REIZON
HABANG tinatanaw ko ang papalayong si Grace na kasama ang mga bodyguard ni Cain ay hindi ko naman maitago ang sakit, galit at pagkasuklam sa lalaking minamahal niya. Kamuhi-muhi ang lalaking katulad niya. Kahit naman din ang sarili ko ay kinagagaglitan ko dahil ang tagal ng dumaan na panahon bago ako nakabalik. Siniguro ko lang naman na may laban ako sa taong nagbibigay ng sakit sa puso ni Grace kahit pasukin ko man ang teritoryo niya. Si Grace lang ang babae na gusto ko mula pa noon, hindi ko alam kung bakit siya lang? pero ‘yun ang nararamdaman ko. Napilitan na lang tuloy akong umayon sa gusto ng aking ama para lang makuha ko ang kapangyarihan at koneksyon na meron ako ngayon na kayang tumapat kay Cain.
“Boss may sumusunod na po kina Ma'am Grace!” Nawala sa papalayong sasakyan ang tingin ko ng magsalita si Arjoe na kanang kamay ko at kababata ko rin.
“Good! Pati sana si Lola batayan n’yo rin. Huwag kayong papatay-patay ngayon. Salamat din pala kanina sa ginawa niyo, dahil natagalan ang mga tauhan ni Cain bago kami natunton ni Grace. Hindi ko tuloy lubos maisip kung gaano ka sabog sa galit ang Gobernador na ‘yun ngayon. Wag na wag niya lang sasalingin at sasaktan ng pisikal si Grace dahil sinisiguro ko na babaha ng pulang likido ang buong Zambales kapag-nagkataon!” Hindi ako nagbibiro ng sabihin ko ang mga salitang ‘yun kay Arjoe. Nag-training ako para sa pwesto na hawak ko ngayon kaya alam ko ang kakayahan ko. Ilang beses na rin ba akong halos makipag-hilahan ng pisi kay kamatayan, pero sa tuwing matatalo na ako ay mukha ni Grace ang lumilitaw sa harapan ko na siyang nagpapalakas sa akin kaya kahit si kamatayan walang naging panama sa akin.
“Noted boss! Pero Reizon bilang kaibigan mo na matalik at kasabay na lumaki, gusto kong malaman mo ang side ko at diba naman alam mo na suportado kita sa lahat, pero sana isipin mo rin ang kalagayan mo. Hindi biro ang sinuutan mo na sitwasyon. Giyera ito!” Tugon naman ni Arjoe sa akin. Sa totoo lang hindi naman boss at tauhan kami sa isa't isa. Arjoe came from a wealthy family too, but his family belong to those families that under our family standing in organization, na siyang kinabibilangan ko na rin ngayon bilang isa sa sangay ng may mataas na katungkulan.
“I know, pero lahat din naman ng meron ako ngayon ay dahil sa pagnanais kong makuha at tulungan si Grace—!”
“Remember bro, once na bumalik na sila dito at matagpuan na nila ang babaeng ‘yan ay tiyak na malaking gulo ang sasabog. Dalawang panig o higit pa ang pwedeng makabangga natin Reizon! Muling mabubuhay ang nanahimik ng alitan sa pagitan ng ilang mga angkan at grupo!” Putol ni Arjoe sa sinasabi ko. Alam ko naman ‘yun simula palang pero mahal ko talaga si Grace. Hindi ko sinagot si Arjoe kaya muli itong nagsalita.
“Pareho lang naman kayo ni Gov. Cain kung tutuusin! Parehong nasasaktan o masasaktan niyo lang si Grace, ang kaibahan lang naman ay magalit o kamuhian man si Grace kay Cain ay mamahalin niya pa rin at mamahalin ang huli ng paulit-ulit dahil sagad na nakatatak sa puso at buong sistema niya si Cain. Alam ko na alam ko ‘yan. Wag mo namang patayin ng literal ang sarili mo bro.” Kaibigan ko nga ang lalaking ito dahil siya lang ang may kakayahan na salungatin o ipamukha sa akin kung sino at ano lang ba ako sa buhay ni Grace. Sa totoo lang matagal ko ng tanggap na hindi ko makukuha ang pag-ibig ni Grace but I just want her to have a peaceful life, na imposible rin pala niyang makuha kung sa akin siya sasama. Hindi rin pala yata ako ang tamang tao na may kakayahan na magbigay noon kay Grace. Dahil na caught of guard ako ay tanging pag-igting lang ng panga ko at pangangalit ng mga ngipin ang nagawa ko.
“Bakit mo ba siya mahal bro? Mahal mo nga ba siya romantically or baka obligasyon lang ang tingin mo kay Grace sa pagdaan ng panahon? Dahil sa alam mo kasi ang kasalanan ng pamilya mo sa kanya.” Muling sabi ni Arjoe, lalaki naman ito at straight talaga pero masyado makuda.
“Isa pang salita mo at tanong papasakan ko ng baso yang bibig mo!” Buwelta ko naman sa lalaki na tumawa lang ng malakas. Sinto-sinto rin talaga.
“Ganyan nga Reizon.. Kapag nasusukol dinadaan sa pagbabanta—Fùck you!”
“No thanks bro. Hindi ko type ang pinupwetan lang.” Sabi ko na sagot sa lalaki sabay tayo na rin matapos kong palsakan ng ensaymada na buo ang bibig ni Arjoe. Nagsimula na akong lumakad palabas ng coffee shop, samantalang ang huli naman ay mual-mual pa sa pag-nguya ng tinapay, pero alam ko naman na susunod din ito agad sa akin.
“Boss! Hintayin mo ako. Mamaya may sniper na palang nakaabang sa'yo!” Habol ni Arjo na hiyaw sa akin. Sniper? Tsk. Kung mamatay ako dahil sa paglapit ko Grace ay masaya kong tatanggapin ang kamatayan ko. Ang mahalaga na kasama ko ang tanging babaeng pinangarap ko na maging akin.
***********************
Ilang kotse pala ang nakabuntot sa sinasakyan namin na sasakyan ngayon. Mukhang marami pala ang nag-hanap sa akin. Hindi ko alam kung anong iisipin ko pa sa akto ni Cain na ito. Noon umasa ako na kapag ganito si Cain ay baka mahal niya ako pero ngayon ang naiisip ko na lang ay sakim siya. Ayaw niyang sumaya ako dahil gusto niyang maging kalbaryo ang buong buhay ko. Ilang beses ko na rin siyang tinanong kung anong kasalanan ko pero mas lalo lang siyang nagagalit sa akin.
“Miss Grace, sa rest house po ang tungo natin. Wala pa po doon si Gov. pero darating po siya doon.” Basag ng bodyguard ni Cain sa katahimikan na umeere sa buong sasakyan. Hindi naman ako sumagot dahil wala naman akong kalayaan na kumontra sa gusto ni Cain. Hindi pa man kami nangangalahati sa biyahe ay tumunog ang cellphone ko. Isang unknown no. ang runehistro pero may kutob naman na ako kung sino ito.
“Hello—”
“Save my no. Grace, just give a ring darating ako agad. Take care Grace—”
“Ano ba?!” asik ko sa taong biglang humablot ng phone ko na pinatay din agad.
“Sorry po Miss Grace napag-utusan lang po!” hinging tawad agad ng lalaki sa akin. Napaiyak na lang ako dahil pagod na akong magsalita at dumepensa para sa kalayaan ko. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko para matulog, dahil pihadong pagod ang makukuha ko kay Cain. Hinayaan ko na lang din ang phone ko sa bodyguard ni Cain dahil magsasayang lang ako ng lakas sa pakikipag-agawan e, wala namang mangyayari. Siguro nga ay darating din sa punto na pati paghinga ko ay de numero. Kapag ganun siguro mabuti pang kitilin ko na ang sarili buhay ko para matapos na ang lahat.
“Damn it! So manipulative! Arjoe make sure na magiging okay si Grace!” pati pakikipag-usap sa cellphone inaalis niya kay Grace.
“Iaalis kita dito Grace. Iaalis kita sa kulungan na ito at impyerno!”