THREE months later. . . “Anak, bakit wala pa si Froilan? Graduation mo ngayon. Ano ba ang sabi niya sa ʼyo?” “’Nay, ang sabi niya darating daw siya, eh. Pero magsisimula na wala pa rin siya, tawagan mo naga po, ʼnay, please,” nag-aalalang pakiusap ni Lorrene sa kaniyang nanay. “Sige, ʼnay, sandali lang. Tatawagan ko na at baka na-traffic lang siguro.” Inilahad niya ang kaniyang palad sa harap ni Nanay Divine. “Akin na po ang cellphone niyo, ʼnay. Ako na lang po ang tatawag.” Dali-dali niyang hinanap ang numero ni Froilan at wala pang ilang segundo ay sinagot na nito ang tawag. Ngunit laking gulat ni Lorrene dahil hind boses ng kaniyang asawa ang narinig niya, tinig ni Bianca ang sumalubong sa kaniya mula sa kabilang linya. “Bianca? Nasaan ang asawa ko? Bakit nasa ʼyo ang cellphone n