CAIN
NANG makapasok na ako sa loob ng opisna ko ay agad kong dinukot ang cellphone sumambulat sa akin ang pinakahuling mensahe na pinadala ng tauhan ko, hindi ko pa man nababasa ang lahat ng mensahe ay tumutunog na rin agad ang cellphone ko para sa isang tawag.
“Hello Gov.—!”
“Stupid!!! Anong hindi niyo alam kung nasaan si Grace?! Ang Lola niya ba kumusta na? May sakit ba si Lola niya o na ospital ba? Putang*na naman! Hindi ba at kabilin-bilinan ko sa inyo, na wag na wag niyong hahayaan na mawala sa paningin niyo si Grace. Bilin ko rin hindi ba na wag na wag niyong hahayaan na may kahit na sinong lalaki ang malayang makakalapit kay Graca! E ano to?! Fùcking hell! Now you're telling me on the message you send, na may nakakita na umalis si Grace kasama ang isang lalaki. Do something! Before I’ll break all of your bones in your stupid body! Send me the picture and details of that man. Mali siya ng kinalaban niya. At alam niyo na rin ang sanctions ng kabobohan niyo!” Matapos makausap ni Rina si Grace kanina lang ay hindi na ako mapakali, narinig ko ang pag-iyak ni Grace kaya naman dali-dali akong pumasok sa office ko. Doon ko nakita ang sunod-sunod na tawag at text ng mga tauhan ko na nakatoka na bantay ni Grace.
Pakiramdam ko ay puputok lahat ng ugat sa ulo ko dahil sa mga nalaman ko. Kung sino man ang lalaking ‘yun mukhang hinahamon niya ako dahil gumawa siya ng kumusyon para maitakas niya si Grace. Malakas ang loob niya dahil kinana niya ako sa mismong teritoryo ko pa. Such an idiot! Pagbabayaran niya ‘yun. Naitakas niya man sa ngayon si Grace pero sinisigurado kong ako ang magiging bangungot niya habang buhay.
“Putang*na naman! Nasaan ka Grace? Parurusahan kita oras na makita ka ng mga tauhan ko!” Gigil na hiyaw ko, kumpiyansa naman akong walang papasok sa loob ng opisina ko. Alam ni Rina ang rules ng bahay, even Tyrone at the very young age knew about it. Walang pwedeng mag trespassing dito sa opisina ko. This is my paradise in this house.
“Really, Hijo! Bakit ba nagiging demonyo ka na naman yata Cain? For sure it's all about her. Tungkol kay Grace ito hindi ba! Lagi namang siya lang ang dahilan ng pagbabago mo. Now tell me frankly Cain, na hindi mo mahal si Grace. Honestly the way you act right now hijo, ay parang tinalo mo pa ang batang inagawan ng paboritong laruan na hinding hindi pwedeng palitan. Kung hindi nga lang kita kilala ay iisipin kong patay na patay ka sa kanya. That you're madly in love with her, kaya nagiging ganyan ka!” Napalingon ako sa gawi ng pinto ng opisina ko. Doon ko natagpuan ang lalaking nagtiyagang mag alaga at mag palaki sa akin. And yes totoo nga naman na every rule there's always an exemption. At sa rules ko na bawal ang trespassers sa silid na ito ay si Uncle Cinco ang exemption. Papasok siya kung gusto niya.
“ Demonyo naman talaga ako hindi ba Uncle Cinco! Noon pa man ay tatak ko na ‘yan. Alam niyo ang totoong ako higit pa kanino man. Ang about sa sinabi niyo ngayon lang. Really? you really think that way about my gesture towards Grace. Mali ka yata ngayon Uncle. Paano niyo rin naman ba nalaman ang ganung klase na basehan? Hindi ba't hanggang ngayon naman ay tinataboy niyo pa rin si Cheryl palayo sa buhay mo! You don't know how to love Uncle, right! Ako rin naman, but everything's changed. Mula ng dumating si Rina at Tyrone sa buhay ko ay natuto ulit akong magmahal. Isa lang pala ang tama sa mga sinabi mo Uncle, dahil sa ngayon at sa oras na ito ang damdamin ko talaga ay parang batang inagawan ng laruan. Si Grace ay paborito kong laruan sa lahat. At ang akin ay akin lang. Pagsawaan ko man si Grace ay sinisigurado ko sa inyo na wala ng ibang lalaki ang lalaway at sasamba sa katawan niya. Dahil ako lang ang dadaan na lalaki sa buhay niya. The day I owned and marked her as mine, ay ang araw din na nakatalaga na siya na para sa akin lan! Buong pagkatao at kaluluwa niya ay akin na mula pa simula!” Paskil sa mukha ko ang ngisi at kasiguraduhan ng sabihin ko ang mga salitang iyon kay Uncle Cinco. Hindi ko pinahalata sa kanya na napansin ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya. Lungkot dahil ba ganito ako?
“Cain, nagiging ibang tao ka lang naman kapag si Grace ang usapan. Hindi laging matuwid ang isip mo kapag siya ang nakasalang sa diskusyon. Maaaring pagmamahal nga ang nararamdaman mo kay Rina at Tyrone pero as a family lang ‘yun dahil din kay Caco na kapatid mo. Pero ang kay Grace alam ko iba ‘yun. Sana nga hindi pa mahuli ang lahat sa inyo. Baka kasi dumating ang araw at mag iba ang ihip ng hangin, ‘yun bang ikaw naman ang nagmamakaawa, susuyo at hahabol sa kanya, pero ayaw na ni Grace dahil takot, suko na, kota na at pagod na siya sa’yo. Wag sanang dumating ang oras na ‘yun, lalo na ang dumating sa punto na may ibang nagpapasaya na sa kanya. Dahil kung sakaling ganun nga ang mangyari ay ako ang unang masasaktan para sa'yo!” Puno ng laman at pag-aalala na sabi ni Uncle Cinco pero sarado naman na ang isipin ko tungkol sa usapan na ukol kay Grace. Para sa akin si Rina ang bagay at nararapat na babae sa tabi ko. Pero hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa kanya kung talagang hindi niya ako kayang mahalin. Sasagot palang sana ako tungkol sa sinabi ni Uncle Cinco ng sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag mula sa tauhan ko na siyang kausap ko rin naman kanina lang. Mabilis kong sinagot ang tawag niya dahil atat na rin akong malaman kung sino ang lalaki.
“Hello Gov. na send ko na po sa email niyo lahat ng detalye tungkol sa lalaki. Madali ko lang pong nalaman ang lahat dahil hantad naman sa publiko ang lahat ng pagkakakilanlan ng lalaking si Reizon Lorente.” Tuloy-tuloy na paliwanag ng tauhan ko. Ito gusto ko sa kanya, hina-hain na ang lahat.
“ How about Grace's location?” Kalmado na balik tanong ko sa lalaki, na mukhang wala pang magandang maibabalita sa akin.
“Gov. pasensya na hinahanap pa po namin—”
“Damn it! Zambales naman ito at teritoryo ko pero bakit hindi niyo mahanap si Grace? I'm giving you another 2 hours. Find her or else lahat kayo dadaanan ng delubyo ko!” Hindi ko makontrol ang galit ko na nararamdaman, nasa Zambales lang si Grace ay hindi pa nila mahanap. Agad kong binuksan ang email na sinend ng tauhan ko matapos kong patayin an ang tawag ng lalaki. Pagkabasa ko palang sa detalye na nakalagay am sa bungad ay hindi ko maiwasan na mapangisi. Mayaman pala siya at kilala ang angkan nila bilang malaking mga kapitalista. Tumira rin pala siya sa Zambales before. Dahil sa childhood sweetheart niya. Si Grace ang childhood sweetheart niya.
“Well sorry! Ang gusto niya ay akin na!” Bulong ko sa sarili ko, hindi ko na iniintindi pa ang nararamdaman ko na mainit na tingin ni Uncle Cinco sa akin dahil ang mahalaga sa akin ay paano ko ilalayo ang hudyo kay Grace.
“Cain basta tandaan mo, walang nagsisi sa una palang!” Maikling sabi ni Uncle Cinco bago ito tumalikod at lumakad palabas.m ng opisina ko. Nang makalabas na ang huli ay naupo ako sa aking swivel chair. Mas mabuting gugulin ko muna ang dalawang oras ko sa mga papeles na kailangan na rin sa mga hawak kong business. Dalawang oras ang bubunuin ko para malaman kung nasaan ba si Grace.
SAMANTALA
Matapos kong umiyak ng umiyak sa harapan ni Reizon ay kakatwa na ang gaan ng pakiramdam ko, para bang nalagasan ako ng dala-dala ko na bigat sa loob na matagal na panahon. Mas magaan nga ngayon talaga kasi hindi ko iniisip na kontrolin ang damdamin ko. Sa tuwing iiyak kasi ako sa harapan ni Lola ay mas matindi ang tama ng sakit sa akin dahil alam kong dalawa kaming nasasaktan. Ayaw ko siyang masaktan dahil kota na rin siya noon pa at galing ‘yun sa mismong anak niya. Natitigan ko ang kaharap ko ay nakangiting mukha ni Reizon ang bumungad pa rin sa akin.
“How do you feel now, Grace?!” Tanong ni Reizon sa akin at masasabi kong sa simpleng tanong niya ay naramdaman ko agad ang tunay na concerned niya para sa akin.
“Bakit ba ngayon ka lang?” Tanong ko sa lalaki out of nowhere. Sa totoo lang ay ‘yun naman talaga ang laman ng isip ko. Bakit ngayon lang may katulad niya na dumating sa buhay ko? Medyo nakadama naman ako ng hiya sa lalaki ng biglang lumamlam ang mga mata niya.
“I'm sorry Grace! Nagpalakas pa ako para maging tama na ako para sa'yo!” Halos mag salubong naman ang mga kilay ko ng marinig ko ang naging sagot ni Reizon sa tanong ko sa kanya, pero agad din naman na iniba ng lalaki ang topic. Umiwas siya kaya hindi na ako nagpilit. Pakiramdam ko napaka-espesyal ko ngayon. Inasikaso niya kasi ako habang kumakain kami ng dalawa. Those gesture of him, ay kay Cain ko noon pa pangarap maramdaman. Noon naman kahit papano ay ginawan din ako ng simpleng pag-asikaso ni Cain. Noon lang! Pero mananatili na ‘yun sa alaala ko. Pinilit kong iwaglit ang mga alaala na ‘yun para naman makapag-focus ako sa taong kasama ko at na nag-effort pasayahin ako. Ngayon ko lang araw nakilala at na kasama si Reizon pero grabe ang tawa ko sa kanya, sinusubukan niya na libangin ako at sobrang na appreciate ko ‘yun. Sobrang dami ko na palang nalaktawan na masasayang ganap sa buhay dahil sa pagkakakulong ko sa mundo ni Cain na ginawa niya para sa akin. Sa tulad kong walang bilang sa mundo.
“Miss Grace! Hinahanap na po kayo ni Gov!” Napabaling ako sa bandang likuran ko ng marinig ko ang pamilyar na boses ng bodyguard ni Cain na laging sumusundo at naghahatid sa akin. Biglang laganap naman ang kaba ko, hindi para sa akin kundi para kay Reizon.
“I'm okay Grace! Pwede ka rin namang hindi sumama sa kanila.” Tila ba nagbago ang rehistro ng boses ni Reizon ng sabihin ang mga ‘yun. Parang sa isang iglap lang ay biglang sumikip ang medyo maluwag naman sana na coffee shop, dahil wala namang masyadong costumer. Nang luminga at igala ko ang mga mata ko ay noon ko lang napagtanto na halos puno na pala ang coffee shop ng mga tao. Sino ba si Reizon? Kaya niya nga ba talagang tapatan si Cain?
“Miss Grace, kahit para sa amin na lang po sana. Please sumama na po kayo!” ulit muli na sabi ng bodyguard ni Cain na punong pakikiusap. Kilala ko si Cain halimaw siya kaya naman doon na nagdesisyon na sumama kasabay na rin ng pagtayo ko sa kinauupuan ko.
“Thank you sa time Reizon. I hope my next time pa at kapag nangyari ‘yun babawi ako sa'yo!” Pasasalamat ko sa lalaki na siya na rin magiging pamamaalam ko. Totoo na gusto ko pa siyang makausap at makilala pa lalo't ang gaan niyang kasama.
“Of course, marami pang next time Grace. Hadlangan man ng iba ay gagawa ako ng paraan para maraming next time ang dumaan sa ating dalawa. And please wag ka ng iiyak muli sa harapan ko, doon palang bawing bawi ka na. But if hindi mo kayang pigilan—dito sa dibdib ko na lang ikaw umiyak, hindi ko kayang makita ka kasing tuloy-tuloy na umiiyak dahil lang sa kanya!” Puno ng kumpiyansa na sabi ni Reizon na ikinangiti ko. Mas tumaas ang pagnanais kong makita siya ulit dahil sa mga sinabi niya sa akin.Nakita ko naman na tumango pa ang bodyguard ni Cain kay Reizon bago kami sabay na tumalikod. Isang dipa palang siguro ang layo namin ng magsalita si Reizon sa tono na kanina niya lang din ginamit.
“Tell him! That one day mababaliw siya sa kakahanap sa binabasura niya. I won't let himndo his stupidity this time!” May diin na sabi ni Reizon kaya napapihit ako pero nginitian lang ako ng lalaki at minuwestra na lumakad na ako. Ang mga sinabi ni Reizon na ‘yun alam ko na para sa tauhan ni Cain. Hinahamon ba talaga ni Reizon si Cain?