GABI na pero hindi pa rin siya nakakauwi ng bahay, wala siyang planong umuwi. Hindi niya matanggap ang gusto ng kaniyang nanay kaya naisipan niya na lang na pumasok sa isang bar. Mag-isa siyang nakaupo sa table habang sumisimsim ng in-order niyang wine, hanggang ngayon ay walang tigil sa pagtulo ang kaniyang luha.
“Hindi ako papayag sa gustong mangyari ni nanay.” Sunod-sunod ang pagtungga niya ng alak. “Pagkatapos niya kaming iwan, maglalakas loob siyang bumalik sa amin? Hindi ako papaya. Hindi!”
Nakalimutan na ni Lorrene na nasa loob siya ng bar. Maraming umiinom, sumasayaw, at nagkakasiyahan. Nadala siya sa knaiyang emosyon kaya kahit nakakailang baso pa lang siya ng wine ay lasing na siya. Hindi rin kasi siya sanay uminom. Nagulat siya nang may biglang umupo sa kaniyang harapan, isang lalaki na puno ng tattoo sa katawan.
“Hoy, Miss!” pagtawag nito sa kaniya.
“Ako ba ang tinatawag mo?” tanong niya.
“Lasing ka na ba? Gusto mo na bang umuwi? Ihahatid na kita. Saan mo ba gusto, sa langit o impyerno?”
Uminit ang tenga niya sa narinig. Hindi pa ito nakuntento at tinanggal pa ang suot niyang salamin. Hindi niya napigilang sampalin ang lalaki dahil sa galit.
“Ang kapal ng mukha mo! Pumili ka ng babaeng babastusin mo, huwag ako! Akin na ang salamin ko!”
Hinablot ni Lorrene ang kaniyang salamin ngunit hinulog ito ng lalaki sa sahig saka tinapak-tapakan. Basag at yurak-yurak na ang salamin pero pinulot niya pa rin ito.
“Ano, miss, kaya mo pa bang isuot ʼyan?” nang-uumay na turan nito. “Napakatapang mo naman, hindi mo kilala ang sinampal mo!” galit na saad nito.
Tumayo siya at agarang napaatras nang lumapit sa kaniya ang lalaki. “Itsura mo pa lang, kilala na kita! Isa kang drug addict at walang modo! Hayop ka, sinira mo ang salamin ko!” Binato niya sa lalaki ang sira niyang salamin. Kinuha niya pa ang baso ng wine at walang pagdadalawang-isip na tinapo ʼyon sa mukha nito. Ngunit may dalawang lalaki na lumapit at hinawakan siya sa magkabilang kamay. Marahas siyang hinawakan ng lalaki sa mukha pero agad na umilag siya at sinipa ito.
“Mga bastos kayo! Bitiwan nito ako, ano ba?!” sigaw niya sa mga ito ngunit tinawanan lamang siya nito. Nagsigawan pa ang mga ito dahil sa saya.
“Miss matapang, puwede ko bang malaman ang pangalan mo? Nakadalawang sampal ka sa akin. Tinapunan mo pa ng wine ang mukha ko. Hindi naman puwedeng hindi mo man lang sasabihin ang pangalan mo!” saad ng lalaki na may maraming tattoo sa katawan.
“Bitiwan niyo ako, mga bastos kayo! Hindi ko basta-basta ibibigay ang pangalan ko sa mga taong bastos at walang modo!”
Lumapit na rin ang dalawang guwardya ng bar para awatin sila ngunti talaagang ayaw nito magpaawat. Nagulat na lamang ang lahat nang may sumulpot sa kanilang harapan. Isang matangkad at napakaguwapong lalaki. May kasama pa itong mga bodyguard.
“Bitiwan niyo ang asawa ko!”
Tigagal ang lahat sa kanilang narinig. Kahit ang lalaking may tattoo ay napatitig kay Lorrene, hindi makapaniwalang may asawa na pala siya.
“Asawa?” Tumawa pa ito. “Itong babaeng ʼto ang asawa mo? Pakiulit nga, ang hirap paniwalaan, eh,” pang-aasar pa nito.
“Ang sabi ko, bitiwan niyo ang asawa ko! Kung ayaw niyong umuwi na puro bali ang katawan!” muling sigaw ni Froilan na siyang bagong dating.
“Totoo nga na asawa mo ang babaeng ito?” Hindi makapaniwalng tanong na lalaki bago muling bumalik ang tingin kay Lorrene. “Hoy, miss, anong klaseng gayuma ang ginamit mo sa asawa mo at napa-ibig mo siya?” nang-aasar na tanong nito.
“Bitiwan niyo na ang babaeng ʼyan.” Mabilis na sinunod iyon ng dalawang kasama nito. “Makaalis na nga at baka ano pa ang masabi ko.” Tumigil ito sa harap ni Froilan. “At ikaw parem huwag mong hayaan na maglasing ang asawa mo sa ganitong lugar, kung totoong asawa mo nga siya. At ikaw naman babae, sa susunod na magtagpo ang landas natin, sisingilin kita sa pagsampal mo sa ʼkin. Tara na!”
Tuluyan nang umalis ang lalaki kasama ang mga bakada nito habang nagtatawanan. Kinuha ni Lorrene ang kaniyang bag at dinampot ang salamin na sira at basag na.
“Lorrene, bitiwan mo na ʼyang sirang salamin mo, hindi mo na kailangang pulutin at ayusin pa ʼyan,” malumanay na sambit ni Froilan.
“Umalis ka sa harapan ko, Froilan! Hindi kita kailangan!” sigaw niya rito.
“Ano ba kasi ang ginagawa mo sa ganitong lugar? Naglalasing ka at ayan, binabastos ka na!” singhal din nito sa kaniya.
“Ano ba ang pakialam mo? At bakit mo sinabi sa hayop na ʼyon na asawa mo ako? nangangarap ka na naman, hindi ako papaya sa gusto mo. Lumayo ka sa ʼkin!”
“Ibang klase ka rin, ʼno? Kahit simpleng thank you, hindi mo masabi. Pasalamat ka nga at kahit napaka-weird mo, hindi ako nahiyang sabihin sa mga lalaking iyon na asawa kita!”
“Lumala lang ang sitwasyon dahil sa sinabi mo. Pakialamero ka talaga!” sigaw niya kay Froilan. Pigil na pigil ang galit na nararamdaman para sa lalaki.
“Hindi mo ba nakita? Hindi sila makapaniwala dahil napakaimposible nga naman, ʼdi ba?” nang-aasar na turan nito.
“Oo nga naman, Froilan, napakaimposible talaga dahil hindi ako papayag sa gusto mo kahit na ano’ng mangyari! At bakit ka nga pala nandito? Sinusundan mo ba ako?” nagdududang tanong niya ngunit nginitian lang siya nito saka iniwan.
“Buwisit! Iniwan pa ako. Gago!” bulong niya sa sarili. Muli siyang umupo at nag-order ng wine. Wala siyang plano umuwi, mas gusto niya pang maglasing para makalimot kahit paapa’no.
Antok na minulat ni Lorrene ang kaniyang mga mata. Saglit siyang natigilan nang mapagtantong hindi pamilyar ang lugar na ito sa kaniya.
“Nasaan ako? Kaninong bahay ito? Sino ka? Bitiwan mo ako!” sunod-sunod na turan niya habang nagpupumiglas.
“Lasing ka na kaya puwede bang huwag kang magulo? Pasaway ka!”
Pinasok siya ng lalaking sobrang pamilyar ang boses sa kaniya sa isang magandang kuwarto na may malambot na kama.
“Ang init, sobrang init.” Wala sa sariling hinubad ni Lorrene ang suot na damit sa init na nararamdaman ng kanyang katawan. Mabilis na tumalikod si Froilan dahil ayaw niya itong makita ngunit talagang nang-aasar si Lorrene dahil lumapit pa ito.
“Hoy, lalaking mayabang! Bakit ka tumalikod? Ayaw mo bang makita ang hubad kong katawan? Ayaw mo ba? Sexy naman ako, ʼdi ba?” turan ni Lorrene sa isang nang-aakit na tinig.
Mariing napapikit si Froilan. Kumuha ito ng damit para ibigay kay Lorrene. “Magbihis ka nga! Ayan! Kung naiinitan ka, pumunta ka sa bathroom at maligo! Magbabad ka sa bath tub! Huwag mo akong pilitin na hawakan iyang katawan mo!” singhal nito sa dalaga.
“Napakasungit mo kapag hindi ka lasing tapos ngayon ay ipamimigay mo na lang basta-basta ang katawan mo sa ʼkin,” inis na turan ni Froilan dahil sa kinikilos ni Lorrene. Hinila niya ito patungo sa bathroom. “Halika rito sa loob ng banyo. Maligo ka para mahimasmasan ka!”
“Ano ba, bitiwan mo ako! Ayokong maligo, ano ba?!”
Hindi pinansin ni Froilan ang pagpupummiglas niya. Walang pag-aatubili nitong pinaandar ang shower dahilan para mapatili si Lorrene dahil sa malamig na tubig na dumampi sa katawan niya. Pareho na silang dalawang basa dahil sa likot ni Lorrene.
“Ano ba, bitiwan mo ako!”
Hindi sinasadyang natulak ni Froilan si Lorrene kaya bumagsak ito sa sahig. Mabilis niya naman itong tinulungan para tumayo pero agad rin siyang napalunok nang bumungad sa kaniyang harapan ang dalawang maumbok na dibdib ng dalaga. Tumalikod siya agad bago pa niya iyon makain.
“Ang manyak mo, Lorrene! Hindi kita papatulan, maligo kang mag-isa!” Pigil-pigil ni Froilan ang sarili dahil sa init na biglang lumukob sa kaniyang katawan. Ngunit hinila siyang muli ni Lorrene.
“Hindi kita bibitiwan. Ano’ng akala mo sa ʼkin, tanga para bitiwan ka? Halika, sabayan mo akong maligo!” Nawawala sa sarili si Lorrene dahil sa sobrang kalasingan, hindi na niya maintindihan ang mga kinikilos.
“Hubarin mo ang damit mo.” Wala sa sariling napunta ang kamay ni Lorrene sa laylayan ng damit ni Froilan, hindi niya na alam ang kaniyang ginagawa.
Pinigilan siya ni Froilan dahil may respeto pa rin siya sa dalaga. Natatawa na lang ito sa mga ginagawa ni Lorrene. Kung gaano ito katapang kung hindi lasing ay gano’n din naman ito kamanyak kapag lango sa alak. Kahit na inaakit na siya ng dalaga ay hindi niya ito papatulan. Ayaw niyang pagsamantalahan ang kalasingan nito.
“Tama na, Lorrene. Maligo ka na at pagkatapos mo, nandoon lang ang tuwalya. Magpapagawa ako ng soup kay Manang para mahimasmasan ka, nakakahiya ka. Mag-usap tayo bukas.”
Iniwan na ni Froilan si Lorrene. Lalaki siya at hindi niya kayang makita ng gano’n ang itsura ni Lorrene at baka hindi niya mapigilan ang sarili. Bumaba siya sa kusina para utusan si Manang na magluto ng soup. Bumalik din siya agad sa kuwarto para magbihis, pati siya ay nabasa dahil sa sobrang likot ni Lorrene kanina. Hindi mawala sa kaniyang isip ang katawan ng dalaga, nag-iinit ang kaniyang katawan. Aminado siya na sobrang naaakit siya ng katawan nito. Matangkad si Lorrene, maganda ang hubog ng katawan, at napakakinis pa ng balat. Nakita niya pa ang hugis ng dibdib nito, napakaperpekto, gustong-gusto niya itong hawakan. Naramdaman niya ang paninikip ng suot niyang pang-ibaba. Napamura siya at lihim na napangiti.
“Lagot ka sa ʼkin bukas, Lorrene. Tingnan natin kung ano ang reaksyon mo kapag nakita mo ang video. Napakamanyak mo, gusto mo pa akong gahasain!”
SAKIT ng ulo ang naramdaman ni Lorrene sa kaniyang paggising. Hinanap niya ang kaniyang salamin pero hindi niya ito makita, saka niya lang naalala na nabasag nga pala ito. Inilibot niya na lang ang paningin ngunit laking gulat niya nang mapagtanto na iba ang itsura ng kuwarto. Napaigtad siya at nagmamadaling bumangon.
“Sh*t! Nasa’n ako? Bakit ako nandito? Oh my God!” Kinapa niya ang katawan pero wala naman siyang kakaibang nararamdaman. Kinuha niya agad ang kaniyang bag na nasa ibabaw ng bedside table at saka napansin na polo na lang ang kaniyang suot na damit.
“Nasa’n ang mga damit ko? Wala akong underwear?” Halos maiyak si Lorrene sa sobrang pag-aalala sa totoong nangyari sa kaniya.
Hotel ba ito? Sino ang nagdala sa ʼkin ditto? Sobrang lasing ko ba kagabi at wala akong maalala kahit na isa? Lord, wala na ba ang virginity ko? Nasaan ang bra at panty ko? Nasaan ako?! ilan lang ito sa mga tanong na tumatakbo sa kaniyang isip. Naguguluhan at natatakot siya sa nangyari.
Biglang bumukas ang pinto kaya mabilis siyang napatayo para tingnan kung sino ang pumasok.
“Good morning, Lorrene.” Isang ginang na may dalang nakatuping damit ang bumati sa kaniya. “Ito na ang mga damit mo na nilabhan ko kagabi. Huwag kang mag-alala dahil ako ang nagbihis sa ʼyo, wala kang underwear, ʼdi ba?” nakangiti nitong turan sa kaniya.
“Kilala niyo po ako? Sino po kayo? Bakit ako nandito? Ano’ng ginagawa ko rito?” sunod-sunod niyang tanong.
“Sinabi ni Froilan sa akin ang lahat. Manang Carmen ang itawag mo sa akin. Ang swerte mo, hija, ikaw ang kauna-unahang babae na dinala ni Froilan dito sa mansion. Kahit minsan ay wala siyang dinadala rito, ngayon lang ito nangyari.”
Bigla siyang naguluhan. “Manang, tama po ba ang narinig ko? Si Froilan po?”
“Oo, hija. Si Froilan, siya ang nagdala sa ʼyo dito. Lasing na lasing ka at wala kang naaalala. Pero huwag kang mag-alala dahil ako ang nagbihis sa ʼyo at hindi si Froilan.” Ngumiti pa ito na tila ba nang-aasar.
“Nakakahiya naman po sa inyo, manang. Maraming salamat po at pasensya na sa abala. Hindi kop o talaga alam kung ano ang nangyayari pero maraming salamat po sa inyo, manang.” Tumayo na siya at kinuha ang damit na dala nito. “Magbibihis lang po ako.”
“Sige, Lorrene. Maiwan na kita, ha? May gagawin pa ako sa baba,” paalam nito.
“Sige po, manang, maraming salamat po.”
Tuluyan na itong lumabas ng kuwarto. Mabilis niyang ni-lock ang pinto saka sumigaw sa galit. Nagagalit sa kaniyang sarili.
“Ano’ng ginawa ko? Nakakahiya! Kailangan ko nang umuwi. Si nanay, nag-aalala na sa ʼkin ʼyon.”
Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas din siya agad at patakbong bumaba ng hagdan. Nagulat siya nang bigla niyang makita si Froilan sa kaniyang harapan.
“Saan ka pupunta? Tatakasan mo pa ako. Umupo ka sa dining, mag-breakfast muna tayo at marami tayong dapat na pag-usapan,” singhal nito sa kaniya.
“No, wala tayong pag-uusapan. Kailangan ko nang umuwi. Salamat sa pagpatulog mo sa akin sa bahay mo.”
“Walang anuman, Lorrene, maliit na bagay,” tugon nito.
“Pero kailangan ko na talagang umuwi, nag-aalala na si Nanay sa ʼkin. Bakit mo ba ako dinala rito? Dapat hinayaan mo na lang akong nakatulog doon sa bar!”
Napabuga ng hangin si Froilan. “Pabayaan? Para ano, gahasain ka ng anim na lalaking nambastos sa ʼyo kanina? Gusto mo ba ʼyon? Bakit nga ba hindi ko naisip ʼyon? Ang hina naman ng utak ko, kagabi pa ito hindi gumagana ng maayos,” sarkastiko nitong turan. Hindi makapaniwala dahil sa tanong ni Lorrene.
“Tumigil ka, Froilan! May gana ka pa talaga na asarin ako? Nag-aalala na ang nanay ko kaya kailangan ko nang umuwi,” napipikon niyang singhal sa lalaki.
“Hindi kita papayagan na lumabas sa pamamahay ko nang hindi ka nagso-sorry sa ʼkin.” Sabay hila sa upuan para umupo. “Umupo ka, mag-usap tayo. Huwag kang mag-alala, ipapahatid kita sa driver pagkatapos nating mag-usap.”
Walang nagawa si Lorrene at padabog na sumunod na lang kay Froilan. May kinuha itong papel at ballpen saka iniabot sa kaniya.
“Ayan, basahin at intindihin mong mabuti ang nakasulat diyan. Hindi mo ako puwedeng tanggihan dahil masisira ang image mo sa buong mundo,” seryosong saad nito.
“Ano? Ano’ng pinagsasabi mo? Anong masisira?” sigaw niya ngunit nginitian lang siya ni Froilan habang tahimik na sumisimsim ng kape.
Salubong ang kilay na binasa ni Lorrene ang mga nakasulat sa papel. Para siyang papanawan ng ulirat dahil sa mga nakikita niya. Padaskol niyang ibinalik ang tingin sa lalaking nasa harap.
“Ano ʼto? Ano bang drama ʼto? Gigipitin mo ako? Pipilitin na pakasalan kita at bigyan ng anak? Anong akala mo sa ʼkin, pokpok?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Oo!” mabilis na sagot nito pero agad ring binawi ang sinabi. “I mean, no! Hindi. I’m sorry, Lorrene, hindi ko sinasadya. Ang ibig kong sabihin, hindi ka pokpok,” paliwanag ni Froilan nang makita ang reaksyon ni Lorrene na galit na galit, kulang na lang ay bugahan siya ng apoy.
“Pokpok ang tingin mo sa akin? Bakit? Ano ba ang ginawa ko para isipin mo na pokpok ako?”
“Lorrene, hindi ko sinabi na pokpok ka. Sorry, nadulas lang ang dila ko. Nag-sorry na ako, ʼdi ba?” saad nito.
Tumayo si Lorrene at pabagsak na nilapag ang papel sa mesa. Nanlisik ang kaniyang mga mata. “Huwag kang magpapakita sa akun kung ayaw mong kasuhan kita!” galit na sigaw nito.
“Anong kaso, Lorrene? Rape?” pang-aasar nito. “Kitang-kita sa video na ako ang gusto mong gahasain! Ako na nga ang biktima, ako pa ang kakasuhan? Wow, ang galling mo naman.”
“Froilan, lasing ako! Wala akong alam sa mga ginagawa ko! Pinagsamantalahan mo ba ako?”
“Alam ko naman, Lorrene. Umupo ka muna. Bago ka magalit sa akin, iyan ang ebidensya na ikaw ang gustong mansamantala sa akin.”
Binigay ni Froilan ang laptop kay Lorrene. Halos mahigit niya ang kaniyang hininga nang makita ang pinaggagawa niya sa loob ng kuwarto at banyo kagabi. Hindi siya makapaniwala. Sunod-sunod na tumulo ang luha mula sa kaniyang mata dahil sa galit at walang pag-aalinlangang tinapunan ng tubig sa mukha si Froilan.
“Hayop ka! Ano’ng plano mo? Sinasadya mo bang kunan ako ng video? Napakawalang hiya mo! Salbahe ka! Pipikutin mo ako dahil sa video na ʼyan?” sigaw niya sa lalaki.
“Hindi, Lorrene! ang hinihingi ko lang ay pagbigyan mo ako sa gusto ko. Ibibigay ko ang lahat sa ʼyo, pumayag ka lang sa gusto ko!”
“Ang manyak mo, Froilan! Pinagnanasaan mo ang katawan ko! I-delete mo ang video na ʼyan kung ayaw mong mabulok sa kulungan!”
Napahalakhak si Froilan. “Ano? Ako, manyak? Tingnan mo sa video kung sino ang manyak sa ating dalawa.”
“Nagtanong ka pa talaga? Ikaw ang manyak!” muli niyang sigaw.
“Wala akong gusto sa ʼyo, Lorrene! Nakita mo ba na pinagsamantalahan kita? Pinatulan ba kita sa pang-aakit mo sa ʼkin? Hindi, ʼdi ba?” bulalas nito.
“Kunwari ka pa! Kiinukuhanan mo nga ako ng video, manyak ka!”
“Hinawakan ba kita? Hindi kita ginalaw kaya manahimik ka nga!” Pigil ang inis na turan ni Froilan. Pagod na sinandal nito ang likod sa upuan at marahang ipinikit ang mga mata. “Umupo ka at pag-usapan natin ʼto ng maayos. Basahin mo ang kontrata at sabihin mo sa akin kung ayaw mo pa rin.”
Hindi nakasagot si Lorrene at nanatili na lamang na tahimik. Napahilot sa sentido si Froilan dahil sa naging sagutan nilang dalawa.
“Bibigyan kita ng isang lingo para mag-isip. Kung ayaw mo pa rin, maghahanap na ako ng iba. At huwag kang mag-alala, buburahin ko na ang video na ʼyan. Akin na ang laptop,” mahinahong usal nito bago bawiin ang laptop mula kay Lorrene.
“Kumain ka muna bago ka umuwi. Sinabihan ko na ang driver na ihatid ka. Pag-isipan mo, Lorrene. Ikaw ang pinili ko dahil alam kong hindi mahuhulog ang loob ko sa ʼyo kahit kalian. Hindi kita type.”
Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad patungo sa hagdan. Naiwan si Lorrene na nagpupuyos ng galit dahil sa mga sinabi ng lalaki.
“Walang hiya ka! Kahit kalian hindi kita magugustuhan! Ang yabang mo!” bulong niya sa sarili.