Kabanata 2: Savior

1623 Words
Minulat ko ang mga mata ko. Nakatulog pala ako. Nandito pa rin ako sa bench at nakahiga. Bumangon ako para makaupo. Ibig sabihin 'di talaga 'to panaginip? Gabi na pala. Napahawak ako sa braso ko dahil sa lamig. Nakakaramdam na rin ako ng gutom. Saan at paano kaya ako makakakain?  Isa pa, baka hinahanap na ako ni Tita Yvonne. Nag-aalala na 'yon sigurado. Paano ba naman kasi ako napadpad dito? Mahiwaga talaga siguro'yong antigong body mirror sa bodega ng library. Naisip kong maglakad-lakad muli. Wala na kong pakialam kung saan man ako makarating. Hindi dapat mangibabaw ang takot sa'kin sa mga oras na 'to. Ang tahimik ng paligid. Wala na halos katao-tao sa daan. Ano ito? May curfew? Anong oras na ba? Habang naglalakad ako ngayon nang mag-isa sa kalsada, ay 'di ko mapigilang igala ang aking paningin. Napapaisip ako kung ano ba talagang klaseng lugar 'to? Anong meron dito? Bakit parang dito ako dinala no'ng mahiwagang salamin na 'yon? May nadaanan akong bahay. Payak lang ang hitsura nito. Tanaw ko sa bintana nila 'yong nasa loob. Isang masayang pamilya na nagsasalu-salo ng hapunan. Nakaramdam ako ng inggit. Sana, maranasan ko ulit 'yon. Matagal na rin kasi mula ng huli ko'ng naranasan 'yon. Naamoy ko pa 'yong pagkain nila. Lalo akong nagutom. Ang sarap naman kasi no'ng amoy. Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.  Kinapa ko 'yong bulsa ko. Coin purse at phone ko ang laman. Iyong phone ko, walang signal at malo-lowbatt na. Ano pa ba'ng inaasahan ko? Tiningnan ko naman 'yong laman ng purse ko, may 100 peso-bill, dalawang 20 peso-bill, isang 50 peso-bill, at ilang barya. Puwede ko kayang ipambili ang pera ko dito? Malamang hindi. Napabuntonghininga na lang ako.  Huminto ako sa paglalakad tapos ay tumingala ako at tiningnan ang langit na puro bituin. Full moon pa. Mayamaya'y may naaninag akong taong naglalakad papalapit sa'kin. Naramdaman kong tumigil siya, saka ako tumingin. Nakaharap siya sa'kin. Isang binata. Mukhang mas matanda siya sa'kin ng konti, matangkad, at maamo ang mukha. "Binibini? Gabi na. Naliligaw ka ba?" tanong niya. Natulala muna ako sandali dahil iniisip ko pa ang isasagot ko. Tiningnan niya ko mula paa hanggang ulo. "Mukhang hindi ka taga-rito. Saang lugar ka nagmula?" nakangiting tanong niya sa'kin Hindi pa rin ako sumasagot. Nag-iisip pa 'ko. Maniniwala kaya siya kung sasabihin kong taga-ibang mundo o dimension ako dahil sa isang mahiwagang salamin? "Binibini?" tanong pa niya. "May nakapagsabi sa aking nasa bansang Aglaea daw ako, at ito ang Imperyo ng Stavron," sambit ko. "Oo. Tama ka, binibini. Ikaw? Hindi mo pa sinasagot ang mga tanong ko sa iyo. Sino ka? Saan ka nagmula? Kakaiba ang iyong kasuotan," sabi niya. "Taga-Pilipinas ako. Charlotte ang aking pangalan. At oo, naliligaw nga ako," mariin kong sagot. Napakunot siya ng noo sa sinabi ko. Napaisip siguro ang isang 'to. "Pilipinas? Anong lugar 'yon? Charlotte ang iyong pangalan? Hmm, kakaiba ngunit maganda," sambit niya nang may ngiti.  Nakakahawa 'yong ngiti niya kaya napangiti na rin ako. "Ikaw? Sino ka naman?" tanong ko. "Ako nga pala si Aeson. Isa akong tindero ng prutas sa pamilihang bayan," sagot niya. "Nais mo bang sumama muna sa akin upang makapagpahinga ka naman at makakain? Hindi matatahimik ang aking konsensya kung hahayaan ko ang isang magandang binibini na magpalaboy-laboy sa daan sa gitna ng dilim." Ang maginoo ng dating niya. Bigla na lang kumulo ang tiyan ko. "Naku, pasensya na. Nakakahiya," sambit ko sabay iwas sa kanya ng tingin. Nakakahiya naman kasi. Natawa siya. "Ayos lang. Naiintindihan ko. Halika na?" maginoo niyang alok sa'kin. Nauna siyang maglakad. Noong una'y nag-aalinlangan pa akong sumama, ngunit sumunod na rin ako. Nagkibit-balikat ako. Bahala na nga.  Nasa unahan ko lamang si Aeson. Hindi siya umiimik. Wala akong choice talaga kundi ang sumama muna sa kanya. Wala naman kasi akong alam sa lugar na ito. Isa pa, mukha namang mabait siya. Sa paglalakad namin, 'di ko namalayang nakarating na pala kami sa isang madilim at abandonadong lugar. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbi naming ilaw. Tapos ay huminto siya.  Nagtaka ako kung bakit. Nakaramdam na 'ko dito ng kaba. Tapos ay may biglang lumitaw pa na dalawang lalaki sa magkabila niyang tabi mula sa dilim. Dito na 'ko nakaramdam ng takot. Nanginginig na ang mga binti ko at nagsimulang pagpawisan ng malamig. Lumapit sa akin si Aeson. Napaatras ako pero pader na lang ang nasandalan ko. "Ang hirap kasi sa mga gaya mo, madaling magtiwala. Pero salamat sa'yo dahil may kita na naman kami ngayong gabi." Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya pati tono ng pananalita niya. Mukha na siyang nagbabalak ng masama. "Iyan na ba ang bago nating dadalhin kay Pinuno?" tanong ng isang lalaki. "Oo siya nga. Puwede na siya, 'di ba?" sambit ni Aeson. "T-teka, anong sinasabi niyo? A-anong gagawin niyo sa'kin?" bulyaw ko sa kanya. Sa puntong 'to, nagtatapang- tapangan na lang ako. Ngumiti siya ng masama, "Dadalhin ka namin sa aming pinuno upang maging kanyang babae," sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ako? Parang p********e, gano'n? Lalong nanginig ang buong katawan ko sa sinabi niya sabayan pa ng lalong pagbilis ng t***k ng puso ko dahil sa takot. "Ipagbibili ka namin sa kanya," sabi no'ng isa. Nangingilid na ang luha ko sa takot at taranta. "Sandali. Puwede ba'ng bago natin siya ibenta..." sambit bigla ni Aeson. Tapos ay inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Mauna na 'ko sa kanya?" Mukha na siyang r****t na pinagnanasaan ako. "Bahala ka, Aeson. Bababa ang halaga ng babaeng 'yan," pagkontra naman no'ng isa. "Ayos lang sa'kin. Ang mahalaga, makinabang muna ako sa kanya bago si Pinuno," katwiran naman ni Aeson. Nagtinginan 'yong dalawang kasabwat ni Aeson. Tapos ngumiti sila ng masama. "Sige. Basta pagkatapos mo, kami naman," sambit nila nang may nakakakilabot na ngiti. Hinawakan ni Aeson ang magkabila kong braso ng mahigpit na halos nakakasakit na. Pilit niya pang hinahalikan ang leeg ko habang pilit din akong lumalaban. "'Wag! Pakiusap! Tulong! Tulungan niyo 'ko!!" sigaw ko sa abot ng makakaya kong lakas na halos labas na ang litid ng leeg ko. Pumipiglas ako pero 'di ko kaya. Mas malakas siya kaysa sa'kin. Humahagulgol na 'ko habang sumisigaw. "Kahit anong sigaw mo, walang makakarinig sa'yo dito. Abandonado na ang lugar na 'to at malayu-layo ito sa siyudad," sambit niya na pawang nang-aasar. Tapos ay tumawa siya na parang demonyo. At nagpatuloy lang siya sa paghalik sa leeg ko. Unti-unti na niyang tinatanggal ang butones ng damit ko.  Nakakainis lang dahil 'di talaga ako makalaban. Masyado siyang malakas. Patuloy lang ako sa pagluha at pagod na rin akong lumaban. Wala na rin akong lakas dahil hindi pa 'ko kumakain. Nanginginig ang buong katawan ko at gusto nang bumigay ng sistema ko. Masakit man isipin pero sa tingin ko'y hanggang dito na lang ako.  Eto na nga ba ang kapalaran ko? Gusto ko nang makauwi sa'min, Mama... Tita... Unti-unti nang bumibigay ang mga talukap ng mga mata ko at tatanggalin na ni Aeson ang palda ko nang... "Aray!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Aeson kaya't bigla akong napadilat. Napahinto siya at nakita kong may hiwa ang braso niya. Umaagos ang dugo mula sa sugat. May nakita kaming punyal na nakatusok sa lupa na parang sinasadyang tamaan talaga siya noon. "Saan galing 'yon?!" tarantang tanong nila. Nagpalinga-linga sila sa paligid upang hanapin kung sino ang may gawa no'n, hanggang sa tumingala sila. "Ayun! May tao roon!" sigaw nila habang nakatingala pa rin at may itinuturo sa bandang taas. Lumingon din ako para makita ko. May tao nga. Nakatayo siya sa bubong. Hindi namin makita kung sino talaga siya dahil mukha lang siyang anino. Tumalon siya at nakatayo siya harapan ko ngayon nang nakatalikod. Nababalutan ng puting tela ang mukha niya. Tanging buhok lang niya sa batok ang kita ko. "Sino ka ba sa tingin mo?! 'Wag ka ngang makialam dito!" sigaw ni Aeson habang hawak pa rin ang dumudugo niyang sugat. Halatang nasaktan talaga si Aeson do'n. Hindi umiimik ang taong may takip sa mukha. Sa palagay ko naman lalaki siya. Matangkad siya. Malaki ang braso at mukhang matipuno. Sino kaya 'to? Superhero? Bigla siyang kinuyog nina Aeson kasama 'yong dalawang lalaki na kasabwat niya. Ang galing lang no'ng lalaki dahil mabilis niyang naiilagan ang bawat atake nina Aeson. Biglang naglabas ng punyal sina Aeson at inatake nila siya gamit 'yon.  Mabilis pa rin siyang nakakailag sa mga atake. Walang kahirap-hirap na sinangga no'ng misteryosong lalaki ang bawat sipa at suntok ng tatlong iyon. At sa isang sipaan lang, nabitiwan nina Aeson ang kanilang mga punyal sabay bagsak sa lupa na mukhang mga hinang-hina. Mukhang mga walang binatbat ang mga ito sa taong ito na may takip ang mukha.  Nakatulala pa rin ako dahil sa mga nakita ko at 'di ko namalayang hinila na pala ako no'ng lalaking may takip ang mukha at itinakbo papalayo. Sa pagtakbo namin, nakatingin lamang ako sa taong nagligtas sa'kin na ngayo'y tangay ako papalayo sa mga salbaheng 'yon. Mayamaya, sa wakas ay nakarating na kami sa kalsada. Wala talagang katao-tao dahil siguro ay malalim na ang gabi. Tapos ay huminto kami at binitiwan na niya 'ko. Papaalis na sana siya... "Sandali!" tawag ko sa kanya. Huminto naman siya. Tapos ay dahan-dahan siyang humarap sa'kin. At nakita kong tanging mga mata lang niya ang kita. Namangha ako nang makitang kumikinang ang mga mata niya dahil sa sinag ng buwan. At ang nakakamangha pa doon, kulay bughaw ang mga mata niya na parang langit. Katahimikan ang namayani sa pagitan namin ng lalaking may bughaw na mga mata habang pumapagaspas ang malamig na hangin sa aming tahimik na paligid. "Puwede ko bang malaman kung sino ka?" pagbasag ko sa katahimikan. Nagkatitigan muna kami sandali.  "Ali," sagot niya. "Ako si Ali," sambit ng taong nagligtas sa'kin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD