GRACE
MAAGA akong gumising para ako ang maghanda ng pagkain namin ni Lola. Mabilis lang ang naging ganap sa amin kaya naman ng makapagbihis na ako ay agad na akong nagpaalam para pumasok na rin sa trabaho lalo't busy kami ngayon ni Ma'am Rina.
“Grace!” Tawag ng kung sino sa akin habang palabas na ako labasan kung saan ako sasakay para makapunta sa PCL. Napalingon din naman ako agad sa gawi kung saan galing ang boses na tumawag sa akin, dahil baka nga importante ang sasabihin ng kung sino na itong tumatawag sa akin, pero ng hanapin ko ang pinanggalingan ng boses ay isang nakangiting lalaki ang nakita ko na titig na titig sa akin. Hindi ako pamilyar sa kanya, dahil ngayon ko lang siya nakita sa lugar namin. Pero sa paraan naman ng pag-tingin niya sa akin parang kilala niya ako kaya napapaisip na rin tuloy ako.
“Apo ni Gabriela!” Muling sabi ng lalaki na tatawa-tawa na, na mas nagpalabas tuloy ng angkin niyang gandang lalaki at kakisigan pero hindi ko pa rin siya matandaan kung nagkita o nagkakilala na ba kaming dalawa.
“Apo ni Gabriela?” Patanong na ulit ko pabulong sa sarili ko ng muling balikan ko ang sinabi o itinawag sa akin ng lalaki, pero biglang may pumasok naman na imahe ng isang batang lalaki at batang babae. Ang batang lalaki na nakita ko sa alaala ko ay siyang unang naging bully sa buhay ko. Agad tuloy akong napatitig sa mukha ng lalaki na halos tatlong dipa pa ang layo sa akin. Pero doon ko nakita ang pagkakahawig niya sa batang hinabol ko ng hampas ng kahoy noon. Ibang iba na siya ngayon kung siya nga ba talaga ang batang ‘yun na nawala na lang bigla noon dito sa lugar namin. Mayaman na mayaman siya kung titingnan sa tayo niya at bihis ngayon. Lalo na't humihiyaw din ang pagiging dominante ng physical features niya.
“ Kumusta ka na Grace?!” Malambong na ang paraan ng pagtingin sa akin ng lalaki habang may suyo naman din sa paraan ng pagtanong niya sa akin bilang pangungumusta. Hindi naman ako agad nakasagot dahil parang naguguluhan pa rin ako sa biglang pagsulpot niya, kaya muli na naman itong nagsalita.
“It was nice to finally see you again, little Gabriela Silang!” Muling sabi ng lalaki sa akin sa mas maayos na ang tono pero may halong kapilyuhan pa rin na nakaguhit sa mga labi at mga mata niya. Tuwang tuwa yata ang lalaki kada sasambitin ang Gabriela, naalala ko na noon pa man ay may tumatawag na nga ng ganun sa akin. E ngayon kaya ako pa rin kaya ang apo no Gabriela?
“Sino ka ba?!” Patay malisya na tanong ko sa lalaki na parang hindi naman na nagulat sa pagsu-sungit ko sa kanya. May ideya man ako pero ayaw ko ng mag isip ng mag isip dahil pagod na ako kakaisip tungkol sa buhay ko.
“Sabagay noon nga ay hindi mo matandaan ang pangalan ko, ngayon pa kaya! By the way I'm Reizon Lorente, ang dating kaaway mo na hinabol mo ng bambo ng kahoy. Ang ganda mo pa rin Grace—sobrang ganda!” Puno ng paghanga na sabi ng lalaki sa akin. Tila may nararamdaman naman ako na biglang panginginit sa sa bandang pisngi ko dahil sa papuri na sinabi ng lalaki sa akin. Alam ko at nababasa ko sa mga mata niya na totoo ang sinasabi niya sa akin. Kailan na nga ba ang huling beses na narinig ko na may nagandahan sa akin? Ay oo nga pala! Malimit naman, kada nga pala gagalawin ako ni Gov. ay abot-abot ang papuri na nakukuha ko mula sa kanya. Hindi ko lang talaga ma-appreciate dahil alam ko naman na dala lang ng libog at sarap na nararamdaman niya kaya niya ako na pupuri.
“Are you okay Grace?!” Alalang-alala tanong ng lalaki sa akin. Napaurong pa nga ako dahil hindi ko sukat akalain na nasa tabi ko na siya. Agad naman akong nahawakan ni Rei sa kamay kaya hindi ako natumba, pero may kakaibang init na gumapang sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa paghawak ni Rei sa akin o dahil sa ibang bagay? Agad tuloy akong napalingon sa paligid pero wala naman akong nakitang ibang tao. Mabilis akong umayos at lumayo kay Rei para magkaroon ng distansya ang pagitan naming dalawa.
“ A-ayos lang ako.” Utal na sagot ko sa lalaki ng makalayo na ako sa kanya. Tila naman hindi naniniwala ang lalaki sa akin kaya nagsalita na ako ulit.
“ It was nice to see you too, R-reizon, but I really need to go. May work pa kasi ako. Siguro, maybe next time na lang tayo mag usap!” Sabi ko naman ng diretso sa lalaki. Hindi ko naman maintindihan bakit ba parang asiwa na akong bumanggit ng ibang pangalan ng lalaki. Pati ba naman ang kalayaan sa pakikipagkilala ay nawala na rin sa akin?
“I hate him!” Sabi ko na akala ko ay sa isip ko lang naibulalas pero nabigkas ko pala.
“ Who? Tell me. Baka matulungan kita Grace!” Muling sabi at lapit ni Reizon sa akin.
“ A-ang alin ba? M-male-late na ako sa ibang araw na lang ha!” Utal na sabi ko sa lalaki, ayaw kong idamay o mandamay ng ibang tao sa problema ko.
“Hatid na kita Grace. Sige na, please!” Pakiusap at pilit ni Reizon pero mariin akong umiling at tumitig sa kanya bago ko siya dineretsa ng salita.
“Kung ano man ang plano o intensyon mo sa akin Reizon please lang tigilan mo na. Wala kang mapapala sa akin na kahit na ano. Iba ako sa inaakala mo na babae. I'm sorry kung assuming ako—”
“I like you, Grace! No, I have loved you since day one. Ikaw ang dahilan ng pagbabalik kong muli sa Zambales. Ikaw ang dahilan ng paglipat namin dito noon at ikaw ulit ang dahilan ng pagbalik ko!” Naputol ang sinasabi ko ng magsalita si Reizon. Parang naputulan naman din ako ng dila dahil sa mga narinig ko mula sa bibig ng lalaki. Nanginig naman ako bigla dahil sa ilang mga dahilan. Una ay pagdududa sa katapatan niya lalo na kung malaman niyang hindi ako ang babaeng inaakala niya, pangalawa ang takot na baka malaman ni Cain ito na pihadong lilikha ng malaking gulo. Gulo na para kay Reizon at ang huli naman ay sa sobrang saya na may taong nakikita ng tunay na halaga ko. Naramdaman ko na lang na nakakulong ako rin pala ako sa bisig ng lalaking kausap ko.
“Stop crying! Hindi kita pipilitin, but please hayaan mo akong makalapit sa'yo. Aalagaan kita kahit na nasa teritoryo ako ng kalaban!” Napa-angat ako bigla ng tingin ng marinig ko ang huling sinabi ni Reizon sa akin. Sumalubong sa akin ang malambong niyang tingin na waring hinihintay din lang na mag angat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko sa mga tingin niya sa akin ang punong-puno ng pang unawa, pagtanggap at paghanga sa akin. Tuloy-tuloy na naman agad na nag-landas ang mga luha ko pababa sa aking pisngi.
“Hindi kita pababayaan Grace, kahit anong mangyari at kahit pa mapalayo man ako sa’yo ay tandaan mo lang na laging nakamata lang ako sa'yo. Lahat ng pain mo alam ko at sampung doble akong pinapatay noon. Kaya nga sumugal na akong pumasok sa kulungan na puno ng patibong, ayoko ng isipin mong mag isa ka lang na lumalaban, nandito na ako. Mahal kita kahit ano at sino ka pa, apo ni Gabriela Silang!” Sa unang beses sa buhay ko na ito ay umiyak ako sa harapan ng ibang tao. Tao na alam ang bawat pain na dinaanan ko. Alam ko na alam niya dahil sa paraan ng pagsasalita niya marami o baka lahat nga ay alam niya. Pangalawa siya kay Lola na nakakaunawa sa naging sitwasyon ko. Ang mga pagluha ko na alam kong nauunawaan nila at pilit uunawain kahit lagpasan na. Si Cain lang naman ang hindi nakakaunawa sa akin, parang naging kaligayahan na niya ang makita na masaktan ako ng paulit-ulit.
“B-bakit parang tiwala agad ako sa'yo? Sa totoo lang dala na ako at matagal ng nawalan ng tiwala sa iba.” Tanong ko sa pagitan pa rin ng pagluha ko. Totoo na agad na magaan ang loob ko sa lalaki.
“Just trust me! Ang tiwala mo sa akin ay hindi masasayang Grace!” Siguro nga ay desperada na ako kaya naman madali akong maniwala lalo't nauunawaan niya ako. Gumanti na rin ako ng yakap sa lalaki na mas humigpit ang pagkakayakap sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas na magkayakap kami, at namalayan ko na lang na nasa isang coffee shop na kami habang tumitipa na rin pala ako ng text message para kay Ma'am Rina.
MA'AM RINA :
Good morning Ma'am Rina, I know it was late notice but I really can't go to work. Something came up urgently. Pero kung need niyo po ako hahabol po ako mamaya para makapasok.
Tipa ko na siyang laman ng sinend ko rin agad na message kay Ma'am Rina. Medyo guilty ako dahil nagsinungaling ako sa kanya, pero kung tutuusin naman ay napakarami ko ring mga lihim at mga kasinungalingan na ginawa. Kahit nga sa sarili ko ay nagsisinungaling din ako ng paulit-ulit, ang malala pa nga inuuto ko at pinapaniwala ko ang sarili ko sa imposibleng bagay, gaya ng mamahalin din ako ni Cain. Napa-buntong hininga ako matapos kong i-send ang message kay Ma’am, pero sandali palang ang lumilipas ay tumunog na ang phone ko for incoming call. Napatitig ako sa cellphone ko dahil si Ma'am Rina ang tumatawag, nagdadalawang isip pa nga ako kung sasagutin ko ba o hindi. Sa huli ay mas nanaig sa akin na sagutin ang tawag niya habang tahimik na nakamata si Reizon sa akin, nasa isang maliit na coffee shop kami bandang corner para may privacy. Kakatwa talaga na sumama agad ako kay Reizon at lumiban pa ako sa trabaho. Siguro ganun na ako kabasag kaya sama agad ako sa taong nakakaramdam sa damdamin ko na kahit papano nagpapahilom ng sakit ng puso ko na matagal ko ng baon.
“Hello, Grace! Okay lang ba? No need na pumasok ka, kaya ko na ito. I hope everything is fine with you. If you need help don't hesitate to tell me. Alam mo naman na kaibigan kita at parang kapatid na rin. Ikaw ang Ate ko!” Bungad agad na tuloy-tuloy na sabi ni Ma'am Rina sa akin. Sa tono niya ay alalang alala siya sa akin at totoo ‘yun pero sa loob ko damang dama ko ang pait ay sakit. Pinamukha lang sa akin ni Rina na mas kamahal-mahal talaga siya talaga kaysa sa akin. She's perfect. Samantalang ako kulang kulang.
“ T-thank you Ma'am Rina—!”
“ Hey beautiful! Here's your coffee!” Natigilan ako ng marinig ko na magsalita si Gov. ng sobrang buhay na buhay at sweet na sweet, bigla tuloy mas tumaas ang lebel ng pait at sakit sa akin puso, napakasuyo niya kay Ma'am Rina, na siyang kabaliktaran sa pagtrato niya sa akin. Pinagsisilbihan pa niya ang babae na kahit minsan hindi n’ya ginawa sa akin. Kasi naman mula noon ako ang nag-aasikaso sa kanya. Nakakainggit pala talaga.
“Oh thank you! Wait lang ah, kausap ko kasi si Grace, may emergency sa kanila kasi.” Sagot ng babae kay Gov at ang sunod na narinig ko na lang ay tunog naman na ng halik na mukhang sa labi iyon. Kusang naglaglagan muli ang mga luha ko, ilang ulit na bang ganito kasakit? Marami na pero hindi pa rin ako nasasanay.
“Grace what happened? Bakit ka umiiyak?!” Tanong ni Ma'am Rina sa akin.
“I-i'm okay po! I need to go and thank you for your concern, ma'am!” Tanging na isagot ko sabay patay ng phone. Pagkababa ko palang ng phone ko sa table ay agad na rin akong sumubsob sa palad ko sabay hagulgol ng iyak. Masakit na masakit pero sa puso ko nangangarap pa rin ako na sana ako na lang si Rina. I’m dying to feel the love that Cain could offer with me. Hinayaan lang naman ako ni Reizon na umiyak ng umiyak hanggang sa napagod na rin ako. Iba yung iyak ko ngayon dahil alam ko may nakakaunawa sa akin. Sa totoo lang hanggang kaya ayaw ko ng umiyak kay Lola dahil alam ko naman na mas nasasaktan siya para sa akin.