Lola

1646 Words
GRACE PATULOY pa rin akong nakakaramdam ng sakit sa tuwing nakikita ko kung paano alagaan ni Cain si Ma'am Rina at Tyrone na anak ng huli. Ayaw ko man pero minsan naiisip ko na sana ako na lang si Ma'am Rina, na sana ganun din ako alagaan ng lalaking mahal ko. Kaya lang lagi rin naman akong natatauhan at inaatake rin agad ng guilt pag-ganun ang iniisip ko dahil napakabuting tao ni Ma’am Rina. Kung tutuusin ay hindi naman amo at empleyado ang datingan ng turingan namin ni Ma’am Rina, kasi para lang kaming magkaibigan o magkapatid lalo na't kami ang laging magkasama. Masakit man pero kung masaya si Cain o silang dalawa sa isa't isa ay mananahimik na lang ako, at sasarilinin ko ang lungkot maging ang sakit na patuloy na naninirahan sa puso ko. Tama naman si Gov. Cain na higit na karapat-dapat na alagaan at mahalin ang mag Ina. Sila kasi may value ako maraming issue’s sa pagkatao ko na alam ni Cain. Mahirap akong iugnay sa kanya dahil baka ako pa ang sumira sa magandang takbo ng panunungkulan niya sa lalawiga ng Zambales. Kaya mula noon ay makailang ulit o beses kong tinatak na lang sa utak ko na gamit lang ako para kay Gov. Cain. Gamit na kapag kailangan ay pupulutin niya at kapag tapos naman na ay itatapon na ulit. Pero ewan ko ba, itong puso ko tuloy pa rin na sumasamba ng pagmamahal sa lalaking wala naman kahit katiting na maayos na damdamin para sa akin. “ Mukhang malalim yata ang iniisip ng apo ko. Ano ba ‘yun Grace?!” Napukaw naman ang pagtanaw ko sa malawak ng kadilam ng paligid ng marinig ko ang malumanay na boses ng Lola ko. Nasa terasa ako ngayon, matapos ng hapunan at pagliligpit ko ng plato ay dito na ako tumungo para magmuni-muni sa sana. Mukhang hinanap ako agad ng Lola kong mahal. Ang Lola na tumayong Ina at ama sa akin. Ang Lola na inilaban ako mismo sa sariling anak niya. Ang Lola na pinili ako ng paulit-ulit kahit hindi naman ako kadugo. Ang Lola na dahilan bakit ako na nanatili sa Zambales. Hindi naman na totoo na pagmamahal ko kay Cain ang nagpapanatili sa akin dito, si Lola na lang ang dahilan ko. Natatakot kasi ako na baka gawan siya ng masama ni Cain once umalis ako. Mabuting tao naman si Cain sa lahat puwera sa akin. Dahil demonyo siya kapag nagagalit lalo na’t ako ang dahilan. Pinilit kong ngumiti kay Lola pero wala pa man akong nasasabi sa kanya ay nagsalita naman agad ito. “ Alam ko hindi ka okay apo! Siya lang naman noon pa ang sanhi ng kalungkutan mo. Oo nga, noong una saya at aliwalas ang dala niya sa’yo, sa buhay mo—pero ngayon apo, ibang iba na, binago ka niya. Nakita mo na ba sa salamin ang sarili mo? Nakita mo na ba kung anong nangyari kay Grace na apo ko? Please apo bumalik ka na! Kadalasan ang pag-ibig na hindi nasusuklian ay pag-ibig sa maling panahon, kahit pa nga tama naman kayo sa para sa bawat isa.” Mahabang sabi ni Lola sa akin, natulala lang naman ako sa kanya kasi alam ko naman na naiwala ko na nga ang sarili ko magmula ng mahalin ko si Cain higit pa sa buhay ko. Naawa ako kay Lola dahil alam ko naapektuhan na rin siya sa akin kapag ganito ako. “ Nakakapagod din pala Lola. Isip ko maging katawan ko po ay pagod na pagod na—pero ang putàng inang puso ko sabi laban pa!” Sagot ko sa Lola ko habang malayang tumutulo ang mga luha kasabay ng pagtapik ko sa dibdib ko kung saan naroon ang puso ko na patuloy na minamahal ang maling tao. “ La m-mahirap bang mahalin ang tulad ko? T-talaga bang na buhay lang ako para gamitin, itapon , abusuhin at saktan? May magandang bukas pa kaya na laan para sa akin? Sa tulad kong wasak at ubos na!” Muling sabi ko kay Lola habang iyak na ako ng iyak. Alam ko makakadagdag bigat na naman ako sa kanya, pero sa Lola ko lang ako kayang magpakatotoo. Sa kanya tiwala ako na hindi niya ako huhusgahan kahit anong mangyari. Na ang tingin niya pa rin sa akin kasing dalisay ng tubig sa isang batis. “ Apo ako ang nagpalaki sa’yo kaya kilala kita mula ulo hanggang paa. Alam mo ang pagmamahal at mga bagay na mga ginawa ko para sa’yo diba! Pinili kita at minahal ng sobra kaya nasasaktan ako kapag nasasaktan ka ng ibang tao na inaalayan mo ng pagmamahal mo. Sa totoo lang walang taong hindi kamahal-mahal Grace tandaan mo ‘yan, dahil kahit isang pusakal na krimanal may taong lilingap at wagas na magmamahal. Lahat tayo may laan na taong tatanggap kahit na ano pang klase tao pa tayo. Grace, ayawan ka man ng iba o ng lahat ng tao isipin mo na nandito lang ako lagi para sayo apo. Mamahalin kita kahit sino, ano ka pa man magpakailanman. Mawala man ako sa mundong ito ang pagmamahal ko sa’yo hindi kailanman magmamaliw. Tandaan mo Grace na kamahal-mahal ka dahil sa dami ng mga rason at kalidad na maganda sa pagkatao mo. Apo alam mo bang para sa akin ay ubod ka ng ganda panloob man o panlabas na anyo ‘yan, mabait ka ng sobra-sobra kaya nga inaabuso ka ng ibang tao at higit sa lahat walwal ka sa magmahal kaya para sa akin deserve mo ang wagas na pagmamahal sa tamang tao. Kasi apo sa totoo lang na sa’yo naman na ang lahat ng magandang katangian sadyang hindi lang iyon makita ni Cain dahil lagi kang nasa tabi niya kapag kailangan ka niya. Ganun naman ang mga tao kapag laging nasa tabi nila ang nagmamahal sa kanila ay balewala lang pero kapag nawala na, tsaka naman mauulol sa paghahanap. Tandaan mo rin na ako ang bahay na uuwian mo at patuloy na magiging kanlungan mo mahal kong apo!” Sa dami ng sinabi ni Lola sa akin mas lalong bumuhos ang luha ko, talagang siya ang uwian at kanlungan ko matapos akong ubusin ng mundo. Umiyak lang ako ng umiyak ng mga sandaling iyo , para nga akong batang inagawan ng laruan at lollipop. Hanggang sa marinig ko ang kanta na laging kinakanta sa akin ni Lola. Kanta na siya mismo ang gumawa para sa akin. “ Ang munting bunso ko, laging tatandaan mo, na ang Lola ay lagi lang narito. Wag mo sanang damdamin, ang kabiguan at pait. Palagi mo lang iisipin, si Lola ang iyong kakampi!” Mas hindi ko maawat ang pag-iyak ko dahil sa mga liriko ng kanta ni Lola. Siya at siya lang talaga ang kakampi ko simula’t simula pa lang. “ Iyak lang Grace, nandito si Lola ha! Makikinig ako at hindi kita iiwan. Kung pwede lang na itaboy nakita para makalayo ka na kay Cain ginawa ko na. Ang kaso ako naman kasi ang iniisip mo lagi. Kung ako lang ang masusunod matagal ka ng wala dito, kasi hindi naman ako takot kay Cain dahil alam ko naman na sa pagpanaw ang punta ko kaya tanggap ko na ‘yun kung sakaling mapapaaga basta—!” “ H-hindi ko tanggap Lola! Paano na ako kung wala ka? Saan na ako pupunta? Sino lang ang magmamahal at tatanggap sa tulad kong pariwara na ang buhay? Wag mo akong iwan La, hindi ko pa kaya!” Putol ko na sabi kay Lola na nauwi na naman sa hagulgol na malakas. “ Tahan na! Oo na hindi kita iiwan hanggat hindi maayos ang buhay mo Grace. Pilit akong lalaban sa sakit ko para sa’yo. Babangon tayo ng sabay apo ko! Tahan na Grace mahal ka ng Lola sobra-sobra!” Muling sabi ni Lola kaya naman mas nagsumiksik na ako sa kanya. Nang mayakap ko na si Lola naramdaman ko ang kanipisan ng katawan niya na naging dahilan ng muling pag-iyak ko pa lalo. Alam ko naman na may katapusan ang lahat pero ayoko pa, hindi ko pa tanggap at kaya. Inabot pa kami ng isang oras ni Lola sa terasa ng bahay namin. Tapos ako na rin mismo ang nagyaya sa kanya na pumasok na sa loob dahil baka sipunin pa siya. Nang makapasok na kami sa loob ng munting bahay na bato namin ay biglang nagsalita si Lola habang ni-lock ko ang pintuan. “ Apo ko, gusto mo bang tabi tayo na matulog ngayong gabi?!” Tanong ni Lola na puno ng suyo at pang unawa. Alam niya na hindi ako agad basta makakatulog kaya naman na na isip niya ‘yun na itanong sa akin. Isang tunay na ngiti naman ang sinagot ko kay Lola na dahilan ng pagtango niya sa akin. Sabay na kaming naglakad at tumuloy sa silid niya. May kalakihan naman ang kama niya kaya husto kaming dalawa. Pinauna ko na muna si Lola na humiga sa kama para ako naman na ang magsara ng bintana, pero natigilan naman ako ng may tila pamilyar na bulto ng lalaki akong nakita na agad namang nawala. Naisip ko baka hanggang ngayon ay dinadaya ko pa rin ang sarili ko dahil sa pag-asam ko kay Cain. Pag-asam na darating ang araw na mamahalin niya rin ako. Tuluyan ko na ngang isinara ang bintana at tsaka tumabi kay Lola ng higa. Nang makahiga na ako ay hinaplos ni Lola ang buhok ko, damang dama ko tuloy ang bawat banayad na hagod niya kaya mas gumagaan ng sobra ang pakiramdam ko hanggang sa dalawin na ako ng antok, pero bago ako tuluyang dalhin sa karimlan ay narinig ko pa ang sinabi ni Lola. “ Goodnight apo ko. Magpahinga ka para bukas laban lang ulit!” Huling mga salita na narinig ko mula kay Lola na nagpalakas ulit ng loob ko bago ako tuluyang lamunin ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD