G-14

1003 Words
G-14 IMBIS na umuwi siya sa kanyang asyenda ay hindi doon nagtungo si Grace. Diretso siya sa asyenda na pagmamay-ari ng Lolo ni Jenny. Ayaw niyang umuwi sa sarili niyang bahay dahil alam niyang kapag umuwi siya ro'n ay makikita niya ulit si Max. Ayaw niya nang umiyak muli dahil pagod na pagod na ang kalooban niya. Pakiramdam nga niya'y parang pinarurusahan siya ng Diyos dahil sa bigat ng kalooban niya. "Ate Grace?" gulat pang bungad sa kanya ni Jenny. "Puwede bang dito muna ako matulog? Kahit ngayon lang Jenny," pakiusap niya sa dalagita. "Oo naman ate Grace, ika pa ba? Pasok ka," anito at binuksan ng malaki ang nakaawang na pinto. Nang makapasok siya sa loob ay agad din naman siya nitong inihatid sa magiging silid niya. "Ikukuha kita ng kape ate," ani Jenny sa kanya. Tumango lamang siya at umupo sa kama. Panay ang kanyang pagbuntong-hininga kasabay nang paghimalos sa kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad. Mayamaya pa'y napahagulhol na siya. Masakit pa rin sa kanya ang nangyari kanina sa hotel. Hindi niya matanggap na ganoon lang ang rason ni Max para iwanan siya nito. Hindi naman siya ganoon kahina! Sabihin mang manganganib siya pero hindi pa rin na sapat na dahilan iyon para sa kanya. Kahit pa buhay niya ang maging kapalit basta makasama lang niya si Max ay kakayanin niya lahat. Pero hindi ganoon ang nangyari dahil magkaiba silang dalawa ng naging pananaw. "Ate Grace?" untag sa kanya ni Jenny. Napatigil siya sa pag-iyak at pinunasan ang kanyang mga luha. "Ayos ka lang po ba?" Marahan siyang umiling. Inabotan naman siya nito ng isang basong tubig kasabay nang paglapag sa ibabaw ng drawer ang dala nitong kape. Uminom siya ng konting tubig. "S-salamat," namamaos niyang wika. "Magkaaway na naman po ba kayo ni kuya Max?" tanong nito dahilan para mag-angat siya ng kanyang ulo. "Huwag mo akong gagayahin Jenny. Dahil sa sobrang pagmamahal ay pati sarili ko'y nasasaktan ko." Agad namang tumabi sa kanya si Jenny at hinagod ang kanyang likuran. "Kahit naman nasasaktan po kayo, mahal niyo pa rin naman po, 'di ba?" Muling naglandas ang mga luha niya sa kanyang mga pisngi. "Mahal na mahal ko siya Jenny. Mahal na mahal pero dahil sa matinding pagmamahal na iyon? Nakalimutan ko ring mahalin ang sarili ko. Akala ko maayos na ako. Akala ko kaya ko na siyang harapin ulit. Akala ko hindi na masakit. Iyon pala hanggang ngayon ay nandito pa rin pala. Nandito pa rin iyong sakit at pait. Limang taon akong umasa na sana marinig ko man lang ang balido niyang dahilan kung bakit niya ako iniwan pero ganoon pa rin! Masakit pa rin!" humahagulhol niyang ani. Yumakap sa kanya si Jenny. "Naalala ko ate Grace, sinabi mo sa akin. Walang sinuman ang nagmamahal nang hindi nasasaktan. Sinabi mo sa akin na parte iyon sa relasyon. At sa iyo ko rin mismo narinig, na ayos lang maging makasarili kasi mahal mo, kasi masaya ka." Pinunasan ni Jenny ang kanyang mga basang pisngi. "Puwede kang mamili ate Grace. Ang patuloy na masaktan at magpahila sa kahapong hindi mo na mababago o ang ngayon na magagawa mo pang itama ang mga bagay na inaasam mo. Maging masaya ka ate, kahit pa wala nang halos matira sa iyo. Nagmahal ka lang naman ate Grace. Pati si kuya Max ay nagmahal lang din naman. Pareho ninyong hindi ginusto ang nangyari. Bakit hindi kayo magsimula ulit? Kalimutan ang nakaraan at matuto ka ring magpatawad. Maging makasarili ka ulit ate Grace. This time, maging makasarili ka upang maging masaya ulit." Hindi siya nakaimik. Hindi siya makapaniwalang kay Jenny niya pa mismo maririnig ang mga bagay na iyon gayong mas bata naman ito sa kanya. Ngunit napagtanto niya rin. Wala sa edad ang pagpapayo. Yumakap siya kay Jenny. Bahagyang gumaan ang kanyang pakiramdam dahil sa paglalabas niya ng kanyang saloobin. "Magpahinga ka na ate," nakangiti nitong ani at tumayo na. Tipid niya lang din naman itong nginitian at tuluyan na itong lumabas ng kanyang silid. Humiga siya sa kama. Dinadalaw na rin siya ng kanyang antok. HE DROVE as fast as he could just to reach Jenny's hacienda. Nang malaman niyang hindi umuwi ang dalaga sa sariling bahay nito ay agad siyang nagka-ideya na baka doon ito kay Jenny nakitulog muna. Marahas siyang napabuga ng hangin habang nagmamaneho. Nag-aalala siya ng husto kay Grace. Nasaktan na naman niya ito ng sobra at nasasaktan din siya ro'n. Alam niyang hindi matanggap ni Grace ang naging dahilan niya kung bakit niya iniwan ito. Gusto niyang magalit ng husto sa kanyang sarili. Nang marinig niya mula sa bibig ni Grace na handa itong mamatay para sa kanya noon ay isang napakasakit na bagay na hindi niya matanggap sa kanyang sarili. Oo, aminado siyang nagkamali dahil sa paglilihim niya rito pero kung kapalit naman no'n ay ang kaligtasan ng babaeng pinakamamahal niya'y lahat tatanggapin niya. Kahit pa ang kasuklaman siya ni Grace. But now Grace knew everything and he must convince her to come back to his life. Mababaliw na siya kapag nawala ulit si Grace sa buhay niya. NANG marating niya ang asyenda na pagmamay-ari ng dalagitang si Jenny ay agad din naman siyang bumaba sa kanyang kotse. Sakto pang umaambon na at parang lalakas pa ang ulan na darating. "Grace!" sigaw niya kahit nakabubulahaw na siya sa mga tulog nang trabahador. "Kuya Max!?" bungad sa kanya ni Jenny mula sa beranda nito sa kuwarto. "I know Grace is here. Please Jenny, let me talk to her!" pakiusap niya at tuluyan na ngang bumagsak ang ulan. Sumenyas ito na maghintay siya. Ilang minuto lang ay muli itong dumungaw at umiling. "Ayaw niya kuya Max! Please lang! Umuwi na po kayo!" sagot nito at pinagsarhan pa siya ng pinto ng beranda. Wala sa sarili niyang nasipa ang gulong ng kanyang kotse. Grace is hardheaded. Noon pa man ay ganoon na talaga ito at mahihirapan siyang kausapin ito kapag ganoon. But he was so desperate to see her, to talk to her and he won't give up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD