Plead
-
"Dad please..." paki-usap ko habang nakaluhod sa paanan niya.
Halos hindi na ako makahinga ng maayos, pero pilit kong tinatagan ang sarili. Nakatayo si Daddy sa harapan ko habang si Mama ay nakatingin sa malaking salamin.
Binaling ko ang tingin kay Mommy baka sakaling maawa siya sa akin at kausapin si Daddy. Pero agad lang siyang umiwas nang titig. My tears are fall non-stop and I feel like I'm dying! Mas mabuti pa siguro kung ganun na lang kaysa nabubuhay ako na parang patay na buhay sa kanila.
"Mom... PPplease help me," lapit na ako sa kanya.
Mariin niyang inayos ang mukha sa salamin na parang walang nangyari. Gusto ko siyang hawakan at yakapin, pero alam kong pati ito ay hindi pwede ngayon sa harap ng ama ko. Humarap siya at tumingala ako. I cannot see her face properly, dahil sa walang humpas na agos ng luha na galing sa mga mata ko.
"Lucy, hija. Listen to your dad. It's all for your future, anak. Ayaw mo ba?" Sa mahinahon at maarteng tugon niya.
I know I have no choice. I have no choice from the very start. I thought if I could give them the best, I'll get my fair share of freedom one day. Pero mali, maling mali ako.
"Tumayo ka, Lucy. And fix yourself! They will be here in three hours. Huwag mo akong ipahiya!" Sa buo at tigas na boses ni daddy.
"Stand up, hija," inalalayan na ako ni Mommy para makatayo.
Pinahiran agad niya ang mga luha ko sa mata. Mariin ko siyangg tinitigan. Nagmamakaawa ang titig ko sa kanya. She can't even look at me straight in the eyes... Iba talaga si Mommy. Ibang iba siya.
Then she guide me to sit down in front of the dressing table. Kitang kita ko ang lugmok kong hitsura sa salamin. Nakikita ko pa rin si daddy sa likod ko. Ang talas nang titig niya sa akin at natatakot ako sa kanya. Hindi ko siya makuhang titigan ng diretso sa mata.
"Fix yourself now, Lucy!" Umalingawngaw na ang boses niya.
I bit my inside cheek, trying to control my emotions and tears. Inside me is crumbling and stumbling. Wala ba talaga akong magagawa? Wala na ba talaga akong pag-asa? Halos pinigilan ko na ang pagpatak ng luha ko.
"Lucy!" Sigaw ulit ni daddy ngayon.
"I cannot do it, Dad!" Sabay yuko at iyak ko. I lean my head down in the dressing table.
Rinig ko ang hakbang niya palapit sa akin at nag-angat ako nang tingin sa kanya. Kung sampal at bugbog ang aabutin ko ay kaya kong tangapin ito huwag lang mangyari ang gusto nila. He was about to lay his hand on my face but Mom walk and stood up in between us.
"Frederiko! Huwag mong saktan ang anak ko!"
Naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Mommy sa akin.
"Kaya lumalaki ang ulo nang ampon na 'yan dahil kinakampihan mo, Esmeralda!" Sigaw ni Daddy.
Oo, ampon lang din ako. When I was six they've told me that I'm not their child. Kaya agad kong naintindihan ang lamig ng pakikitungo nila sa akin. They treat me like an object. A possession with ownership. Although I was given all the luxuries in life, hindi naman ako masaya.
I never went to school, only at kinder. It's always a home school base for me. I have no friends and surrounded by tight bodyguards around me. I tried to escape once for a cinema movie kasama ang katulong namin na si Elle. Pero nahuli naman kami at natangal pa siya sa trabaho.
Dad is merceless and heartless. Everyone that tried to help me escaped they're all fired! Kaya nag-iingat na ako dahil ayaw kong may madamay pa ang ibang tao.
"Hija, fix yourself okay. Don't be so hard, anak," suklay ni Mommy sa buhok ko.
Hinayaan ko na lang si Mommy na ayusan ako. Wala rin naman siyang magagawa at alam kong napagkasunduan na din nila ito.
"Clint, position on guard," si Daddy sa telephono.
I know he's giving orders to the head security to secure the whole place. Napapikit mata na ako. Ilang beses ko na bang sinubukang tumakas? Countless times. I can't escape! I just can't escape in this hell. Probably I have to start digging holes in the ground, para lang makaalis sa lugar na ito. Pero imposible!
Tinitigan muna ako ni Daddy ng mariin sa salamin. Ramdam ko ito kahit hindi ko siya makita ay alam kong matalas ang titig niya. Tumikhim siya at lumabas ng kwarto. Maingat namang nilagay ni Mommy ang suklay sa mesa.
"Lucy, mabait naman si DS Mondragon. Trust me magugustuhan mo siya anak," ngiti niya.
All my life I wasn't given a choice. Lahat ng desisyon ay nasa kanilang dalawa. Naiintindihan ko naman 'yon. They've given me shelter and everything. Pero hindi ko inaasahan na pati sa personal kong buhay na pag-aasawa ay papasukin pa nila.
I was sold for marriage! Oo, pambayad utang ako! The hard part of all of these, ay hindi ko pa kilala ang lalaking mapapangasawa ko. I heard he's a gangster, a womanizer and a fat old bugger! Ayaw ko!
Kinuha na ni Mommy ang damit na pinagawa niya. They're making sure that I will look stunningly beautiful in the eye of my soon-to-be husband. Mas kinabahan ako dahil talagang wala na akong kawala.
"Wear this and don't do stupid things, Lucy. Alam mo na ang mangyayari kung gagawa ka ng hindi maganda, anaka," taas kilay niya.
Hindi na ako umimik. Wala rin namang silbi! They both shows no mercy when it comes to me. Lumabas na si Mommy at iniwan akong mag-isa.
Mabilis akong tumayo at lumapit sa bintana. Tiningnan ko ang labas at kitang kita ko ang higpit ng seguridad sa buong bahay. Two guards are on my balcony area and I bet there are more in the corners too. Pumunta ako ng banyo at tiningala ang maliit na bintana na meron dito.
Hindi ako magkakakasya diyan. Isip ko.
Kailangan kong mag-isip para sa sarili ko. Wala na akong pakialam at tatakas ako. Hinalungkat ko ang maliit na bag ko sa gilid. I have a few thousands of cash. I learned to stash in money for emergency needs. I can't use my cards. Ma t-trace lang ako ni Daddy and I cannot take my phone with me.
Tanging maliit lang na bagpack ang dadalhin ko. Couples of clothes and undies, at mga numero ng mga naging katulong namin noon. Mabilis kong tinali ang buhok at tinawagan si Kuya Bimbo. Isa siya sa mga security guard ni Daddy.
"Ano? Hindi po pwede señorita, baka mapatay ka ng ama mo," reklamo niya sa kabilang linya.
Alam kong tutulungan niya ako. Siya lang ang maasahan ko ngayon. He's been working with us for ten years. At sa loob ng sampung taon na 'yun ay marami na siyang alam na sekreto.
"Please Kuya Bimbo help me... Baka magpapakamatay na ako," pikit mata kong sabi.
Dinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
"Okay. Mamaya may ilalagay ako sa pagkain mo. Hintayin mo lang," sabay putol niya sa linya.
Nakaramdam ako ng pag-asa sa sarili. At least someone is eager to help me for an escape. Mabilis ko nang inayos ang sarili at inihanda ang iilang gamit na kakailanganin ko.
I waited patiently. Nanginginig pa ang sistema ko. Hangang sa may kumatok ng kwarto. Agad kong inayos ang sarili. I know this is probably one of our new maids that serves my lunch.
"Pagkain niyo po, señorita ," ngiti nya.
Iniwan niya lang ang food tray sa gilid at lumabas na agad ng kwarto. Tumayo ako at binuksan ang takip na meron dito. Napansin kong may tissue sa gilid na bahagi at kinapa ko ito. May susi na nakaipit at maliit na mensahi.
Señorita ,
May damit sa loob ng manhole sa kisame ng banyo mo. Magpalit po kayo. Alam ko magkakasya kayo sa butas, señorita. Diyaan po kayo dadaan. Sundin niyo lang po ang blue tape na nilagay ko hanggang security quarter room kayo makakarating. Hintayin po kita, señorita. Hawakan niyo po ang susi ng sasakyan. May delivery po ngayon at aalis mamaya. Iyan po gamitin niyo.
Kuya Bimbo
I stood up hurriedly and ran to the toilet door. Tumingala ako sa kisame dito. I grabbed the chair in the corner and some pillows too. Kinuha ko na lahat ang dapat na dalhin. Pinaandar ko ang shower para marinig nila na nag sho-shower lang ako. At ni locked ko na ang pinto ng banyo.
"Okay, I'm ready!" Pikit mata kong saad sa sarili.
It wasn't easy but having a slender body at my age I fit in. I crawled and followed every blue tape that I saw in the side. Hangang sa napahinto ako dahil sa narinig na pag uusap mula sa baba. Nasa taas kasi ako ng kisame ngayon.
"Frederiko. Tama ba itong gagawin natin kay Lucy?" Boses ni Mommy.
"There's nothing I can do anymore, Esmeralda. Alam mo naman na noon pa 'to gusto ng mga Mondragon. You know that she is bound to marry him anyway. Wala na tayong magagawa," sa matigas na boses ni Daddy.
"P-Pero, Fred..." si Mommy.
"Shut up, Esmeralda! Ang daming problema dumadagdag ka pa!" Sigaw ni Daddy.
Napabuntong hininga na ako. I need to get out here as quick as I can! I don't want to be tied to someone who is older than my parents. Ayaw ko! Kaya nagpatuloy na ako sa pag gapang. Hanggang sa makita ko ang manhole at nang silipin ko ito si Kuya Bimbo agad ang nakita ko.
"Kuya," sa mahinang boses ko.
"Señorita. Bilis baba na po," nataranta na siya at inalalayan naman niya ako pababa.
I am wearing one of the security guards attire now. Hindi nila ako makikilala. Sinuot ko na rin ang sumbrero na bigay ni kuya Bimbo.
"Ano kaya mo na ba? Ihahatid kita palabas at ito iyung mga dadalhin mo," binigay niya sa akin ang tatlong kahon.
"Paglabas mo ng gate nandoon ang sasakyan, señorita. Kontakin mo ang numero ng pinsan ko. Alam na niya," lumingon siya sa labas.
"Okay, tayo na!"
Binilisan ko na ang hakbang habang hawak ang tatlong kahon. Tamang tama naman na natatakpan ang mukha ko at hindi nila ako makikilala. Nang nilingon ko ang harden nahinto ako sa nakita.
What the hell? I can't believe this! Ikakasal ba ako sa araw na 'to? Napalunok ako sa sobrang kaba na nararamdaman. I thought they'll gonna introduce us first? Pero mali ako, dahil sa set up pa lang ng harden namin, ay tiyak na kasal ko ang magaganap ngayon.
"Señorita. Bilisan na po natin," bulong ni kuya sa tenga ko.
Mabilis lang akong naglakad kasama siya sa gilid. Humarang naman ang security guard namin sa malaking gate. May ibinigay lang si Kuya Bimbo sa kanya.
"Ah, delivery pala 'to okay sige labas!"
Halos takbuhin ko na papuntang loob nang sasakyan at umupo agad ako sa driver seat. Nilagay na ni Kuya Bimbo ang mga kahon sa likod at dali-daling lumapit sa akin.
"Kuya? Kasal ko ba ang mangyayari sa araw na 'to?" Pigil ko sa sarili. Pakiramdam ko maiiyak na ako ngayon.
"Oo, señorita. Sana maging masaya po kayo sa napag decisyonan niyo ngayon. Mag-ingat po kayo," ngiti niya.
"S-Salamat, kuya," sabay patak ng luha kong kanina ko pa pinigilan.
May inabot siya sa akin at mukhang pera ito. Alam niya talaga ang kalakaran sa loob ng mansion. Alam niyang wala akong access sa kahit na ano man sa labas ng mundo.
"Okay na po, kuya. Meron po akong nalikom," ngiti ko.
"Kunin mo na," nilagay na niya sa kamay ko.
"Sige, alis na, señorita!"
Tinitigan ko muna siya sa huling pagkakataon bago ko tinaas ang bintana ng sasakyan. I took a deep breath and start the ignition. Nagdasal muna ako ng taimtim para sa sarili.
This is my life, please GOD guide me....
-----
-----
C.M. LOUDEN