Lorrene. Hindi pa siya nasiyahan ay kinapa pa niya ito. “Nanay ano po ang iniisip ninyo? Na buntis ako?” Tumawa si Froilan sa sinasabi ni Lorrene sa kanyang nanay. “Anak, buntis ka? Sabihin mo sa akin buntis ka ba?” galit na tanong nito. “Nay! Anong buntis? At ikaw bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?” sigaw ni Lorrene kay Froilan. “Anak kung ano man ang problema ninyong dalawa, pag usapan ninyo! Aalis na ako!” umalis na ang kanyang nanay Divine para mamalengke. Nakita ni Lorrene na nakangisi pa si Froilan at may halong pang-aasar. Nilapitan niya ito at tinititigan. “Anong ginagawa mo dito? Tinanggal mo na ako ‘di ba? Ang polo mo hindi ko pa nalabhan. Ang aga mo naman yata?” tanong ni Lorrene kay Froilan. “Kalimutan mo na ang polo. Lorrene, umupo ka muna at mayroon akong ipapagawa sa ‘yo para makabalik ka sa aking opisina. Pero pwede ba mag toothbrush ka muna at maligo ka ang baho mo!” umusok ang ilong ni Lorrene sa galit kay Froilan. Tsaka niya napansin ang kanyang hitsura na wala siyang suot na bra. At wala pang suklay ang kanyang buhok. “s**t! Oh my God!” Nagmadali siyang tumakbo sa taas. Biglang nahiya siya sa kanyang hitsura. Naiwan si Froilan na tawa ng tawa. Pagbaba ni Lorrene, nakaligo na ito at maaliwalas na ang kanyang mukha. Hindi ito nakasuot ng salamin. Tinititigan siya ni Froilan at ngumiti na naman ito. “Hoy! Baka nakalimutan mo na pamamahay ko ito! Pwede kong bunutin isa-isa yang ngipin mo ngiti-ngiti ka pa dyan! Nangaasar ka ba? Isa pa, hindi ko na kasalanan kung ganoon ang ayos ko! Malay ko ba kung may taga ibang planeta na maligaw sa bahay namin.” Sigaw pa niya. “Lorrene alam kong nahihiya ka. Tsaka hindi ko naman hiningi ang paliwanag mo. Bakit ba kasi nagpapaliwanag ka? Kung magagalit ka rin naman. At isa pa may kailangan ako sa ‘yo.” “Ano ba ‘iyon? hindi na kita boss ngayon. Kaya ganito ang trato ko sa ‘yo. At isa pa may kasalanan ka sa akin kaya dapat lang na hindi kita tratuhin ng maayos.” Pinaikot pa ni Lorrene ang kanyang mga mata, habang inaasar niya si Froilan. Nag-enjoy naman ang kanyang boss na tingnan siya. “Lorrene, alam ko kailangan mo ng trabaho. At ang pagkakaalam ko pang anim na ang aking company na pinapasukan mo. Lahat tinanggal ka sa trabaho.” Nagtataka si Lorrene kung bakit alam ni Froilan ang kanyang background. Naiinis si Lorrene kulang na lang sakmalin niya ito. “Ano? Saan mo naman nakuha yan? Anong pinagsasabi mo dyan? Adik ka ba? Umuwi ka na nga! Isa pa ayaw ko nang bumalik sa ‘yo!” Tumayo si Lorrene at binuksan niya ang pinto. “Umalis ka na, Froilan.” “Lorrene, gusto ko lang linawin sa ‘yo hindi kita pinabalik sa akin. Sa company ko po! Walang tayo. Baka nag-take advantage ka sa paghalik ko sa ‘yo. Kalimutan mo na iyon okay?” Umuusok ang ilong ni Lorrene at tinulak niya si Froilan. “Ikaw huh! Nakadalawa ka na sa akin! Last na lang! Habang hindi pa lumabas ang sungay ko lumayas ka na!” sigaw ni Lorrene kay Froilan. “Ops! Lorrene bakit ba galit na galit ka? Nagbibiro lang naman ako. Seryoso mo naman. Nag aaral ka ‘di ba? Ang alam ko next semester graduate ka na. Ang course mo ay Business Administration. Favourite food mo pancit na may ketchup. Wala ka pang boyfriend since birth at ako ang iyong first kiss. Hiwalay din ang mommy at daddy mo. Ang daddy mo sumama sa ibang babae. Nasa Amerika nakatira at may kapatid ka sa labas. Matanda ka lang ng dalawang taon sa kanya. Pero mas maganda siya sa ‘yo kasi syempre nasa America ‘di ba?” “Froilan anong ginagawa mo? Pinaimbistigahan mo ba ang buhay ko? Privacy ko ‘yan respetuhin mo naman! Get out! Get out of my house!” Galit na galit si Lorrene. Kinuha niya ang kanyang baseball bat para ihampas niya kay Froilan. “Lorrene, makinig ka! Nandito ako para tulungan ka! Kailangan ko ng Anak. Papayag ka ba na aanakan kita?” “Ano? Anong gusto mo anakan mo ako? No way! Hindi kita gusto at kahit kailan hindi kita magugustuhan! Age gap natin ang layo! Lolo na kita!” Sigaw ni Lorrene kay Froilan. “Haha Lorrene, 20 ka ‘di ba? Ako 28 hindi malayo yan. At hindi ako mukhang lolo. Mas mukha ka pang lola sa akin eh! Lilinawin ko sa ‘yo, hindi kita type. Mukha kang manang, kaya lang ang katulad mo ang pasok sa taste ko. Ikaw ang pinili ko kasi alam ko walang magkakagusto sa ‘yo. Hindi mahulaan ang sperm cell ko d'yan sa matris mo.” Pang aasar pa nitong sabi. “Hoy! Nang aasar ka ba? Nakarami ka na huh!” Hinampas ni Lorrene ng baseball bat si Froilan sa hita. Tumalon si Froilan sa sakit. Nataranta si Lorrene dahil napalakas niya ang paghampas kaya’t tinulungan niya itong nakaupo sa sofa. “Ano ba? Anong tingin mo sa hita ko bola? Ikaw pa itong tinulungan, ikaw pa ang galit. Patapusin mo nga ako ng pagsasalita bago ka mag-react.” Saad nito habang namilipit sa sakit ng hita. “Hoy! Hindi mo ako tinulungan. Nilalait mo ako! Sino ba naman ang hindi magagalit? Sobra sobra ka na manglait!” “Lahat na yata ng kapintasan sa katawan ko sinasabi mo na! At lahat ng detalye sa buhay ko parang alam mo na lahat! Anong plano mo! Stalker ka ba? Umuwi ka na nga baka mapatay pa kita, eh.” “Lorrene, bigyan mo ako ng anak,” Lumaki ang mga mata ni Lorrene. At nagmadali siyang tumayo. Inisip niya na baka gahasain siya ni Froilan. Tinakpan niya ang kanyang dibdib saka hinawakan niya ulit ang baseball bat. Tumawa ng malakas si Froilan nang makita niya ang reaction ni Lorrene. “Huwag kang lumapit sa akin papatayin kita! Manyak ka! Tama na iyong hinalikan mo ako! No way ang kapal ng mukha mo! Lumayas ka na nga!” Itinaboy ni Lorrene si Froilan para umalis. “Hahaha Lorrene ano ka ba nakakatawa ka naman. Wala akong plano na hawakan ang pangit mong katawan.” “Buhayin mo ang sperm cell ko sa matris mo. Gagawin kitang surrogate mother at ikaw ang magdala sa baby ko.” “Alam mo ang ibig sabihin ng surrogate mother ‘di ba? Nag-aaral ka naman ‘di ba? natural alam mo. Hindi tayo magsex. May kontrata tayo. Papakasalan kita para mag mukhang totoo. Pero pagkatapos mo manganak tapos na ang kontrata at sa akin na si baby.” “Ano? Anak ko ang dadalhin ko, tapos ibibigay ko sa ‘yo?” sigaw ni Lorrene kay Froilan. “Lorrene, mansion, kotse, 10 million pesos kapalit ng hinihingi ko sa ‘yo at kapag nakatapos ka ng pag aaral, pwede ka na magtrabaho sa aking company. Hindi ordinaryo ang position mo gagawin kitang presidente ng company dahil asawa kita sa papel. Dapat mataas ang posisyon mo. 9 months mo lang naman dadalhin ang baby ko sa tiyan mo ‘di ba? Itlog mo at sperm cell ko ang kailangan natin para makabuo ng baby. Hindi na kailangan na magsex tayo. Pag isipan mo ng mabuti Lorrene. Walang mawawala sa ‘yo. May makukuha kang benefits at may sarili kang yaya at ang mommy mo. Hindi na siya nagtitinda. May allowance kayo na matatanggap sa akin habang buhay. Kahit tapos na ang Kontrata natin, hindi mawawala ang financial support ko sa inyo ng mommy mo. Wala na kayong problemahin. Pagisipan mo, Lorrene .” Saad nito. “Iba talaga kapag mayaman. Sobrang powerful ang iniisip. Excuse me kahit balutin mo ng gold ang buo kong katawan. Hindi ako pumayag sa gusto mong mangyari. Maraming babae d'yan bakit sa akin ka lumalapit? Minamaliit mo ba ang pagkatao ko?” tanong ni Lorrene kay Froilan. “Lorrene hindi kita minamaliit, ang dahilan kung bakit ikaw ang napili ko. Dahil matino ka at weird. Dapat proud ka dahil ikaw ang pinili ko pero kung ayaw mo, wala akong magagawa. Sige, aalis na ako. Kung magbago ang isip mo, heto ang calling card ko tawagan mo lang ako. Bye, Lorrene. By the way, thank you for the coffee. Have a nice day.” Naiwan na nakatulala si Lorrene. Huminga siya ng malalim. Sa wakas, nakahinga siya nang maluwag. Umakyat siya sa kanyang kwarto at nag iisip. Ang totoo nasilaw siya sa offer ni Froilan. Wala sa kanyang plano ang mabuntis ng maaga pero inisip niya na hindi naman sila magsesex kaya okey lang. Ngunit naisip niya na mali pa rin. Anak niya pa rin iyon at basta niya lang ibigay sa iba dahil sa kayamanan. “Hindi pwede, no! No! No!” sigaw nito. Nagbihis na si Lorrene para maghanap ng trabaho. Hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na makapagtrabaho at makapag ipon para matustusan ang kanyang pag aaral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD