Kabanata 32: The Power Within

1220 Words
Nakapulupot ang mga braso ko sa walang malay na katawan ni Alexeus habang patuloy ang pag-agos ng mga luha ko na parang ayaw nang tumigil pa. Biglang bumalik ang mga alaala ko mula nang matagpuan ko ang mahiwagang salamin sa library. Puno ako noon ng kaba at takot nang dalhin ako nito sa mundong 'to at ang tanging nasa isip ko lamang ay kung paano ako makakauwi sa amin. Ngunit isang gabi, nakilala ko si Alexeus bilang misteryosong lalaki na nakatakip ng puting tela ang mukha maliban sa kanyang mga mata kaya't iyon ang una kong napansin. Dahil na rin siguro maningning ang mga ito at kulay bughaw. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga matang iyon na nagniningning sa ilalim ng sinag ng buwan. Napakaganda, at talaga namang kahali-halina na mistulang ang pakiramdam ay lumilipad ka sa alapaap. Sinong mag-aakalang ang masungit na prinsipeng 'di ako magawang pagkatiwalaan noong una ay ang siyang magiging aking kabalyero sa paglalakbay tungo sa paghahanap ng mga kosmima? Tadhana. Tama. Mukhang nakatadhana ngang mangyari ang lahat ng ito. Mula sa pagkakatuklas ko sa salamin na iyon. Ngunit dito na nga ba matatapos ang lahat? Nakatadhana nga bang mabigo ako sa aking misyon dito sa mundong ito? At ang mas masakit pa, mamamatay na nga ba 'ko dito? Narinig kong umalingawngaw sa paligid ang nakakairitang tawa ni Despoina. "Kabalyero nga siya. Ibinuwis niya ang sarili niyang buhay para lamang sa iyo!" nanunuya niyang sambit. "At ngayong wala nang sagabal sa'kin, matatapos na kita ngayon ng walang kahirap-hirap, Magissa," sambit niya. Tapos at itinaas niya ang kanyang isang kamay at ikinumpas ito. Nabigla ako nang biglang lumutang ang katawan ni Alexeus. "Teka sandali! Anong gagawin mo--" At ibinagsak lamang niya ang walang malay na katawan nito sa may altar ng templo. "'Wag kang mag-alala, susunod ka na sa kanya!" sambit niya nang may nakakakilabot na ngiti tapos ay ikinumpas niya ang kanyang hintuturo at naglabas ito ng kulay itim na kidlat at kinuryente nito ang aking buong katawan. Umaalingawngaw ang lakas ng aking sigaw sa buong lugar dulot ng sakit na dinadanas ko ngayon. Masakit pa rin ang saksak ko sa dibdib tapos ngayon ay nararamdaman ko sa aking mga ugat ang pagdaloy ng malakas na boltahe ng kuryente sa aking buong katawan at sobrang sakit nito na para bang pumuputok na ang mga ugat at kalamnan ko. Hindi ko na magawang lumaban pa. Wala na akong lakas pang natitira. Wala na rin akong pag-asa. Gusto ko nang sumuko. Kung ito ang nakatakdang mangyari sa akin, bahala na. Tatanggapin ko na lang ng buong puso.  Blangko ang aking isipan ngunit bigla na lamang umagos muli ang mga luha ko, habang tinitiis ang ginagawang p**********p sa'kin ni Despoina na mistulang tuwang-tuwa sa ginagawa niya. Ayaw ko na. Gusto ko nang mamatay... Mayamaya'y itinigil niya ang ginagawa niyang pagkuryente sa'kin. "Naiinip na 'ko. Nakakatamad kang kalabanin. Hindi ka naman kasi lumalaban. Nakakawalang gana. Ang hina mo pala," tinatamad niyang sambit. Nakahiga lamang ako na mistulang walang narinig mula sa kanya. Ano ba talagang gustong mangyari ng isang 'to? Bakit hindi pa niya 'ko patayin? "Walang kuwenta kung papatayin lang kita nang hindi man lang ako nilalabanan. Mabuti pa 'yong kabalyero mo, inaliw muna ako bago ko siya tuluyang tinapos," sambit pa niya. "Nakakainip," reklamo niya. "Ah alam ko na! Tutal hindi ka naman lumalaban dahil mahina ka na, paglalaruan na lamang muna kita bago kita tuluyang tapusin!" Nakangiti niyang sambit na para bang napakaganda ng naisip niya. Naglabas siya ng isang latigong gawa sa itim na kidlat mula sa kanyang kamay. At sinimulan niyang ihampas ito sa akin nang walang awa habang tumatawa nang may nakakairitang boses. Kada hampas niya nito sa'kin ay napapaiktad na lamang ako dahil wala na rin akong lakas pa para sumigaw. At sa bawat hampas nito sa akin ay nag-iiwan ito ng mahahabang marka na animo'y pinaso. Patuloy lamang siya sa paghampas sa akin. Oo't ramdam ko ang sakit ng bawat hampas nito, ngunit parang namanhid na rin ako sa kabilang banda.  Naisip kong ipikit na lamang ang mga mata ko, at hayaang dumating ang pagkakataong kunin niya ang buhay ko.. "Magissa." Ang boses na 'yon. May tumatawag sa'kin. "Magissa..." "Sino ka ba? Bakit mo 'ko tinatawag?" Ayon sa naririnig ko, lalaki ang may-ari ng boses na iyon. "Sino ka? Bakit nagagawa mo 'kong kausapin sa isip ko? Magpakita ka."  "Huwag kang mag-alala, Magissa. Isa akong kaibigan. At narito ako upang tulungan ka," sambit no'ng boses. Hindi ko alam kung bakit, pero parang pamilyar ang boses na 'yon na para bang narinig ko na kung saan. "Paano ko masisiguro na mapagkakatiwalaan kita?" tanong ko. "Dahil ako, ang tagapangalaga ng mga kosmima. Tawagin mo akong Kokkinos, mensahero ng mga diyos," sambit no'ng boses. Nagtaka ako sa sinabi niya. "Tagapangalaga? Kokkinos?" "Tama. Ako ang inatasan ng mga diyos na pangalagaan ang mga kosmima'ng ginawa gamit ang kanilang mga kapangyarihan," sambit niya. Kahit papaano'y nakasilay ako ng kahit kaunting pag-asa. "Ngunit paano mo ba ako matutulungan, Kokkinos? Isa pa, si Alexeus. Buhay pa ba siya?" "Si Prinsipe Alexeus ay wala na. Ikinalulungkot ko, Magissa," sambit niya. Pakiramdam ko'y gumuho ang mundo ko sa aking narinig. Hindi ko matanggap. Ayaw kong tanggapin na wala na si Alexeus! "Ngunit huwag ka sanang mawalan ng pag-asa. Maaari mong maibalik ang kanyang buhay kung nanaisin mong makipagtulungan sa'kin," sambit niya. Nabuhayan ako ng loob sa narinig ko. "Sige. Ano bang dapat kong gawin, Kokkinos?" Buong-loob kong sambit. "Sa dalawang kosmima na nasa iyo, mamili ka ng isa na maaari mong gamitin sa oras na ito. Isa lamang, Magissa," utos niya. Inisip ko ang aking ginintuang stefani, na sa ngayon ay mayroon nang dalawang kosmima. Apoy at tubig. Isa lamang sa dalawang ito ang kailangang piliin kong gamitin. "Nakapili na 'ko," sambit ko.  "Ang kosmima ng apoy. Ito ang napili ko."   "Magaling. Ang kosmima ng apoy ay sumusimbolo sa katapangan. Gaya ng apoy, lumiliyab ang iyong pag-asa, at kasing-init nito ang pag-ibig na nananalaytay sa iyong puso," sambit niya. "'Wag kang mag-isip ng kahit ano. Isipin mo lamang ay ang kosmima ng apoy at ang kagustuhan mong makamit ang kapangyarihan nito sa ngalan ng kabutihan."  Ginawa ko nga ang sinabi ni Kokkinos. Nararamdaman ko na ang pagdaloy ng kapangyarihan nito sa aking katawan. Mayamaya lamang... Biglang dumilat ang mga mata ko. Nakararamdam ako ng pag-init ng katawan. Napahawak ako sa aking dibdib dahil doon ko nararamdaman ang pinanggagalingan ng init. Mainit ngunit masarap at magaan sa pakiramdam. Pakiramdam ko'y gumaling ang mga sakit at sugat sa aking katawan. Nawala na ang saksak sa aking dibdib at ganoon din ang mga galos at paso sa aking katawan na dulot ng latigo ni Despoina na para bang walang nangyari. Nagkaroon ako ng lakas upang makabangon at makatayo. Nakatingin lamang sa'kin si Despoina at sa wakas, nagtagpo na rin ang aming mga mata. "Ano? Lalaban ka na ba, Magissa?" panghahamon niya sa'kin. Tinitigan ko siya nang may buong tapang. Na animo'y handa ko siyang kalabanin. Sa isang iglap ay nagbago ang kulay ng aking buhok at mga mata. Naging kulay pula ang mga ito. At bigla rin akong nagkaroon ng kapang kulay itim at tansong armor sa aking balikat na may batong kulay pula. Nakita ko ang pagkabigla ni Despoina sa kanyang mukha. Mayamaya'y ngumiti rin siya na para bang hinahamon niya kong kalabanin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD