CHAPTER 3

4781 Words
"I don't believe you." Isa'ng nag-aakusang tingin ang ibinigay ni Jet sa kanya. Natapos nya nang maipaliwanag sa pinsan nya at sa mga ito ang nangyari. Iniwan na sya ni Juliannes sa kwarto ng bigla naming pumasok si Jet. Iniwas nya ang tingin dio. "W-what are you saying?" Patay malisya na sabi nya. "I have this feeling na may pinagtatakpan ka." Diretsong sabi nito. Tiningnan nya ito. "Paano mo naman nasabi iyan, Mr. Manasala?" She faked a smile. Tila nabigla ito sa itinawag nya rito, pati na rin sa pag ngiti nya. "I-I just feel it." "Well, I don't think that it's valid enough. Kung ganyan ang sasabihin mo sa mga pulis, tiyak na pagtatawanan ka nila." Seryoso na sabi nya. "What really happened, Patty?" "Huwag mo ako'ng tawagin ng ganyan!" She hissed. "Ayoko'ng isipin na nag-iba ka na, pero iyon ang pilit mo'ng ipinapakita. In just three days, napakalaki na ng ipinag bago mo." Agad na sagot nito. Kita sa mga mata ng lalaki ang di maipaliwanag na kalungkutan. "Hindi ba't there's only one thing constant, at iyon ay ang change?" Tuya nya rito. Ayaw nyang lumapit dito dahil madali ito'ng makaramdam. Tinanggap nya na sa sarili na iyon na ang kapalaran nya. "Parang napakalayo mo na." Malungkot na sabi nito. "Ayoko ng mga nangyayari." Tila may kung ano'ng bagay ang tumama sa dibdib nya at biglang bumilis ang t***k ng puso nya ng marinig ang sinabi ni Kent. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo." Bakit ba hindi na lang ito lumabas at umalis sa harap nya?! He sighed. "Don't do this." Hindi sya nagsalita. "Sinabi ko na ang dapat ko'ng sabihin, Mr. Manansala. Now, if you'll excuse me, I want to rest." Itinuro nya rito ang pinto. Nakahinga sya ng maluwag ng hindi na ito muling nagsalita pa at lumabas na ng kwarto nya. Ipinikit nya ang mga mata hanggang sa makatulog ka. Ang ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ang muling nagpa gising sa kanya. "Ano 'to?" Gulat na tanong nya. "We were celebrating dahil nakabalik ka ng ligtas." Nakangiting sagot ni Julianne. Halata ang tuwa nito. Naikwento na rin ng yaya Perla nito kung gaano ito naging malungkot at umiyak ng mawala sya. "Tara ate, sayaw ka din." She smiled at her. Lahat ng bodyguards nila ay naroon at nagsasayawan, pwera kay Jet na mataman lang syang tinitingnan. Naaasiwa na sya rito. Kung dati ay matutuwa sya kahit isa'ng sulyap lang nito, iba na ngayon. -- "Don't you dare try to ruin me, Montes." Mariin na sabi ng kausap ni Kent sa kabilang linya. Isa iyo'ng banta, alam ni Kent. Pero bakit pa sya matatakot? Pinasok nya ang g**o na ito. Bago pa sya pumasok sa g**o na kanyang ginawa ay alam nya ang kanyang mga pananagutan. Kaya bigla syang nagsisisi. Pero para saan pa? Wala ng urungan pa. "Are you threatened by me?" "You must be kidding, Montes. You know me, I won't be shocked by your little schemes." The guy in the other line mocked him. "Then why did you called, all of a sudden?" Bwelta nya rito. "I was just giving you a warning. Don't mess with me." Muling sumeryoso Napangiti sya. "Do what you wish to do." "Binabalaan kita. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa oras na malaman ko'ng gumalaw ka ulit." Iyon lang at agad sya nito'ng pinagbaksana ng telepono. Iiling iling syang bumalik sa kanyang kwarto. Muli, tila nawalan na naman ng sigla ang mansion na iyon. Matatagalan pa'ng bumalik ang asawa nya. Yeah, it's so nice to have someone he can call wife specialy at si Patricia iyon. Inaamin nya na naging selfish sya ng I blackmail nya ito, ngunit nangako naman sya na mamahalin ito ng totoo. Yes, he's beginning to really like her. Hindi nya maipaliwanag pero there's really something in her na napapalambot sya in an instant. Problema nya nga lang ay galit na galit ito sa kanya. -- "Nakaka bored! Wala man lang magawa." Julianne exclaimed as she extended her arms to the air. One week na mula ng makabalik sya ngunit hindi nya pa rin nya alam kung paano sasabihin sa pinsan na kasal na sya ng hindi ito magdududa, magtataka o magugulat. Lubhang napaka hirap pero ginawa nya lang naman ito para dito. "Ano'ng gusto mo'ng ulam?" Imbes ay tanong nya rito. Ibinaba nya ang binabasa'ng pocketbook. Nagpabili sila ng sangkatutak na magazines, pocketbooks at mga reading materials kay yaya Perla na kanilang babasahin. "Surprise me." She giggled. Natawa sya dito. Para pa rin talaga ito'ng bata. Tumayo sya mula sa pagkaka upo sa sofa. Papunta na sya ng kusina ng makasalubong nya si Jet na kakapasok lang. Umiwas sya ng tingin dito. "Magluluto ka na ba ng hapunan?" Tanong nito. Tumigil sya sa paglalakad pero hindi pa rin humarap dito. "O-oo." "Tulungan na kita." Naglakad ito papunta sa kusina, linampasan pa sya. "Ah eh, ano, wag na. Hindi mo naman gawain to." Hinarang nya ito. Hindi katulad ng mga nakaraan na araw, maaliwalas ang mukha at aura ni Jet ng oras na iyon. Naka suot ito ng baseball cap. Tinanggal nito iyon at inilapag sa counter. "I want to help." He even smiled! "I-ikaw ang bahala." Sabi nya na lang. "Ano ba ang lulutuin natin?" He asked. Binuksan nya ang freezer. Inilabas nya ang dalawang whole ham at inilapag sa lababo. "Ito na lang. Ikaw mag prito, ako gagawa ng sauce." Sabi nya rito. Tahimik ito'ng sumunod. Inihanda ni Jet ang frying pan, nilagyan ng mantika at hinihintay na mainit. Hinanda nya naman ang sauce pan at kumuha na ng mga ingredients para sa sauce na gagawin nya. Mahihilig sa maanghang ang mga body guards nila kaya sweet at sweet and spicy ang gagawin nya. Tig isa nilang sinimulan na hiwain ang whole ham. Kapwa sila walang imik habang ginagawa ito. Wala syang balak na mag open ng topic. "Ate nakita mo ba si- Oh! Andito ka lang pala Jet." Si Julianne iyon. Hawak nito ang wireless phone nila. Nagpasalit salit ang tingin nito sa kanila ng lalaki. "Ah eh nag volunteer syang tumulong." Defensive na sabi nya bagamat hindi naman nagtatanong ang pinsan. Sabay silang humarap kay Julianne. Tumawa si Julianne. "Si Ate parang naka kita ng multo." Sabi nito. Bumaling ito kay Jet. "By the way, gusto ka daw makausap ni Daddy." Inabot nito ang hawak kay Jet. Kinuha naman ito ng lalaki. "Excuse me," Sabi nito at lumabas sa kusina. Itinuloy nya naman ang ginagawa. Lumapit sa kanya si Julianne. "May napapansin na ako." Bigla ay sabi nito. "Ano naman yon?" Patuloy pa rin sya sa ginagawa. "Hindi masungit sayo si Jet, palagi ka pa'ng tinutulungan to think na unang kita nyo pa lang dati." Playful ang dating ng boses nito. Kung alam mo lang. "Ah, eh baka mahilig lang talaga sya mag luto." Wala sa sarili na sabi nya. "Siguro nga. Pero yung pagiging snob nya, sexy ang dating sa akin." Pilya ito'ng ngumiti. Napatigil sya sa paghihiwa. "Do you like Jet?" Cassual na tanong nya. "Siguro. Ewan ko. Parang kagaya lang din siguro to ng pagkakagusto ko sa iba, naiba nga lang kasi halos araw-araw ko syang nakakasama." Ngayon lang sila ulit nagkasarilinan ng ganon. Nagi guilty sya dahil parang hindi nya nasusulit ang binigay na palugit ng 'asawa' nya sa kanya. Dahil palagi syang may iniisip ay hindi sila masyado nakakapag kwentuhan ni Julianne. How she missed times likes this. "Sya nga pala Ate, talaga ba'ng walang nangyari sayo or whatsoever nung madukot ka? I mean, hindi kita pinagdududahan, baka lang kasi may nakaligtaan ka'ng sabihin." Sabi nito. Isa isa nya nang nilagay sa frying fan ang ila'ng hiwa ng ham. Pinaghalo halo nya naman na ang mga ingredients sa sauce pan para magawa na ang sweet sauce ng ham. "Ano ka ba, Julianne. Ang dami mo'ng iniisip." Imbes ay sabi nya na lang. sapat ng minsan ay nagsabi sya dito ng napakalaki'ng kasinungalingan. Nagkibit balikat na lang ito. Ila'ng sandali pa ay bumalik na si Jet. Hindi na nito hawak ang wireless phone na ibinigay dito ni Julianne kanina. "I'm back!" Masiglang sabi nito. Itinaas pa nito ang dalawang kamay. "Sorry, nag multi tasking ka tuloy." Umiling na sabi nito sa kanya. "Okay guys, I'll leave the kitchen to you. Sarapan nyo!" Kumindat pa si Julianne bago sila iwan. Binaliktad na ni Jet ang mga naka salang nang ham. "A-ano pala ang sabi ni tito?" Hindi makatiis na tanong nya. "Wala naman, some things." Sa tipid ng sagot nito ay tila kinabahan sya. Matipid ito sumagot kapag tila may ayaw ito sabihin, bagamat hindi ito mahahalata kung hindi sya kilala ng isa'ng tao dahil napaka natural nito sumagot. "I see." Hindi nya alam kung bakit tila binundol ng kaba ang dibdib nya. Kung may hindi naman sinasabi si Jet sa kanya about sa napag usapan nito at ng tito nya, marahil ay dahil usapang lalaki ito o nakikibalita lang ang tito nya sa sitwasyon nila. Kinagabihan, hindi nya maintindihan kung bakit parang nakaramdam sya ng pangungulila. Pangungulila kanino? Kay Kent ba? Woah. Where did that idea came from? But honestly, she feels like she wants to see Kent at that time. Marahil ay nagalit ito sa kanya dahil hindi nya sinasagot ang mga tawag nito. Ngunit ano ang magagawa nya? Palagi nyang kasama si Julianne, at kung iiwas naman sya dahil may tumawag sa kanya, siguradong magtataka ito dahil hindi nya gawain iyon. -- "Let's eat at Piazza." Imbitasyon iyon, hindi tanong. Iyon ang agad na bungad ni Julianne sa kanya nang lumabas sya sa kwarto nya. Ang Piazza Cherie na tinutukoy nito ay isa'ng Italian restaurant na nasa baba lang ng tower na tinutuluyan nila. It's a fine dining restaurant. "P-papayag ba sila Maki?" Tanong nya. Tumango si Julianne. "Yeah, sinabi ko na sa kanila. Ikaw na lang ang hinihintay." Wala syang nagawa kundi ang sumama na lang sa mga ito. Nagsuot sya ng cardigan upang patungan ang v-neck above the knee black dress nya. Si Julianne naman ay naka mini dress na bulaklakin ang style. Kahit kailan ay mukhang hindi talaga sya masasanay ng may kasabay na parang mga alalay tuwing may pupuntahan sya, while Julianne seems to be enjoying it. Sila Jet, Maki at Albert lang ang kasama nila. Naiwan ang dalawa pa sa condo nila. "D-dito na lang kayo, wala naman siguro'ng magtatangka ng masama sa amin sa ganito katao na lugar." Sabi nya kila Jet ng papasok na sila sa Piazza. Baka hindi sya makakain kung doon sila babantayan ng mga ito. Tumango lang si Jet at tumabi upang bigyan sila ng daan. Madami dami ang tao sa Piazza ng oras na iyon , karamihan ay may mga edad na at may mangilan ngilan na mga ka edad nila. Pinili nila ang isa'ng mesa kung saan sila nakikita nila Jet. "Ano ba ang naisipan mo at dito mo gusto kumain? Nagsawa ka na ba sa luto ko?" Tanong nya sa pinsan ng maka upo na sila. Tumawa ito. "As if. Kahit kailan hindi ako magsasawa sa luto mo. Ikaw lang ang inaalala ko, hindi naman masama na minsan, mag day off ka kaka luto." Linapitan sila ng waiter at binigyan ng menu. Kagaya ng inaasahan ay double lasagna with garlic bread at white wine ang inorder nito. Sya naman ay tuna fillet with carbonara at white wine na rin. "Hindi natin natuloy ang roadtrip sana natin." Sabi ni Julianne ng makaalis na ang waiter dala ang order nila. "Malay mo, one of this days matuloy na natin." Sabi nya. "Minsan gusto ko sila takasan." Inginuso ni Julianne sila Jet na lumilinga linga sa paligid. "Ano ka ba." Saway nya rito. "Yan ang wag na wag mo'ng gagawin." "Oa mo 'te!" Natatawa na tinapik ni Julianne ang kamay nya. "Of course hindi ko gagawin yun. Edi nadedo ako ng wala sa oras." Natawa na rin sya. It's a good thing na positive pa rin ang pinsan nya. Nang dumating na ang kanilang inorder ay kaagad silang kumain. They shared a sumptuous breakfast. Akmang tatayo na sya ng mauliningan nya ang isa'ng pamilyar na mukha approaching from Piazza's entrance. "K-kent.." Mahinang usal nya. Nang makumpirma na ito nga ay may urge sya na salubungin ito ng yakap. "'Te, kilala mo?" Nagtataka na tanong ni Julianne. Bahagya rin ito'ng napatitig sa lalaki. Naka executive attire si Kent. She had never seen him this gorgeous. "Hi." His radiant smile swept her away from her feet. "A-ano'ng ginagawa mo dito?" Napakurap sya. Nawala ang ngiti nito. "Can't I visit you?" Bago pa sya makasagot ay mabilis na hinila ni Jet palayo sa kanya si Kent. Humahangos rin na sumunod sila Maki at Albert. Gulat na napaatras si Kent. "Who are you?" Kunot ang noo at matigas na tanong ni Jet kay Kent. Naka harang sa harap nila ni Julianne ang kaliwang braso ni Jet. They instantly created a scene. Nasa kanila na ang atenyson ng halos lahat ng tao sa Piazza. "What the hell. Who are you?" Mas madiin ang mga kataga na binitiwan ni Kent. Mula sa entrance ay pumasok rin ang mga lalaki'ng hula nya ay ang mga guard naman ni Kent. Iniharang ng lalaki ang mga kamay nito, meaning, huwag sumali ang mga ito. Naikuyom nya ang mga palad bago nagsalita. Tinitimbang nya pa sana kung sasabat sya o tatahimik pero impossible ang huli nyang naisip. "Wait, Kent won't do harm. I know him." Sabi nya kay Jet. Tumigas ang anyo ni Jet. "Kent? Kent Montes?" Napa-awang ang mga labi nya sa sinabi nito. Bakit nito kilala si Kent?! "Guys, explain to me what's happening." Si Julianne iyon. "You got to be kidding me. Is this Kent Montes?" Muli ay tanong ni Jet. Tila hindi ito makapaniwala. "I didn't know I was pretty well known here." Seryoso naman na sabat ni kent. "W-wait, paano mo-" "He's the primary suspect sa pagkaka dukot sayo." Agad na sagot ni Jet, hindi pa man nya natatapos ang kanyang tanong. "What?!" Sabay sabay na sabi nya, ni Kent at ni Julianne. Bago sila ulit magsalita ay may isa'ng eleganteng babae ang lumapit sa kanila. "Excuse me, ladies and gentlemen. Is there any problem here?" Nabaling dito ang lahat ng atenyson nila. "I am Claudia Arce. I own this place, and I am sorry to say but I think all of you are already creating some scene. It's not healthy." Kimi na sabi nito. She was wearing a mini dress made of silk, tinalbugan pa si Julianne. " It's alright, Claudia, I can handle them." Tugon ni Kent. Tila nagulat ito ng mamukhaan kung sino ang nagsalita. "Kent Montes, I didn't know you'll come. I remember you saying you don't really like Italian food." Ngumisi si Kent. "I remember it right, Claudia. Don't worry. I'm not here to eat. I just wan't to fetch my beloved wife." Natuon ang tingin nito sa kanya. "Y-your what?!" Nagkasabay pa sila Julianne at Claudia. Dahan dahan na lumapit sa kanya si Kent. Kung pwede lang na bumuka na ang lupa at lamunin sya ay pinagdasal nya na. Ano ba ang sinasabi ni Kent?! Did he just announced na mag-asawa na sila?! "My wife. I want all of you to meet my lovely wife, Patricia." Inakbayan sya nito. -- "Nababaliw ka na!" Sigaw nya kay Kent ng mapagsolo sila. Sumama sya dito sa mansion nito sa kabila ng sinabi, bagkus, pinakiusap ni Jet sa kanya. "Wala sa usapan natin na gawin mo iyon!" "Well, wala rin sa usapan na hindi ko pwedeng gawin iyon." "For God's sake, Kent! Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?! Did you just realized that you ruined me? You ruined everything!" Frustrated na sabi nya. Galit sya dito, galit na galit na tila sasabog ang pakiramdam nya. "For once, Patricia. Will you listen to me? Hindi ba at pinabalik kita sa condo na iyon upang ipaalam sa pinsan mo na may asawa ka na? Hindi ba at nasa kasunduan natin iyon? Ikaw ang hindi sumunod!" Mataas na rin ang boses ng lalaki. "You should have given me more time! Ano ang akala mo, ganoon lang kadali sabihin na 'Hey, pinsan, alam mo ba na nag-asawa na ako at bumalik lang ako para ipaalam sayo?' Do you think it's just that easy?!" Singhal nya rito. Wala na syang pakealam kung marinig man ng lahat ng kawaksi nito ang pagtatalo nila sa Library. "Una pa lang, ginawa mo na sana ang part mo, and that is to inform your cousin that you are no longer single, Dammit!" "Hindi ganoon kadali iyon!" Asik nya. "Wala ka sa kalagayan ko! Sigurado ako na malaon at hindi ay malalaman na rin ito nila Tito George at ng mama ko. Wala ako'ng mukhang maihaharap sa kanila kapag nagkataon!" Naihilamos ni Kent ang mga kamay sa mukha bago nagsalita. "Isa'ng lingo ka nang nakabalik, Patricia. May balak ka ba talagang ipaalam sa pinsan mo iyon o mas gusto mo a makipagmabutihan sa lalaki'ng yon?!" Nangunot ang noo nya. "What are you saying? Are you talking about Jet? My God! Madumi pala ang isip mo eh. Wala kami'ng relasyon! He's my cousin's guardian, our guardian!" She insisted. "I saw it!" Kaagad na sabi nito. "The way he looked at you, the way he was devastated after learning that you're already married. Lalaki ako, Patricia. Alam na alam ko ang ganoong pakiramdam." Bahagyang bumama ang tono nito. "Wala kami'ng relasyon. He's just our guardian. Ano ba kasi ang ginagawa mo doon? Wala sa usapan natin na magkikita tayo within that two weeks! You ruined it!" "Because!" Whatever he was about to say, it seems like something stopped him from saying so. "Because what?" Tumalikod ito. "Because.." "Kent, because what?!" Nagiging impatience na sya. "Because I think I miss you." Mabilis na sabi nito at mabilis rin sya nito'ng iniwan sa library ng nakatulala. -- "This is not happening. Nanaghinip lang ako." Bahagyang sinampal ni Julianne ang sarili. Kaaalis lamang ng Ate Patricia nya kasama ang Kent Montes na iyon na nagke claim na kasala diumano ang ate nya dito. At ng tumawag si Jet sa NSO ay nakumpirma nila na totoo iyon. After he announced that they were married, hindi nagsalita o tumutol ang Ate nya. Wala syang alam na nobyo ng Ate nya. At lalo'ng hindi nya maisip kung paano'ng naging mag-asawa ang mga ito. He knew Kent Montes because she read his name in one of a news paper's society page. Puno ng tension ang paligid. Tahimik lang si Jet sa isa'ng tabi at mukhang napaka lalim ng iniisip. Naiwan rin na tulala at hindi makapagsalita si Claudia Arce ng magkahawak ang kamay na umalis ang dalawa. Narinig nya na lang ang Ate nya na nagsabi'ng "I'll explain, promise." Pinigilan ni Jet ang kamay ng Ate nya bago ito ayain paalis ni Kent. Hindi nagsalita si Jet but he saw that his eyes were begging her cousin not to go. Hindi nya alam kung bakit nasaktan sya sa nakita. At hindi nakaligtas sa kanya ang mga luha na nagbabadyang tumulo sa mga mata ng lalaki ng kusang binitawan ng ate nya ang kamay nito. "J-jet.." Pukaw nya sa lalaki. Unlike what she expected, kaagad ito'ng tumalima. "P-paano nyo nga pala nasabi na si Kent ang primary suspect sa pagkakadukot kay Ate?" Pumikt muna ito bago sya sinagot. "Your dad told me." "What?! But you never told us!" Gulat na sabi nya. "P-paano nya nasabi?" "Sabi ng dad mo, si Kent Montes daw ang hula nya na gusto'ng pagpadukot sayo dahil tinanggihan daw ng dad mo na makisosyo sa business ng Kent na iyon. And that maybe he wants revenge and eventually use you para ma force ang dad mo na pumayag na makipag deal sa lalaki na yon." "My God!" Usal nya. "Yeah. Hindi ko rin binanggit kay Patty dahil duda ako sa kwento nya noong maayos syang nakabalik. I don't know how or why but there's a reason kung bakit nagawa nya ito. Hindi ganoon si Patty." Tensyonado na sabi pa nito. Yumuko pa ito. Napa-awang ang bibig nya. 'Patty'? She remembers her cousin talking about her first love, and that he's the only one who calls her cousin 'Patty'. Nagkaroon sya ng kutob. Possible ba na si Jet ang kinwento ng pinsan nya na first love nito? "M-mukhang matagal na kayo'ng magkakilala ni Ate.." Mahinang sabi nya. Iniangat nito ang ulo at tumingin sa kanya. "Huh? Hindi nya ba sinabi sayo? We were childhood friends.. and maybe childhood sweetheart too." Kibit balikat na sabi nito. Tila gumuho ang mundo nya sa narinig. "Ah, h-hindi, nabanggit ni ate na kilala ka na nga nya, hindi n-nya lang nasabi na ganun pala katagal." Palusot nya. Tumayo sya. "C-care for a drink?" Alok nya. Kailangan nyang makaalis sa harap nito. "Are you sure?" Naniniguro na tanong nito. Tumango sya at agad na tumalikod. Doon bumagsak ang mga luha na kanina nya pa pinipigilan. Dumiretso sya sa wine bar na nasa bandang kaliwa lang ng kitchen. Kumuha sya ng isa'ng bote ng whiskey at dalawang baso. Kumuha rin sya ng bucket at pinuno iyon ng yelo. Inilagay nya sa isa'ng tray ang lahat upang madala nya na sa sala. Inayos nya ang sarili bago muling bumalik. Naroon pa rin si Jet, mukhang may malalim na naman na iniisip. Inilapag nya sa mesa na parehas nila'ng kaharap ang dala nyang tray. "Woah. Looks like hindi mo pa tanggap na may asawa na ang pinsan mo." Sabi nito ng makita na isa'ng bote ang dala nya. Pinilit nyang ngumiti. Marahil ay tama ito, ngunit may bahagi ng isip nya na nagsasabi na isa pa'ng dahilan ay ang mga rebelasyon na nalaman nya rito kanina lang. She invited all of her body guards, sumali ang mga ito, ngunit ila'ng shot lang dahil kailangan pa raw ng mga ito na bantayan sya. Inoobserbahan nya si Jet habang umiinom ito. Mas mukha ito'ng problemado sa kanya. Matataas ang tagay nito at sunod sunod pa. Sino ang hindi mag-iisip na nasasaktan ito dahil nalaman nito na may asawa na ang pinsan nya? At sino naman ang mag-iisip na itinatangi nya ang lalaki na ito at nasasaktan din sya ng mga oras na iyon? Sa mga ganoong oras nya kailangan ang Ate nya, pero napaka impossible na. May asawa na ito, at isa pa ito sa mga may hinanakit sya. Dapat syang magalit dito dahil pinagmukha sya nito'ng tanga. They were suppose to be bestfriends, cousins and sisters! "L-lasing ka na yata." Sabi nya kay Jet, Natatapon na ang pagsalin nito ng alak sa baso. "N-nho. Hindi ako lhasing. I-inom pa thayo." Namumungay na ang mga mata nito at hindi na rin ito straight magsalita. "No, lasing ka na. Tama na." Akmang sasarhan nya na ang ikalawang bote ng whiskey ng pigilan sya nito. Hinawakan nito ang kamay nya. Nakaramdam sya ng kuryente kaya dagli nya it'ong binawi. "H-hindi akho lhasing." Pagak ito'ng tumawa. "K-kung andhito si Patty, aasarin pha ako nun na weak! Palibhasa, malhaki ang kaha nya khaya mhadami syang naiinom." Muli ito'ng tumawa. Bumunto'ng hininga sya. "W-wala si Ate, Jet. M-may asawa na sya." Wala sa loob na sabi nya. Inilapag ng lalaki ang hawak na baso sa mesa. "Si Patty? Alham ko na may inililihim sha. Alham ko yun. Mhay dahilan khung bhakit sya nhagpakasal sa Khent na yun." May pagka slow motion na rin ito magsalita. Imbes na sumagot ay tumayo sya at tumawag ng kasamahan nito para awatin na uminom ang lalaki. Ni hindi na nga ito maka tayo ng maayos. Inutusan nya ang mga ito na dalhin sa kwarto ng pinsan si Jet at doon na patulugin. "Ma'am, tulog na si sir Jet." Sabi ni Maki ng makalabas na ito at si Albert mula sa kwarto. "S-salamat. Sige, matutulog na rin ako." Pumasok na rin sya sa kwarto nya. Isa'ng oras na syang pabiling biling sa kanyang kama ngunit hindi sya makatulog. Masyado'ng marami'ng nangyari this day, madami di'ng rebelasyon. Paano sya makakatulog agad? She checked her wrist watch. Alas diyes pa lang. Bumangon sya at sumilip sa sala. Wala doon ang mga body guards nya. She sneaked into the other bedroom. Gusto nyang pagmasdan ang mukha ni Jet. Sasamantalahin nya na ang pagkakataon. The she saw him sleeping comfortably sa kama ng pinsan nya. Muli, nakaramdam sya ng kaunting kirot. Lumuhod sya sa gilid ng kama upang mahaplos ang mukha nito. She started caressing his forehead, nose, cheeks and lips. Bahagya ito'ng gumalaw. He was murmuring something. "Patty.." Laglag ang balikat na muli syang bumalik sa kanyang kwarto. Kung sana sya na lang ang nagustuhan nito, kung sana sya na lang at hindi ang pinsan nya, hindi sana ito mahihirapan at masasaktan. Kung sana lang.. -- One of Philippine's most eligible bachelor Kent Montes, is he really married?! Montes Conglomerate's Prince, Kent Montes, announced that he is married in public! Who is the lucky girl who got Kent Montes' heart? "Whats this?!" Nanlalaki ang mga mata na tanong ni Patricia sa asawa ng isa isa nyang makita ang mga bold letters na iyon sa iba't iba'ng society page ng iba't iba'ng news papers. May isa pa'ng may picture sila na kuha ng paalis na sila sa Piazza kahapon. "It means you're lucky." Sabi nito. Nagbabasa rin ito ng news paper at hindi nya alam kung bakit nagbigay ng kakaibang saya sa kanya ng makita nyang suot nito ang wedding ring nila. Tila kumikindat kindat pa ang kinang niyon sa kanya. Muli nyang binigyan ng pansin ang mga hawak na news paper. "Wh- You got to be kidding me!" Muli nyang tiningnan ang mga articles at pinasadahan ng basa ang ilan doon. Ibinaba ni Kent ang hawak na tasa ng kape at tumayo. He was wearing a suit again this time. Ang sabi sa kanya ng mayordoma nito ay pumapasok lang ang lalaki sa opisina nito ayon sa gusto nito'ng oras at araw. It didn't occurred to her na ito pala ang nagmamay ari ng isa sa mga pinaka malaki'ng shipping lines sa Pilipinas! Inakusahan nya pa ito na baka yumaman ito dahil sa pangingidnap! Sabagay, hindi naman sya nito masisisi. "Satisfied with what was written there?" Kent gave her a playful smile. Dagli nyang ibinaba ang hawak na mga news paper. "P-papasok ka ba?" Imbes ay tanong nya. Kakatapos lang nilang mag-agahan at wala sila'ng imikan nito habang kumakain. "I'm afraid I have to." Inayos nito ang pagkaka butones ng suit nito. "Got to go." Akmang hahakbang na ito palabas ng tawagin nya ito. Lumingon ito sa kanya. "Yes?" Lumapit sya dito at inayos ang naka tabingi nito'ng necktie. They were so close. She can feel his hot breath into her forehead. Tiningala nya ito and their eyes met for split seconds. Bago nya pa mamalayan ay papalapit na ng papalapit ang mukha nito sa kanya. She knew what was going to happen. Sinasabi ng utak nya na pigilan ito but her body says not to. Ipinikit nya na lamang ang kanyang mga mata at inihanda ang sarili sa mangyayari. Until his soft lips brushed hers. The feeling is unexplainable! Nagsimulang bumuka ang kani kanilang mga labi hanggang sa mamalayan nya na lang na ang kanina'ng simpleng halik ay naging intense. She tasted him, their tongue was like swords in a battle, hungry for each other. Naramdamn nya na hinapit sya nito sa bewang papalapit sa katawan nito. Ang mga kamay nya naman ay tila automatic na dinala sa balikat ng asawa at ipinulupot sa batok nito. Tila tumigil ang oras habang pinagsasaluhan nila ang halik na iyon. Their lips parted. Kapwa nila hinahabol ang hininga matapos ang kanilang ginawa. Hindi sya makatingin sa lalaki. He lifted her chin and again, looked into her eyes. "Pwede naman ako'ng hindi pumasok ngayon at gumawa ng mas may kabuluhan na bagay." Seryoso na sabi nito. She can see his eyes were burning with desire. Bigla ay naitulak nya ito palayo sa kanya. "B-baka ma late ka na." Nakayuko na sabi nya rito. Isinuklay nito ang mga daliri sa buhok. 'Damn, that was delicious." Imbes ay sabi nito. "Halika nga rito." Marahan nito'ng hinila ang kamay nya. "Sa uulitin, huwag ka'ng magpapa cute sa akin sa sala at sa mga ganito'ng pagkakataon. It's not healthy." Natawa sya ng marealize na ginaya nito ang boses, way ng pagsasalita at exact words ng Claudia Arce na nakilala nya sa Piazza. "Sira!" Pinisil nya ang matangos nito'ng ilong. "You better get going." Sabi nya. Sa wakas ay bitawan na sya nito. Muli sya nito'ng binigyan ng isa'ng mabilis na halik sa labi bago sumakay sa kotse. Inihatid nya ng tingin ang asawa nya. Magaan ang mga hakbang na bumalik sya sa terasa kung saan sila kumain ng agahan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD