“Hoy babae! Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinihintay tapos na ang kainan oh nagligpit na sila.” tanong ni Kyla nang makita si Lorrene.
“Pwede ba kyla ‘wag ngayon. Wala ako sa mood na sakyan ka!”
Tumakbo si Lorrene papunta sa kanyang opisina. Naiwan si Kyla na naguguluhan. First time nakita niya na nagalit si Lorrene sa kanya. Naiwan siyang nag-iisip dahil nakita niya si Lorrene kanina, na sinusundan nito ang kanilang boss.
“Hmmm.... ano kaya ang nangyayari? “Di kaya napagalitan si Lorrene ni Sir Froilan?
dahil natapunan ang damit nito ng juice? Kawawa naman si Lorrene tsk tsk.” Bulong ni Kyla sa kanyang sarili.
Kinuha ni Lorrene ang kanyang bag para umuwi pero nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto. Lumaki ang kanyang mga mata ng nakita niya kung sino ang pumasok sa kanyang opisina. Walang iba kung hindi si Froilan Ignacio ang kanilang CEO.
Ang lalaking humalik sa kanya kanina lang. Galit na galit si Lorrene na lumapit kay Froilan. Sinampal niya ito sa mukha. Nagulat si Froilan at hinawakan niya ang kanyang mukha. Malakas ang pagkakasampal ni Lorrene kaya’t namula ang mukha nito.
“Ang kapal ng mukha mo! alam mo ba na first kiss ko iyon! Manyak! Manyak!” Sinuntok suntok ni Lorrene ang dibdib ni Froilan. Kalmado lang ang CEO at hinayaan niya na inilabas ni Lorrene ang galit nito dahil kasalanan naman niya ang lahat. Pagpasok ni
Kyla ay nagulat siya nang makita niya ang dalawa na ganoon ang eksena.
“Lorrene, anong ginagawa mo?” hinila ni Kyla si Lorrene.“Bakit mo sinasaktan, ang boss natin?” Saway ni Kyla sa kanyang kaibigan. Na-shock si Lorrene sa kanyang narinig. Hindi siya nakapagsalita at tinititigan niya si Kyla.
“Kyla anong sinasabi mo? Paki ulit ng sinasabi mo!” Tanong ni Lorrene kay Kyla. “Nagbibiro ka lang ‘di ba?” dagdag na tanong nito.
“Lorrene, ano ka ba? Hindi mo ako narinig? Siya ang boss natin. Siya ang CEO ng company kung saan tayo nagtatrabaho. Siya ang may-ari nito at siya ang nagpapasahod sa’yo! Bakit ginagawa mong punching bag ang kanyang dibdib?” tanong nito kay Lorrene.
Hindi makatingin si Lorrene kay Froilan. Pero hinawakan ni Froilan ang mga kamay ni Lorrene at inilagay niya ito sa kanyang dibdib.
“Lorrene, right?” Tumungo si Lorrene at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwala na ang taong humalik sa kanya ay ang kanilang CEO.
“Lorrene, buksan mo ang iyong mga mata. Suntukin mo pa ako saan mo gusto, sa mukha o sa dibdib? Ibibigay ko sa’yo ang chance na gawin sa akin ang lahat ng gusto mo.”
“Basta pagkatapos nito ay lumayas ka sa opisina ko. You’re fired!” Nagulat si Lorrene sa kanyang narinig pero hindi pa rin siya nagpakumbaba.
“Okay, Sir. Ngayon din aalis na ako sa company mo dahil wala akong plano na magpatuloy sa aking trabaho. Lalo na ngayon na alam kung manyak ang CEO.” Saad niya.
“Hoy! Lorrene, ano ka ba? Bakit ganyan ka magsalita sa boss natin? Anong manyak? Ano ba kasi ang nangyayari sa inyo?” Tanong ni Kyla kay Lorrene. Naguguluhan pa rin ito sa nangyayari.
“Manyak? Ako manyak? Ikaw ang pumasok sa restroom at ikaw ang sumugod sa akin ‘di ba? Ikaw ang manyak, hindi ako!” Pang aasar ni Froilan kay Lorrene. Umuusok ang ilong ni Lorrene sa galit.Tumalikod siya kay Froilan at lumapit siya kay Kyla.
“Kyla walang nangyayari. Huwag ka nang magtanong.” Kinuha ni Lorrene ang kanyang mga gamit at nagmamadaling umalis pero tinawag siya ni Froilan .
“Lorrene, sandali lang bago ka umalis may ipapagawa ako sa ‘yo. Kabayaran sa pagbugbog mo sa akin.” Hinubad ni Froilan ang kanyang polo at inihagis niya sa mukha ni Lorrene.
“Tanggalin mo ang mantsa at ibalik mo sa akin bukas.” Saad nito. Nagulat si Lorrene sa kanyang narinig. Inihagis niya pabalik kay Frolian ang polo.
“Mayaman ka ‘di ba? Bumili ka ng bago!” Sigaw ni Lorrene kay Froilan.
“Mamili ka Lorrene, lalabhan mo ba ‘yan o bayaran mo? Mura lang naman yan eh isang buwan na salary mo. Mamili ka.” Walang nagawa si Lorrene. Kinuha niya ang polo ni Froilan at nagmadali siyang lumabas sa opisina habang umiiyak siya sa sobrang galit.
“Kyla, akin na ang resume ni Lorrene. May titingnan lang ako.” Saad ni Froilan.
“Okay po Sir. Sir, i'm sorry po sa ginawa ng kaibigan ko. Mabait po siya hindi niya kasi alam na ikaw ang CEO ng company. Sir, please lang po huwag niyo naman siyang ipakulong.” Pakiusap ni kyla sa kanyang boss.
“Kyla relax, may gagawin lang ako na magustuhan ni Lorrene.” Sagot ni Froilan.
“Marami pa kasi siyang pangarap sa buhay. Kawawa naman po ang kaibigan ko. Abnormal lang iyon Sir, pero mabait.” Paliwanag ni Kyla kay Froilan. Ngumiti lang si Froilan at nagmamadaling lumabas sa opisina.
“Anak gising na late ka na sa trabaho mo. Bakit ba hindi ka nag alarm? Aalis na ako para bumili ng mga kailangan natin sa canteen, Lorrene.” Ayaw pa rin gumising ni Lorrene kaya hinila niya ang paa nito.
“Nanay, wala na po akong trabaho hayaan niyo muna akong matulog. Antok na antok pa po ako, eh.” Sagot ni Lorrene habang nakapikit pa ang mga mata nito.
“Anak anong nangyayari, natanggal ka na naman? Anak pwede ba baguhin mo naman ang ugali mo. Paulit-ulit na lang pang-ilan mo na ba yan?” Tanong ng nanay niya.
“Nanay pang anim na po, may darating pa na pang pito, walo, siyam at sampu” Sagot ni Lorrene sa kanyang nanay.
“Lorrene! Bumangon ka dyan! Paano ka makakaipon kung ganyan ka? Pwede ba kahit minsan lang matuto kang magpasensya! Paano ang pag-aaral mo? Alam mo naman, kasya lang sa ating dalawa ang kinikita natin sa canteen,” saad ng kanyang ina.
“Nanay, huwag po kayong mag alala. Madiskarte po ako sa buhay. Kaya kong pag-aralin ang sarili ko at tutuparin ko ang pangarap ninyo na tumira sa malaking bahay. May magandang kotse at may sariling housemaid.” Pangarap kasi ni Lorrene na mabigyan ng magandang buhay ang nanay niya. Mayroon silang Canteen malapit sa eskwelahan kaya mayroon silang araw-araw na makukunan ng panggastos sa bahay. Pero hindi ito sapat para matustusan ang kanyang pag aaral. Nasa sa 4th year college na siya sa next semester kaya’t kailangan niya na ng malaking pera para sa tuition niya.
Sa Cavite sila nakatira at doon na rin siya lumaki. Lumaki siyang isang mabuting anak at masunurin sa kanyang nanay. Nag-iisa nalang kasi ang nanay niya, iniwan na sila ng tatay niya mula noong bata pa siya. Sa tuwing malulungkot ang nanay niya at napapagod, palihim siyang umiiyak. Ayaw niyang ipakita sa nanay niya na malungkot siya. Kailangan matapang siya para hindi makadagdag sa iniisip ng nanay niya. Hanggang sa natuto siyang mangarap para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina.