Chapter 4

2154 Words
Demoirtel  - - If things goes well then everything will be fine. Inisip kong nakapikit habang pinagmamasdan si squishy. Nasa loob ng banyo si France. Hindi niya nakayanan ang sarili at hindi nakapagpigil. Well, he's only draining the veges! Now that DJ Mondragon is on the scene. Mas lalo tuloy akong mahihirapan nito. I can't just keep running away. I need a life for Christ sake! Sisiguraduhin kong hindi nila ako mahuhuli. Ang tanong, saan naman ako magtatago? Napabuntong hininga na lang din ako. "What else I can do?" Tanong ko kay squishy sa harapan ko. I lay my fingers on squishy in the table. At sakto naman ang paglabas ni France na galing banyo. "Ano na ang desisyon mo?" Taas kilay niya at namaywang pa. Nilingon ko siya. Lumapit siya sa akin at umupo na sa kabilang upuan ng mesa. "Hindi ko alam. Sasama ako sa 'yo," nakatingin lang din ako kay squishy at hind sa kanya. Humalukipkip ulit siya at tila nagiisip para sa sitwasyon ko. Natahimik kami ng iilang segundo. Wala na akong maisip. I need to check out after an hour. I can't afford to stay in hotels anymore. I have to be wise when it comes to money. Dahil wala na akong pera! Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Can I call you Skye? Let's hide your first name. Para walang magtanong." Umayos ako at seryosong tinitigan siya. Matalino naman pala ang baklang 'to. Nagmana nga naman siguro ang utak kay Kuya Bimbo. "Okay. That's good! From now on call me Skye," ngiti ko. "Skye. Hindi ka pwedeng sumama sa akin ngayon. I have to ask my superior approval first. Bawal kasi ang tagalabas na makapasok sa loob," nagpahid siya nang pawis sa noo. "Bakit? S-Saan ka ba nakatira? Sa condominium ba?" Hindi na siya nagsalita at nakatingin lang din sa bintana. "France. I can not just stay in hotels. Wala na akong pera na matitira." Nagkamut na siya sa ulo at mukhang naiinis na siya talaga. "I can work, France. Ipasok mo na lang ako sa ano mang trabaho. Basta huwag lang 'yung gagawa ng masama," desperada kong tugon. I have no choice anyway. I can take any work. Ang totoo, nakatapos naman ako ng business management administration nang apat na taon. I can use that skills. Pero dahil sa gipit ako ngayon. I will take any job that someone could offer. Kinuha ko ulit si squishy at pinisil-pisil sa harapan niya. Natatakot na ako, dahil alam kong maraming mata na ang naghahanap na sa akin ngayon. "Alam mo Skye kung hindi lang kita kilala at kung hindi ka rin binilin ni kuya sa akin ay talagang kinuha na kita," sabay upo niya at seryoso akong tinitigan. "You have a beautiful face like an angel. A slender body and so yummy!" Sa kagat labi niya at nugmiwi ako. "Kaso halata sa mga mata mo na innocente ka" ngiti niya. "I might look innocent, France. But I'm not that stupid!" Taas kilay ko. E, mukhang alam ko kasi kung anong klaseng trabaho ang tinutukoy niya. "See? Ang talino mo nga! Nakakaloka ang breeding mo inday!" Humalukipkip ulit siya at tumayo na. "I can do clerical jobs. Sekretarya, waitress, janitress, bahala na!" I won't be picky anymore. I need to survive for myself. Bahala na talaga! Hindi naman talaga ako maarte. I can play in the mud. I can shower and play under the rain and I can eat anything that looks edible in front of me. And I can even sleep in the wooden floor. Naranasan ko na 'yan lahat. The worst punishment  I got from dad was I stayed three days under the cold and dark basement! Dahil tumakas ako para manood sa sinehan, pero nahuli lang din.  "Please France," nagmamakaawa na ako sa kanya. Umikot siya nang lakad at tumalikod sa akin. Dinukot ang cellphone sa bulsa. "Be quite. May tatawagan lang ako," panandilatan niya ako nang mga mata niya. Dumistansya siya sa akin at tumikhim. "Hello, Madame," sa malumanay na boses niya. Bakla nga! Ngumiwi pa ako habang tinitingnan siya. Hindi na ako nakinig kasi pumasok na siya ng banyo. Ayaw niya 'ata na makinig pa ako sa usapan nila. Napaka-secretive naman nang baklang 'to! I stared at the time in the wall. I will check out in thirty  minutes too. Kaya kinuha ko na ang iilang gamit na meron ako, at nilagay sa bagpack. Kasama na si squishy dito. Matapos ang limang minuto ay nakangiting lumabas ng banyo si France. "It's okay now. I can take you with me," sa maarteng boses niya. "Talaga! Sa 'yo ako titira?"  Para akong nabunutan ng tinik sa katawan at nawala ang pag alala ko ng iilang minuto. "Yes. Sa unit ka titira kasama ako. Hindi naman kasi kita pwedeng ilagay sa ibang unit. Dahil hindi kita puwedeng ipasok sa mundo ng mga elite Skye." "Elite? Ano iyon?" Kunot noo ko. Iba rin ang baklang 'to ang dami talagang sekreto. "Lucy Skye Martinez makinig ka! You can only stay in my condominium okay. Ihahanap kita ng ibang trabaho. Hindi rin pumayag si Madame X na kunin ka dahil delikado." Nagtaka na ako ngayon, Madam X? Sino siya? "Who's Madam X? Landlady mo ba?" "Let me say ganoon na nga. Pero mas mataas ang lebel niya. At Skye utang na loob sekreto lang natin 'to okay. Huwag mong mabangit bangit sa kuya ko." "Oo na. I won't tell anyone promise. Si squishy lang," ngiti ko. Mas kumunot ang noo niyang nakatitig sa akin. "Who's squishy, Skye? May DJ Mondragon ka na, tapos may squishy ka pa? Ano 'yan? One plus plus equals two?" Taas kilay niyang nakapamaywang. Natawa na ako. Madali naman pa lang mainis ang baklang 'to. Kaya kinuha ko na sa bulsa si squishy at pinakita sa kanya. "Ito lang naman po! Meet squishy unicorn," tawa ko "Dios ko, Skye! Mababaliw ako sa 'yo," pumilantik ang mga kamay niya sa ere. "Kung mahuhuli tayo ng daddy mo ay tiyak patay ako! Kung si DJ Mondragon naman ang makakahuli sa atin, baka hindi lang kamatayan ang aabutin ko sa kanya. Kaya tayo na!" Sabay hila niya sa kamay ko.  - TAHIMIK ang buong biyahe. Katabi ko si France na walang imik. Ang seryosong mukha niya ay kakaiba ito mula kanina. Tahimik din and driver at pati na ang lalaking katabi nito. Its rush hour and as expected na traffic kami. This is why I hate Manila. Dahil sa nakakahilong traffic ang meron dito. I mean, in Cebu its the same but its very different. Halos kasi lahat ng mga tao dito nagmamadali at kakaiba. But I can easily adopt environmental changes anyway. I must be a gecko!  Napangiti ako ng palihim. Naglalaro kasi sa utak ko ang mga naiwan kong bagay sa Cebu, at pati na ang mga alaga kong hayop. I'm an animal lover. Mas naiintindihan ko ang damdamin nila. They can not speak but feelings can tell their emotions and they can sense your emotions too. Huminto ang sasakyan sa malaking gusali sa harap. Unang lumabas si France at inalalayan pa ako palabas ng van. "It's okay, France. I don't need a hand." "s**t Skye I nearly forgot, run away bride ka pala!" Tawa niya. Sa halos isang oras na biyaheng tahimik siya ay malalim din pala ang iniisip ng baklang 'to! Naglakad na siyang nauna at sumunod na lang din ako sa likod niya. I survey the area. It's pretty okay indeed. It looks decent enough for someone like France to live here. I never thought na bigatin pala siya. Nahinto siya sa information desk at may kinuha. Napatingin ako sa ang dalawang babae na nasa information desk. Kakaiba ang titig nila. They stared at me from head to toe. Pero mas namangha 'ata sila sa mukha ko. Palipat-lipat pa ang tingin nila kay France at sa akin. Nagtaka na tuloy ako. "Oh, no. She's not one of them. This is Skye my hostage," sa maarteng tawa ni France. Nakitawa na ako na parang baliw! Ang totoo kinakabahan ako. Ang daling nagbago nang kilos niya mula kanina. He became sophisticated and frank in just a snap! Kung makaasta parang ang laking tao niya. "Come on Skye my darling dear follow me," sa hawi nang bangs niya. E, wala naman siyang bangs! Baliw talaga! Sumunod na ako sa kanya. Pumasok kami ng elevator at pinindot niya ang forth floor. Tahimik ako at pati rin siya. Nang bumukas ito ay sunud-sunuran na ako sa kanya. He walk, impersonating how the models walk in stage and I chuckled. Then he stood up facing the wooden shinny door. I can see the gold card in his hand, he then tap it for a scan. "Pasok!" Lumiwanag na ang buong paligid. Unang bumati sa mga mata ko ang malaking glass na bintana. Puno ito ng mga halaman sa gilid. And the view outside is very relaxing. I can see the kitchen on the left and the mini lounge is on the right. Binuksan niya agad ang refrigerator at kumuha ng tubig. Nilagyan ang dalawang baso ng tubig at binigay sa akin ang isa. "Salamat, France." Then I let my eyes showcase the whole area. "Sorry ah. Hindi ito kasing laki ng mansion ninyo," sabay upo niya. "Ano ka ba, France. Ang decente nga ng condo mo. Okay na akong matulog kahit dito sa sofa! Pwede rin ako sahig," ngiti ko. I honestly said. And yes I can sleep on the floor. Hindi naman talaga ako maarte. Kung alam lang ni France na adopted ako. Siguro mas maiintindihan niya ang damdamin ko. But no one knows it yet, except me and my parents.  "Come here, I'll show you something." Mabilis niya akong hinila palabas ng unit niya. Nagtaka na tuloy ako ngayon kong saan kami papunta. "Where are we going, France?" "Basta. Bilis!" Sa higpit na hawak niya sa kamay ko. Pumasok kami ulit sa elevator pero sa kabilang banda na ito. It wasn't the same elevator that we used before. He touched and push the button of 44th floor. Nanlaki pa ang mga mata ko, at kunot noo akong nakatingin sa kanya. Ngumiti lang din siya at umirap pa! Nang makalabas kami, sa isang maliit na hagdanan kami umakyat, at kung hindi ako nagkakamali ay papunta kaming rooftop, sa top deck.  Malamig ang hangin na sumalubong sa amin. Kitang kita ko agad ang kabuuan nang Makati. All these rise up tall high buildings are the symbols of how the society here. Business, luxuries, name it, its all here. It's the kingdom of the business billionaires. "Welcome to Demoirtel where the Rampage Society's kingdom, Skyle... The elite realm of multibillionaire's hidden treasure or let me say... Pleasure," kindat niya sa akin. Napalunok ako at agad kong naintindihan ang ibig niyang sabihin. Talamak kasi sa Cebu ang ganitong klase na kalakaran.  "Elite? With standards?" Humalukipkip akong hinarap siya. "Yes. Exclusive and discreet, Skye," sabay tabi niya sa akin. "Pero hanggang apat na palapag lang ang pagmamay ari ni Madam X. Because the rest in own by the Mondragons."  Agad akong naptitig sa kany at mas kinabahan na. I never expect that the Mondragon's are so powerful. Akala ko kasi negosyante lang sila, na katulad ni Daddy ko. "See that building there? And there? And more! Pag aari nila Skye. Pag-aari ni DJ at wala kang kawala girl," sa ikot nang mga mata niya. Hindi ko na maintindihan ang kaba sa dibdib ko. I ran away from him. I ran away from home. Pero bumagsak naman ako sa mundo na kung saan sila ang panginoon!  "So, Lucy Skye Martinez? Paano ka mabubuhay?" Taas kilay ni France. I can't utter anymore. My mind is totally blank! Halos lahat ng 'to sa kanila? Sa kanya? Paano nga naman ako mabubugay? Tama nga naman si France... At kung babalik ako ng Cebu, sa kanya pa rin ang bagsak ko! "Then hide me bakla!" Sa kagat-labi kong titig sa kanya. Napaatras siya nang bahagya. Dahil nabigla sa inasal ko. Nakakatawa ito! Namutla ang mukha niya. "My God Skye! Huwag mo akong akitin. Hindi kita papatulan!" Sabay tingin niya sa labi ko. Humalakhak na ako at namula na ang mukha niya sa inis. "Puwede na ba? Can I be one of the elite hookers?" Pabirong tugon ko sa kanya. "Alam mo ba ang pinagsasabi mo, Skye?" Pamaywang niya. "Papatayin ako nito ng kapatid ko kapag nalaman niyang pinasok kita bilang hooker!" Sa laki nang mga mata niya. "Ikaw naman hindi na mabiro. Ipasok mo na lang akong janitor dito. Hindi nila ako makikilala, promise." Umayos siya nang postura at tinitigan ako nang diretso. "Oo pwede. Pero wala kang access sa kahit na ano. You can only clean and sleep in my unit. You are not allowed to use all the amenities here. You buy your own food and drink. Ano kaya?" Taas kilay at sabay irap niya. "Kayang kaya!" Sabay sunod ko sa kanya. - - C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD