Chapter 2

1778 Words
Glance  - - Nang makarating sa pier 4 ay inihinto ko ang sasakyan sa gilid. Alam na ni kuya Bimbo 'to at kukunin na lang niya ang sasakyan mamaya. Siya na ang bahala. Maingat na akong lumabas dala ang maliit kong bagpack.  I looked around, trying to look for a female toilet para makapagpalit ako ng damit. Pumasok na ako sa loob ng pier. I know I can change inside because they always have a female toilet. Mabilis lang akong nagpalit at isa-isang tiningnan ang dala kung gamit. Kinapa ko na ang sarili, para makasiguro na walang device na nilagay si Daddy para masundan ako. It's all clear! Isip ko. Iniwan ko na ang sinuot ko kanina at lumabas na ako ng banyo. Pumila na ako sa ticketing line area. Sasakay ako ng barko ngayong gabi papuntang Manila. "Isa, miss. Sa economy business class, po," bigay ko ng ID sa kanya at pati na ng bayad. Naghintay ako ng ilang minuto at inabot niya agad sa akin ang sukli ko, pati na rin ang print ticket. Mabilis kong tinangap ito at umalis sa puwesto. Naglakad lang ako ng normal. May apat na oras pa akong hihintayin bago maglayag ang barko sa dagat. I looked at the food display that they have. Honestly, I am hungry and my stomach is rumbling inside me. I haven't eaten anything today because I was just crying like a baby.  Lumapit ako at tiningnan kung anong klaseng pagkain ang bibilhin ko. Everything seems delicious but I ended up buying the sandwich. I have no appetite, but I have to eat. I bought two and put the other one inside my bag pack. I went inside the ferry straight away. I have decided to wait inside and probably have my rest. First time ko na sumakay ng barko at nakamamangha ang laki nito. Grabe, ang ganda pala ng 2GO Super ferry. It's huge! I feel the excitement in my heart. Para akong bata na nakawala sa hawla sa unang pagkakataon. "Hi Ma'am welcome aboard," ngiti ng in-charge. Pinakita ko lang ang ticket sa kanya. Tinitigan niya ito at tinitigan din ako. Makailang beses pa ang titig niya sa akin bago binalik ang ticket ko. Ngumiti na siya at tumango lang din ako sa kanya. "Just walk straight ahead, miss, down the very end and you'll find your bed number on the corner. Malapit sa toilet area," titig niya sa akin. "Okay, salamat," pilit na ngiti ko sa kanya. Mabilis ang hakbang ko papasok. Binuksan ko na ang pinto na meron sa harapan, at tumambad sa akin ang maraming bedspace dito. May iilang tao na rin at aircon din naman dito. Nahanap ko agad ang bed number ko. Mabuti na lang at hindi sa itaas ang puwesto ko, dahil ayaw ko kasi sa itaas na bahagi. Nilagay ko ang maliit na bagpack na dala sa gilid at maingat na nilabas si squishy unicorn. Pinisil-pisil ko agad 'to gamit ang kaliwang kamay ko. Abala naman ang isang kamay ko sa paghalungkat ng mga maliliit na papel sa loob ng wallet. I have a few numbers of our maids before, at dalawa sa kanila ay nasa Maynila na. I also have Kuya Bimbo's cousin number, si France. I don't know him, but I will call him straight away once I arrive Manila. Hindi ko pa alam kung ano ang plano ko. Bahala na! I looked at my wrist watch and in an hour the ferry will eventually depart. Hindi na ako makapaghintay. Kinakabahan  ako at ingat na ingat ako sa sarili. Nagmamatyag ako sa paligid. Napansin ko agad ang dalawang lalaki na medyo malaki ang katawan. Parang mga gangster ang dalawang 'to! Kinakabahan tuloy ako. Isa-isa nilang nilapitan ang bawat bedspace sa loob at tiningnan ang mukha ng bawat pasahero. Pasimpli akong tumayo. Kinuha ang bag ko sa gilid at naglakad ako nang normal. Hanggang sa makalabas ako ng pinto at mabilis na umakyat sa hagdanan. Nagmadali akong naglakad. Nilingon ko pa ang bawat sulok. "Excuse me, Miss?" Sa baritonong boses niya.  Tinitigan ko agad siya. He's wearing a white top and white pants. He looks like one of the staff around here because of his clothes. "Ha?" Napaawang ang labi ko dahil sa kaba. "I just want to check your ticket please?" He smiled. Kinuha ko sa bulsa at pinakita sa ito sa kanya. "Lucy Skye Martinez?" Sa makahulugang titig niya. Mas kinabahan na ako. Don't tell me kilala niya ako? O baka naman pinapahanap na ni Daddy ang pangalan ko ngayon. Napalunok akong nakatitig sa kanya. "It's Gerald Gonzales," lahad nang kamay niya. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kasi isa siya sa mga tauhan ni Daddy na naghahanap sa akin. Tinangap ko nang buo ang kamay niya.  "Ah, h-hello..." "Ang lamig ng kamay mo," bahagyang tawa niya. "Ah, pasensya na, ano kasi..." Naka-fake smile pa ako. "It's okay. I know they're looking for you," sabay tingin niya sa baba. Tumingin na din ako na kung saan siya nakatingin ngayon. Kitang kita ko ang iilang tauhan sa baba na grupo-grupo. Ang iba sa kanila ay balisa na at mabilis na tumatakbo. "My God!" Napatakip-bibig akong nakatitig sa kanya. Wala na ba talaga akong kawala? Abot-abot na ang kaba sa dibdib ko habang tinititigan siya. Pakiramdam ko maiiyak na akong talaga. Tinitigan niya ako ng mariin sabay buntung hininga.  "Halika dito," hila niya sa kamay ko. "Ayaw ko! Please huwag mo akong ibalik sa Daddy ko parang awa mo na," pagmamakaawa ko at pumiglas na din sa pagkakahawak niya. Mas humigpit naman ang hawak niya sa kamay ko ngayon at ayaw na niya itong bitawan. "Hindi kita ibabalik sa Daddy mo. Itatago kita." Hinila na niya ako nang tuluyan at nagpahila na lang din ako sa kanya. I will trust this person this time. Kahit na hindi ko siya kilala ay magtitiwala ako sa kanya ngayon. Mabilis kaming umakyat sa pinakatoktok, patungo sa top deck. Nahinto siya at tinitigan ako. Binitawan na niya ang kamay ko. Mas pinisil ko pa si squishy na nasa kanang kamay ko ngayon. Kinakabahan akong lalo. "Just wait here." He then strode slowly towards the two security guard on the top door. May mahalagang tao 'ata na nasa top deck, dahil sa dalawang security guard na nakaharang dito. Kinausap ni Gerald ang dalawa at binalingan nila ako nang tingin. Pagkatapos ay lumapit muli si Gerald sa akin. "It's okay now. Let's go!" Hila niya sa kamay ko. Wala na akong reklamo at sumunod na lang ako sa gusto niya. Tiningnan pa ako ng dalawang guwardya sa gilid. Hindi ko na sila pinansin at nilampasan na namin. Hanggang sa marining ko ang inggay na paparating. A private helicopter in going to land in this top deck.  That's beautiful! Lihim na saad ko sa sarili habang hinahawakan ang suot kong sumbrero. I can not properly see it because of how the wind blows straight into my face. Bumitaw na si Gerald sa pagkakahawak sa akin. Unang lumabas ang dalawang security escort na nakadamit itim. It's like one of the MIB scenes. Sumunod namang lumabas ang isang lalaki na makaagaw porma. He's stunningly hot with his navy blue short sleeve and his black pants on. Hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya, dahil sa itim na sunglasses na suot nito. Patakbong lumapit si Gerald sa kanya at may ibinulong pa. I stared at him and swallowed hard. My heart pounded but it's a different type of pounding. Hindi kaba na nababahala kung 'di kaba na medyo kakaiba. We stared and I hold my hat. Sa lakas kasi ng hangin ay parang liliparin na ito. At tama nga naman ako. Lumipad ito sa kawalan. My long curly hair is now whipping and swirling in the air. Humakbang siyang palapit sa akin, pero nahinto rin. Halos nakapikit na ang mga mata kong tinitigan siya. Malakas kasi ang hangin at maginaw ang tama nito sa mga mata ko. He looked back at Gerald and nodded. Hindi ko alam kong ano ang binulong ni Gerald sa kanya kanina. Sana nga lang hindi niya kilala si Daddy. Sumenyas sa kamay si Gerald at tumango na. He then walked past me snobbishly with his two body guards. Patakbong lumapit agad si Gerald sa akin. "Come on, let's get in," sa lahad nang kamay niya. I swallowed hard and held his hand. I know we're going to take this helicopter. Hindi ko alam kung saan kami papunta. I have no choice anyway, and this is my only escape from my dad. Before I could take my step forward, I turn around and stare at him. Nakatalikod na siya na kasama ang iilang guwardiya niya. Ngumiti na ako pabalik kay Gerald at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.  - After an hour we  landed safely somewhere in Visayas part area. Inalalayan niya ako pababa. Tumingala ako sa langit at madalim na ito. Nahinto agad ang isang puting kotse sa harapan namin, at binuksan ni Gerald ang likurang pinto. "Get in, Lucy," ngiti niya. "Saan tayo papunta?" Nalilitong tanong ko. I don't even know where I am now and I have no idea at all. "To the airport," he casually said as he shut the car door. Umikot agad siya at naupo katabi sa driver. Tiningnan ko ang oras sa relo at alas otso na. May eroplano pa ba? Hindi na ako nagsalita at hinayaan na siya sa ano mang planong naisip niya. I smile silently at him while staring at his image in the rear-view-mirror. He smile too. "So paano? Kaya mo na ba hanggang dito?" Sabay bukas niya sa side ng pinto ko, at lumabas na ako. "Oo, salamat. I will check and see if I can get the last flight." Ayaw ko sanang mag eroplano para maka-ipon ng pera. Pero mukhang wala na akong choice ngayon. Sinuot ko na bag pack ko sa likod. "I already switched my ticket name to yours, Lucy," bigay niya sa maliit na papel. "What?" "This is the only way  I can help you Lucy. I can not do more. Baka mapatay pa ako ng ama mo," bahagyang tawa ni Gerald at napailing pa. I get it... He knows dad. Gusto ko pa sanang magtanong pero wala ng oras at kailangan ko ng umalis.  "Go-on and hopefully you will find peace and happiness, Lucy," ngiti niya sa akin. "Salamat, Gerald. Salamat talaga ng marami. Babawi ako sa 'yo sa muli nating pagkikita," sa lawak na ngiti ko at pigil ng luha. He nodded and smile at me. Tinitigan ko pa ang pag alis ng sasakyan niya. I took a deep breath and smile. I can do this! Yes, I can... - - C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD