G-15

1022 Words
G-15 "HINDI mo ba talaga lalabasin si kuya Max, ate Grace? Halos isang oras na po siyang nakatayo sa labas at kanina pa po siya basa sa ulan," pangungulit pa sa kanya ni Jenny. Huminga siya ng malalim at tumayo. "Pahiram muna nitong balabal. Uuwi na ako Jenny." "Pero ate, gabing-gabi na po. Paano po si kuya Max?" "Ako na ang bahala sa kanya," aniya at lumabas na ng silid. Bumaba siya agad sa hagdan at lumabas ng bahay. Ginamit niya ang balabal upang hindi siya mabasa. Napaangat ng tingin si Max sa kanya at para bang bigla itong nabuhayan ng loob. Walang lumabas sa bibig niya at diretso lang siya sa pagbukas ng kotse nito at sumakay sa front seat. Sunod namang bumukas ang pinto ng driver's seat at nangangatog na pumasok si Max sa loob. Pinatay nito ang air-con at bumaling sa kanya. "Hubad," utos niya kay Max. Umawang ang bibig nito at akmang magsasalita ngunit sinunod pa rin siya nito. Hinubad nito ang basang-basang t-shirt. Kinuha niya ang balabal at ibinalot sa katawan ni Max. "Umuwi na tayo," aniya. Tumalima naman ito at hindi na umimik pa. NANG makarating sila sa bahay niya'y diretso siya agad sa pagbaba sa kotse ni Max. Binalingan niya pa ito nang makalabas din ng sasakyan ang lalaki. "Sumunod ka sa akin," aniya. Tumango lamang ito. Kinuha niya ang susi sa kanyang purse at binuksan ang pinto ng bahay. Nang mabuksan niya ito ay agad din naman siyang pumasok. Nakasunod lamang si Max sa kanya. Ito na rin ang nag-lock ng pinto. Umakyat siya sa hagdan habang nakahila sa laylayan ng kanyang evening gown. Nang marating ang tapat ng pinto ng kanyang silid ay agad din naman siyang pumasok at hinayaan lamang na buksan ang pinto. Max is still following her. He closed the door. Lumapit siya sa kanyang kabinet at hinanap ang kanyang extra towels. Inilabas din niya ang mga damit na naiwan ni Max sa kanya. Napatigil siyang saglit at tinitigan ang mga damit na hawak niya. Naalala niya pa noon, noong mga panahong nag-iiwan ng damit si Max sa kanya dahil madalas ay pawisin ito o 'di kaya ay pagkatapos nilang maligo sa ilog ay nakakaligtaan nito ang mga damit na pinagbihisan. Isinarado niya ang pinto ng kanyang kabinet. "Maligo ka na bago ka pa magkasakit," aniya muli kay Max. "Grace..." utas nito. Sinenyasan niya ito na tumahimik at ibinigay ang towel. Hindi na ito nangulit pa at muli siyang sinunod. MINUTES passed, he's done. Lumabas si Max na nakatapi lamang ng tuwalya. Siya naman ay nakaupo na sa kama at nakapagpalit na ng kanyang pantulog. Tumayo siya at ibinigay kay Max ang mga damit nito. "You still keep this?" gulat pang tanong nito sa kanya. "Hindi ko magawang itapon," sagot niya. Ngumiti ito sa kanya kahit na bakas sa mga mata nito ang kalungkutan. Nag-iwas siya ng kanyang tingin. Nagbihis na ito at hindi pa nagsusuot ng pang-itaas. Umupo ito sa kanyang kama at tumutulo pa ang basang buhok nito kaya kinuha niya ang towel at lumapit muli kay Max. Tinakpan niya ng tuyong towel ang basang buhok nito at ginulo ng marahan upang tuyuin ito. Laking pagtataka niya nang bigla na lamang yumugyog ang magkabilang balikat nito. He was crying. Napatigil siya sa kanyang ginagawa dahil biglang yumakap si Max sa kanya habang ang mga bisig nito ay nakapulupot sa kanyang baywang. Ramdam niya ang pagbasa ng kanyang damit sa kanyang tiyan. Iyak nang iyak si Max habang nakayakap sa kanya. Bigla ring bumagsak ang mga luha niya sa mata. She realized when she's at Jenny's house at that time. Jenny was right. Kung nasasaktan siya sa nangyayari, mas lalo na si Max. Yes. He just loved her so much that's why he ended up that kind of decision without her knowing it. Hinagod niya ang likod ni Max at yumakap pabalik dito. Sumasakit ang dibdib niya habang nakikinig sa paghagulhol ni Max. Mapait siyang napangiti sa kawalan at napatingala sa kisame. The Max the great she knew was gone and the Max she's seeing right now is a grown up man. And she's ready to forgive him. Though it was hard for her to deal with the pain, she realized, having this pain in her chest while forgiving and letting go of the past is part of her growing up as a woman. As a woman who loved his man. A woman who could swallow everything just to earn what's right for her. A woman who could die for his man. Inalis niya ang tuwalya sa ulo nito. She held him so tight. "G-grace..." Tiningala siya nito. Pinahiran niya ang luhaang mukha ni Max. "Sorry," anas niya at hinagkan si Max. "N-no! I'll be the one to say sorry. I hurt you." "Ssh..." She kissed him again and hugged him. "Mahal na mahal kita," anito at mariin din siyang hinagkan. Napasinghot siya. "Gusto mo bang kumain ng mainit na sopas? Nilalamig ka ng husto," aniya nang nakangiti at tinuyo ang kanyang mga pisngi. "I miss you cooking for me." "Ipagluluto kita," muling wika niya. Tumango lang din naman si Max at tinuyo rin ang mga basang pisngi nito. "Dito ka lang." "Okay..." Muli niyang hinagkan si Max at lumabas na ng kanyang silid. Bumaba siya kaagad ng hagdan at tinungo ang kusina. Hindi rin naman siya nagmabagal pa dahil agad din naman siyang kumilos para magluto ng sopas. Habang ginagawa niya ang pagluluto ay hindi mapalis sa mukha niya ang matinding sigla. Magaan ang loob niya at para bang nabunutan siya ng malaking tinik sa kanyang dibdib. Ngayon lang ulit siya nakaramdam ng kaginhawaan. After all this years, alam niya sa sarili niyang maibabalik din niya ang dating siya. Ang dating Grace na walang pinoproblema. Ang dating Grace na masaya at punong-puno ng pagmamahal. Bumalik ito simula nang tanggapin niya sa sarili niya na kailangan niyang magpatawad. Patawarin ang sarili niya at patawarin si Max. It's all worth it taking all the risks even if it's really hard to face it and let it go. But she's ready to face it and there's no point of turning back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD