PAGKAGUPO

3371 Words
CHAPTER 8   "Tinatawag mo ako? Paano nangyari iyon e, ako nga ang tumatawag sa'yo. Nakita kitang pumasok dito at hindi kita nakita na nandito sa lopb ng kuwarto. Itong ilalim ng kama na lang ang di ko nasisilip na bahagi ng kuwarto kaya nagtataka ako kung paanong gano'n kabilis kang biglang na lang nasa likod kita. Saan ka ba dumaan?" pagtataka kong tanong. "Siyempre dumaan ako sa pintuan?" "Ibig sabihin ikaw yung pumasok na nakita ko kanina?" "Kadarating ko nga lang." "Ikaw 'yon eh. Pumasok ka nga dito. Kitang kita kita. Nagtago ka pa nga sa likod ng kurtina pero pagbukas ko, wala ka.” “Paano ko naman gagawin ‘yon? Naniniwala ka talagang ako ‘yon?” Huminga ako ng malalim hindi ko na alam pa ang sasabihin at iisipin ko. "Promise,” itinaas niya ang kamay bilang panunumpa. “Hindi ako ‘yon.” “Eh, sino nga.” “Okey ka lang? Anong alam ko kung sino e, kadarating ko lang galing sa bukid." "Kung hindi ikaw, sino yung lalaking nakita ko ngang pumanhik dito?" “Hindi ko alam. Ako man ay naguguluhan na din sa mga ikinikilos mo.” Hindi ko na lang ipinilit pa sa kanya. Mahirap paniwalain ang taong walang third eye. Mayaya ko na rin lang ipakita sa kanya yung nakuna ko kanina. Nakaramdam na ako ng gutom at gusto ko na munang kumain. “Ano palang oras ka umalis kanina?” Huminga ng malalim si Rod. "Sarap kasi ng tulog mo kaninang umaga kaya di na kita ginising pa." “Anong oras nga?” “Mga alas siyete na e. Nagluto pa kasi ako ng agahan mo. Kinain mo ba?” “Oo, at nasarapan ako.” “Nasarapan ka? Sa tuyo?” “Oo, matagal na kasi akong hindi nakakain no’n. Tara na sa baba, ipinagluto rin kita.” “Wow, anong niluto mo?” “Sinigang na baboy.” “Ayos, sakto, gutom na rin naman ako.” Sabay na kaming bumaba ngunit hindi pa rin matanggal sa isip ko ang nakita ko kanina. Nagdadalawang-isip na tuloy ako sa kung anong misteryong bumabalot din sa pagkato ni Rod.                 "Salamat pala sa rose kanina ha?" wika ko sa kanya habang bumababa na kami sa hagdanan.                 "Mukhang pagod ka kasi kanina umaga kaya di na kita ginising para magpaalam. Yung rose pinitas ko lang sa bakuran. Nagustuhan mo?" tanong niya.                 "Rose sa umaga? Anlakas makababae e.” “Ah, hindi mo nagustuhan?” Ngumiti ako. “Pwede na ako sa tapsilog o longsilog, huwag namang rose." Sabay kaming natawa.                 “Sorry, akala ko kasi magugustuhan mo.”                 “Nagustuhan ko naman e, the thought that really counts. Kaso masarap pa rin sana yung sabay sana tayong nag-agahan at umalis. "Pasensiya na talaga. May tanggap kasi akong trabaho sa bukid at naibigay na ang paunang bayad kaya di na kita hinintay pang magising. Maaring dalawang Linggo ang itatagal no'n bago matapos kaya sa madaling araw o kaya pagdating ko na lang sa hapon tapusin ang ipagagawa mo dito sa bahay.” “Ganoon ba? Hindi rin pala kita makakasama ng tanghalin rito?” Tumango siya. “Kaya ako ginabi dahil dumaan muna ako ng mga damit ko sa bahay para may pamalit ako..." huminto siya. Tumingin sa akin na para bang may gustong itanong. "Iyon ay kung gusto mong dito na muna ako titira, okey lang ba sa'yo?"                 "Oo naman. Kailangan kita dito." Napalunok ako.                 "Gusto mo?" nang-aakit ang tingin at boses niya.                 "Gustong-gusto kitang laging nandito." Niyakap ko siya                 "Iyon naman pala eh. Tara na, gusto mo ipaghain na kita? Mukha kasing pagod na pagod ka sa dami mong ginawa ngayong araw na’to." Nakangiti habang hinahaplos-haplos niya ang likod ko. Kasunod ng mabilis na halik sa aking pisngi.                 "Ako kayang nagluto kaya ikaw na talaga ang maghahain. Kanina pa nga kita hinihintay para sabayan mo akong kumain e."                 "Umupo ka na lamang sa hapag-kainan at ako na ang bahala." Inuusog pa niya ang isang upuan. Umupo ako na parang guest lang sa isang fine dine-in restaurant.                 Habang naghahain siya ay pinagmasdan kong muli. Ngayon mas maliwanag na ang ilang daw may kuryente na. Napansin ko ang mga matatamis niyang ngiti na lalong nagpatingkad sa kaniyang kakisigan. Ngunit sa kabila ng kapogian niyang iyon, ano nga kaya ang misteryong bumabalot sa pagkatao nito na bigla na lang din sumusulpot.                 Nang nakapaghain na siya ay umupo siya sa likod ko. Niyakap niya ako sa likuran at nagtangkang halikan ako sa pisngi ngunit umiwas ako. "Hindi ka muna makahahalik hangga’t hindi mo inaamin sa akin na ikaw talaga yung nakita kong pumasok kanina sa kwarto ni tito Diego.” “Hindi talaga. Madali lang namang sabihin na ako ‘yon kung gusto kong magsinungaling at para matigil ka na pero bakit ako aamin e wala naman din akong mapapala kung magsabi lang ako ng totoo, hindi ba?” Umupo na siya sa tapat ko. Naglagay siya ng ulam at kanin sa pinggan ko at maingat niyang inilatag ang pinggan sa harap ko. "Gutom lang 'yan. Kumain kang madami para may lakas ka sa akin mamayang gabi.” Kasunod iyon ng isang kindat. Natawa na lang kaming pareho. Gusto ko siya, halatang gusto din naman niya ako. Sa mundo naming alanganin, hindi na madalas dumadaan sa mahabang ligawan. Madaling nabubuo ang pagkakaintindihan at kung saan mauuwi ang aming nasimulan, iyon ang kailangan lang naming munang pag-isipan at paghandaan habang may nangyayari sa amin at nagtuturingang "kami" na kahit hindi pa naman.                 Habang tahimik kaming kumakain hindi ko talaga maiwasang mag-isip. “Sino ka ba talaga si Rod? Isa ka rin bang kaluluwa kaya sa gabi ka lang sa akin nagpapakita? Ngunit paanong naamoy, nahahawakan at nakakausap kita? Kung isa ka sa mga kaluluwang narito, ano ang motibo mo sa akin? Ano ang kinalaman mo sa babaeng nagpapakita  sa akin at sa lalaking duguan na kahawig na kahawig mo rin?” Tumayo ang balahibo ko nang naisip kong hindi kaya multo rin ang aking nakatalik kagabi at kasalo sa pagkain ngayon? Nang matapos kaming kumain at nakapaligpit na kami ay muli kaming tumambay sa terrace sa taas ng bahay. Itinuro ko sa kanya yung mga gagawin kinabukasan pati na rin ang mga gusto kong pintura ng bahay. Hanggang sa hindi ko alam kung bakit parang nakakaramdam ako sobrang pagkaantok. May gusto pa akong ipakita sana kay Rod na picture ngunit bumibigat na ang talukap ng aking mga mata. “Mauna na ako sa kwarto.” Pamamaalam ko sa kanya. “Bakit, akala ko ba mag-iinuman pa tayo. Bumili pa naman akong alak.” “Gusto ko sana. Gustung-gusto ko pero inaantok na ako e. Saka isa pa, ipinangako ko sa sarili ko na di muna ako iinom. Di ba nga kaya ako…” humikab ako. “ nandito ako para…” muli akong humikab. “Inaantok na talaga ako.” Umupo ako sa isang upuan. Naulinigan ko pang kinakausap ako ni Rod ngunit pinagbigyan ko na muna ang aking mga mata. Dala na siguro iyon ng dami kong ginawa maghapon. At doon, sa terrace, doon na ako nakaidlip. Isang malalim na pagkakaidlip. Nagising na lang ako kinabukasan na nasa kama na ako. Napansin ko na naman ang napansin ko kahapon ng umaga. Maalikabok at may bahid na naman na putik ang kapapalit ko lang na bed sheet. Wala na naman si Rod sa tabi ko. Anong meron at bakit laging may may alikabok at may natutuyong putik sa kama? At tuwing sumisikat ang araw, wala na si Rod. Tanging ito na lang ang bakas niya. Hindi ko rin matandaan kung nagising ako kagabi at bumalik sa kama. Binuhat kaya niya ako? Ngunit bakit parang pagod na pagod pa rin ako? Masakit ang buo kong katawan na para bang may ginawa ako o ginawa sa akin. Bumunot ako ng malalim na hininga. Kailangan ko nang bumangon at simulant ang mga gagawin ko sa bahay. Wala na akong nakita na red rose sa tabi ng kama ngunit may naaamoy akong sinangag at longganisa. Binuksan ko ang nakatakip doon. Ipinagluto na naman niya ako ng agahan bago umalis. Iyon ang isa sa mga ipinagtataka ko. Kung kaluluwa si Rod, may kaluluwa bang kayang magluto? Hindi kaya lahat ng itong nangyayari ngayon sa akin ay isa na lamang imahinasyon? Kinurot ko ang aking sarili. Masakit rin naman. Kinuha ko ang cellphone ko. Kailangan kong patunayan kung totoo nga ang mga nangyayari sa akin. Si Tito Diego ang naisipan konng tawagan. “Oh, mabuti naman at buhay ka pa pala.” Agad niyang sagot. Hindi man lang ito nag-hello na muna. “Bakit tito?” “Anong bakit? Laging out of coverage area ka. Mahina pa ba ang signal diyan?” “Ayos naman tito. LTE na nga ang nakalagay sa signal bar.” “Oh bakit di ka makontak.” “Baka nang nalowbat po ako. Wala kasi akong naabutang kuryente sa bahay e.” “Natural, pinaputol ko na muna noon. Oh, bakit ka napatawag.” “Tito, ilang araw na ako rito?” “Hindi mo na alam?” “Dalawa hindi ba?” “Sandali umalis ka noong… oo tama dalawang gabi at ito na yung pangalawang araw mo kasi nga gabi ka na nakarating diyan.” “Ibig sabihin hindi imahinasyon lang ang lahat ng ito?” “Anong imahinasyon?” “Wala tito. Ako lang naman ang nag-iisip nab aka kasi nanaginip lang ako sa mga nangyayari rito.” “Sandali nga, ako’y kinakabahan sa mga sinasabi mo, Jeric may kakaiba bang nangyayari diyan? May kababalaghan ka bang nararanasan?” Huminga ako ng malalim. Kailangan kong pag-isipan ang aking isasagot. Pauuwiin ako na tito kung sasabihin ko lahat ang mga naramdaman ko sa lumang buhay. Hindi niya dapat pang malaman ang lahat. “Okey ako rito tito. Heto nga’t nakapagsimula na akong linisin ang bahay.” “Sige mag-ingat ka ha. Tawag-tawagan mo ako lalo na kung may kakaiba kang nararamdaman diyan, okey.” “Okey po.” Tumatango-tango ako. Ibig sabihin lahat ng nangyayari ngayon ay tunay. Walang likhang isip, walang halong panaginip o imahinasyon lang. Kinuha ko ang niluto ni Rod. Pagsasabihan ko na lang siya mamayang gabi na huwag na lang niyang iakyat pa ang agahan ko. Tatakpan na lang niya sa mesa. Gusto kong bukas, mas maaga na dapat akong magising kaysa sa kanya. Susundan ko siya kung saan siya pumupunta sa tanghali. Kinikilabutan kasi ako na baka sa libingan o sementeryo siya umabalik sa tanghali at bumabangon siya sa hukay niya sa gabi. Posible ngunit kung tatanungin ako, parang napakahirap paniwalaan. May mga napapansin pa rin naman akong kakaiba sa bahay ngunit mas pinagtuunan ko na lang ng pansin ang mga ginagawa kong pagpapaganda. Bahala sila. Manigas sila sa pagpaparamdam o pagpapakita. Sinasanay ko na ang sarili ko. Basta ba huwag nila akong kakantiin. Makikipagtigasan ako sa kanila. Marami na rin akong nagawa sa maghapon kahit pa sabihing kalahating araw lang ako nakagawa dahil bumabalik rin naman ako sa kama para muling matulog. Naging antukin na yata ako mula nang umuwi ako rito. Hindi kaya epekto ito ng withdrawal ko sa alak? May mga oras kasing natatakam akong uminom, nauuhaw ng madalas ngunit pinipigilan ko ang aking sarili. Hindi na ako dapat munang iinom. Hanggang sa naisipan kong umakyat na muna at mahiga. Ala-una pa naman ng tanghali. Mainit pa para magputol ng mga nagtatayugang damo sa labas. Napakalungkot nga talaga pala ang mag-isa rito. Walang makausap. Muli kong tinignan muna ang aking messenger. Umaasa na nagpadala na si Greg ng mensahe ngunit wala. Masyado pa naman kasing maaga para magparamdam. Hanggang sa muli akong humikab at ilang saglit lang ay iginupo na naman ako mahabang pagkakatulog. Marahang pagtapik sa pisngi ang gumising sa akin. Nabungaran ko na lamang ang nakasando sa puting si Rod. Halatang bagong ligo ito. Matamis ang kanyang pagkakangiti. “Nandito ka na pala.” Uminat ako at humikab. “Kanina pa. nakapagluto na nga rin ako ng hapunan natin e.” “Bakit, anong oras na ba?” “Mag-aalas otso na.” “Alas ng otso ng gabi? Gano’n kahaba ang tulog ko?” “Ginigising nga kita pagdating ko ngunit hindi ka naman natinag. Kaya ngayon lang kita ginising kasi baka kako napagod ka.” “Bakit kaya hindi ako nagising? Balak ko pa naman magising ng alas-tres ng hapon kanina para may matapos pa ako sa paglilinis sa bakuran.” “Hayaan mo na kasi, ako na ang bahalang gumawa sa mga ‘yan. Bumangon ka na diyan nang makakain na tayo.” “Sige,” bumangon ako. “nagugutom na rin kasi ako.”   Pagkatapos naming kumain ay nilapitan ko siya habang nakahiga siya at nagse-celphone sa tumba-tumbang upuan. “Rod, may ipapakita ako sa’yo.” “Ano ‘yon.” “Tignan mo ‘to.” Nag-scroll ako at hinanap ko sa photos sa cellphone ko ang nakunan ko kanina ngunit nakailang pasada ako pere hindi ko mahanap. Hanggang sa biglang namatay na lang ang cellphone ko. “Asan?” “Sandali lang, namamatay e.” “Ano ba kasi ‘yan.” “Proof. Gusto kong ipakita sa’yo na hindi ako nag-iimbento lang.” “Hindi ka talaga nasuko ano?” “Hindi talaga lalo na’t hindi ka kasi naniniwala.” “Sige, ipakita mo nga sa akin.” “Sandali lang.” pinindot ko ang on ng cellphone ko ngunit hindi na nag-on pa. “Lowbat yata. Sandali lang ha.” Kinuha ko ang aking charger. Nagtataka ako. Kacha-charge ko lang kanina kaya imposibleng lowbat na agad ito. Hindi kaya may nangingialam? Ngunit ganoon ba kalakas ang enerhiya niya na pati mga electronics na ganito ay kaya niyang kontrolin? Hanggang sa bigla na lamang nag-open ang cellphone ko. “Hayon, nag-on din. Pati na cellphone pinakikialaman na nila.” Malakas ko ‘yon tinuran. Pagpaparinig sa kung sino mang kaluluwa ang nangingialam.  Agad kong ipinasok ang aking password. Tumungo agad ako sa photos. “Bakit nawala?” kumunot ang nook o. “Nawala ang alin?” “Hala bakit?” nagtataka kong bulong sa aking sarili. “Anong nangyari?” tanong niya sa akin. “Nabura yung mga photos ko dito sa bahay. Pinakialaman mo ba ‘to?” “Bakit ko naman ‘yan pakikialaman? Ni hindi ko nga alam ang passcode mo.” “Paano nangyari iyon e, lahat ng old photos nandito yung mga photos ko lang dito sa buhay ang nabura.” “Ano ba kasing meron?” Huminga ako ng malalim. Hindi nga basta-basta lang kaluluwang ligaw ang narito. Kung kaya niyang kontrolin ang gadget may kaya rin itong gawin. “Hindi ko alam. Kahit naman sasabihin ko kung wala naman akong proof, wala nang silbi. Nakakainis naman.” “E, di sabihin mo na rin lang kung ano ‘yon?” “Huwag na, pero hindi ako titigil, makapagpapakita rin ako ng proof sa’yo.” “Okey.” “May f*******: ka?” tanong ko. “Mukha bang magkaka-f*******: ang cellphone na ‘to?” Napangiti ako. Hindi smart phone ang hawak niya kundi ang pantext at pantawag lang na lumang cellphone. “Tara sa labas. Magpahangin tayo.” “Sige,” pagsang-ayon ko. Sa isang bench kami umupo. Malinis na ang bahagi ng garden na iyon. Naputol na rin ang dating matataas na damo. Hindi pa man napaganda ngunit pwede nang tambayan. Magkatabi kami. Parehong nakatingin sa bilog na buwan. “Bakit kaya parang mas malaki at bilog ang buwan sa probinsiya kaysa sa Manila?” “Sa kapal ng usok do’n nakikita pa ba ang buwan?” “Oo naman. Grabe ka sa Manila ha.” “Joke lang.” inakbayan niya ako. “Uy, ano ‘yan?” tanong ko. Natatakot akong magpaka-sweet. Ayaw kong agad na mahulog. Okey na yung s*x lang huwag lang muna yung mga kalambingang ganito dahil baka mahulog lang ako sa isa palang kaluluwa. Hindi pa ako handang masaktang muli. “Ayaw mo ba sa akin?” “Anong tanong ‘yan?” “Kasi parang nalayo ka sa akin mula kagabi?” “Wala, huwag mo na lang akong pansinin.” Tumingala ako sa buwan. Para wala na siyang masabi sumandal ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang buwan hanggang sa idinaan ko ang tingin ko sa kwarto ko. Parang may kung anong pigura ako nakita roon. Isang pigura ng malaking lalaki. Dahil sa ilaw sa aking kwarto kaya malinaw kong nababanaag ang imaheng iyon ng lalaking nakatingin sa amin ni Rod. Tumayo ang balahibo ko. Sasabihin ko sana kay Rod ngunit nang binuksan ko ang bibig ko ay bigla na lang naglaho. Bumuntong-hininga ako. Akala ko matapang na ako. May pagkakataon pa rin pala na kinikilabutan pa rin ako pero, sige lang. Kapag malinis na ang bahay, magtatawag ako ng mga paring magtataboy sa inyong lahat na ligaw na kaluluwa at elementong itim. Sa pagdaan pa ng ilang araw at gabi, mas lalong nabuo ang wala pang kasiguraduhang tungkol sa amin ni Rod. Walang kami. Walang nagsasabi ng I love you. Walang label ngunit higit pa dun ang ipinaparamdan niya sa aking pagmamahal at pag-aasikaso. Naging sobrang dali na sa akin ang paglimot kay Greg. Hindi na siya halos pumapasok pa sa aking isipan. Hindi na rin ako naghahangad na kami’y muli pang magkabalikan. Nagpapasalamat pa nga ako ngayon na pinalayas niya ako. Nakikita ko na ang magandang epekto ng hindi niya pagsunod sa pangako namin sa isa't isa noon na walang iwanan sa hirap man at ginhawa.                 Kasabay ng pamumukadkad ng nararamdaman ko sa kaniya ay siya namang tuluyang pagkabalik ng lumang bahay sa dati nitong ganda. Malapit na noon malinis ang buong paligid ng bahay. Maayos na din ang loob nito. Pinag-iisipan na lang namin ni Rod kung anong magandang pintura ang gagamitin namin ngunit nagdesisyon kaming tapusin na lang niya muna ang tanggap niyang trabaho sa bukid ng dalawang Linggo para tuluy-tuloy na ang pagpipintura niya. Tutukan na lang muna naming linisin ang kabuuan ng bahay. Sa tuwing umaga, mas matindi na yung pagod na nararamdaman ko. Hapong-hapo ako at laging parang puyat. Parang may nangyayari sa akin na hindi ko maipaliwanag. May kinalaman ba si Rod sa nangyayaring ito sa akin? Hindi pa din kasi naalis sa isip ko na maaring hindi siya totoo ngunit paano ko ipaliliwanag ang hinala ko kung ang lahat ng ginagawa niya ay normal lang na ginagawa din ng isang buhay na tao. Naguguluhan man ay mas tinanggap ko at pinaniwala ko ang sarili kong tao siya at hindi kaluluwa. Hindi ko rin naman nagawa ang plano kong unahan siya ng gising para makita ko sa madaling araw ang kanyang mga ginagawa at masundan ko kung saan siya pumupunta sa tanghali. Sa gabi na lang kasi kami nagkikita at iyon ang hiwagang hindi ko nabibigyan ng kalinawan.                 Kaya paggising ko, laging wala siya sa tabi ko. Kahit pa nag-aalarm ako, hindi kinakaya ng alarm na gisingin ako. Maaring si Rod na rin ang pumapatay no’n. nagbilin na rin ako sa kanya n asana gisingin niya ako kapag umalis na siya pero ang sabi niya, ako raw ang ayaw magising kaya hinahayaan na lang niya ako. Pero kilala ko ang sarili ko, kung hindi ako lasing kahit simpleng kaluskos lang nagigising ako pero nang nasa lumang bahay na ako, lagi na akong malalim matulog. Nahihiwagaan ako. Tulad ng mga nakaraang umaga. May naluto na ding pagkain pagkagising ko ngunit di ako nakakaramdam ng gutom. Parang laging busog na busog ako. Si Rod ang naghahanda ng aking agahan at tanghalian bago siya pumunta sa bukid. Iyon ay kung totoong sa bukid nga talaga siya nagpupunta. Hindi ko sigurado kung nagsasabi ba siya sa akin ng totoo. Ngunit anong karapatan kong question-in siya? Wala akong patunay. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paanong nagagawa ni Rod na tapusin ang pagpuputol ng mga damo at baging at paglilinis sa paligid ng bahay sa madaling araw. Walang kahit anong ingay kasi hindi naman ako nagigising. Hindi na nga ako umiinom pa ng alak mula nang umuwi ako dahil iyon ay panata ko sa aking sarili. Iwan muna sa bisyo kaya kung naglilinis siya sa paligid ng bahay, paniguradong magigising ako. Nabibilisan din ako sa kaniya. Dahil sa antok at sobrang pagod pagkatapos kong piliting kainin ang inihahanda niyang kape at tapsilog, muli akong babalik sa kama.                 Habang nakatayo ako sa kama ay muli kong napansin din ang natutuyong putik o kaya alikabok lagi sa bed sheet namin ni Rod. Bakit may mga alikabok at putik e bago kami humiga sa gabi ay sabay nga kaming naliligo sa banyo na nauuwi sa mainit na pagtatalik sa kama. Paanong nagkakaroon ng putik at alikabok sa kama paggising ko ng umaga e pinapalitan ko naman iyon ng bago. Iyon ang isang himalang hindi ko maipaliwanag. Hindi kaya galing kay Rod ang putik o mga alikabok na ito? Bumababa ba siya sa gabi at bumabalik sa higaan na hindi ko namamalayan man lang?                 Pumikit ako at hinayaan kong muling igupo ng antok. Kasabay ng pagpikit ko sa aking mga mata ang dalawang paulit-ulit na panaginip tungkol sa isang babae at lalaking di sa akin humaharap. Kasingtangkad siya ni Rod, pareho ng hubog ng katawan at bago ko siya tuluyang makilala sa aking panaginip ay parang may kung anong nangyayari sa akin na di ko maintindihan. Madalas naiisip kong si Rod ang lalaki ngunit sino yung babae? Bakit palagi akong dinadalaw sa aking panaginip?                 Madalas pagmulat ko sa aking mga mata ay mukha na ni Rod ang namumulatan ko. Halik niya sa aking labi ang gumigising sa akin sa dapit-hapon pagdating niya galing sa bukid. Gabi na lang kung magkita kami dahil di na siya umuuwi pa sa tanghali. Kung umuuwi man, di ko din alam dahil madalas, maghapon din lang akong tulog.                 Anong kahiwagaan ang nangyayari sa akin? Bakit hindi ko magawang mag-imbestiga? Kahit pa alam kong mahal ko na rin yata si Rod, hindi ko rin buong maibibigay dahil hindi ko talaga alam kung sino o ano siya? Kailangan kong malaman kung anong misteryo ang bumabalot sa kanyang pagkatao. Gagawan ko ng paraan para makilala siya ng husto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD