Muli nyang binalikan ang mga news papers na binabasa nya. Para syang baliw na patigil tigil at maya maya ay dinarama ang kanyang mga labi. It seems like Kent's kiss still lingers on her lips. Ayaw man nyang aminin ay kinikilig sya!
Kung sa pamagat at sa pasadang basa nya pa lamang ay shocking na, mas na shock sya nang mabasa na ang mga articles. Shocks. Napaka ironic ng mga nangyari. Nagpakasal sya rito ng hindi nya ito kilala upang mailigtas ang pinsan nya sa pangkikidnap nito rito without even knowing why he would want to kidnap her cousin!
Natampal nya ang kanyang noo. Bigla ay parang nawala na sya sa kanyang mundo. Tila iba'ng mundo na ang kinaroroonan nya ngayon. Tipo ng mundo na hindi makatotohanan at anytime ay pwede syang magising at ma realize na panaghinip lang ang lahat.
Nang maalala nya ang pinsan na si Julianne ay kaagad nyang idinial ang landline number ng unit nila. Gusto nya'ng magpaliwanag sa pinsan ngunit hindi nya rito sasabihin ang tunay na dahilan kung bakit sya nakasal kay Kent.
Ayaw nyang matakot ang pinsan nya. Naisip nya na mamaya nya na lang kakausapin ang asawa tungkol sa motibo nito kung bakit nito gusto'ng ipa kidnap ang pinsan nya. Naka ilang ring ang lumipas at wala pa rin sumasagot. Muli nya ito'ng idinial.
"Hello, this is Julianne. May I help you?" Sa wakas ay sumagot na ang pinsan nya.
Hindi sya agad naka sagot.
"Hello? Who's this?"
"J-julianne." Tila bulong na sabi nya.
Hindi sumagot ang nasa kabilang linya.
"J-julianne, ako 'to. A-alam ko na galit ka sa akin after mo'ng malaman na kasal na ako. I am sorry." Tila maiiyak na sabi nya.
Muli, hindi sumagot ang nasa kabilang linya.
"Julianne? Magsalita ka naman, oh. Please." Pakiusap nya.
"I thought we were not just cousins, we were sisters and bestfriend. We were not supposed to keep secrets from each other." Puno ng hinanakit ang boses nito. "H-hindi na kita kilala."
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha nya na kanina pa nagbabanta. "I am so sorry, Julianne. Everything that I did has reasons."
"Pati ang paglilihim na matagal na kayo'ng magkakilala ni Jet? Na sya ang first love mo? Na childhood sweetheart mo sya?" May himig paghihimagsik ang boses nito.
Napatigalgal sya sa narinig.
"Bakit pinagmukha mo ako'ng tanga!" She's crying too! "Ang sakit sakit Ate! Hindi ko akalain na ikaw pa ang unang gagawa sa akin nito." Humahagulhol na sabi nito.
Masakit para sa kanya na marinig ang pinsan sa ganung tono. It was her fault, pero ito ang iniisip nya. "I am really sorry." Ang tangi nya lamang na nasabi bago ibaba ang telepono sa awdotibo at umiiyak na umakyat sa kwarto.
Maganda ang mood ni Kent ng araw na iyon. Sa wakas ay nagawa nya na rin ang bagay na gusto'ng gusto nya nang gawin unang beses nya pa lang makita sa charity event ang asawa, ang mahalikan ito.
"Good Morning Mr. Chairman." Magalang na bati sa kanya ng mga empleyado nya na alam nyag nagtataka kung bakit mag isa syang ngumingiti habang naglalakad papunta sa opisina nya.
Kasunod nyang maglakad ang secretary nyang si Grace, ang assistant nyang si Armand, ang operation manager na si Mr. Kim, ang isa sa kapitan ng mga barko nila na si Capt. Veloso at ang iba pa'ng shareholders ng kumpanya na matagal na syang hinihintay upang mapag-usapan ang expansion na gusto ng mga ito.
Dumiretso sila sa conference room na katabi lang ng kanyang opisina. Kita'ng kita sa glass wall ng conference room ang tatlo sa labing limang barko na pag-aari nila. Hawak nya ang fifty percent ng stocks at ang anim na kaharap nya ang naghati hati ng isa pa'ng fifty percent.
"Okay, let's start. Sino ang unang mag rereport ng kanilang proposal?" Masiglang sabi nya na bahagya pang gumalaw galaw sa swivel chair na kinauupuan nya.
Hindi nakalagpas sa kanya ang pagtataka at pagtitinginan ng mga kaharap nya dahil sa behavior na pinapakita nya ng oras na iyon. Hindi nya naman mapigilan na maipakita ang saya kaya palalampasin nya na muna ang mga ito.
Isa isa'ng nagpakita ng mga proposal ang mga ito at buong atensyon nya naman ang ibinigay nya sa mga ito.
"Is that all?" Tanong nya.
Tumango ang mga ito.
"Okay, let's see. I like Mr. Daza's idea, but the project itself is a big risk. Mr. Santos, with regards naman sa proposal mo, I think na kailangan mo pa'ng pag-aralan ang iba pang ways para sa mas mapa mura ang advertisement." Sabi nya sa mga ito. "We need every cent na matitipid natin para sa expansion.
Sumang ayon naman ang mga ito.
"By the way, tumawag na kagabi si Mr. Cheng, nakausap ko na rin sya about sa gusto nya'ng pag hire sa Vera Cassiopeia. We will be signing papers later." Masayang balita nya.
Naghiyawan ang mga ito na tila bata. Ang Mr. Cheng na sinasabi nya ay ang mayamang negosyante mula sa China na nais arkilahin ang isa sa mga barko nila upang libutin nito at ng mga kamag-anak nito ang buong Pilipinas. Naipangako nya kasi na once na maisara nya ang deal dito ay kahit lahat ng mga ito ay magbakasyon muna.
Nang makapasok na sya sa kanyang opisina ay muli nyang naisip si Patricia. Para syang bata na kinilig sa halik nito. Sa dami kasi ng mga babae na nahalikan nya na, tanging ito lang ang nakapagpa excite sa kanya ng ganun, tipong kaagad nyang hinahanap hanap.
He wanted her then instantly. But as much as he wants her badly, he respects his blackmailed wife. Napaka fragile nito sa paningin nya. Gusto nya na ito ulit makita but he is trying to control not to go home.
An idea came to his mind. Pagkatapos nyang I meet before lunch si Mr. Cheng, susunduin nya na lang ito at lalabas sila. Maganda ang nakikita nyang hinaharap nila. At ngayon nga ay inaamin nya na'ng mahal nya na si Patricia.
--
Mugto ang mga mata ni Patricia ng madatnan sya ng mayordoma sa kanyang kwarto.
"Naku ma'am! Ano ho ang nangyari sa inyo?" Nag-aalala na tanong nito. Kaagad sya nito'ng nilapitan.
"W-wala ho ito Mamang." Sabi nya.
"Naku, sigurado ho ba kayo?"
Tumango sya ng ilang ulit dito.
"Eh tumawag po kasi si sir. Pinapasabi nya po na mamayang before lunch ay susunduin nya daw po kayo at sa labas daw po kayo kakain."
"S-sige po Manang, salamat."
"Maghanda ka na daw po agad. Sige po." Tumalikod na ang katulong ng tinawag nya ito.
"M-manang, pwede ho ba ninyo ako'ng kwentuhan about kay Kent?" Alanganin na tanong nya rito.
Hindi naman tumanggi ang mayordoma, mukhang willing na willing pa nga ito.
"Ang totoo po nyan, may kapatid si Sir Kent. May ate sya, namatay lamang dahil sa sakit sa puso, fifteen years old pa lang si Krissa noon, twelve naman si Sir. Napakabait ng mag asawa na Donya Cecilia at Don Leoncio, sadyang rebelde lang talaga si sir."
Mataman naman syang nakikinig.
"Tapos, noong mamatay ang mama at papa nya dahil sa shipwreck, awang awa kami'ng lahat sa kanya. Napakabata nya pa, bente anyos lang sya noon. Wala syang alam na trabaho, wala naman iba'ng pag-iiwanan ng kanilang business."
"Ang ginawa nya, nagpa tutor sya, crash course kung baga, kung paano mapapalakad ang business nila. Ang sungit sungit nya noon, lahat kami sinisigawan kapag nagagalit. Ila'ng taon din syang ganoon. Iniintindi na lang naming sya kasi matagal na kami'ng lahat dito."
"Eh, paano ho nagkaroon ng mga bodyguards si Kent? I mean, parang napakarami naman po nila." Tanong nya.
"Usap usapan na may nakabangga daw na d**g lord si Sir, may nagsasabi naman na si Sir daw mismo ay may ginagawang illegal, pero lahat kami hindi naniniwala." Halos bulong lang na sabi nito.
Tumango tango sya.
"Kahit kailan, hindi sya nagdala ng babae dito, bagamat madami na link kumbaga sa kanya. Karamihan mga artista, anak ng politico. Nakow, pagkamanga aarte." Sumimangot ito. "Nung dumating ka dine, sumigla si sir. Ngayon lang namin nalaman na ikaw pala yung pinapahanap nya dati pa."
Nagulat sya. "H-ho?"
"May pinuntahan daw kasing event si Sir, at narinig ko ke Marlon eh may nakita daw si sir na babae doon tapos hindi nya na makita kaya pinahanap. Wala daw makahanap. Tapos bigla ka nyang dinala dito."
Nalito sya bigla sa kwento ng matanda. Sinasabi ba nito na sadya ang pagkakadala sa kanya ng mga tauhan ni Kent sa mansion nito? Ah! Tinapos nya na ang pagpapa kwento dahil baka lalo lang syang maguluhan.
Natuklasan nya rin na ulila'ng ulila na pala ito. Bigla ay gusto nya ito'ng yakapin ng mahigpit at sabihin na magiging okay lang ang lahat, na huwag ito'ng mag alala dahil mula ngayon, hindi na ito mag-iisa.
Nagpasalamat sya sa mayordoma. Mas naging determinado tuloy syang kausapin ng sarilinan ang asawa. Tutal naman eh magkikita sila mamayang tanghali, inireserba nya na lang ang sangkatutak na tanong nya sa kanyang isip.
She was flattered though, ng sabihin ng mayordoma na sumigla daw si Kent ng dumating sya sa mansion nito. Huminga sya ng malalim bago tumingin sa suot na wrist watch. May dalawang oras pa sya. Magbababad na muna sya sa bathtub.
Eleven thirty pa lang ay nakahanda na sya. Namomroblema pa sana sya sa isususot nya ng sabihin sa kanya ng katulong na may mga damit daw sa wardrobe nya. Hindi naman kasi sya nangahas na pumasok doon.
Nalula sya sa dami ng mga damit na naroon. Ayon sa katulong na nakausap nya ay mula ng ikasal sila ay araw-araw na raw na namimili si Kent ng mga damit kaya unti unti ay napuno ang wardrobe nya.
Nagsuot sya ng lavender pencil skirt at puti'ng blouse na pinatunagn ng bolero na kakulay lang din ng palda nya. Nilugay nya lang ang buhok nya. Sinuot nya ang mga alakahas nya na sinuot noong kasal nila, lalo na ang wedding ring nila.
She suddenly felt an urge to proclaimed na asawa na sya ni Kent at ipakita sa mga ito kung gaano kaganda ang wedding ring nila na ngayon nya mas naappreciate. Sumilip sya sa bintana ng may marinig syang ugong ng sasakyan. Si Kent na iyon!
Kaagad nya ito'ng sinalubong ng yakap habang papasok pa lang ito sa pintuan ng mansion nito. Yakap na mahigpit na mahigpit, just like what she has been wanting to do kanina pa.
"Hey, sobrang na miss mo na ako agad?" He chuckled. Ginantihan rin sya nito ng yakap.
Hindi nya napigilan ang maluha. Anything about this man affects her big time!
"W-wait, umiiyak ka ba?" Kumalas ito sa kanya at tiningnan sya. "What's wrong?" Kaagad ito'ng nag-alala.
Umiling sya. "W-wala naman. I just want you to know na from now on, hindi ka na mag-iisa. I'll stay with you, okay?" Sincere na sabi nya rito. "Pasasayahin kita sa abot ng aking makakaya."
Napa nganga ito sa sinabi nya. Ito naman nag naluha. "W-what are you doing?" Tanong nito. "You're making me cry!" Reklamo nito.
She smiled. Pinunasan nya ang luha nito. "You're so cute." Pinisil nya na naman ang ilong nito.
"Tama na nga, umalis na tayo at nagugutom na ako."
Pinagbuksan sya nito ng pinto. Nang makasakay na sila sa kotse nito ay tsaka lang sya nito pinuri dahil sa suot nya.
"I'm glad na may nagustuhan ka sa mga nabili ko." Sabi nito. Binabaybay na nila ang daan palabas sa village.
"Are you kidding me? Lahat kaya magaganda! Kung nagkataon na hindi pa tayo kasal, iispin ko na bakla ka." Biro nya rito.
Tumawa ito ng malakas. "How dare you!" Pabiro rin na sabi nito. "Ganon lang talaga ako kapag interisado ako sa isa'ng bagay." Paliwanag nito.
"So interisado ka sa mga damit?" Taas kilay na tanong nya.
"Silly. I was referring to Mrs. Montes." Masuyo sya nito'ng tiningnan matapos sabihin iyon. It made her blush.
"Ang cheesy mo!" Natatawang sabi nya rito. Dahil sa ganda ng mood nila, napagpasyahan nyang pagkauwi na lang nila sya magtatanong dito.
Dumiretso sila sa isa'ng fine dining restaurant sa isa'ng five star hotel somewhere in Ayala. Ayon dito ay mga members lang daw ang pwedeng kumain doon, or at least may isa'ng member na kasama ang isa'ng grupo para maka kain doon.
Nagpa reserve na pala ito ng table para sa kanila. Inabutan sya ng menu ng waitress.
"What would you like?" Tanong nito.
"Ahm let's see." She said as she scan the menu. "Steak na lang, medium rare, plus a mashed potato." Sabi nya sa waitress.
"Gano'n na lang din ang sa akin, minus the mashed potato." Sabi nito.
"Gaya gaya ka." Sabi nya rito ng maka alis na ang waitress.
"Yun naman talaga ang oorderin ko." Palusot nito.
"Sus, sana pala, rare ang sinabi ko." Natatawang sabi nya rito. Naalala nya na may napagalitan ito'ng cook sa kanila ng gawin nito'ng well done ang pinaluto nilang steak.
"Edi hindi ka rin naka kain." Sabya sila'ng natawa.
Matapos nila'ng kumain ay nag-aya si Kent na mag shopping daw sila. Habang naglalakad sila ng magkahawak kamay sa mall, batid nyang pinagtitinginan sila dahil sa kisig ng asawa nya. Marahil ay kilala pa ito ng mga nakakasalubong nila.
They entered a certain boutique na madalas nila'ng puntahan o bilhan ni Julianne. Nalungkot sya ng maalala ito. She was hoping na mapapatawad din sya ng pinsan pagdating ng tamang panahon.
"What's wrong?" Tanong ni Kent ng mapansin na nalungkot sya.
Pilit nyang pinasigla ang sarili. "A-ah, wala. Natutuwa lang ako. Married life is not bad after all."
Hindi naman sya masyado namili. Hindi naman talaga sya mahilig mag shopping. Sinasamahan nya lang lagi si Julianne dahil tila isa iyon sa mga hobby nito. Syempre pa, ang kanyang gwapo'ng asawa ang may bitbit ng mga pinamili nila.
"Kent Montes?"
Sabay sila'ng napalingon ni Kent ng marinig ang tinig na iyon.
"L-lindy!" Masiglang sabi ni Kent ng makilala ang babae.
Maputi ito, kulot ang buhok na halatang hindi natural. Matangkad sya dito ng kaunti. Payat ito pero walang shape, nagawa pa nito'ng magsuot ng fit na dress.
"Fancy meeting you here!" Malapad ang ngiti ng babae.
"Yeah, nagde-date kami ng asawa ko." Hindi nya alam kung guni guni nya lang o talagang binigyang diin ni Kent and salitang 'asawa ko.'
Tumango ang babae. "I see. So the rumors are true." Bumaling ito sa kanya at inilahad ang kamay. "Hi, I'm Lindy Segovia."
Nakipag kamay naman sya dito. "P-patricia na lang." Hindi pa naman ito masyado'ng nakakairita.
Muli ito'ng bumaling sa asawa nya. "So, I presume, papayag ka ng magpa interview sa Bronza Fair?"
Tumawa si Kent. "Whew. You caught me there. Sige, tawagan mo na lang si Grace to set an appointment."
"Okay, I will. So paano, I'll go ahead. Magkikita pa kami ni Sebastian." Sabi nito bago muling naglakad.
"Who is she?" Agad na tanong nya.
"Ah, sya dati ang official publisher ng company, nung nagpakasal na sya, lumipat na sya sa company ng napangasawa nya."
"And what about the interview?"
"Ah, yeah. Noon nya pa ako pinipilit magpa interview sa magazine na pinagtatrabahuhan nya. Biniro ko sya na kapag nagka asawa na ako. So I guess, wala ako'ng choice since mukhang ayaw mo na ako'ng bitawan." Tumingin ito sa kamay nya na nakapulupot nap ala sa braso nito.
Niluwangan nya iyon. "Sorry naman. Sa tingin ng mga babae dito sayo, it seems like inuubos ka na nila, matirhan man lang ako kahit braso." Biro nya.
Ginulo nito ang buhok nya.
After a while ay nagpasya sila'ng panuorin ang sunset sa Manila Bay. Mabuti na lamang at pumayag ito. Pasado alas siete na sila ng makabalik sa mansion. They are exhausted. Nagtatawanan pa sila habang papasok sa mansion ng salubungin sila ng isa'ng katulong, hawak ang wireless phone.
"Sir, may tawag po para sa inyo."
Kaagad ito'ng kinuha ng ni Kent. "Hello?" Sumenyas ito sa kanya na mauna na sya sa kwarto. Ilang sandali pa ay humahangos na umkyat sa kwarto nila si Kent.
"B-babalik lang ako agad, okay? Basta wag ka'ng aalis." Hinubad nito ang pang itaas nito at nagpalit simpleng puti'ng t-shirt.
"B-bakit? Saan ka pupunta?" Nagtataka at nag-aalala na tanong nya.
"Basta. Babalik lang ako agad." Hinalikan sya nito sa noo. "I love you." Kaagad din ito'ng patakbo na bumaba.
Hinabol nya ito ng tingin. Hindi maganda ang kutob nya. Nagsama ito ng dalawang body guard nito. Kaagad nyang kinausap ang driver nila na sundan ang asawa. Noong una ay ayaw nito dahil papagalitan daw sya ngunit sinabi nya rito na sya ang bahala.
Nagsama rin sya ng dalawang body guards. Bagamat nagulat ang mga ito ay wala nang nagawa ang mga ito kundi sumunod. Sa kakasunod nila sa kotse ni Kent ay napadpad sila sa pier dos. Nakita nyang nakaparada sa tapat ng isa'ng tila warehouseang kotse ng asawa.
"Ma'am, delikado ho. Kami na lang ang susunod kay Sir." Pigil ng mga bodyguards na kasama nya.
"Don't worry, kaya ko ang sarili ko. Sumunod na lang kayo sa akin." Paupo sila'ng naglakad papasok sa warehouse. Puno iyon ng mag boxes at drums. Hanggang sa nakita nya na si Kent. Nakatalikod ito, nasa likod nito ang dalawa'ng bodyguards na sinama nito.
Tila may kinakausap ang asawa. Nahintakutan sya ng makita na may hawak ito'ng b***l! Tinakpan nya ang bibig sa pagka bigla.
"Naku ma'am, delikado ho dito. Bumalik na lang kayo sa kotse." Ungot ng isa sa mga kasama nya.
Hindi nya ito pinakinggan. Pilit nyang tinitingnan kung sino ang kaharap ng asawa na tila kagalit nito. Umusog pa sya ng kaunti. Nakikita nya na ang kamay ng kausap nito. Familiar ang suot na relo ng kausap ng asawa nya. Umusog pa sya ng kaunti at nakita nya na kung sino iyon. Ang Tito George nya!
May hawak rin ito'ng b***l at sa likod nito ay may mas madami ito'ng kasama na tila mga goons. Ano ba ang nangyayari?! Magkakilala pala ang asawa nya at ang Tito George nya.
Hindi nya masyado maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito. Umurong pa sila palapit, nakakubli pa rin sila sa mga box at drums.
"Huwag mo ako'ng balikatarin, Paredes!"Si Kent iyon. Sa wakas ay naririnig nya na ang mga ito.
Narinig nyang tumawa ang Tito George nya. "Sayang ka Montes. Malaki ang potential mo. Sinayang mo lang."
Ano ba ang pinag-uusapan ng mga ito?
"Hindi mo ako nauto, Paredes. Iyon ang ipinuputok ng butse mo. Pwes, ngayon na natin tapusin to." Si Kent ulit.
Kinilabutan sya sa mga salita na sinabi ng asawa. Nanginginig sya sa takot.
"My, my. Napaka tapang mo yata ngayon, Montes. Hindi ka ba natatakot na maiwan mo ang asawa mo?"
Kinilabutan sya lalo sa sinabi ng Tito nya. Hindi sya sanay na ganun ito. Gusto nya nang magpakita sa mga ito pero tila may pumipigil sa kanya at tila may hinihintay pa syang marinig.
"Don't worry. Hindi kita papatayin, you bastard! Hindi ko alam kung ano ang pagpapaikot na ginawa mo sa anak ko upang mapapayag mo sya na pakasalan ka." Galit na galit ang tinig ng Tito George nya. Iniisp ba nito na si Julianne ang pinakasalan ni Kent? Tatayo na sana sya ng magsalita si Kent.
"Hindi si Juli-"
"Hindi lang si Julianne ang anak ko, Montes. Anak ko rin si Patricia."
Tila iyon isa'ng bomba na sumabog sa pagkatao nya.
"Nababaliw ka na ba?! What are you talking about?!" Tumaas ang boses ni Kent. "Anak si Patricia ng kapatid mo!"
"Anak ko si Patricia sa una ko'ng kasintahan bago ko maging asawa ang mama ni Julianne. Ipinaako ko lang sa kapatid ko si Patricia dahil gusto ko'ng magsimula ulit. Pati ang kinilalang papa ni Patricia ay binayaran ko lang upang may matawag syang papa." Seryoso ang pahayag na iyon ng Tito George nya.
Tulala sya habang pinapakinggan ang mga pahayag ng kinilala nyang Tito na ama nya pala.
"You're crazy!" Sigaw ni Kent.
"So what can you say? You should be calling me Daddy too." Ngumisi ito.
Itinutok ni Kent ang b***l na hawak sa Tito George nya. Ang mga goons naman sa likod ng Tito George nya ay nagkasa na. Nang akmang babarilin na ng mga ito si Kent ay dagli syang tumakbo palapit dito.
"Kent!" Sigaw nya.
Lahat sila ay napalingon sa kanya.
"Patricia!" Sigaw ni Kent.
"P-patricia!" Gulat na sabi ni George. "Wag kayo'ng magpapaputok!" Nilamon na ng putok ng b***l ang sigaw na iyon ni George.
Hindi na alam ni Patricia ang nangyari, basta ang gusto nya lang ay ang maipikit ang kanyang mga mata. Ang nag-aalalang mukha ng asawa ang huling nakita nya bago nya tuluya'ng maisara ang mga mata.
--
Tatlo'ng araw ng walang malay ang asawa ni Kent. He's been pestering the doctors kung bakit hindi pa rin ito gumigising sa kabila ng success ng operation nito. Natanggal na ang dalawang tama ng bala nito sa banding balikat at tagiliran.
"K-kumusta na si Ate?" Si Julianne iyon.
Hindi nya namalayan na nakapasok na pala sa private room na kinuha nya para sa asawa ang kapatid nito. Iyon ang unang beses na dumalaw ito kay Patricia. He must say, naging malaki'ng pasabog para sa magkapatid ang kaalalaman na half sisters pala sila.
"Ikaw pala." Tumayo sya. "Successful ang operation nang tanggalin ang bala sa balikat at tagiliran nya, but were still waiting for her to be conscious again." Sabi nya rito.
Tumango ito, pero straight pa rin ang tingin sa kapatid na nakahimlay sa hospital bed. Unti unti ito'ng humakbang papalapit dito. Hinaplos ni Julianne ang buhok ni Patricia, puno ng pagmamahal. Ila'ng sandali pa ay bumaling ito sa kanya.
"W-what really happened?" Napakalayo na nito sa Julianne na ang sabi ng asawa nya ay lively, makulit at childish.
Bumunto'ng hininga sya. "Your father is one of the biggest d**g dealers in Philippines. I was young then, sa akin napunta ang lahat ng kayamanan namin specialy, ang shipping lines. Your father made a deal with me. Sa mga barko ko nya pinapadala ang mga drugs na pipapakalat nya sa Pilipinas."
"After two years, I told him I won't participate anymore, na ayoko na gumawa ng illegal kaya nagalit sya. He started doing hateful things. Kahit ila'ng ulit ko ipinangako at inasure sa kanya na hindi ko sya isasabit, hindi pa rin sya tumitigil."
"That's when I thought of k********g you. Kukunin sana kita kapalit ng pakikipagkasundo sa papa mo na tigilan nya na ako, but instead, si Patricia ang nakuha ng mga tauhan ko." Bumunto'ng hininga sya ulit.
Si Julianne naman ay mataman lang na nakikinig, not giving any reaction or emotion.
"I blackmailed her. You see, I had restless nights nang minsa'y makita ko si Patricia sa isa'ng charity event. I always see her everywhere, everytime, even in my dreams. It's just so weird na nagpasya ako'ng ipahanap sya pero walang makahanap sa kanya."
"So I used the moment. She told me how much she loved you, that she doesn't want to see you hurt. I asked her to marry me, kapalit ng hindi na kita guguluhin. I decided to go with the flow kung ano man ang gusto mangyari ng papa mo."
Tumayo sya at nilapitan ito. "And then, your dad told me to meet him in Pier Dos. Everything went fast. He told me na anak nya rin pala si Patricia, na anak nya ito sa unang nobya nito bago ang mama mo."
"I am so sorry, Julianne." Bagamat hindi nya alam kung para saan ang pagsosorry nyang iyon.
Tumango si Julianne. "D-dad surrendered his self to the police. He's now in jail. Anytime today ay darating si Tita Gina galing sa Canada." Sabi nito. Muli ito'ng tumingin sa kapatid na wala pa ri'ng malay.
Tumango sya. "Ipapasundo ko na lamang sya sa airport."
Tila nanghihina ito'ng napaupo sa couch na nasa tabi lang ng kama ni Patricia. "S-salamat. Salamat kasi hindi mo iniwan si Ate."
"I love her. I love her so much that I can't think of myself without her in my life." Sabi nya rito.
Julianne smiled. "It shows." Muli ito'ng tumayo. "B-by the way, napadaan lang ako. Hindi ko matiis na hindi makita at makamusta si Ate, may mga inaasikaso pa kasi kami ni mommy regarding sa mga properties namin."
Akmang lalabas na sa pintuan si Julianne nang may tumawag rito.
"J-julianne.."
Sabay sila'ng napalingon sa asawa nya. Dilat na ang mga mata nito at nakatingin kay Julianne. Dagli sila'ng lumapit dito.
"P-patricia?"
"A-ate?"
She smiled. "T-tubig.."
Dali dali nya ito'ng binigyan ng isa'ng baso ng tubig at tinulungan na uminom. "H-how do you feel?" Agad na tanong nya.
"I-I'm feeling fine. Aray!" Sabi nito ng magalaw nito ang balikat nito.
"I will call the doctor, okay? Julianne, ikaw muna ang bahala sa ate mo."
Lumabas sya at tinawag ang doctor. Nang masiguro na okay na ang asawa ay hinayaan nya'ng mag-usap ang magkapatid sa loob. Nagkape muna sya sa canteen.
--
"I guess, yung tungkol na lang kay Jet ang ipapaliwanag ko sayo." Bagamat nanghihina ang Ate nya ay buo na ang mga salita nito. She hold her hands.
"It's okay, Ate." Sabi nya.
"No, I have to explain. Yes, Jester Manansala is my first love. I was fifteen then, he was twenty. Hindi kami nagkaroon ng formal na relasyon. You know, m.u thing, that's how they call it." She paused.
"We were doing fine, graduating na ako ng highschool, sya naman, graduating na sa course nito na fine arts. Suddenly, a girl named Cyrene came over. She was claiming na buntis sya at si Jet ang ama." Pumikit ito bago ituloy ang pagku-kwento.
"Ang sakit sakit. I told him na maging responsible sya at panagutan nya si Cyrene. It was hard for us, for me. But I decided to move on. Life must go on. Nag concentrate ako sa pag aaral, hanggang sa hindi ko na naiisip ang pangyayari."
"Then suddenly, sya pala ang magiging head ng operation sa pagsisiguro ng kaligtasan natin. Initially, ayoko talaga syang pansinin. Then nahalata ko na nagkaka gusto ka sa kanya. I did not think na makakatulong kung sasabihin ko pa ang nakaraan."
"Ngayon ko naisip how selfish that move is." Malungkot na sabi nito. "You love him, do you?" Tanong nito sa kanya.
Tahimik syang tumango. "H-hindi ko naman sinasadya eh." Defensive na sabi nya.
Tumawa ang Ate nya. "I know. Hindi naman kasi mahirap mahalin si Jet. Don't worry, okay? Kaunti'ng effort lang, I'm sure, makikita rin nun ang magaganda'ng traits mo." She's encouraging her.
"Thank you Ate. Akalain mo yun, magkapatid pala tayo?" She giggled. "S-si Daddy nga pala-"
"I know, I overheard you and Kent talking when you came a while ago. Hindi ko pa lang kaya dumilat at gumalaw noon, pinilit ko lang dahil gusto na kita'ng makausap."
"A-ano'ng balak mo?" Tanong nya.
Umiling ito. "I don't know."
"Ate, may asawa ka na. I can see that he really love you. From now on, you don't need to look after me."
"Ayaw mo na ako'ng makasama?" Tila nagtatampo na napalabi ito.
Tumawa sya. "Ate naman! Syempre pwede ko naman kayo dalawin sa mansion nyo eh." Idiniin nya ang huling words.
Natawa naman ito.
--
"Hi." Mula sa pintuan ay sumungaw si Kent. He doesn't look as dashing as what she remembers him. May eyebugs ito, tila hindi pa natutulog ang pale nang kulay.
"How's my lovely wife?" Malapad ang ngiti na sumungaw sa mga labi nito. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay nya.
Nginitian nya rin ito. "I have never been this good before." Sabi nya rito. "I overheard you and Julianne kanina."
Nangunot ang noo nito. "T-talaga?"
"Oo." Tumango sya. "Hindi pa lang ako makadilat, makagalaw at makapagsalita. T-totoo ba yung mga sinabi mo kay Julianne?"
Yumuko ito at hinalikan ang kamay nya. "Everything I said is true. I think I love you even before I met you. The moment that I saw you in that charity event, ginulo mo na ang isip ko. Pinahanap kita, I swear I did. Pero wala'ng nakakakilala sayo."
"I think naging blessing in disguise ang pagpapakidnap ko kay Julianne dahil ikaw ang nakuha ng mga tauhan ko. Nang makita ko na ikaw ang nadukot nila, hindi mo alam kung gaano ako kasaya, but then alam ko na you can't stay with me for long."
He caressed her hair. "And when I said I love you before I went to Pier Dos, of course I mean it. Now, tell me, do you feel the same?"
Pinisil nya ang kamay nito. "My poor husband." She looked him in the eyes and said. "I love you too."
Hindi mapagsidlan ang katuwaan nila. After a month, muli sila'ng nagpakasal sa simbahan. This time ay engrande na at madami ang ummattend. Natural na si Julianne ang kanyang bride's maid.
Jet congratulated them and told her that he wish them all the best. Sobrang saya nya, this time ay nasaksihan na ng mama nya ang kasal nya. Hindi sya nagalit sa Tito George nya na sya palang ama nya.
Matapos ang kasal nila ni Kent, bago sila magtuloy sa Paris para sa honeymoon, dinalaw nya ang tunay na ama sa kulungan at ipinakita rito ang mga pictures nila sa kasal. Humingi ito ng tawad at kanya naman ito'ng tinanggap.
Wala na syang mahihiling pa. Nakilala nya na ang papa nya, ang mama nya pa rin ang itinututing nyang ina, naging totoo nyang kapatid si Julianne at ang kanyang handsome and ever loving husband. Wala ng mas hihigit pa sa kanyang bago'ng role sa buhay; bilang Mrs. Montes.