G-18

1153 Words
G-18 She invited Nicole to come in and let her sat on the couch. Umupo rin siya ngunit may malaking space pa rin sa pagitan nilang dalawa. Napansin naman niyang humugot ng malalim na hininga si Nicole. "Alam kong nagulat ka kung bakit nandito ako at kung paano ko nalaman ang nangyari kay Max. One of the nurse called me. She's actually my friend. She said Max is admitted here and she also added that Max's guardian didn't wanted to let me know what is happening to him. Nagkaideya agad ako na ikaw ang tinutukoy niya dahil wala namang ibang pupuntahan si Max, maliban sa iyo at kay Thad..." Tumigil ito sandali. Tahimik lamang siya ngunit hindi niya maitago ang pagkadismaya. Hindi niya inakalang kaibigan pala ni Nicole iyong nurse na nagtanong sa kanya kanina. "Huwag mo sanang iisipin na sinusundan ko si Max, even you because that's a big no for me. Max and I are already done. Matagal na kaming hiwalay at never din naman talagang naging kami," anito sabay tawa ng mahina. Grace frown. "I mean, yes we're married but not literally. We're separated even if we are living on the same roof. I tried to work our relationship but I guess, it's not really for us." Hindi pa rin siya umiimik. Ayaw niyang sumabat dito kahit klaro naman nang hiwalay na nga ang dalawa. "I'm sorry Grace," anito pa. Marahan siyang umiling. "Hindi mo rin naman kasalanan," aniya na lamang. "Well, napadaan lang din naman talaga ako rito. Nagkataon din naman kasing may investors meeting ako rito sa Cebu. I just wanted to see Max for the last time." Konting kumunot ang kanyang noo. She smell something fishy. Hindi pa rin talaga nakukuha ng babae ang kanyang loob kahit nagsabi na ito ng sariling point of view. "I'll go ahead," paalam pa nito sa kanya at tumayo na. Nang akmang lalabas na sana ito ng private room ay bigla namang nagising si Max. Napatigil din namang bigla si Nicole sa paghakbang at halos mamuti ang balat nito sa katawan dahil sa biglaang pamumutla. Agad siyang nagtaka. "Ayos ka lang ba?" tanong niya kay Nicole. "A-yos lang. Una na ako—" anito ngunit biglang napatigil nang bumaling sa kanya si Max. "Niressa?" sambit ni Max. Mas lalong kumunot ang noo ni Grace dahil sa kanyang narinig. Tinawag ni Max si Nicole bilang si Niressa. Lumapit siya kay Max. Napatigil naman sa paglabas si Nicole. "Max!" tensyunado pang bati nito kay Max at pilit pang pinakakalma ang sarili kahit na masiyado na itong halata. "Niressa? How did you know I am here in Cebu?" Max asked. Nagpalipat-lipat si Grace nang tingin sa dalawa. Naguguluhan siya. "Teka lang ha? Max, bakit mo tinatawag na Niressa si Nicole? Hindi ba't iyon ang pangalan ng ex-wife mo? She's Nicole," aniya pa kay Max. Kumunot naman ang noo ni Max. "N-no... Hindi siya si Nicole. She's Niressa, twin sister ni Nicole. You can see some difference between them. Niressa has a mole on her left cheeck while Nicole has nothing. And Nicole's hair is blonde," paliwanag ni Max. Umawang ang bibig ni Grace dahil sa kanyang narinig. Hindi niya alam na may kakambal pala si Nicole. Binalingan niya si Niressa. "Totoo ba? Bakit ka nagpanggap bilang si Nicole?" Namutla naman si Niressa ng todo at hindi siya nito masagot. "Why are you here? Did Nicole order you to follow me?" ani ni Max kay Niressa. "God! Fine! I'm busted! I'm sorry Grace but I was just forced too. Pinilit lang talaga ako ng kambal ko na puntahan si Max dito, but I am not lying that I was having my investors meeting here in Cebu. Nagkataon lang talaga," Niressa explained. Binalingan ni Grace si Max. "Hiwalay na ba talaga kayo?" paninigurado niyang muli. "Yes, honeybee! Ask her," sagot ni Max at bumaling pa kay Niressa. "He is telling the truth Grace. Ang kapatid ko lang talaga ang head over heels diyan kay Max. Matagal na silang divorce, kasi sa states naman sila nagpakasal ni Max. And I am warning you Max, kung hindi ko mapipigilan si Nicole na sugurin ka rito, ikaw na ang bahala sa kanya dahil sa totoo lang? Pagod na ako sa kahibangan niya! Again, Grace, I'm sorry. Bawi ako next time sa iyo. Gusto kita maging kaibigan because you were so kind. I'm happy for the both of you. Bye!" anito pa at iniwan na silang dalawa ni Max. Laglag ang kanyang magkabilang balikat at nahilot ang kanyang kaliwang sintido. "Totoo ba iyong mga narinig ko Max? Nicole is not yet over with you?" Max sighed and bit his lower lip as he nodded. "Pumayag siyang makipaghiwalay sa akin dahil akala niyang hindi na ako babalik sa iyo. Dahil inakala niyang hindi mo na ako tatanggapin ulit sa buhay mo. I guess, hindi matanggap na nagkabalikan na tayong dalawa." Nakagat niya ang kanyang labi. Despite of this new problem, at least she was one hundred and one percent sure na hiwalay na nga ang dalawa. At kahit pa manggulo pa si Nicole sa kanilang dalawa ay wala na itong karapatan pa. Humugot siya ng malalim na hininga. "Saka ko na siya po-problemahin Max, ang importante ay ang kalagayan mo ngayon. How are you? Do you still feel so weary?" nag-aalala niyang tanong dito. Kinuha naman ni Max ang kanyang kanang kamay at hinagkan ang likod ng kanyang palad. "I'm okay, just a little bit dizzy." Sinalat niya ang noo nito. Bumaba naman na ang lagnat nito at bumabalik naman na ang pamumula ng mga labi nito. Hindi kagaya no'ng kanina na sobrang putla bago niya ito isugod dito sa hospital. "Hinihintay ko na lang ang result ulit ng platelet counts mo. Sana naman mag-stable na para makalabas ka agad dito," aniya pa. "Yeah, I hate hospital." Sinimangutan niya naman ito. "Kung hindi ka ba naman kasi pasaway, hindi ka sana aabot sa ganito. Hindi ka sana magkakasakit. Paano kung inatake ka rin ng allergy mo? Alam mo ba kung gaano katindi ang pag-aalala ko sa iyo nang mahimatay ka, ha?" panenermon niya pa kay Max habang nagsisimula nang manubig ang kanyang mga mata. He wiggled his eyebrows. "Really?" mangha pa nitong reaksyon na agad rin namang ikinakunot ng kanyang noo. Marahan niya itong kinurot sa braso. "Baliw ka talaga kahit kailan! Syempre mag-aalala ako sa iyo." Bigla naman siyang hinila ni Max at hinagkan ang kanyang mga labi. "I miss you. I miss this Grace, standing in front of me, worrying too much just because of my dumb ass." "Loko! Iyan naman talaga ang minahal ko sa iyo, 'di ba? Iyang pagiging loko-loko mo," sagot niya at sinuklian ng halik si Max. Kinabig siya nito ng husto at halos kumandong na siya kay Max. Wish niya lang talaga na sana walang pumasok na nurse dahil nakakahiya iyon kapag naabutan silang dalawa ni Max na ganito ang itsura. Making out endlessly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD