EERIE

3549 Words
CHAPTER 7   Bigla kong naimulat ang mga mata ko. Naupo ako sa kama. Hinahabol ko ang aking hininga. Naliligo ako sa sarili kong pawis.                 “Ayos ka lang?” Si Rod. Banaag sa mukha niya ang pagkabahala. “Kanina pa kita ginigising, hindi ka magising. Parang may kung anong kinakausap ka’t nilalabanan. Nanaginip ka ba?” Naramdaman ko ang paghaplos ni Rod sa aking likod. Basa ako ng pawis. “Hindi!” humihingal ako. Pinupuno ko ng  hangin ang aking dibdib. “Hindi lang iyon basta lang panaginip,”   “Binabangungot ka lang.” “Alam ko ang panaginip sa hindi.” Sinipat ko ang aking mga braso. Mamumula na parang mahigpit itong hinawakan. Mabilis akong bumangon. Nilapitan ko ang malaking salamin na may nakabalot pang puting tela. Tinanggal ko ang tela at pinagmasdan ko ang aking leeg sa harap ng salamin. Nakita kong may marka iyon. Namumula na parang sinakal ako ng matindi.                 Hindi nga panaginip ang nangyaring iyon sa akin. Hindi lang pala ligaw na kaluluwa ang narito. May mas matindi pa akong mga makakalaban. May masamang elemento na narito. Lumilinaw na sa akin ang mga panaginip ko. Narito ang tunay na kalaban.                 “Nakikita mo ba ‘to? Sabihin mo sa akin na gawa-gawa ko lang tong pamumula ng aking braso at leeg. Sabihin mo sa akin ngayon na nababangungot lang ako.”                 Bumunot siya ng malalim na hininga saka nakikusap ang kanyang mga matang tumingin sa akin. “Ikaw ang kaninang naabutan kong nakahawak sa leeg mo. Binibigti moa ng sarili mo, Jeric?”                 “Ano? Bakit ko naman gagawin iyon sa sarili ko?”                 “Hindi ko alam pero iyon ang naabutan ko kanina habang tulog ka.”                 Umupo ako sa kama. Hindi ko na alam kung paano ko pa mapatutunayan ang mga sinasabi ko. “Pwede bang samahan mo na lang ako? Dito ka na lang matulog baka kasi ano pa ang mangyayari sa akin. Ngayon ko lang aaminin ito, takot na takot na ako para sa aking kaligtasan.”                 “Sige, babantayan kita. Matulog ka na at dito lang ako sa tabi mo.”                 “Salamat.” Tinapik ko siya sa kanyang balikat.                 “Uminom ka na munang tubig.” Inabot niya sa akin ang bote ng mineral water. Sinaid ko ang laman no’n. “Salamat.” “Magpahinga ka na.” Humiga ako. Tumihaya. Iniisip ko pa rin ang masamang panaginip ko kanina. Hindi ko maiwasang manginig. Alam kong totoo ang lahat. “Sigurado kang nananaginip lang ako kanina?” Tumango. Dahan-dahan tumabi sa akin. Naramdaman ko na naman ang mainit niyang braso na dumikit sa aking braso. Nagkaroon na naman ng kakaibang kuryente iyon sa akin ngunit mas nangingibabaw pa rin ang takot ko. Kinikilabutan ako kaya nanginginig ako at nanlalamig. Natatakot na akong matulog pang muli. Paano kung babalik siya sa aking panaginip at papatayin na niya ako? “Bakit ka nanlalamig? Natatakot ka ba?” “Oo e. Para kasing totoo ang lahat. Natatakot na akong pumikit.” “Nandito lang ako. Hindi kita pababayaan.” Bulong niya. Ipinatong niya ang isang bisig niya sa aking katawan. Para sa akin yakap na iyon. “Natatakot ako sa multo pero mas nakatatakot yung ginagawa mong ganyan sa akin.” “Ang alin?” “Yung pagyakap mo. Alam mo naman ang pagkatao at kahinaan ko hindi ba?” “Ano naman? Kung makatutulong para mawala ang takot mo sige lang.” “Sige lang ang alin?” Tinitigan niya ako. Ngumiti. Basa ko ang titig na iyon. Pumapayag na titig. Titig na nanghahamon. Napalunok lang ako lalo pa’t nakadikit na ang katawan niya sa akin. Ramdam ko na ang kaselanan niyang nakatutok sa aking tagiliran. Nagdala iyon ng kakaibang init. Inilapit ko ang bibig ko sa kanya. Hindi niya iyon inilayo. Hanggang sa naamoy ko na muli ang lalaking-lalaki niyang hininga. Nang pumikit siya ay dahan-dahan kong nang inilapat ang aking labi sa kanyang labi. Ramdam ko ang kalambutan no’n kahit pa may kagaspangan ang kanyang maliliit na tubo ng kanyang bigote ngunit nakadaragdag iyon ng libog sa akin. Hinarap ko siya. Nang una ay hinayaan niyang ako ang humahalik sa kaniya ngunit nang naglaon ay lumabas ang kaniyang pagkasabik. Hinawakan na niya ang aking batok. Ang kanina’y banayad ay nauwi sa isang matinding laplapan. Halos habulin ko ang aking hininga. Iyon ang unang pagkakataong nakalasap ako ng kakaibang ritmo ng halik. Kahit pa malikot ang kanyang dila sa loob ng aking bibig ay naging swabe ang dating no’n sa akin. Walang puknat ang naging halikan namin. Nanginginig na sa pagkasabik ang aming katawan. Mabilis naming hinubad ang naiiwan naming saplot. Ramdam na ramdam ko ang pagwawala ng kaniya na noon ay nakatutok na sa may kalambutan at maputi kong hita. Hanggang sa naging banayad ang aming halikan. May kakaibang ritmo. Hindi namin kailangan magmadali. Wala kaming kailangang habulin. Gusto kong namnamin ang sarap, isabay sa pintig ng puso ang bawat indayog ng aming katawan. Pupunlaan naming dalawa ng bagong sarap ang walang katiyakang simula. Pagtitiyagaan kong hintayin hanggang sa ang pinagpaguran naming indayog ng pag-iisa ay sasambulat ng matamis na likido ng bunga. Hindi na kailangang mag-usap, alam na alam na namin ang kailangan ng bawat isa. Hindi na kailangan pang isatinig, kapwa naming ginawa kung ano ang sa tingin namin ay makapagpapaligaya at kukumpleto sa amin. Napuno ng halinghing ang kuwartong iyon. Sinabayan ng manaka-nakang pagmumura, kasama ng mabibigat at malalalim na hininga. Hanggang sa bawat ritmo at indayog ay dumating sa rurok ng maluwalhating pagputok.                 Hingal na hingal na ibinagsak ni Rod ang katawan niya sa kama mula sa pagkakapatong niya sa akin. Hinahabol pa din naming dalawa ang aming hininga ngunit nakangiti na kaming nakatitig sa isa't isa. Narinig ko muli ang pagbunot niya ng malalim na hininga kasunod ng paghila niya sa akin para mag-uunan ako sa kanyang malalapad at matitigas na dibdib.                 "Sorry" bulong niya.                 "Saan?" tanong ko. Muli kong hinalikan ang kaniyang labi.   "Baka nasaktan kita."                 Tipid lang na ngiti ang tugon ko sabay paghaplos sa maumbok niyang dibdib.                 Hinaplos din niya ang makinis kong pisngi at siniil niya ng halik ang aking labi.                 "Matulog ka na. Sana kahit papaano nawala na yung takot mo. Nandito ako. Hindi kita pababayaan." bulong niya sa akin habang inaayos niya ang ulo ko sa kaniyang dibdib.                 Marahan niyang hinaplos ang aking likod at ramdam ko ang mainit niyang labi sa aking noo.                 “Salamat.”                 “Tumigil ka sa kapapasalamat dahil masaya ako sa ginagawa ko.”                 Pumikit ako. Habang pumapasok ako sa kaharian ng pagkagupo ng antok ay alam kong may sumilay na kakaibang ngiti sa akin labi. Umaayon na nga ba ang t***k ng aking puso? Hindi ko alam. Iginupo ako ng malalim kong pagtulog. Isang matiwasay at mahabang pagpapahinga.                 Kinabukasan ay tinanghali na ako nagising. Agad akong tumingin sa tabi ko. Wala na si Rod. Mukhang maaga talaga siyang nagigising. Ramdam ko ang sakit ng aking katawan. Hapong-hapo ako na para bang tinatamad pa akong bumangon. Alam kong mahaba ang tulog ko ngunit bakit parang pakiramdam ko puyat pa din ako. Nakita ko ang alikabok na dumikit sa bedsheet. May napansin din akong maliliit na sugat na parang hiniwa ng matatalas na dahon ng mga damo sa aking aking paa at braso. Hindi ko maiwasang magtaka. Naalala ko yung mabilis akong tumakbo palabas ng bahay kagabi. Dala na siguro ito ng takot ko habang kumakaripas ng takbo kagabi nang may nakita akong kaluluwa kaya hindi ko na napansin pa ito. Humikab ako at uminat. Ako yung tipong hindi agad bumabangon pagkagising. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto. Nakita ko ang isang rosas na nakapatong sa side table. "Sweet." napangiti ako.                 Inamoy ko ang isang tangkay na red rose. Kinilig akong muli. Napansin ko rin sa tabi ng red rose kanina ang nakatakip na agahan. May isang basong tubig at may kasama pang natatakpang tasa ng kape.                  Ipanagluto pa talaga niya ako. Gano’n siya kaaga gumising at nagawa niya lahat iyon na di ko man lang naramdaman?                 Huminga ako ng malalim. NIyakap ko muna ang unan. Nakakatamad talagang tumayo. Ramdam ko kasi yung kakaibang pagkahapo. Kung pwede lang matulog na lang maghapon. Muli kong naisip ang nangyari sa pagitan namin ni Rod. May saya sa aking puso. Nabibilisan ako sa mga pangyayari. Sanay din naman ako sa one night stand ngunit ngayon lang ako nakaramdam ng ganoon. May dating. May bagong sibol na nararamdaman. Saka sa mga napagdaanan ko, pagkatapos ng pagtatalik, parang nagkakaroon na kaagad ng ilangan. Hindi na halos mag-uusap at parang gusto ng umalis kaagad. Gusto nang umiwas pagkatapos iputok ang init lang ng libog. Ngunit iba si Rod. Hindi siya umalis sa tabi ko. Hindi ko din siya gustong lumayo. Natulog ako sa dibdib niya bagay na hindi ko naman nagawa sa iba. Hindi niya ipinaramdam sa akin na libog lang ang nangyari sa aming dalawa. Ang ginawa niyang paghila sa akin para sa kaniyang dibdib ako mag-uunan ay sumisimbolo na siguradong may patutunguhan ang lahat. Ganoon din ako sa kanya. Hindi ko pinalipat o pinalayo siya sa akin. Walang kahit ano akong naramdamang pandidiri pagkatapos kong maiputok ang dagta ng libog. Hindi ako naasiwa. Walang mali. Pag-ibig na nga ba kaya ito? Ngunit handa na ba akong magmahal muli? Paano si Greg? Kung sakaling babalikan niya ako tulad ng aming naging usapan kahit pa walang kasiguraduhan, sino ang pipiliin ko? Napangiti ako. Bakit ko ng aba pinoproblema ang bagay na wala pa naman. Kailangan kong intindihin na muna yung ngayon. Ni hindi ko nga sigurado kung mamahalin ko ba ang taong ni hindi ko pa nga nakikilala ng lubos?                 Napapangiti na lang ako sa mga nangyayari. Sinong mag-aakala na sa gitna ng mga problema na kinahaharap ko sa lumang bahay ay may sumilay din palang positibo? Kahapon ko nga lang siya nakilala. Nagsex lang at nasarapan, mahal na agad? Come on, Jeric, hindi ka na bata. Matagal lang na panahong hindi ka nakaramdam ng ganoon kasarap at kainit na pagtatalik. Huwag mag-assume. Tama na yung ganito lang muna. Inspirasyon lang sa paglilinis at pagpapalayas sa mga multo at elemento sa lumang bahay na minana ko.                 Muli akong uminat. Paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili na kailangan ko nang kumilos. Nandito ako para magbago at simulan ko ngayong araw na ito. Kahit pa tinatamad akong bumangon at masakit pa ang aking katawan sa di ko alam na kadahilanan ay pinili kong iwan ang nag-aanyayang kama para ituloy sana ang pag-idlip. Hindi rin naman ako makakatulog dahil sa iniisip ko pa rin naman ang dami ng aking dapat tapusin. Mga kailangang simulan.                 Kinuha ko ang niluto ni Rod para sa akin. Dala ang agahan ay lumabas na ako sa kwarto, dahan-dahan akong bumaba. Agad kong hinanap si Rod sa sala ngunit wala siya doon. Nagpasya akong pumunta sa kusina nagbabakasakaling nandoon si Rod ngunit hindi ko siya naabutan doon. Minabuti kong sumubo na muna. Natakam ako sa amoy ng tuyo at itlog kasama na din ng bagong saing na sinangag niya. Hindi na ako nagtaka. Maaga naman talaga nagbubukas ang mga tindahan sa baryo dahil maagang pumupunta ang mga magsasaka sa kani-kanilang mga bukirin. Nasarapan ako sa niluto niya. Naubos ko. Said. Matagal na din kasi akong hindi nakakakain ng tuyo dahil pinagbabawal sa condo ni Greg ang magprito nito dahil sa malakas nitong amoy. Hindi na nga lang mainit ang kape ngunit sinaid ko pa rin iyon. Dinala ko sa sink ang mga pinagkainan ko. Hindi ko na muna huhugasan ang mga iyon.                 Sumilip ako sa labas ng bahay at nagulat ako sa aking nakita. Nabawasan na ang nagtatayugang mga damo sa paligid ng bahay. Naisip kong maaring maagang nagising si Rod at siya ang pumutol sa mga nagtataasang damo at baging. Naalala ko ang sinabi niyang kailangan niyang pumunta sa kaniyang sinasakang bukid tuwing tanghali. Napagtanto kong nasa bukid na nga ito at hindi na niya ako ginising pa.                 Kailangan ko na rin maghanda. Marami akong gagawin at bibilhin sa bayan. Mamimili ako ng mga kakailanganin sa bahay. Pipila pa ako para maipakabit ko na ang kuryente. Sana maihabol nila ang power ng kuryente hanggang mamayang gabi dahil di ko na kakayanin pa ang isang gabing tanging kandila lang ang gamit kong ilaw.                 Nang makapagpalit ako ay nakita ko na madami na din pala talagang nalinisan si Rod sa paligid ng bahay. Sigurado akong madaling araw palang nagising na talaga siya. Masipag talaga si Rod at mapagkakatiwalaan. Mga katangian niyang lalong nagbigay ng kakaibang dating sa akin. Hindi na masamang siya ang magiging kapalit ni Greg sa puso ko kaya lang pareho naman kaya kami ng nararamdaman? Gusto rin kaya niya ako o ako lang ang nakararamdam ng ganito sa kanya?                 Minabuti kong unahin na lang muna ang mga dapat kong gawin sa araw na iyon. Mamayang hapon ko na lang kakausapin si Rod.                 Madali kong nagawa lahat ang mga sinadya ko sa bayan. Nagrenta na lang ako ng tricycle na maghahatid sa akin. Kung hindi ko lang sana naisugal ang sasakyan ko, hindi sana ganito kahirap para sa akin ang mag-commute. Ngunit tapos na ‘yon. Bahagi na ng aking nakaraan. Kailangan kong mag-move on at patawarin ang aking sarili sa mga mali kong desisyon sa buhay.                 Nakapagluto na ako, maayos na din ang ilaw dahil agad namang pumunta ang mga mag-aayos ng kuryente ng nakapagbayad ako. Nalinis ko na rin ang ilang bahagi ng kabahayan ngunit wala pa si Rod. Kanina pa ako nag-aabang sa labas ng kanyang pagdating. Binalot na nang dilim sa labas at tanging ang bilog na buwan na lamang ang sumasabog ng liwanag. Pumasok na lang ako sa bahay. Umupo ako sa tumba-tumbang upuan na nagalaw pa pagpasok ko ngunit biglang huminto. NIlabanan ko ang takot. Patapangan na lang kami.                 Habang nakaupo ako sa tumba-tumbang upuan ay naisip kong magpost ng aking mga litrato kanina habang naglilinis. May pawisan at topless akong picture kanina habang naglilinis.  Iyon ang mabilis kong pinost. Umani agad iyon ng napakaraming likes. Nakita kong kasama si Greg sa mga pumuso. Napangiti ako. Isang magandang simulain. Pinutakti naman ng mga alaskador kong barkada ang topless kong picture na umabot ng higit isang libong likes dahil na rin sa pang-aaasar ng mga barkada kong nag-share pa. Binasa ko ang mga comments. “Kuya eerie yung nasa likod mo. Ano ‘yan, parang white lady na nakalutang sa hangin?” “Bro, multo! Nasa likod mo!” “This is really creepy. KMJS paki-tag si Ed Caluag hehehe!” “Anong pinagsasabi ng mga ‘to?” bulong ko sa aking sarili. Hindi ko nagustuhan ang mga isyu nila. Pinindot ko ang picture kong pinagpipistahan nila at zinoom ko. Nanlaki ang mga mata ko. Ano ‘to? Tumaas ang balahibo ko. Nakunan sa likod ko ang parang katawan ng babaeng mahaba ang buhok at nakasuot ng puti. Nakalutang sa hangin. Hindi man nakunan ang buong mukha dahil sa natatakpan ito ng sabog niyang buhok pero ang kamay at paa ay litaw na litaw. Sino ang babaeng iyon samantalang mag-isa lang naman ako sa bahay kanina? Napakabilis na dumami ang mga comment, umakyat ang likes at shares. Minabuti kong burahin na lamang. Hindi kasi ako yung tipong fame w***e na gustong mag-trending. Ayaw kong mapag-usapan pa ang tungkol doon. Paano na lang kung mag-viral at ibebenta ko ang bahay na ito. Sino ang bibili kung alam ma nilang pinamumugaran pala ito ng mga ligaw na kaluluwa. Naisip kong hindi buburahin ang litrato sa aking cellphone dahil balak kong ipakita mamaya ito kay Rod pagdating niya. Gusto kong ipakita sa patunayan sa kanya na hindi ako gumagawa lang ng kwento. Hindi lang dahil pagod ako kaya kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. May batayan ako. May pruweba. Hanggang sa may naulinigan akong mga yabag paakyat sa hagdanan. Kinilabutan ako. Mabilis kong sinilip iyon. Nakita ko ang isang lalaki. Tama. Si Rod na nga iyon. “Rod, dumating ka na pala.” Malakas kong tinuran. Ngunit parang wala siyang narinig. Nagtuluy-tuloy siya. Kahit likod lang ang nakita ko sigurado akong siya iyon. Ngunit bakit siya pumasok sa nakabukas na pintuan ng kuwarto noon ni Tito Diego. Bakit doon siya tumuloy at hindi sa kuwarto ko? Bakit hindi man lang niya muna ako tinawag at kinausap samantalang nasa sala lang naman ako? Ni hindi ko naramdamang binuksan niya ang main door. Bakit bigla siyang pumanhik sa taas. Kasunod iyon ng isang malakas na pagbagsak na parang may nabasag. Noon ay nagdesisyon na akong sundan siya.                 "Rod! Ano yung nabasag?" sigaw ko habang mabilis kong tinungo ang hagdanan.                 Kinilabutan ako nang parang may malamig na namang bagay na dumaan sa akin. Hanggang nang nasang gitnang bahagi na ako ng hagdanan ay nakita ko nang malapitan ang babaeng inaagnas ang mukha, may malaking sugat sa kaniyang noo at halos putol na ang duguang braso. Titig na titig siya sa akin na para bang nakikiusap ang kaniyang mga mata. Dala ng takot ay napasigaw ako. “Rodddd!!” Kailangan kong puntahan si Rod. Hindi ako dapat bababa at aatras. Wala na akong pakialam kung bakit ako hinaharang ng babaeng multo. Halos hindi ko na namalayan na nasa loob na ako ng kuwarto dati ni Tito Diego. Tumambad sa akin ang basag na photo frame sa sahig. Nakadapa na sa sahig ang malaking litrato ng tito ko. Lumang litrato ng lolo ko ang nakasabit na roon. Kinilabutan ako. Sino ang nagsabit doon? “Rod, nasaan ka? Roddd!” naiinis kong pagtawag. Hinanap ko siya. Hindi ako maaring magkamali, nakita ko siyang pumasok dito kanina ngunit bakit hindi ko siya makita? Tinungo ko ang Comfort Room ng kuwarto ni Tito Diego ngunit walang tao roon. Nakita kong parang may nakatago sa likod ng putting kurtina. Korteng tao. Isang malaking tao. “Alam mo na ngang takot na takot ako, kung ano pa ang ginagawa mo!” Hinihintay ko siyang sumagot. Nakita kong umaangat na ang pigurang iyon sa likod ng kurtina. May lumabas na maruming kamay. Mahaba ang mga kuko. “Rod ano ba! Hindi na nakatutuwa!” singhal ko. NNIlapitan ko ang bintana na natatakpan ng putting kurtina. Mabilis kong binuksan iyon ngunit walang tao. Sa isang iglap napaatras ako. Napaupo dahil nawalan ako ng panimbang. Napakalakas na ng kabog ng aking dibdib. “Roddd!” sigaw ko. “Nasaan ka ba?” Walang Rod na sumasagot sa akin. Ako lang talaga ang nasa kuwarto. Sarado ang bintana. Wala din naman comfort room na maaring pagtaguan ni Rod sa loob. Ngunit... Hindi e! Kitang-kita ko ang lalaking pumasok dito kanina. Kitang-kita ko rin ang pigurang iyon sa likod ng putting kurtina. Sigurado din akong si Rod iyon. Pinaninindigan ko ang nakita ko.                 "Rodddd! Nandito ka ba? Please naman!" nanginginig ang boses ko.                 Walang pa ring sagot. Tahimik ang paligid.                 "Rod, nasaan ka?" nagbabakasakaling sigaw kong muli umaatras na ako palabas ng kwarto dahil di ko na kinakaya pa.                 Wala pa ring tugon.                 Pasulyap-sulyap ako sa gawing hagdanan at baka muling magpakita ang babaeng multo. Kinikilabutan man ako pero buo ang loob ko. Hindi na nila ako matatakot pa. Kailangan kong mahanap si Rod para mapawi ang takot sa dibdib ko. Naisip kong baka pinagtataguan lang niya ako. Pinagti-tripan. Mabilis kong binuksan ang mga malalaking aparador. Walang tao. Kahit bakas man lang sana na may nagtago roon.                 May narinig ako.                 Muling lumakas ang kabog sa aking dibdib.                 Mga kaluskos iyon. Tama. May naulinigan akong mga kaluskos sa silong ng kama. Isang nakakatakot na kaluskos. Dahan-dahan akong lumapit doon. Lumakas ng lumakas ang kabog ng aking dibdib. May kakaiba akong nararamdaman. Lamig na sumasakop sa aking buong katawan. Dahan-dahan kong itinaas ang puting tela na bumalot sa may kalakihang kama ni Tito Diego. Tumataas ang lahat ng balahibo ko dahil lalong lumalakas ang nakakatakot na kaluskos sa silong ng kama. Hindi ko alam kung kailangan ko pang tignan. Nilakasan ko ang loob ko. Pagtaas ko ng puting tela ay may biglang humawak sa balikat ko.                 "Put...!" pagsisimula kong pasigaw na pagmumura.                 "Anong ginagawa mo diyan?"                 Nahimasmasan ako.                 Nakita ko si Rod na nakahawak sa aking balikat. Ni hindi ko naramdaman ang bigla niyang paglapit sa akin. Umatras ako. Pilit ko pa ring sinisigurado kung siya na nga iyon. Nang batid kong siya nga talaga iyon ay mabilis ko siyang niyakap. Mahigpit.                 “Bakit? Anong nangyari?”                 Bumitiw ako sa kanya. "Hindi ako mamatay sa takot sa multo kundi sa pagkakagulat ko sa bigla mong pagdating at biglang parang bulang paglaho," singhal ko.                 "Bakit ka nandito? Kanina pa kita tinatawag sa baba." Hinahabol ko pa muna ang paghinga ko dahil sa matinding gulat kong naramdaman.                 "Relaks ka muna." Hinaplos niya ang likod ko.                 "Paano nangyaring nasa likod na kita agad?"                 "Di mo ako namalayang lumapit? Pag-akyat ko sa hagdan tinatawag na kita."                 "Hindi. Wala akong narinig. Yung kaluskos sa baba ng kama ang malakas kong nauulinigan."                 "Paanong hindi?"                 "Hindi nga."                 "Tinatawag nga kita pagpasok ko palang ng bahay ah."   "Tinatawag mo ako? Ako ang tumatawag sa'yo. Nakita kitang pumasok dito at hindi kita nakita na nandito sa lopb ng kuwarto. Itong ilalim ng kama na lang ang di ko nasisilip na bahagi ng kuwarto kaya nagtataka ako kung paanong gano'n kabilis kang biglang na lang nasa likod kita. Saan ka ba dumaan?" pagtataka kong tanong.                 "Siyempre dumaan ako sa pintuan?"                 "Ibig sabihin ikaw yung pumasok na nakita ko kanina?"                 "Kadarating ko nga lang."                 "Ikaw 'yon eh. Pumasok ka nga dito. Kitang kita kita. Nagtago ka pa nga sa likod ng kurtina pero pagbukas ko, wala ka.”                 “Paano ko naman gagawin ‘yon? Naniniwala ka talagang ako ‘yon?”                 Huminga ako ng malalim hindi ko na alam pa ang sasabihin at iisipin ko. "Promise,” itinaas niya ang kamay bilang panunumpa. “Hindi ako ‘yon.” “Eh, sino nga.” “Okey ka lang? Kadarating ko lang galing sa bukid."                 "Kadarating mo lang? E, sino yung lalaking nakita ko ngang pumanhik dito?"                 “Hindi ko alam. Ako man ay naguguluhan na din sa mga ikinikilos mo.”                 Napalunok ako. Kung hindi siya? Sino ang mga itong nanggugulo sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD