MAAGANG gumising si Lorrene para ipaghanda ng agahan si Froilan ngunit nagulat siya nang makita ang hapag na puno ng pagkain. “Wow, Ate Beth. Sino po ang nagluto nito? Mukhang masarap.” Kumuha siya ng konti mula sa ulam para tikman. “Ang sarap po, Ate Beth!” “Si Sir Froilan ang nagluto niyan, Lorrene. Sabi niya kasi ay gusto ka niyang ipagluto kaya hinayaan ko na lang.” “Gano’n po ba? Si nanay ba umalis na? Kumain ka na rin, Ate Beth.” “Maaga siya umalis kasama ng driver.” Si Beth ang kasama ni Lorrene sa bahay. Ito ang nag-aasikaso sa lahat. Tagaluto, tagalinis, at tagalaba. Mabait naman ito at mapagkakatiwalaan kaya magaan ang loob niyang kausapin ito. “Sige, Ate Beth, ako na po ang bahala rito. Kumain ka na rin po.” Maya-maya lang ay nasa kusina na si Froilan. “Gising ka na pala?