G-17
"Max!?" tawag niya. Nang buksan niya ang pinto ay ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang nasa sahig na si Max. Agad na sumiklabo ang matinding kaba sa kanyang dibdib.
"Max!" bulalas niya at lumapit agad dito. Sinapo niya agad ang noo nito. Inaapoy ito ng lagnat. Ganoon na lamang ang kanyang pagtataka dahil kanina naman ay wala itong lagnat.
"Maydee!" sigaw niya.
"Max!? What do you feel? Tell me?"
Umungol lamang ang lalaki sa kanya.
"Ising!"
Agad namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kanyang isang katulong, si Ising. Natataranta pa itong lumapit sa kanya.
"Tumawag ka ng ambulansya Ising, bilisan mo!" aniya sa kasambahay.
"Sige po ma'am!"
Binalingan niya si Max at pilit itong ginigising. She was so nervous. Ito ang unang beses na makita niyang mag-collapse si Max. She was so terrified. Baka'y inatake ito dahil sa allergy pero wala naman siyang makitang mga pantal sa katawan nito.
Ilang minuto lang ay narinig na niya ang sirena ng ambulansya. Sunod ay ang pag-rescue na kay Max. Kinuha niya ang kanyang cell phone at balabal, pagkatapos ay sumama na rin siyang sumakay sa ambulansya.
WHEN they reached the nearest emergency medical care facility ay agad din namang eneksamin si Max. Her hands were shaking while standing in front of the nurses and doctors who were checking Max's condition.
"Doc, how is he?" usisa niya nang lumapit ang isang doktor sa kanya.
"He has dengue. We have to run some more tests to ensure that this is not a type of severe dengue case. Did he bleed?"
"N-no!" agad na iling niya sa doktor habang in shock pa rin sa kanyang narinig tungkol sa sakit na dumapo kay Max.
"Good. Tell me ma'am, gaano na katagal ang lagnat niya?" tanong muli ng doktor sa kanya. Napaawang ang kanyang mga labi.
"Hindi ko po maalala. Ang alam ko lang ay nababad siya ng husto sa ulan kagabi," maluha-luha niyang sagot dito.
Tinapik naman ng doktor ang kanyang kanang balikat to slightly comfort her.
"Don't worry too much ma'am. We have vaccines for this case. I will talk to you later for more updates, excuse me."
Iniwan na siya ng doktor. Nanghihina ang mga tuhod niya habang kumakapit sa railings ng waiting area. Nasapo niya ang kanyang noo at napaupo. Hindi man lang niya napansin na may dinadala na pa lang lagnat si Max. Ni hindi man lang niya napansin na nanghihina ito. He looks so fine and well. Nakagat niya ang kanyang labi. Napayuko siya at nahilot ang kanyang batok. May lumapit naman sa kanyang isang nurse.
"Excuse me ma'am, kayo po ba ang kasama ng pasyente? Can you fill up this form?"
"Yes," simpleng sagot lang din naman niya at kinuha ang papel, kasama na ang pen nito. Binasa niya muna ang mga nakasulat bago nag-fill up. Nang matapos siya'y agad din naman siyang tumayo at ibinigay sa information desk ang kanyang fill up form.
"Ma'am," muling tawag sa kanya no'ng nurse.
"Are you Mrs. Nicole Olivares?" anito. Napalunok siya sa kanyang narinig. Kumunot ang kanyang noo at para bang binuhusan siya ng malamig na tubig.
"N-no, why?" alanganin niya pang sagot.
"Mr. Olivares has a record in our main office branch in Manila. His guardian information was her wife. Should we call her ma'am?" anito pa. Nanigas ang kanyang leeg dahil sa kanyang narinig. Lihim niyang nakuyom ang kanyang mga kamao.
"No. We're fine. I'm already here," mariing sagot niya at agad na tinalikuran ito. Bumalik siya sa waiting area at pabagsak na umupo rito. Mas lalo siyang na stress dahil sa kanyang narinig. Bigla siyang nakaramdam ng matinding selos. Yes! Max and Nicole are already over but still she can't erased the fact that Nicole is Max's ex-wife. Ni hindi niya nga natanong kay Max kung talagang annulled na ba ang kasala ng dalawa. Max just said they were over. Huminga siya ng malalim.
Napatayo naman siyang bigla nang ilabas si Max mula sa emergency room at ilipat sa katabi nitong private rooms.
"Doc, kumusta po siya?" agad na tanong niya.
"He is fine now ma'am. HIndi naman masiyadong bumaba ang platelet niya. We just have to monitor him." Nakahinga siya ng maluwag.
"Iyong allergy niya sa alikabok? Does it affects his condition?"
"Not at all ma'am. Hindi naman naging grabe ang condition niya dahil naagapan naman natin agad. Let just wait for him to wake up." Napatango-tango naman siya at sumunod na rin sa mga ito.
Umupo siya sa couch at tumawag sa kanyang bahay. She dialed Ising's number.
"Hello ma'aam," sagot ni Ising sa kabilang linya.
"Ising, pakidalhan naman ako ng damit dito, please? Magdala ka na rin ng pagkain," aniya
"Sige po ma'am," anito.
"Salamat." Pinatay na niya ang kanyang tawag at binalingan si Max na wala pa ring malay. Nakagat niya ang kanyang labi. Saka na lang niya siguro tatawagan si Amanda at Thad para sabihin sa mga ito na nasa hospital silang dalawa ngayon ni Max. Tumayo siya at lumapit kay Max. She held his left hand and slightly press it.
"Max, wake up, labanan mo ang sakit mo, please..." maluha-luha niyang wika.
Hinagkan niya ang noo nito at inayos ang kumot.
Nang may biglang kumatok sa pinto. Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Kay bilis namang dumating ni Ising gayong katatawag lang naman niya rito. Wala sa sarili siyang lumapit at binuksan ang pinto.
Namilog ang kanyang mga mata nang makita si Nicole. Of course. Sino ang makakalimot sa babaeng umagaw sa lalaking pinakamamahal niya. Ang dahilan kung bakit nagkahiwalay silang dalawa ni Max. She knows, she must not blame Nicole but the fact is na nakiayon ang babae sa kagustuhan ng Lolo ni Max ay ganoon na rin ang kanyang mararamdaman. She was now blaming Nicole.
"How's Max?" diretsang tanong nito sa kanya. Hindi siya makasagot agad.
"You know me?" kunot-noo niyang tanong. Tumango naman ito.
"Can we talk?" anito pa. Alanganin man ngunit napatango na lamang siya. Gusto niya ring malaman ang side nito.