CHAPTER 2

4541 Words
Malalaki ang hakbang na naglakad pabalik sa Mansion Montes si Kent. He can't believe how stupid his min ions are! Nagkamali daw ang mga ito ng nakuha. Hindi daw si Julianne Paredes ang nakuha nito and they just realized it noong malapit na sila sa Mansion. They got to be kidding me! Hiyaw ng isip ni Kent. Nauubusan na sya ng pasensya sa katangahan ng mga utusan nya. Simpleng bagay lang ay hindi magawa ng mga ito! Umiinit ang kanyang ulo. He was playing lawn tennis at the back of his Mansion when one of his boys called him. Matutuwa na sana sya ng sabihin ng mga ito na parang hindi daw iyon ang babae na pinapakuha nya. Then, who would it be? Tulog na tulog daw ang babae dahil pinaamoy nila ng pangpatulog. He went to check the girl out. Hindi pa naman sya ganun ka walang puso para gawan ng masama ang babae kung hindi ito si Julianne. "Mga tanga!" Agad nyang sabi pagkapasok ng kwarto. Apat ang inutusan nyang kunin si Julianne Paredes, ang lahat ng mga ito nakayuko at tila nahihiya na naka tunghay sa kanya. "Pinag iinit nyo ang ulo ko! Nasaan yung babae?" Tanong nya. Isa sa mga ito ang nag angat ng ulo at tinuro ang kama. Sinulyapan nya ang itinuro nito. Pamilyar ang mukha nito sa malayuan. Dagli syang lumapit. Napa mura sya ng makilala ang babae. Ang babae sa kanyang panaghinip! Sumampa sya sa kama upang lalo pang makumpirma. Ihinarap nya sa kanya ang mukha nito. Every detail of her face reminds him of that girl. Hindi sya maaaring magka mali. Ito nga ang babaeng yon! For a moment ay nalito sya. Ano na ang gagawin nya? Muli syang tumayo at hinarap ang apat na lalaking inutusan nya. "Malayo ang itsura nito kay Julianne. Ano'ng katangahan na naman ba ang pinairal nyo?" Kunot ang noo na tanong nya. "Eh boss, pinsan po pala yan nung Julianne. Akala kasi namin, sya. Kaya nung nakita naming bumili sya mag isa, kinuha na namin." Sagot ng isa. Hindi na sya sumagot. So, this girl is Julianne's cousin. What a small world. Sa pinaamoy na gamot ng mga ito, probably ay mamayang alas siete pa ng gabi magigising ang babae. Ano'ng hiwaga ba mayroon ito at tila napakafulfilling ng pakiramdam nya? "Iwan nyo na ako." Utos nya sa mga ito. Bagamat nagulat ang mga ito ay sinunod na lamang ng apat ang utos nya. He was at lost for a moment. Oo nga at ipinahahanap nya ang babae, pero it never occurred to him na ito na mismo ang tila lalapit sa kanya kaya hindi nya alam ang gagawin. Naging blessing in disguise din pala ang katangahan ng mga tauhan nya. But he si certain na hinahanap na ito dahil kung hindi sya nagkakamali ay mahigit isa'ng oras na ito'ng nawawala. He caressed her face. Just like how he remembered, hindi ito kasing ganda ng mga babaeng kakilala nya, her face is ordinary, but unique. Hindi ito maganda kung titingnan ngunit kapag tinitigan ay mapapansin na may kakaiba rito. She makes him drawn to her without her knowing. Umupo sya sa sofa na nakaharap rito. Nag iisip sya kung ano ang gagawin. Ngayon lang sya tila nablangko when it comes to planning. Ayaw nyang isama sa g**o ang babae, bagamat na pinsan ito ng Julianne na iyon. Si Julianne ang tangi nyang alas. Sa kalaliman ng pag iisip ay hindi nya namalayan na nakatulog sya. He was awaken by a scream! Agad syang bumalikwas at agad na tumayo. He saw the girl in front of the door, trying to unlock it. "Hey! Hey!" Tawag nya rito. Humarap ito sa kanya at napa atras. "H-huwag kang lumapit.. M-marunong ako ng karate!" Banta nito, ngunit kitang kita ang takot. Natawa sya sa sinabi nito. "A-anong nakakatawa? Sino ka ba? Nasaan ako?" Sunod sunod na tanong nito. Nakasiksik na ito sa isang tabi. "Well, as you can see, nandito ka sa mansion ko." Sagot nya rito. "And what am I doing here? I remember someone grabbed me and.. Oh my God! Siguro kidnapper ka! Kidnapper ka no?" Nanlalaki ang mga mata na tanong nito. "Oo, kidnapper ako. But I am the most good looking kidnapper in the Philippines." Simpatiko na sagot nya. He planned on playing with her for the moment. Hindi naka sagot ang babae. Luminga linga lang ito, as if thinking of something to do to escape. Hinayaan nya lang ito. Ilang sandali pa ay unti unti nya ito'ng nilapitan. "W-wag ka sabing lumapit! Lumayo ka!" Sigaw nito. "Damn, Lady. Keep your mouth shut. Ayoko ng maingay!" iritado na saway nya rito. "I am not going to hurt you if you will follow my rules." Madiin na sabi nya. "A-ano ba ang kailangan mo sa akin? I need to go home, please." Bigla ay para itong nanghina. Lumambong ang mga mata nito. "Let me see. Were you in a Charity event last week?" Tanong nya. Tumango ang babae. "Y-yes." "I thought so. You were wearing a yellow dress?" "O-oo." Muli ay sagot nito. Napalitan na ng pagtataka ang takot sa mukha nito. "Okay. Are you hungry?" Bigla ay tanong nya. Nangunot ang noo ng babae. "What?" "I mean, considerate naman kasi ako'ng kidnapper." Bawi nya. "I am not hungry. Just please, let me go. Hindi kami mayaman, okay? Walang ipangbabayad sayo ang mama ko kung humingi ka man ng ransom." Hindi nya ito sinagot. Kakatwa talaga ang sitwasyon nila ngayon. "Tumayo ka dyan, we will eat dinner." Imbes ay sabi nya rito. Inilabas nya mula sa kanyang bulsa ang susi ng kwarto na iyon at nagpatiuna syang lumabas. Nakaka ilang hakbang na sya ay hindi pa rin sumusunod ang babae. Muli syang bumalik. Naroon pa rin ito sa isa'ng sulok. "Ano ba? Tumayo ka na dyan." Naiirita na sabi nya. "A-ano ba kasing kailangan nyo sa akin?" Tumayo na ito. "Ayoko ng madaming tanong. As of the moment, well, obviously ay bihag kita." Wala ito'ng nagawa kundi ang tumayo at sumunod sa kanya. Palinga linga pa rin ito at alam nya na nag-iisp siguro ito ng paraan para makatakas. Inunahan nya na ito. "There's no way you can get out of here without my consent." Sabi nya. "Pauwiin mo na kasi ako!" Pumadyak pa ito na tila bata. "Isa pang pangungulit at malilintikan ka na! Ikaw na nga itong inaaya na kumain, arte arte ka pa." Singhal nya rito. Inunahan nya na itong bumaba. Dumiretso sya sa dining room. Hinintay nya pa ang babae. Palinga linga pa rin ito. Hindi nya malaman kung namamangha lang talaga ito o nag-iisp tumakas. "Hoy, Miss. Umupo ka na." Tawag nya rito. Pinaalis nya na ang mga katulong na naka tunghay sa kanila na marahil ay nagtataka. "M-mayaman ka naman na pala eh. Bakit nangkikidnap ka pa? O baka yumaman ka sa pangingidnap?" Tanong nito. "Ano'ng pangalan mo?" Imbes ay tanong nya. Kanina pa sya kating kating na malaman ang pangalan nito. Matangkad ang babae, malaman pero hindi mataba. "Particia." Matipid nitong sagot. "Okay. I'm Kent. Help yourself." Sabi nya. Maraming pagkain ang naka handa. Napalunok laway tuloy sya. May pasta, steak, dessert at may pizza pa. Hindi nya tuloy alam kung ano ang kakainin. Pero teka, baka naman may lason o gamut na naman ang mga ito. "B-baka may lason yan. O baka gamut pangpatulog." Sabi nya. "Ano ka ba? Nakita mo nga na kumakain ako eh. Edi sana nalason na rin ako." Amused na sabi nya sa babae. Nagkibit balikat ang babae. Ilang sandali pa ay magana na silang kumakain. Walang imikan. "Sino nagluto nito? May taga luto ka?" She asked. Tila nakalimutan na nito ang inuungot nito kanina na pauwiin na ito. Tumango sya. "Sabihin mo, magpapaturo ako magluto. Tutal, ayaw mo naman ako pauwiin." Sabi nito bago kumagat sa pizza. "Aba naman. Sa lahat ng kidnap victim na alam ko, ikaw ang demanding." Naiiling na sabi nya. Hindi na lang sumagot ang babae. Maya maya ay napatigil ito sa pagsubo as if may naalala. "T-teka, nasaan yung dala ko na paperbag?" Nangunot ang noo nya. "Why?" "Oh my God. Nasaan na?" Tila nag panic ito bigla. "Aling Tasing!" Malakas na tawag nya. Agad na dumating ang tinawag. "Paki check nga po sa itim na Honda civic kung may paper bag doon. Salamat." Sabi nya. Nagpatuloy sila sa pagkain. Bumalik ang katulong, ngunit wala daw. Naka alis na rin daw ang apat na tauhan nya. "You need to find that paper bag!" The girl exclaimed. Tinapos nya ang pagkain bago ito sinagot. "Ano ba meron doon?" He asked. Tila naalangan sa pagsagot ang babae. "G-girl stuff." Sagot nito. They end up buying in a convenience store. He hated his self dahil para syang tanga na sinunod ito when she was supposed to be a kidnap victim. Nagsama sya ng tatlo'ng tauhan nya. Bale dalawampu ang mga tao nya sa mansion nya. Lima ang katulong at kinse ang mga taga bantay. Hangga't hindi nya pa alam ang gagawin sa babae ay hindi nya muna ito paalisin. He would just make her believe na kinidnap nya talaga ito. Humingi ito sa kanya ng pera. Good thing na may cash sya. Natawa sya nang makita na napkin ang binili nito. "Girl stuff nga." Natatawa na sabi nya nang muli silang makasakay sa kotse. Inirapan lang sya nito. Plano ni Patricia na magpakabait muna sa lalaki habang naghahanap ng tyempo na tumakas sa Mansion nito. Wala sa plano nya na maging totoo'ng kumportable dito. Sa totoo lang ay hindi talaga ito mukhang kidnapper. Kung kidnapper man ito, totoo ang sinabi nito na siya na ang pinaka gwapo'ng kidnapper sa Pilipinas. Hindi nya lang talaga maintindihan.kung bakit sya naroon at bakit ganoong ang pakikitungo ng lalaki sa kanya. His mansion looks elegant but a bit creepy because of men in black suit roaming around. Mataas ang bakod ng mansion, may alambre pa sa pinaka dulo na alam nya ay may kuryente na dumadaloy. Kasalukuyan syang nakaupo sa tabi ng swimming pool na nasa likod ng mansion. Nakalubog sa tubig ang mga paa nya. "Hi." Si Kent iyon. He look fresh and smell like it too. Tumabi ito sa kanya at isinawsaw din sa pool ang mga paa. "Bakit mo ba talaga ako dinala rito? Sinabi ko na sayo na wala kang mapapala sa akin dahil mahirap lang kami. Mukha lang ako'ng may pera dahil sa pinsan ko na si Julianne." Agad nyang sabi. Napalabi ang lalaki. Tila may narinig ito na hindi nagustuhan kaya hindi nagsalita. "Hinahanap na ako sa amin." Sabi nya pa ulit ng hindi ito nagsalita. "I'll let you go after some days." Sabi lang nito. "Kung maipapaliwanag mo lang sa akin kung bakit, siguro, ako na ang magkukusa na tumira ng kahit ila'ng araw lang dito. But not like this. May mga nag-aalala sa akin." Seryoso na sabi nya rito without looking at him but in his reflection in the water. "I'm sorry." Sabi lang nito. Sa gigil ay patampisaw na itinaas baba nya ang mga paa sa tubig na dahilan kung bakit pareho sila'ng nabasa ng bahagya. "Nakakainis." Mahinang sabi nya. "Hindi naman masama tumira dito, dba? You can have whatever you want as long as you are here." Imbes ay sabi pa nito. "Hindi ako sanay sa karangyaan pero alam ko na masarap sa pakiramdam. Tsaka malay ko ba kung galing sa pangkikidnap ang pera mo." Mahina ito'ng tumawa. "Ngayon ako naniniwala na hindi mo talaga ako nakikilala. Anyway, tell me about yourself." Napatingin sya rito. "Ano 'to, getting to know each other?" "Parang ganun na nga." Tila alangan na sagot nito. "O sige, magtanong ka na lang ng kahit ano na gusto mo malaman." Tumingala ito at tila nag-isip. "Hmm. Ano ang favorite color mo? Tumawa sya. "Ano ba naman yan. Pambata! Yellow ang favorite color ko." Tumango tango ito. "Just like what you wore in that charity event." "Teka, baka pinakidnap mo ako dahil nakita mo ako sa charity event na yon, ha? Unang una, volunteer lang ako sa bahay ampunan. Pangalawa hindi ako mayaman, at nakapag aral lang ako sa private school dahil sa Tito George ko." She saw a hint of anger in his eyes, pero dagli iyo'ng nawala. "Tell me things about your family." Imbes ay sabi nito. "Well, namatay na ang papa ko dahil sa cancer six years ago. Nag-iisang anak lang ako. Tapos, may mayaman na kapatid ang mama ko, si Tito George. He helped us. Grabe, hindi ko maisip kung paano kami noon kung hindi kami tinulungan ni Tito George." Mataman lang na nakikinig ang lalaki so she continued. She feels like telling story at that time. "Tapos, may anak si Tito George. Si Julianne. We were like sisters. I love her so much. Mag-isa'nga anak lang din kasi sya. Ever since we were just a kid, ayoko ng nasasaktan sya. Then, ang mama ko naman, binigyan ng trabaho ng Tito George." "Nasa Canada si mama at nagtuturo sya doon. Ang tagal ko na nga syang hindi nakikita eh. Baka mag-alala yun kapag nalaman na nawawala ako." Malungkot na sabi nya. Seryosong seryoso ang mukha ni Kent ng tingnan nya. "I'm sorry. Bagamat isa'ng pagkakamali ang nangyari, hindi kasi basta madaling itama ang lahat." Sabi nito at agad syang iniwan. Naging palaisipan sa kanya ang sinabi nito'ng iyon. Nasa kwarto nya na sya at pabiling biling sya sa higaan. Ano kaya ang ibig sabihin nito na pagkakamali? Pagkakamali na kidnappin sya? O pagkakamali na sya ang na kidnap? Napabalikwas sya ng bangon. Nahintakutan sya sa naisip. Possible na ang Kent na ito ang nais na pumatay o kumidnap sa pinsan nya at napagkamalan lang sya na si Julianne! She felt shiver down her spines. Tumaas ang lahat ng balahibo nya sa katawan. Kung ganon, mali pala talaga ang maging comfortable sya sa presensya ng Kent na iyon. He's a cold blooded killer! Pero bakit ang pinsan nya ang gusto nito'ng kunin? Madami syang tanong sa isip, kasama na kung paano sya makakatakas. Hindi nya alam baka sya ay pinagpaplanuhan na rin nito'ng patayin. Napapitlag sya ng may kumatok sa pinto. "Trish?" Tawag ng boses. "This is Kent. Gising ka pa ba?" Tila tatalon na ang puso nya sa kaba. Ano ang gagawin nya?! Baka patayin na sya nito. Hindi sya sumagot at luminga linga. Kaagad nyang hinawakan ang vase na nasa bedside table. Baka pumasok ito bigla. "Trish? Gising ka pa ba? Papasok na ako." Unti unti nit'ng pinihit ang seradura ng pinto. The moment she saw his built, wala sa loob nyang binato ang hawak na vase sa lalaki. Kaagad naman ito'ng naka atras at ang pintuan ang natamaan. "Hey! What's wrong?!" Gulat na gulat na tanong nito. Napaurong sya sa sulok. "H-huwag ka'ng lalapit!" Sigaw nya. Nangunot ang noo nito. "W-why?!" "A-alam ko na ang plano mo. P-papatayin mo ako, no?" "W-what? What are you talking about?!" Lumabas na ito mula sa pagkakatago sa pintuan at humakbang papalapit sa kanya. Kent's expression seems to be real in shock. Pero hindi sya papalinlang dito. "I-ikaw ang gustong magpadukot sa pinsan ko! Alam ko na ang plano mo!" Sagot nya dito. "Ah- wait, let me explain-" "So totoo nga?! Papatayin mo rin ba ako?! Bakit pinapatagal mo pa?! Ano ba ang gusto mo?!" Bulyaw nya rito. Hindi sumagot ang lalaki, nakayuko lamang ito. "Bakit hindi ka makasagot? Tama ako diba? Mamamatay tao ka nga! I should have known! I should have known!" Muli ay bulyaw nya rito. Naikuyom nito ang mga palad nito. "Now I'm getting mad. You won't like it, Patricia. Believe me." Tila impatience na tumingin ito sa kanya. Muli ay kinilabutan sya. Napaka talim ng titig na ipinukol sa kanya ni Kent. Napaupo sya sa sulok at unti unti'ng umiyak. She feels helpless. Bakit sa kanya pa nangyari ang ganito?! Ayaw nya pang mamatay, not like this. Narinig nyang bumuntong hininga ang lalaki. Ila'ng saglit pa ay dahan dahan ito'ng lumapit sa kanya. Tinabig nya ang kamay nito ng akmang hahawakan sya. "Go away! Patayin mo na ako ngayon kung papatayin mo na rin lang ako." Humahagulhol na sabi nya rito. Mula galit ay naging iba ang expression ng mukha nito. Now it seems like pity, gentleness and loneliness. He still tried touching her but she kept on pushing him away. Ayaw nyang magpadala sa emosyon na ipinapakita ng mukha ng lalaki. Not now na alam nya nang masamang tao pala ito. "I'm sorry, Trish. Mali ang iniisip mo." Sa wakas ay sabi nito. Hindi sya sumagot. Tinakpan nya ang mga tenga nya ng dalawang kamay nya. Ayaw nya ito'ng marinig dahil baka maniwala sya rito. Malakas ang epekto sa kanya ng lalaki and now she's cursing her self. He's forcing her to listen. "Trish, I can explain." Pilit pa rin nito. Umiiling iling sa. "Go away! Go away!" Ang tangi nyang sinasabi dito. Sa wakas ay tumayo na ito. Ramdan nya na nakatitig ito pababa sa kanya. Nag-iisp na ba ito kung paano sya didispatsahin? O baka nagdadalawang isip pa ito kung kailan sya nito papatayin? Morbidity was all over her mind. Ilang sandali pa ay naglakad na ito palabas. But he said something before he closed the door. "I won't kill you, I am not a killer. Please sleep well." At maingat na nito'ng isinara ang pinto. Narinig nya pa ang papalayo'ng yabag nito. Hindi nya alam ang gagawin. Dapat nya ba ito'ng paniwalaan sa sinabi nito na hindi sya nito papatayin? Pero ano naman ang panghahawakan nya? Before she knew it, sa sulok na iyon na sya nakatulog. -- "I shouldn't have let her go alone!" Bulyaw ni Jet. Sinisisi nya ang sarili kung bakit nadukot si Patricia. Alam nya naman na na may risk na madamay ito, but she just let her walked alone. "It's enough, Jet." Saway ni Julianne. Halata ang labis na pag-aalala nito para sa pinsan. Hindi na ito tumigil kakaiyak. As he knows, Patty is Julianne's sister she never had because both of them were only child. "Wag mo'ng sisihin ang sarili mo. Kahit naman si Ate, hindi alam na mangyayari 'to." Nasabunutan nya ang sarili. Nang after thirty minutes ay hindi pa rin ito bumabalik, nag-alala na sya. Hinintay nya ito sa lobby ngunit ni anino ni Patty ay wala. He started worrying big time. Pinuntahan nya ang 24 hours open store na sinabi nito'ng bibilhan nito. Hindi na raw matandaan ng mga crew doon. Habang nanlulumo na pabalik sya sa hotel ay may nakasalubong syang mga pulis. Narinig nya na nagsusumbong ang isa'ng ale na may nakita raw ito'ng babae na pilit sinasakay sa itim na kotse. Agad nyang kinausap ang mga pulis. Nagpakilala sya at ayon sa description ng Ale ay si Patty nga ang babae na dinukot. Nangako sya sa mga pulis na makikipag cooperate sa kaso. Nine hours nang nawawala si Patty and he's sick worrying. Wala pa silang natatanggap na tawag o any other traces kung sino ang mga kumuha dito. Ano ang gagawin nya? "Jet, may nakakita daw ng first two letters ng plaka ng kotse na pinagsakyan kay Patricia." Si Maki iyon. Galing ito sa labas ng hotel at naghahanap pa ng lead. "S-sino? Ano daw?" "JE daw. Kulay itim ang kotse, hindi lang nila malaman kung ano ang tatak pero hindi daw mukhang piptsugin." "S-salamat Maki. Ako na ang bahala." Every minute ay nagiging restless sya lalo. Ipinaalam na nila sa papa ni Julianne ang nangyari. Expectedly ay nagalit ito. Ang mama naman ni Patty ay sobrang nag-aalala. Si Julianne ay hindi pa rin maampat sa pag-iyak sa kwarto nito. He could feel her pain. Katulad nito ay mahalaga din sa kanya si Patty. Noon at ngayon. -- "Bakit mo gusto'ng ipakidnap si Julianne?" Tiningala ni Kent ang may-ari ng boses na iyon. Si Trish. She's still a mess. Magulo pa rin ang buhok nito at hula nya ay doon na ito nakatulog sa sulok kung saan nya ito iniwan kagabi. "I repeat-" He folded the news paper he was reading. "Personal reasons." Agap nya. "Say it." She demanded. Tumayo sya at hinarap ito. "I believe you don't have the rights to demand at me like that." Matigas nyang sabi rito. It won't be easy from now on, sabi nya sa isip. "I believe na may karapatan ako dahil papatayin mo na rin naman ako." Matigas rin na sagot nito. He grinned. "How can you be so sure?" Kumurap ito, and in just an instance ay tila nawala ang matapang na aura nito. "A-ano'ng plano mo?" Imbes ay sabi nito. "I'm still thinking.." "Damn it! Hindi ako nakikipag laro sayo!" Naningkit ang mata nya sa sinabi nito. "I remember you told me last night that you love your cousin so much. Na ayaw mo sya'ng nasasaktan." Nagsimula syang maglakad lakad sa harap nito. Hindi ito sumagot. "How about you prove it now?" Hamon nya rito. Gulat at takot ang unang rumehistro sa mukha nito. "A-ano'ng ibig mo'ng sabihin?" "Be my wife and I promise I won't bother your cousin anymore, never." -- "Ate!" Napabalikwas ng bangon si Julianne ng magising sya mula sa isa'ng masamamg panaghinip. "Senyorita!" Ang humahangos na si Perla ang nauliningan nyang papasok mula sa pintuan ng kwarto nya. "A-ano ho'ng nangyare? Napano kayo?" Ito ang newly hired maid ng daddy nya. Naluha sya. "Napanaghinipan ko si Ate. Tinatawag nya ako, yaya." Nagsimula syang humagulhol. "I need to see ate na, yaya. I miss her so much!"Isinubsob nya sa mga kamay ang kanyang mukha. "What happened?" Si Jet naman iyon, nasa may pintuan. "Eh sir, napanaghinipan daw po nya iyo'ng ate nya." Sagot naman ni Perla. Kaagad na lumapit si Jet sa kanya. Hinagod nito ang ligod nya. "Don't worry Julianne. We were doing our best to find her." Kahit papaano, she was feeling at ease dahil si Jet na mismo ang nagcocomfort sa kanya. He liked the guy, pero sa tingin nya, client na vulnerable lang ang tingin nito sa kanya. Akala nya pa naman ay friendly ito at accommodating dahil nag volunteer pa ito dati na tulungan ang ate Trish nya na gumawa ng waffles. Bilib talaga sya sa ate nya. She's a woman of the world. She remembers, nasabi nya dati sa sarili na kahit magka asawa na sila ay close pa rin sila nito. But now, hindi nya alam ang gagawin. She's lost. Nawawala ang kanyang pinsan na mahal na mahal nya. "I want to see her now. I want my ate!" Tila bata na sigaw nya. Jet just kept on comforting her. Dinalhan sya ni yaya Perla ng tubig. Hindi pa rin maampat ang pagluha nya. Pakiramdam nya ay namatay ang kalahati ng katawan nya sa pagka wala ng ate nya. Tatlo'ng araw na mula ng dukutin ang pinsan nya. Hanggang ngayon ay wala pa rin sila'ng suspect. Ang tanging ebidensya na meron sila ay ang kulay ng kotse at ang first two letters ng plaka. -- Hindi akalain ni Patricia na ganon ang magiging sitwasyon ng kasal nya. She was staring at the mirror. Katatapos lang syang ayusan ng stylist na kinuha ni Kent para ayusan sya. She was wearing an Ino Sotto bridal gown with pearls in the neckline. Pumayag sya sa nais ni Kent. Masyado nyang mahal ang pinsan nya dagdagan pa ng utang na loob nya sa pamilya ng Tito George nya. Nang pumayag na sya ay agad na ipina ayos ng lalaki ang lahat ng kailangan ayusin at mga papeles. At ngayon nga ang araw ng pag-iisa'ng dibdib nila. Kung sa iba'ng sitwasyon siguro nya nakilala si Kent, hindi malabo na mahalin nya ito. Ngunit sinasampal sya ng katotohana na masamang tao ang lalaki at hindi dapat pagkatiwalaan. Hindi nya alam ang motibo nito pero isa lang ang sigurado nya. Alam nyang hindi na magiging madali ang buhay nya mula sa araw na iyon. Magiging Mrs. Montes na sya ilang sandali na lang ang bibilangin. "Ready ka na ba?" Si Bubbles iyon, ang stylist na nag-ayos sa kanya. Matamlay syang tumango. Sa mismong mansion ni Kent gaganapin ang kasal nila. Ang mga kasambahay at tauhan nito ang mga magiging witness, pati na si Bubbles at nagpatawag na lang ito ng Judge. Iginiya sya nito sa Library room ng mansion. There, Kent was waiting impatiently for her. He was so dashing na nakalimutan nyang dapat nya ito'ng makuhian. Ni hindi man lang masasaksihan ng mama nya ang kasal nya. Gwapo pa man din sana ang groom. Nang pareho na sila'ng nasa harap ng Judge, she can feel Kent's intense emotions in his eyes. Hindi nya lang alam kung ano ito. "Dearly beloved, we are gathered here.." Nasimula na ang Judge. Napakabilis lang ng mga pangyayare, panay ang kislap ng kamera na hawak ni Bubbles. "Now, I pronounce you man and wife. You may now kiss the bride." The moment that the Judge said the last five words, she felt her body stiffened. Hahalikan sya ni Kent! She's panicking. Nakakahiya man pero ito ang una nyang halik, sa lalaki pa na dapat nyang kamuhian. Isa'ng mabilis na halik sa pisngi lang ang iginawad nito sa kanya at agad din ito'ng umalis ng walang sabi-sabi that left her wondering and mad. Ayon sa written agreement nila ng lalaki, once na maikasal na sila ay papayagan sya nito'ng umuwi at makasama si Julianne hanggang dalawang lingo. Sapat na raw iyon para sabihin sa pinsan nya na may asawa na sya. Nakasaad din doon na hindi nya maaari'ng ipagsabi ang kasunduan, lalo na kung paano sila unang nagkakilala ni Kent. Nakasaad din doon na once na may mangyaring masama kay Julianne na kagagawan nya ay agad na mapapawalang bisa ang kasal nila at ipapapulis nya pa ito. Talaga "S-si Kent ho?" Tanong nya sa mayordoma. Bigla na lang kasi ito'ng nawala. Mag-papaalam na sana sya na aalis na. "Naku, bigla ho'ng umalis ma'am, dala ang kanyang racing car. Hindi ho nagpasabi kung saan pupunta, ipinagbilin ho na ihatid daw kayo." Sagot ng matanda. Nadismaya sya. Unang araw nila pero ganoon ang ipinakita nito. Pero teka, hindi ba dapat ay hindi ganoon ang nararamdaman nya? Dapat syang magalit dito. Dapat ay kamuhian nya ang lalaki. Bago umalis ay itinago nya sa purse nya ang wedding ring nya. Nagpahatid lamang sya sa driver sa labas ng Village. Sumakay na sya ng cab papunta sa condo na tinutuluyan nila ni Julianne. Nakaisip na sya ng alibi. She would tell them na nagising na lang sya na nasa damuhan sya, na siguro tinapon na lang sya ng mga kinappers ng malaman na hindi sya ang pinsan. Sasabihin nya na may tumulong sa kanya at pinatuloy muna sya sa bahay nito dahil inaapoy sya ng lagnat. Bahala na, sabi nya sa sarili. Papakiusapan nya na lang ang Tito George nya na huwag nang gawi'ng malaki'ng issue ang nangyare. Sasabihin nya na hindi nya namukhaan ang mga suspects dahil pinaamoy sya ng pangpatulog which is true. Deep inside her ay parang ayaw nyang madamay pa si Kent samantalang ito ang mastermind ng lahat. Huminga sya ng malalim bago bumaba ng taxi. Mabilis syang naglakad papunta sa elevator. Mabuti at wala syang kasabay. Sinilip nya muna ang pinto ng unit nila. May dalawang bantay. Muli syang huminga ng malalim bago magpakita sa mga ito. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD