G-16

980 Words
G-16 HABANG abala si Grace sa pagluluto ng sopas sa kusina ay bigla rin naman siyang napahinto nang marinig niya ang paghila ng upuan sa kanyang likuran. Bumaling siya rito. "Bakit ka lumabas?" tanong niya kay Max. Nakayuko ito sa mesa habang ang noo nito'y nakapatong sa braso. Umayos ito sa pag-upo nang maghila rin siya ng isa pang silya. "I wanted to see you busy, while cooking for me. I miss the old days," malungkot pa nitong sagot sa kanya. She sat beside him. Sinuklay niya ang buhok nito gamit ang kanyang mga daliri. Bigla namang kinuha ni Max ang kanyang kamay at hinagkan ito. "Nagtataka lang ako. Tinakot mo ba ang lahat ng mga manliligaw ko dati?" aniya. "Yes." "I knew it!" bulalas din naman niya. Kaya pala ganoon na lang ang mabilis na pagkawala ng mga manliligaw niya noon. Dati pa man ay napapansin niya nang may kakaiba dahil bigla na lamang lumalamig ang mga trato ng mga manliligaw niya noon. Binalewala niya ito noon pero bigla na lang pumasok sa utak niya si Max, that is why she suddenly asks him. "At bakit mo naman ginawa iyon? You're so selfish for not making me happy." Kumunot naman ang noo nito. "Are kidding me? So you really wanted to forget me, for real?" Napanguso siya at binawi ang kanyang kamay na hawak ni Max. "Hindi ko rin naman ramdam ang mga lalaking nanliligaw sa akin noon. Masiyado kitang mahal para kalimutan kita ng ganoon kabilis." Bigla siya nitong hinagkan sa kanyang pisngi. Bumaling siya kay Max. "Handa na akong sumugal ulit Max. Handa na akong patawarin ang sarili ko at maging makasarili ulit. Pagod na akong itago ang nararamdaman kong pagmamahal sa iyo. Handa na rin akong tanggapin ka ulit sa buhay ko. Puwede bang sa ika'lawang pagkakataong susugal ako'y sana ipaglaban mo na ako. Gusto kong bumalik sa dating Grace na kilala ko, sa dating Grace na kilala mo. Iyong dating Grace na walang pakialam sa iba at sobrang puno ng pagmamahal. Iyong dating Grace na masayahin. Sana sa pagkakataong ito, puwede bang ako pa rin ang piliin mo, kahit na ano pa ang mangyari? Takot na akong makaramdam ulit ng matinding sakit. Takot na akong maging mag-isa ulit. Puwede ba? Ako naman," umiiyak niyang wika kay Max. Max held her face. He was crying too. "God! I swear Grace. Till my last breath, I will fight for you. I swear I would let you know everything now. Thank you! I love you so much!" sagot ni Max habang umiiyak din sa kanyang harapan. Mabilis siyang niyakap ni Max at pinuno ng halik ang kanyang buong mukha. She felt so at peace. Jenny was right. Accepting and forgiving everything are priceless and worth it. MATAPOS nilang pagsaluhan ang sopas na iniluto ni Grace para kay Max ay agad din naman silang bumalik na sa kuwarto para makapagpahinga. Pinatabi niya na si Max sa kanyang kama. Bakit nga ba hindi? Puwede niya nang gawin iyon dahil tinanggap niya na ng buo si Max. KINABUKASAN ay naunang magising si Grace kaysa kay Max. Mahimbing pa rin ang tulog nito at nang salatin niya ang noo ng lalaki ay laking pasalamat niya't hindi ito dinapuan ng sakit. Sa pagbababad kasi nito mula sa ulan kagabi ay posible itong lagnatin. Magaan ang kanyang pakiramdam, lalo pa't kapiling niya si Max. Iba pa rin talaga kapag ang pusong nasaktan at nagawang magpatawad muli ay isang napakamatinding pagsubok para sa kanya. Pagkatapos ng maraming luha na kanyang iniluha ay hahantong pa rin pala siya sa ganitong sitwasyon ulit. Ang sumugal at magparaya muli sa kanyang nararamdaman. Napangiti siya sa kawalan at inalis ang pagkakayakap ni Max sa kanyang baywang. Bumaba siya sa kanyang kama. Kinuha niya ang kanyang cell phone sa kanyang ginamit na purse kagabi. Nagulat siya dahil puno ito ng mga text messages mula kay Jenny. Missed calls naman mula kay Amanda. Lumabas siya ng kuwarto at bumaba sa hagdan upang magtungo sa kusina. She dialed Amanda's cell phone number. Habang nagri-ring pa ito ay panay din naman ang paghalukay niya sa loob ng kanyang fridge. "Grace! God! Bakit ngayon ka lang tumawag? I've been calling you since last night?" agad na bulalas nito nang masagot ang kanyang tawag. "Bakit ate? May problema po ba?" Napatikhim naman itong bigla. "Are you okay? I mean, how are you and Max?" Bakas pa sa boses nito ang pag-aalangan. Isinalang niya ang takore sa gasera. "I'm fine. We are fine," simpleng sagot niya. "Seriously?" "Yes." Bumuntong-hininga naman ito. "I'm sorry Grace." "For what ate Amanda? For not telling me the truth?" aniya na may halong panunumbat. "I guess so..." Siya naman ang humugot ng malalim na hininga. "Naiintindihan kita ate. Ayaw mo lang pumasok sa gulo namin ni Max. Alam kong sobra-sobra na ang nagawa mo para sa akin. And I think it's time for me to solve this problem on my own. Ayaw ko rin naman kayong madamay ni kuya Thad. And I guess, you just did the right thing for me. I cannot sort out this thing on my own if someone help me. I still owe you a lot ate Amanda. Everything." Narinig naman niya ang pagsinghot nang kausap sa kabilang linya. "God! You made me cry Grace. I just remembered how 'nene' you are before and now you settled your own problem. You've really grown up so beautiful in your own way. Well, you know how much I loved you. Just tell me if you need some help, okay? I just wish you both happiness." "Salamat ate," aniya at sabay na rin nilang pinutol ang tawag. Tapos na rin siyang magtimpla ng kape at kasalukuyang naghahanda ng chicken sandwich. Nang bigla na lamang siyang may makarinig ng kalabog mula sa itaas ng kanyang silid. Agad niyang nabitiwan ang hawak niyang tinapay. Inakyat niya agad si Max sa kanyang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD