Kanina pa pinipindot ni Froilan ang doorbell ngunit wala man lang pumapansin sa kaniya. Wala ring magawa si Nanay Divine sa loob dahil alam nito kung gaano nasaktan ang anak. “Lorrene! Lorrene! Papasukin ma ako! ʼNay Divine, buksan niyo ang gate!” Kinalampag pa nito ang gate ngunit wala pa ring nagtatangkang buksan iyon. “Anak, mag-iisang oras na ʼyan sa labas. Mukhang uulan pa naman, oh. Hindi mo pa rin ba papapasukin?” tanong ni Nanay Divine kay Lorrene. “Hayaan niyo po siya, ʼnay. Wala pa ʼyan sa nararamdaman kong sakit. Wala akong pakialam kahit manigas pa siya sa labas!” pagmamatigas niya ngunit hindi niya maitatanggi na nag-aalala siya para kay Froilan. “Anak kong walang pakialam sa kaniya, tigilan mo na ang kasisilip diyan. Humiga ka na at matulog, pabayaan mo siyang maligo sa u