“ASHLEY, bakit hindi mo pa ginagawa ang pinagagawa ko sa ʼyo? Kailangan ʼyan ni Lorrene ngayon,” nagtatakang tanong ni Kyla kay Ashley nang makitang wala pa itong nasisimulang trabaho kahit isa. “Kyla, huwag ka masyadong bossy. Kapatid ko ang may-ari kaya ayos lang, hindi magagalit ang Ate Lorrene ko. Gawin mo ʼyan kung nagmamadali ka,” maarteng turan nito dahilan para mag-init ang ulo ni Kyla. Pinuntahan nito si Lorrene nang hindi maipinta ang mukha dahil sa ugali ng baguhan. “Bakit ka nakasimangot? Okay ka lang ba?” tanong ni Lorrene ng makitang nakanguso ang kaibigan. “Lorrene, anong klaseng kapatid mo ba ʼyang si Ashley? Lahat ng pinapagawa ko hindi niya ginagawa! Kapatid ka raw niya kaya ayos lang na hindi siya kumilos,” sumbong nito. “Ano? Walang hiys siya. Halika, samahan mo ak