Shhh... 18

813 Words
“So, ito na ‘yun? Hmm… dali pasa mo na kay Ma’m,” Ni hindi man lang pinasadahan ng tingin ni Mika ang loob ng libro at halos pagtulakan niya si Madelyn kasama ng grupo nito papasok ng faculty room. Hapon na kasi nang makuha ni Madelyn ang libro sa kaibigan na hindi natulog para lang matapos iyon. Mas magaling itong mag-drawing kaya lumabas naman na napakaganda niyon. Pinalitan na lang nila ng totoong kinatatakutan ng mga ito gaya ng takot sa mataas na lugar o kaya ay takot mag-isa.  Kaso nga lang, umaga kasi ang pasahan at nakiusap na nga siya sa guro na hapon pa nila mapapasa. Nagkibit-balikat lang ang guro at titingnan pa kung tatanggapin o consider it as late. Kinakabahang kakatok sana si Madelyn sa pinto nang makita sila ng isang guro. “Sinong kailangan n’yo? Wala ang mga guro riyan, may meeting sa AV Room.” At pumasok na ang guro sa loob. Nasilip pa ni Madelyn na wala ngang ibang taong naroon. Tanging ang gurong pumasok na lumabas din kaagad. Baka may nakalimutan lang kaya bumalik. “Matagal silang mag-meeting. Malamang din, aabutin iyon ng gabi. Kaya hintayin mo at huwag kang uuwi hangga’t hindi mo naibibigay ‘yan kay Mam Peralta,” nakaismid na saad ni Mika, bago tumalikod bitbit ang sariling mga gamit. “Narinig mo. Hintayin mo at ngayon mo ipasa. Makiusap ka nang matindi kay ma’m. Kailangan may good news ka sa group chat mamaya.” At natatawang ginulo pa ni Jenny ang ibabaw ng ulo ni Madelyn na agad namang umiwas. Naiwan siyang nanatiling nakatayo sa nakapinid na pinto ng faculty. Nagngingitngit. May gc o group chat sila dahil lang sa project. Hindi masiyadong active roon si Madelyn dahil bihira lang siyang mag-cellphone at kadalasan wala siyang load. Nanghihinayang kasi siya sa load na puwede pang pandagdag sa pagkain nila. Pero, alam naman niyang pinagkakatuwan siya ng mga ito hindi na lang niya pinapansin at wala naman siyang magagawa. Lumingon pa muli si Mika sa kinatatayuan ni Madelyn na may halong galit ang mukha. Alam niyang hindi na tatanggapin ni Mrs. Peralta ang project. At bagsak na sila kung ganoon. Kung sabagay, sanay na sila sa mababang grade dahil nga hindi sila ganoong katalino. At tama, nababayaran ng special project kaya sila nakakapasa. Lubha lang siyang naiirita kay Madelyn. Gusto niyang gantihan ito, iyong matindi. And mas worse, mag-suffer ito nang malala. At naisip na niya ang gagawin dito. *** “Madelyn, gising.” Agad na napamulat ng mata si Madelyn. Si Princess ang kaniyang nabungaran. Nakatulog pala siya sa upuang mahaba sa labas ng faculty room. Madilim na ang paligid at kaunti na lang din ang ilaw na nasa mga pasilyo. Pupungas-pungas na tumayo siya at tinanggal ang earphone, agad na tinungo ang pinto ng faculty room. Subalit, sarado na iyon at may nakalagay ng close. Nalilitong napatingin siya sa gawi ni Princess na nasa kaniyang likuran. “Anong oras na ba? Bakit wala ng halos mga tao rito?” Kinapa niya ang cellphone na nasa kanang bulsa ng kaniyang palda. Itetsek niya sana ang oras subalit nakita niyang lowbat na iyon. “Alas otso na ng gabi,” palinga-lingang sagot ni Princess. Hindi ito mapakali at parang kinakabahan sa ano pa man. “Ano?! Sigurado ka ba? Nasaan na ang mga teachers? Si Ma’m Peralta?” Naiiyak na pinipilit pang buksan ni Madelyn ang pinto. “Ano… kasi… kanina, nakausap ko na si… Mam.” Napapahawak si Princess sa batok at parang natataranta ito sa sinasabi. At kahit ang salamin sa mata nito ay muntik-muntikan na ring mahulog dahil sa pagkaligalig nito. “Talaga? Anong sabi?” Nagkaroon nang pag-asa ang mga mata ni Madelyn sa biglaang paglingon kay Princess. Inayos pa muna ni Princess ang salamin sa mata bago tiningnan nang mataman si Madelyn. Huminga siya nang malalim at napapalunok bago alanganing nagsalita. “Ano… sa-sabi niya… ihatid mo na lang daw sa bahay nila ang… libro.” Blangko ang mukha nito kaya hindi mabasa ni Madelyn kung ano ang nais nitong ipahiwatig. “Ganoon?” napapakamot sa ulong saad ni Madelyn. “Hindi ko alam kung saan nakatira si Ma’m. Tapos gabi na rin. Puwede raw ba na bukas…” “Hindi!” pabiglang saad ni Princess. Napakagat-labi siya nang mapagtanto na napalakas ang pagsasabi niya. Alanganin siyang ngumiti kay Madelyn, kahit pa sobrang kaba ng kaniyang dibdib. Nagulat si Madelyn sa lakas nang pagkakasabi ng kaharap. “Bakit? E, hindi ko alam…” “Ako! Ako alam ko. Oo… alam ko kung saan nakatira si Ma’m. Ano… ahm, sasamahan kita. Tama. Halika na.” Natatarantang kinuha nito ang mga gamit ni Madelyn at palingon-lingon pang niyaya ang dalagita. Bagamat nagtataka sa ikinikilos ni Princess, sumama na rin siya rito. Mahirap nang hindi niya maipasa iyon. Bakit kasi nakatulog siya kanina.  Shhh... Don't tell your ending jhavril
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD