Chapter 3

2496 Words
Monda squishy  - - I am still thankful in what happened today. Muntik na talaga ako doon. Mabuti na lang at may mabuting puso na tumulong sa akin. Sitting here in the business class area. Inakala ko tuloy kung nagkamali ba ang flight attendant sa detalye, pero hindi pala. It's under Gerald Gonzales name but noted with my name. He made the last call and notify the airlines. Mariin kong pinikit ang mga mata. I'm so tired. I need to have a nap and in an hour I will be in Manila. The flight attendants served us our meals. Kaya kinain ko na lahat na binigay nila. Then I slowly scroll the iPad screen in front of me. Halos lahat ng mga movies ay narito sa screen. It's free to watch. Umayos ako sa pagkakaupo at nilagay ang headset sa ulo ko. I'm only listening to the music. Para kahit papaano ay maalis ang kaba sa puso ko.  After an hour the captain spoke. Were going to descend in five minutes. Kaya hinanda ko na ang sarili at nagdasal na. If there's one thing in life I learnt from mommy, that is praying. Relihiyoso si mommy. She's very active in that aspects. Samantala iba naman ang kalakaran ni daddy. Ramdam ko agad ang paglapag ng eroplano sa lupa. Mayat maya'y naghanda na ang lahat at nauna na kaming lumabas. Kakaiba ang hangin  dito sa Metro Manila. It's wet and humid! Iba sa nakasanayan kong hangin sa Cebu. Tinali ko agad ang buhok ko, at lumingon sa gilid ng NAIA terminal 2 building. I know they can assist you here for bookings. Kaya lumapit na ako sa isa sa mga guwardiya dito. "Excuse me? May alam po ba kayong nag a-assist para sa hotel?" Ngumiti siya sa akin. Mukhang mabait naman si manong gwardiya. "Naghahanap po kayo Ma'am? Saan ba ang gusto ninyo Ma'am? May malapit naman dito?" Nag isip ako. Ang alam ko malayo ang Makati at ang mamahal ang mga hotels accommodations doon. "Ahm, iyong malapit lang dito, manong," ngiti ko. "Okay Ma'am. Maghintay lang po tayo sa gilid, Ma'am. Tatawag po ako para sa inyo at p-pick-up-in po kayo, Ma'am," ngiti niya sabay dial sa telephonong hawak niya. "Salamat." Umupo na ako sa gilid para maghintay. Tinangal ko muna ang bag pack na dala at niyakap ito. Tatlong t-shirt lang ang dala ko at isang jeans. Huminga ako ng malalim at nag-isip sa sarili kung anong maari kong gawin para mabuhay sa susunod pang mga araw. Pagkaraan ng limang minuto ay nahinto ang puting van sa harapan ko, at lumapit na si manong sa akin. "Ma'am, andito na po ang sundo," ngiti niya. I know his helping me well. Kaya binigyan ko na siya ng fifty pesos, pang snack niya. Gusto ko pa sanang dagdagan kaso wala na akong pera. Nagpasalamat na din ako sa kanya. Nasanay kasi akong nakikita si Mommy na namimigay ng pera sa kahit na sino. Specially if there's a special occasion in the local city communities and churches. Namumudmod si mommy ng pera. Eh, wala naman siya sa politika! Pumasok na ako at pumuwesto. Nilagay ko na ang seatbelt ko. "Hello po Ma'am," saad ng driver. "Hi," ikling sagot ko at hindi na ako nagsalita. It only took us five minutes. Ganun lang kalapit ito. Malapit nga lang talaga sa airport. And it's The Wine Museum Hotel. Pagkababa ko sa sasakyan ay siya nagbukas ng pinto ng hotel para sa akin. "Pasok po Ma'am," ngiti niya. "Salamat sa paghatid ah." "Walang ano man po, Ma'am. It's our service to serve our customers," balik ngiti niya sa akin. Napako agad ang paningin ko sa babae na nasa front desk. Nakangiti siyang nakatitig sa akin. Tiningnan ko agad ang amenities nila at kinuha ang pinakamura. Nang matapos ay binigay agad niya ang susi at umakyat na ako sa itaas. It's a decent room anyway and I won't complain anymore. Naupo agad ako sa gilid ng kama at pinaandar ang TV. Tulala ako sa sarili. Pero kahit papaano ay okay na ako ngayon at magaan na ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ano na ang susunod kong gawin sa buhay ko. I don't care! At pabagsak akong nahiga sa kama ng kwarto. Maaga akong nagising. Parang alarm clock ang mga mata ko. Kahit pa madaling araw akong matulog ay kusang bubuka ito sa oras na nakasanayan ko. Tumayo na ako at nag shower. I always start my day this early. Sanay na ang utak at katawan ko sa ganitong routine ng buhay. Nagkape lang ako. Free ito na ininom dito. Binilang ko pa ang natitira kong pera. And I only have fifteen thousand left. Kinupit ko pa 'to sa bawat transaction ng mga credit cards ko. It's okay I can still survive. Napatitig ako kay squishy sa ibabaw ng mesa. "Masaya ka ba? Your with me anyway. I'm okay as long as I have you with me," ngiti ko kay squishy. Baliw na nga siguro ako dahil kinakausap ko na si monda squishy ko. The harsh true? Wala akong kaibigan at tanging si squishy lang ang nagiging kausap ko ng ganito. I got squishy by fate. Bigay ng isang batang mataba at bugnutin ang mukha. Nakakatawa nga siya noon. I only meet him once when we went to Greece, and that was when I was eight.  Kumusta na kaya siya? Ano na kayang hitsura niya ngayon? Siguro mas tumaba na. Maingat kong hinawakan si squishy at sinuri ang maliit na tag sa pwet nito. May pangalan na nakalagay dito. LFTM monda and nakaukit at napangiti na ako. Kaya squishy ang tawag ko sa kanya dahil mataba at malambot siya kasi siya. Pero ang alam monda ang pangalan niya, dinutungan ko lang. Inubos ko na ang kape at kinuha ang iilang papel sa loob ng wallet ko. I dialled the first number on one of our maids before, si Tina, but it's unavailable. I tried the other one and still, the same and so-on with the others... God, wala na talaga akong pag-asa! Buntong hininga ko at titig sa kawalan. As much as possible, ayaw kong tawagan ang pinsan ni Kuya Bimbo na si France. Dahil ayaw ko na siyang madamay pa sa gulo ngayon. But I left with no choice, so I dial his number. "Hello France speaking," sa malumanay na boses niya. Pero lalaking boses naman ito. "H-Hi France! Ahm, it's Lucy here," I swallowed hard. "Lucy? Lucy who?" He cleared his throat. "Lucy Skye Martinez. Tinawagan ka ba ni Kuya Bimbo?" Sa hiyang tugon ko. Natahimik na iilang segundo and kabilang linya at dinig ko pa ang pagtikhim niya. "Oh, so it's you Lucy. Y-Yeah, he um, he told me," sa buong boses niya. Mula sa pagiging malumanay ang naging matigas ang boses nito. Napalunok na tuloy ako. Pakiramdam ko kasi mukhang myembro 'ata si France ng army battalion na katulad ni Kuya Bimbo. Kinabahan na tuloy ako. "A-Ano kasi... Pwede ba kitang makita? Wala na akong ibang malalapitan dito at wala rin kasi akong kakilala." "S-sure. Where are you?" "Ahm, I'm here at The Wine Museum Hotel." "Okay. I'll be there in an hour. Just wait for me," hintayin mo lang ako." Binaba niya agad ang tawag. E, gusto ko pa sanang magsalita. Ano yon? Ang weird niya naman? Pakiramdam ko kasi kakaiba siya. Kaya nga ayaw ko sana siyang tawagan dahil naiilang ako na humingi ng tulong sa isang lalaki. Pero bahala na! Wala na na rin akong ibang choice. Dahil tapos na akong maligo at ayos na ang sarili ay bumaba na muna ako. Napag desisyonan ko na sa labas ko na lang siya hihitayin. Hindi pa ako mag che-check out. Dahil hanggang lunch time naman ang checking out nang mga guest sa hotels. Tumayo ako sa gilid at maiging pinagmasdan ang mga tao sa paligid. Halos lahat sa kanila ay busy na at may nagtitinda nang kakanin at fish ball tempura sa harapan ng hotel. Nagutum ako at napalunok pa. Kaya lumabas na ako para bumili nito. "Manong, tempura lima po," ngiti ko. Inabot ko ang bayad at nagsimula nang kumain. Ang sarap! Isip ko sabay nguya sa sarili. Nakangiti pa akong pinagmasdan ang iilang bata na nasa gilid na kumakain din. Nilingon ko ang likod. Sakto naman ang paghinto ng isang puting van sa harap ng hotel.  Lumabas ang isang lalaki na matangkad at manipis ang katawan. Pumasok siya sa loob at kinausap ang babae sa information desk. Mabilis kong inubos ang pagkain ko at nagmamadaling tumawid pabalik sa hotel. Inisip ko kasi baka siya na si France. "I'm looking for Miss Lucy Skye Martinez. Pakisabi si France nandito," saad niya sa babae na nasa information desk. Nang marining ko ang pangalan ko ay lumapit na ako sa kanya. "France!" Kaway ko at ngumiti na. Tinitigan niya agad ako mula ulo hanggang paa, at tumaas pa ang kilay niya. Napalunok na tuloy ako. Pakiramdam ko kasi myembro talaga siya ng midnight black dragon dahil sa hitsura niya. Matangad, manipis ang katawan pero may abs naman. Maputi nang konti at matigas ag mukha. Nakanguya pa ako nang magtagpo ang mga mata naming dalawa. Napalunok tuloy siya at nakatitig na sa labi ko. "I'm Lucy," sa lahad kamay ko. Tiningnan niya lang ang kamay ko at ngumiwi pa ang labi niya. "Ay sorry. Kumain kasi ako ng fish ball sa labas," sabay pahid nang kamay ko sa damit. May konting patak ng ketchup kasi ito. "Lucy mag usap muna tayo," taas kilay niya. mMukhang hindi siya masaya na nakita ako. "Okay. Let's go upstairs, in the room. I still have until lunch time before I check out." Tumango na siya at sumunod na naglakad sa akin. I don't know if this is right to invite a man inside my room. E, kami lang dalawa. Wala naman siguro binabalak na masama si France. Mukha naman siyang mabait. Nang makarating sa pinto ay sabay na kaming pumasok sa loob. Binuksan ko lang ang kurtina, para naman mas makapasok ang liwanag ng araw sa buong kwarto. "Pasensya ka na France ah. Wala na kasi akong ibang malalapitan," panimula ko. Umupo siya sa gilid ng kama at tahimik. Pagkatapos ay tinitigan lang ako nang mabuti.  "Nakakaloka ka girl! Ayaw ko na. Hindi ko kaya!" Tumili siyang nagsalita at tumayo na. "Kanina pa ako umaastang lalaki pero hindi ko pala kaya. My goodness! Please lang Lucy huwag mong sabihin 'to sa kuya ko. Alam mo naman 'yon. Miyembro ng black night army ganun! Ano ba 'tong pinasok ko!" At pabalik-balik siyang naglakad na parang may bulate ang paa niya. Natawa na akong pinagmamasdan siya ngayon. Nakakatuwa na nakakaloka ang hitsura niya! "Bakla ka ba?" "Obvious ba?" Taas kilay niya. Tumawa na talaga ako. Tumigil na siya sa kakalad at tinitigan ako sa mata. "At ikaw senyorita Lucy Skye Martinez bakit naglayas ka!?" Halos makita ko na ang ugat sa leeg niya dahil sa sigaw. "Putang ina Lucy! Kagabi pa ako binubugbog ng tawag ni kuya ko sa telepono hanggang kanina. Nag practice pa ako ng do-re-mi sa boses ko para mas maging lalaki ang boses na 'to! Dios ko! Mother earth, help me!" Sa paos na tili niya at pilantik nang mga kamay sa ere. Imbes na matakot ako. E, natawa pa ako ngayon nang sobra sa kanya. "Kumusta na si Kuya Bimbo? Si Daddy may balita ka ba?" Kahit papaano ay nag alala rin naman ako sa kanila. Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang tiningnan niya ito nag iba agad ang timpla nang mukha niya na parang natatae pa. My God, this is freaking funny! Natatawa ako habang pinagmamasdan siya. "Si Kuya, s**t!" Sa dilat mata niya sa akin. Umayos siya at tumikhim. Pilit na inaayos ang boses niya. "Hello, bro?" Sa matigas na boses niya. "Oo. She's here with me now. I can put the speaker phone on. Yes, hang on, bro," he rolled his eyes on me.  Napakagat labi na ako habang nakikinig sa kanila. At dahil hindi maipinta ang mukha ni France ay natatawa ako sa kanya. Pinindot na niya ang loud speaker. "Kuya Bimbo, si Lucy 'to. How's everything? How's Mommy?" "Señorita, high alert po ang buong Cebu sa paghahanap sa inyo. Kaya huwag na kayong magtaka kung umabot pa diyaan sa Maynila. Galit na galit po ang Daddy ninyo at umiiyak naman po ang Mommy ninyo magdamag." Kinabahan man ako ngayon ay naawa ako kay Mommy. Kahit na madalas malamig siya makitungo sa akin at kahit kailan hindi niya ako pinagbuhatan nang kamay. Si Daddy lang naman ang sobrang higpit na kayang pumatay ng harap harapan. "Señorita, magtago po muna kayo. Ang gulo po dito. Lalo na ngayon na dalawang tao na ang naghahanap sa inyo." "Ho? D-Dalawa, kuya?"  Nabigla ako sa narinig at nagtaka na. I know Daddy will use all his connections to find me but who else is the other one? "Si DJ 'Beast' Mondragon. Hinahanap ka rin niya, senyorita. Kaya mag-ingat po kayo. Tatawag ulit ako sa inyo para sa detalye." "Okay, kuya. Salamat." "France? France!" Pa-sigaw ni Kuya Bimbo sa kabilang linya. "Ahm, y-yes kuya?" Sa matigas na boses ni France. "Please secure señorita Lucy, bro. Ikaw lang maasahan ko. Kung gusto mo lilipad ako sa susunod na linggo kung 'di mo kaya." Napalunok si France at nanlaki pa ang mga mata na nakatingin sa akin ngayon. "Ay huwag na, kuya! Um, I mean, I can look after Lucy, so don't worry. Just stay where you are," ngiwi niya sa akin. "Okay. I know I can count on you, bud! Sige tatawagan na lang ulit kita." Nakahinga ng maluwag si France nang matapos ang tawag. Pabagsak siyang nahiga sa kama. I looked ouside the window. Nagmamasid at natatakot na tuloy ako. I know dad won't stop until he'll find me. Pero bakit makikisali pa si DJ Mondragon? Sino ba siya? Nakakainis talaga ang matandang matabang gangster na 'yon! Nilingon kong balik si France na nakahiga pa rin sa kama. Kawawa naman na stress tuloy ang bakla! Napangiwi na ako habang tinitingnan siya. "Lucy bakit ka ba hinahanap ni DJ Mondragon? Kaano-ano mo ba siya?" Nakatingala pa siya sa kisame at hinilot-hilot pa niya ang ulo niya. "Si DJ Mondragon lang naman ang tinakasan ko," sabay upo ko sa gilid ng kama. "At bakit girl? Nakakaloka ka! Your dad alone is a monster alam mo ba?" Taas kilay niya. "Oo, alam ko kung ano ang kakayahan ni daddy. Tinakasan ko lang si DJ Mondragon. Ayaw ko kasing makasal na kanya." "What!? Si DJ Mondragon ang mapapangasawa mo, girl?"  Tumayo siyang bigla at nanlaki ang mga matang nakatitig sa akin. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa sarili. E, mukhang takot na takot ang mukha ni France. Ako pa kaya? "B-Bakit? Kilala mo ba ang matandang matabang gangster na dragon na 'yon?" Sabay lunok ko. "Oh my God! Mother earth! Ano ba 'tong binigay mo," padyak nang paa niya sabay sabunot sa sariling nito. - - C.M. LOUDEN      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD