Panaginip o Bangungot?

1404 Words
NAGMAMADALI ako ngayong araw, medyo tinanghali kasi ako ng gising. Kinabahan naman ako at baka hindi ko naabutan si Cain. Mamaya niyan ay mahila na naman siya na sumama sa mga kaibigan niyang bad influence sa kanya o hindi kaya ay sa mga babaeng haliparot na gustong maging kanila si Cain. Iba naman ako sa kanila kasi ako si Cain lang ang lalaking hinayaan ko na makalapit at makahawak sa akin, maging sa buong katawan. First year college palang ako samantalang ikatlong taon na ni Cain sa huling baitang ng kurso niya na political science, sayang dahil ang talino pa naman niya. Grabe makipag-debate ang huli, kung tagalog ay purong tagalog talaga at kung english naman ay sobrang lalom din. Ako namna kasi ay late ng pina-aral, kasi nga ay kulang sa pera si Lola. Nang matanaw ko naman na ang tuktok ni Cain ay labis na ang saya ko kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang abutan ko na siya. “ Cain!!” Malakas na tawag ko na nagpalingon sa mga kasama ni Cain agad. Pero ang huli hindi ako nilingon, bad mood yata siya ngayon. “ Peste ayan na naman ang pusa mo Cain, malamang aawatin ka na naman niyang sumama sa amin!” Banas at gigil na sabi ng isa sa kaibigan ni Cain na hindi ko talaga tanda ang pangalan. Sabi kasi ni Lola basta mga walang bilang na tao wag ng pag-aksayahan ng panahon kaya ayon hindi ko na tinandaan ang pangalan niya. “ Cain, wala ka bang pasok? Tara na pasok na tayo!” Sabi ko naman ng mas makalapit na ako sa kanila. Parang hindi man lang ako hingal sa haba ng nilakad ko na may kasamang takbo. Energizer ko yata si Cain. “ Huy babaeng pampam, tigilan mo si Cain wala kang mahihita sa kanya!” Sabi ulit ng kaibigan ni Cain sabay pitik sa noo ko. “ Ouch! Aray putang ina!” Sabay na daing namin ng lalaki, ako dahil sa pagpitik niya sa noo ko siya naman ay dahil sa pagbagsak sa lupa. Kitang kita ko kung paano pilit inawat ng iba nilang kaibigan si Cain dahil ayaw niyang lubayan ang lalaking pumitik sa noo ko. Sipa, tadyak at suntok ang mabilis na pinakakawalan ni Cain. Galit na galit siya sobra. “ Putang ina mo Cain!” Mura ng lalaki kay Cain. “ Mas puta naman ang Ina mo gago! Huwag na huwag mong kakantiin si Grace, papatayin kita talaga!” Malakas na hiyaw ni Cain na literal na nagpa-dagundong ng malala sa dibdib ko sa mas mabilis na ritmo. Una palang naman ay alam kong gusto ko na si Cain pero ngayon alam ko na sa sarili ko mahal na mahal ko na siya. Namalayan ko na lang na hila-hila na ako ni Cain paalis sa lugar, hindi pa rin naman makalma ang dibdib ko hanggang makarating kami sa parking lot. Mabilis na pinasakay ako ni Cain sa kotse niya sabay sibat. Mukhang cutting class kami ngayon. Muli tuloy na naman akong nakarating sa apartment na nirerentahan niya dahil doon kami nagtungo. Apartment na saksi kung paano ko inialay kay Cain ang kabirhenan ko. Sinipat-sipat naman agad ng lalaki ang noo ko bago ako niyakap ng mahigpit at ang yakap na ‘yun ang pinaka hindi ko makakalimutan sa lahat. Yakap na na nauwi sa mainit na pagsasanib ng aming katawan. Sa una ay naging maayos kami ni Cain. Nagbago siya para sa ikakabuti niya hanggang sa nagising na lang ako isang araw na bago ang pakikitungo ni Cain sa akin. n Naging sobrang magulo ang sitwasyon namin ni Cain. Matino siya pero pagdating sa akin gago ang atake niya. Maraming sakit ang binigay niya sa akin pero hindi ako nagpatinag. Hindi ako sumuko hanggang sa umabot na sa babuyan ang lahat. Dahil harap-harapan niyang pinakita sa akin na halimaw siya. Sa harap ko may babaeng ilang ulit niyang inaangkin ng walang emosyon at ng hindi siya masayahan sa babae ay pinaalis niya ito at ako naman ang ginamit niya. Diring-diri ako sa sarili ko, sigaw ako ng sigaw ng pagmamakaawa pero wala nangyari. Sa tuwing inaangkin ako ni Cain galit ang pinapakita niya sa akin. Galit na hindi ko maunawaan. “ Cain.. Cain.. wag please… Ayoko!!!!” sigaw ko habang pinupunit niya ang suot kong damit. “ Grace… Apo ko gising! Grace gising!” Nang marinig ko ang boses ni Lola ay napabangon ako bigla. Panaginip na naman pala. Mali bangungot ko noon na dala ko magpahanggang ngayon. Bangungot na kasalanan ko rin naman dahil hinayan ko lang sa pag-asang magbabago si Cain. Hindi ko siya iniwan pero hindi niya ako pinapahalagahan at kahit piliin ay malabo pa rin. Nagbago nga siya dahil naging matagumpay siya at nahalal bilang pinakabatang Gobernador, pero ang trato niya sa akin ay nanatiling ganun pa rin. Gamit , basahan at basura. Nang tingnan ko si Lola ay abot-abot na ang mga luha niya sa mga mata niya. Doon ako natuhan ng lubos. “ Lola okay na po ako!” Pag-amo ko sa kanya. “ Natakot ako apo at nasasaktan dahil hanggang ngayon kahit sa pagtulog mo hindi ka nilulubayan ng sakit at mga pasakit na si Cain ang may gawa. Kung may pera lang ako lalabanan ko ang lalaking ‘yun. Apo hanapin mo na kaya ang pamilya mo, alam ko galing ka sa prominenteng pamilya. Matutulungan ka nilang magbagong buhay sigurado ako d’yan!” Mahabang sabi ni Lola sa akin, kung ako lang naman ay syempre gusto ko rin naman silang hanapin pero ang kaso ang hirap makaalis sa lugar na ito. Ang ganda ng Zambales pero nagmistulang impyerno ito para sa akin dahil sa naging bihag ako ni Cain. Pagmamahal ko ang inalok at ibinigay ko sa kanya pero ginawa niya akong preso. Inalis niya ang laya ko maging respeto sa sarili ko kinuha niya na. “ Hahanap lang po ako ng tyempo Lola, makakaalis din po ako dito pero isasama kita La. Hindi kita iiwan dito. Hinding-hindi po!”Sagot ko naman sa Lola ka na panay lang ang tango sa akin. Wala akong balak na iwan ang Lola ko dito. Hindi ako papayag na siya ang balingan ni Cain ng galit niya na para sa akin. Galit na hindi ko alam kung saan nagmumula. Wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang mahalin lang siya ng labis. Ang manatili sa tabi niya kahit pinapatay na ako ng pagtrato niya sa akin. “ Uminom ka muna apo,” pukaw ni Lola sa akin sabay abot ng isang basong tubig. Laging may baso at pitsel ng tubig si Lola malapit sa higaan niya. Tinanggap ko iyon at ininom agad. “ Halika apo mahiga ka na, at tutulungan kitang makabalik muli sa pagtulog pero bago ‘yun ay mag dasal muna tayo!” Muling sabi ni Lola sa akin. Sabay kaming humiha at nanalingin. Lagi naman kaming nanalangin ni Lola pero sa loob lang namin. Samantala “ Gov. hindi pa po ba tayo uuwi? Baka po hinihintay na kayo sa bahay!” Napalingon ako sa driver/bodyguard ng mag salita ito. Nasa malapit lang kami sa bahay ni na Grace. Hindi ko alam bakit dinala ako dito? Siguro ay nagi-guilty ako sa ginawa ko kay Grace. Galit lang ako, dahil nagiging matigas na ang ulo niya sa akin. Ayaw niya na agad sumunod sa akin. “ Limang minuto pa!” Sabi ko sabay labas muli ng kotse. Kanina ay nasilayan ko pa si Grace. Pero ilang oras na ang lumipas at tahimik na ang buong bahay nila, siguro ay tulog na nga sila. Napasindi tuloy ako ng sigarilyo dahil sa akto ko na ito na ikinagugulo rin ng utak ko. Gusto ko si Rina? Siya ang tamang babae para sa akin. Malinis hindi madumi na kung sino-sino ang gumagalaw. Akala ko noon ay matino si Grace pero mali ako. Marumi na nga siya basura pa ang ang pagkatao niya. Nang halos mangalahati na ang sigarilyo ay itinapon ko na rin agad. Hanggang ngayon naalala ko pa rin ang eksena nasaksihan ko ng palihim. Napatunayan ko na mahusay lang magdala si Grace ng sarili niyang dumi at baho. Mabilis na akong bumalik sa kotse at ng makaupo ako ay nagsenyas na ako sa driver ko na sumibat na kami. Buong araw akong gulong-gulo dahil sa dami ng mga isipin ko na trabaho, pero mas nagugulahan na ako sa tunay na damdamin ko kay Rina at Grace.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD