G-13

1029 Words
G-13 Binuhat siyang muli ni Max at dinala siya sa kama. Doon na nito sinimulan ang hinihintay niyang mangyari. Max undresses himself as he continues fantasizing Grace's body. She arched her body when he suddenly felt Max rod gaining entrance on her wetness. She gasps while catching her breath. Max thrust her harder until they both reached their climax. Max landed on her beside and hug her so tight. Hinila pa nito ang kumot upang takpan ang kahubadan niya. Tahimik siyang napatitig sa kisame at nasa kawalan ang kanyang utak. Bumigay na naman siya iyon agad ang pumuno sa blangko niyang utak. "Grace," untag nito sa kanya. Bahagya niyang nilingon si Max at mataman itong tinitigan sa mga mata nito. Inayos niya ang kumot at tumagilid upang makita ang mukha nito. "Bakit ba lagi na lang tayong nauuwi sa ganito?" tanong niya. "Dahil matigas ang ulo mo?" balik naman nitong tanong sa kanya. Marahas siyang napabuga ng hangin. "Hindi iyan ang punto ko Max. Bakit ba tayo nauuwi sa ganito? May nangyayari sa atin sa tuwing kailangan natin ang isa't isa. Hindi ko maintindihan. Aaminin ko, mahal kita, hanggang ngayon mahal pa rin kita pero nahihirapan akong tanggapin na binalikan mo lang ako dahil kailangan mo ako ulit sa buhay mo. Hindi ko maintindihan kung bakit mo ako iniwan kung talagang mahal mo ako noon. Palagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano ba ang naging pagkukulang ko para iwanan mo ako. Kung saan ba ako nagkulang para ipagpalit mo ako sa iba? Lahat naman ibinigay ko, 'di ba? Lahat ginawa ko para lang maging sapat sa iyo pero bakit sa huli, nasaktan pa rin ako?" umiiyak niyang wika habang naglalabas ng sama ng loob kay Max. "Kasalanan ko," sagot nito at nagsimula na ring tumulo ang mga luha nito. Nakagat niya ang kanyang labi upang pigilan ang kanyang paghikbi. "Kasalanan mo naman talaga," sang-ayon niya at napalunok. Pakiramdam niya'y parang may bumara sa kanyang lalamunan. "Bakit umabot ng limang taon bago ka bumalik? Kung kailan handa na akong kalimutan ka? Halos isumpa kita dahil iniwan mo ako na wala man lang rason kung bakit kailangan mong umalis sa buhay ko? I became dependent on you but when you leave me, I suddenly became an ashes and starts to fade away. At ang mas pinakamasakit pa ro'n ay ang malamang nagpakasal ka sa iba pagkatapos mo akong iwanan. Bakit Max? Hindi ba ako karapat-dapat na maging asawa mo? Maging ina ng magiging anak mo? Hindi ba sapat ang isang tulad ko? Bakit? Dahil isa lang akong alalay ni ate Amanda noon? Dahil ba hindi tayo magkapantay noon?" aniya habang marahang sinusuntok ang dibdib nito. "No! No! Hindi iyan totoo Grace. Wala akong pakialam kahit alalay ka pa ni Amanda noon. Patawarin mo ako kung bakit iniwan kita. Hindi ko kakayanin na may mangyaring masama sa iyo. Napilitan lang akong iwanan ka Grace. Hindi ko ginusto ang iwan ka," umiiyak na paliwanag ni Max sa kanya. Napabangon siya at napahagulhol ng matindi. Maging ito at napabangon din at bumaba sa kama. Lumuhod ito sa kanyang harapan at yumakap sa kanyang baywang habang ang ulo nito'y nakayuko at sige pa rin sa pag-iyak. Nasapo niya ang kanyang noo. "Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa iyo. Nahihirapan akong tanggapin." Nag-angat ito ng ulo at ikinulong ang kanyang mukha sa mga palad nito. "Believe me Grace. Hindi ko intensyong saktan ka at mas lalong ayaw kong iwanan ka noon. I was forced to leave you by my grandfather's wish. Napilitan akong pakasalan si Nicole dahil binantaan niya akong papatayin ka niya kapag hindi ko siya sinunod. Amanda and Thad can't even saved you that time. Please Grace, believed me." Mariin siyang napapikit. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga narinig. Alam ni Amanda at Thad ang totoo pero wala man lang sinabi sa kanya. Napatingala siya habang ang mga luha niya ay sige pa rin sa pagbagsak sa magkabila niyang pisngi. "Iniwan mo ako dahil lang natakot ka na saktan ako ng Lolo mo? Natakot ka na mawala ako sa buhay mo?" Sarkastiko siyang napatawa. "Grace..." Umiling-iling siya. Inalis niya ang mga bisig ni Max sa kanyang baywang at tumayo habang ang isang kumot ay nakabalot pa rin sa kanyang katawan. Sumunod sa kanya si Max at pinigilan siya habang nakaluhod pa rin ito sa kanyang harapan. Maagap nitong niyakap ang kanyang baywang. "Bitiwan mo ako," umiiyak ngunit mariin niyang sambit kay Max. "No!" protesta nito. "Bitiwan mo ako!" sigaw niya at pilit na inaalis ang pagkakayakap ni Max sa kanya. Ayaw nitong bumitiw sa kanya kaya tuluyan na siyang nagwala. "Bitiwan mo ako!" sigaw niyang muli at pinagpapalo ng malakas si Max. Hinayaan siya nitong saktan ang lalaki. Tinanggap nito ang mga sampal at palo niya. Napahagulhol siya ng matindi at nasapo ang kanyang dibdib. Sumisikip ang kanyang dibdib. "Takot ka na mawala ako? Takot kang ipapatay ako ng Lolo mo pero hindi ka natakot na masaktan mo ako!? Ano ba ang ipinagkaiba no'n sa sakit na nararamdaman ko ngayon!? Noong iniwan mo ako, para mo na rin akong pinatay! Unti-unti mo akong pinapatay!" Napaluhod na siya at mas lalong napaiyak ng matindi. "Walang pinagkaiba iyon Max! Dahil kung ako ang tatanungin mo? Kaya kong magpakamatay para sa iyo kaysa makita kang ikasal sa ibang babae!" nagpupuyos sa galit niyang bulyaw dito. "Honeybee, I'm so sorry," wika ni Max at todo na rin ang pag-alog ng mga balikat nito dahil sa pag-iyak habang yakap pa rin ang kanyang baywang. "Ayoko na," sambit niya. Napatayo si Max at muling ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. "No. Please Grace, don't do this." Mataman niyang tinitigan ang mukha ni Max at kahit sige pa rin siya sa pagluha ay nawalan na ng emosyon ang kanyang mga mata. "Ayoko na. Itigil na natin 'to. Pagod na pagod na ako." "No, I'm begging you..." Umiling siya. Inalis niya ang mga kamay ni Max at pinulot ang damit niya. Isinuot niya ang mga ito at lumabas ng silid nang hindi man lang siya pinipigilan muli ni Max. Nanatili itong nakatayo at nakatitig sa kawalan. Mariin siya napapikit at lumayo na sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD