CHAPTER 1

4991 Words
Pabalikwas na nagising si Kent mula sa isa'ng panaghinip. That girl again! Hiyaw ng kanyang isip. It's the third time mula ng una nyang mapanaghinipan ang babae na iyon. He saw her in an event he went to last week. Bigla na lang ito nawala. Marahil ay dahil sa frustration kaya paulit ulit nya ito'ng nakikita sa panaghinip.   The girl looks ordinary, but her eyes seem to express many emotions. He cursed his self for remembering every detail. Hindi sya ganito. He can have every girl he wants but why does that girl kept on taunting his mind?   Hindi ito mukhang socialite. Napaka ordinaryo ng suot nito'ng bestidang yellow. Hindi rin ito kaputian at higit sa lahat, hindi ito sexy kagaya ng mga babae na naroroon sa event na iyon. Kung tutuusin ay hindi ito kapansin pansin, but why, of all people, sya pa ang nasundan ng mata nya?   Kaagad nyang kinapa ang kanyang cellphone sa bedside table. "Preston, have you found her?"   "Boss, pinuntahan na ho namin lahat ng guests na naka lista sa guest book, pinakita na rin sa amin yung mga pictures noong event, wala kaming makita'ng babae na naka bestida na yellow, wala rin napansin yung mga guests." Sabi ng lalaki sa kabilang linya.   Damn! "J-just keep on looking!" Hiyaw nya bago pinutol ang linya. Uminit lalo ang ulo nya sa resulta na ibinigay ng inutusan nya. Almost one week na nya rin na pinapahanap ang babae but no one seem to know her.   Nababaliw na ba sya? But he is certain na nakita nya ang babae. Her every move, her eyes, her short shiny hair. Bakit sya lang ang nakakita? Kinilabutan sya sa naisip. Pero impossible na walang nakakakilala rito.   Bumangon sya at nag bihis. Papagurin nya na lang ang sarili nya sa pag wowork out kaysa isipin ang babae na hindi nya alam kung nag eexist talaga. Naiinis na sya sa sarili nya. Nag jogging sya at nilibot ang kalahati ng exclusive Village kung saan sya nakatira.   "Happy birthday!" Masiglang bati ni Julianne sa kanya. She bragged into her room at ginising sya nito ng pagbati.   "Thank you!" Masiglang pasasalamat naman ni Patricia sa pinaka mamahal na pinsan. She hugged her. Si Julianne ang best friend s***h closest cousin nya sa mother's side nya. Bagamat two years ang tanda nya rito ay hindi sila na iintimidate sa isa't-isa.   "Ano'ng plano mo mamaya?" Agad na tanong ni Julianne. Umupos ito katabi nya sa kama nya. They were still both wearing their twin pajamas. Pareho ng design.   "Ewan ko. Matutulog siguro mag hapon." Kibit balikat na sabi nya.   Ngumuso si Julianne. "You got to be kidding me! Kailangan natin magsaya!" She exclaimed.   "Wala pa ako'ng allowance, okay? Isa'ng libo na lang pera ko dyan, for one week allowance ko." Paangil na sabi nya.   Tumawa si Julianne. "Okay. My treat." Bigla ay sabi nito.   Hindi na sya nagulat o nagtaka sa sinabi nito, pero talagang wala sya sa mood mag saya o gumala. Napagod sya sa ila'ng araw na event na pinuntahan nya. Isa syang volunteer sa Children's Haven Orphanage at may ginanap na series of charity event ang mag sponsors nila last week din.   Yinugyog ni Julianne ang braso nya nang hindi sya sumagot. "Huy! Ano ba? Hindi ka na makakatanggi o makakaisip ng paraan. Aalis tayo mamaya sa ayaw at sa gusto mo." Nakangiti na sabi nito bago tumayo at lumabas sa kwarto nya.  It's her 21st birthday today pero wala syang nararamdaman ni katiting na excitement. Napagalitan pa sya ng Mother Superior dahil nakatakas sa pangangalaga nya si Marty, isa sa pinaka makulit na bata sa Orphanage.   Imbes na nasa back room muna ang mga bata bago mag perform ang mga ito, bigla na lamang lumabas si Marty at nag tatakbo. Good thing ay hindi ito napansin ng mga mayayaman na bisita at sponsors ng gabi na iyon.   Hindi naman naka g**o si Marty at naibalik nya ito ulit sa back room ngunit nalaman ng Mother Superior at medyo na sermonan nya. Masamang pangitain para sa birthday nya. Isa pa, nahihiya na sya kay Julianne. Mula teenager pa lang sya, she always do the treating.   Mayaman kasi sila Julianne at hindi biro ang ginawang pagtulong ng papa nito sa kanila ng mama nya. Magkapatid ang mama nya at papa nito. May business sa iba'ng bansa ang pamilya nila Julianne. Financially ay tinutulungan na sila ng tito George nya mula ng mamatay sa cancer ang papa nya six years ago kaya malaki ang pasasalamat nya sa pamilya ng Tito George nya.   Iiling iling na bumangon sya at nagluto ng agahan. Sa ngayon, mula nang maka graduate sya sa kurso nyang HRM ay nakatira sya sa condo unit na regalo ng Tito George nya kay Julianne on her 18th birthday kasama ng kotse nito. Nais ng Tito nya na tumira sya doon para may kasama si Julianne at maturuan nya ito ng pagluluto, paglilinis at kung anu-ano pa.   "Cheese omelet please!" Mula sa kung saan ay sumulpot si Julianne. Naka paligo na ito at humahalimuyak sa bango. Kasalukyan nyang sinasangag ang kanin na natira nila kagabi.   "Bilis mo maligo. May pupuntahan ka?" Tanong nya. Paborito nito ang cheese omelet nya with iced coffee as drink for breakfast.   Tumngo ito. "Pupunta ako kila Meg, hapon na ako makakauwi, ang by that time, sana nakapag ayos ka na. Pupunta tayo ng Eastwood." Malapad ang ngiti na sabi nito. Umupo na ito sa harap ng dining table.   She really loves to cook for Julianne. Na a appreciate nito lahat ng luto at ihain nya. Julianne even said na ito daw ang number one fan nya. May pagka childish ito at hindi maarte o mapili sa pagkain bagamat may karapatan sana ito dahil may pera naman ito.   "Here's your order maam!" Pabiro na sabi nya habang inihahain dito ang cheese omelet na request nito. "Magtitimpla lang ako ng iced coffee." Sabi nya.   "'Te, wag ka na muna mag apply ulet ha? Summer na summer, mabobored ako kapag ako lang lagi mag isa dito sa condo." Pakiusap ni Julianne. Kaka tapos lang kasi ng contract nya sa pangalawang trabaho nya last week.   Tumango sya. "Sige. Okay lang naman daw kay Tito na huwag muna ako mag trabaho, since sobra naman daw para sa atin yung allowance na pinapadala nya sayo."   "Oo nga naman! Balak ko umuwi sa Province 'te. Joyride tayo." Sabi pa nito bago sumubo.   "Mga trip mo na naman! Kailan mo balak?" Umupo na rin sya sa harap nito at nagluwag matapos magtimpla ng iced coffee para sa kanila.   "Next week I think. Grabe ang init. Gusto ko ma-try sa Zambales."   Matapos nila kumain ay agad na rin ito'ng umalis. Nasa Ortigas ang condo unit nito at ang pupuntahan naman nito na si Meg na kaklase nito sa Ateneo ay taga Alabang. Siguro ay may pagtsitsismisan na naman ang dalawa regarding boys. Napangiti sya sa naisip.   Matapos maayos at mahugasan ang pinagkainan nila ay naligo na sya at binuksan ang laptop ng pinsan. Maaari nya naman ito'ng gamitin sabi ni Julianne. Halos lahat ng gamit nito ay shinishare sa kanya kaya wala syang masabi sa pinsan.   Pati ang Tito George nya at Tita Madel. They were so supportive. Ang mga ito ang tumulong upang makapunta sa Canada ang mama nya kaya doon na ito nagtatrabaho bilang Highschool Teacher, kaya nakakapagpadala naman ito ng pera sa kanya.   Minsan nga, naisip nya, siguro, kapag dumating ang panahon na magkagusto sila sa isa'ng lalaki ng pinsan ay wala syang pagdadalawang isip na ipaubaya ito sa pinaka mamahal na pinsan nya. Muli, napa ngiti sya sa naisip.   Alas tres na ng hapon bumalik si Julianne. May dala ito'ng paper bag. Malamang na namili ito ng bago'ng outfit. Nagulat sya ng iabot nito sa kanya ang isa'ng paper bag.   "I bought you that. Medyo pudpud na yung sandals mo eh." She said.   Isa'ng silver flat shoes ang nasa loob ng paper bag. Ayon sa resibo na naka stapler ay halos dalawang libo ang presyo nito. "Hindi ka talaga marunong mag tipid." Naiiling na sabi nya.   Tinapik sya ni Julianne. "Yung iba'ng tao dyan, hindi na lang magpa salamat." Biro nito.   Tumawa sya. "Salamat po, Kamahalan." Biro nya, matapos tanggalin ang suot na doll shoes at isuot ang regalo ng pinsan. Bumagay ang silver flat shoes na iyon sa suot nya na gray racer back sando na pinatungan nya ng itim na cardigan. Naka puti na skinny jeans sya at pulos malalaking bangles ang nakasuot sa kaliwa nyang kamay.   Umakyat saglit si Julianne at nagbihis. Naka pulang mini skirt naman ito at spaghetti mini dress na bulaklakin. Dahil matangkad sya dito ng ila'ng pulgada ay nagsusuot ito ng stiletto. Itinali nito pataas ang buhok nito at may natira na ilang hibla na lalo'ng bumagay dito.   Minsan ay naiinggit sya sa ka sexy-han ng pinsan. Wala ito'ng kiyeme sa pagdadamit dahil halos lahat ng gusto nito'ng isuot ay bagay dito. Sya kasi ay bukod sa malaman ay wala syang balak magsuot ng kakapiranggot na damit na gaya ng sinusuot ni Julianne.   Bago dumiretso sa Eastwood ay naglibot at kumain muna sila sa isa'ng sikat na mall malapit sa Eastwood. Matapos mag libot ay nagpa gabi muna sila sa isa'ng sikat na coffee shop within the vicinity. Masyado pa kasi maaga para pumunta sila sa mga bar na andoon. Hindi nahirapan maghanap ng parking space si Julianne.   "Nakakainis! Nanalo si Meg sa pustahan namin." Naka nguso na biglang sabi ni Juliannes matapos malakas na ilapag sa mesa ang cellphone.   Napatigil sya sa pagsipsip ng iced coffee na hawak. "Bakit? Ano'ng pustahan?"   "May nakita kasi kami'ng guy na malapit sa kanila. Ang hot! Tapos ayun, nagpustahan kami na hindi nya kayang magpakilala or whatsoever dun sa lalaki. She sent me a picture together with that guy just now! I have no choice but to treat her. Okay lang ba na sumama sya sa atin?"   Tumango sya. "Oo naman. Kaya ba ng budget?" tanong nya.   She said kaya raw. So they waited for Meg. Matapos ang halos isa'ng oras ng paghihintay ay dumating na ito. Dumaan muna sila sa isa'ng powder room at nag retouch bago umalis. Alas otso na nang makapili sila ng club na pupuntahan.   "This is so refreshing! Isasama ko sana si Nad, but he's going to Batangas daw." Sabi ni Meg.   Pabiro na umirap si Julianne sa kaibigan. Tumawa lang sila. Kilala na nya si Meg noon pa, classmates na ito at si Julianne simula first year ang mga ito sa course na Business Management. Madalas din sila lumabas labas at gumimik kasama ito.   Natural na yata sa pinsan nya ang maging flirty ng kaunti. As usual ay mag ilan na humingi ng number ng pinsan ng gabi na iyon. Alas tres ng madaling araw na sila nagpasyang umuwi. Nag cab na lamang pauwi si Meg.   Inaalalayan nya si Julianne habang papalapit na sila sa pinto ng condo nito dahil mejo tipsy at hindi na tuwid ang lakad nito. Good thing na maingat ito'ng driver at kinakausap nya ito upang hindi antukin habang nag da-drive.   Nagmamadali silang pumasok only to find out kung gaano kagulo ang condo. Nakabaliktad ang mga sofa, nagkalat ang mga gamit at basag ang mga gamit sa kitchen. Bigla ay parang nagising si Julianne. Kapwa sila nagulat.   Napalingon sila sa pinto ng kwarto ni Julianne ng may isa'ng lalaki na naka over all suit ang lumabas. Tiningnan nya ang mga nito. Dahil sa reflexes ng isip nya ay alam nya na masama ang hangarin nito kaya hinila nya si Julianne at tumakbo palabas.   Mabilis humabol ang lalaki. Nasa hallway sila and they tried to make noise. Nahablot ng lalaki ang buhok ni Julianne. She's crying out of pain ang fear.   "J-Julianne!" Inabot nya ang kamay nito ngunit hindi binibitawan ng lalaki ang buhok nito. Julianne was already screaming. Bakit parang wala yatang tao sa palapag na iyon? Walang tumutulong sa kanila.   "Don't let go Julianne!" Sigaw nya. "Tulong! Tulong!" Muli ay sigaw nya habang inaagaw rito si Julianne. She stepped on the man's foot kaya na distract ito. Nahawakan nya ang braso nito at na hablot ang manipis nito'ng suit.   Nahantad ang braso nito na may malaki'ng tattoo ng dragon. The man is wearing a solid Rolex watch. Halos makaladkad na sila ni Julianne sa lakas nito humila but she is determined not to let Julianne go. It seems na ito talaga ang interes nito.   "A-ate! Huwag mo ako'ng bitiwan! Parang awa mo na!" Hawak na rin nito ang buhok. Kalat na sa mukha nila ang make-up's nila dahil sa luha. The man in the black suit is still determined to get her cousin. She tried to kick him until Julianne joined.   Sabay nila'ng sinipa sa hita ang lalaki kaya naka takbo sila sila palayo dito. Dumaan sila sa fire exit which is automatic pala na nag-aalarm once na may dumaan doon. Nanginginig sa takot ang pinsan nya. She was trying her best not to panic. Kailangan maliwanag ang isip nya.   "s**t!" Narinig nya pang mura ng lalaki bago ito tumalilis paalis kung saan. Mabilis ito'ng nawala. Kung saan ito pumunta ay hindi nya alam.   Nanghihina na napa upo sila ni Julianne sa pangatlong baiting pababa sa fire exit. Inaalo nya ito. Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. Maski sya ay hindi makapaniwala. What was that man's motive?!   Ilang minuto pa ay ila'ng guards ng building na iyon ang pumunta. Nakita nila sa surveillance camera na mula ng pumasok sila'ng dalawa sa fire exit at tila takot na takot na sila at umiiyak. The guards asked them what happened and she told them. Halos hindi pa rin makapagsalita si Julianne.   "Sasamahan ho namin kayo sa Police Station, Miss Roxas. Kailangan ho na maireport agad ito'ng insidente na ito." Sabi ng chief guard.   Inakay at hinatid sila ng mga ito sa pinaka malapit na Police Station. She gave her statement. Tinawagan ng mga Police ang Tito George nya. Ito muna ang kanyang pinatawagan dahil alam nya na si Julianne talaga ang puntirya nito. Baka may conclusion na masabi ang Tito nya.   "Oh my God! Is Julianne okay? Okay ka lang din ba? Nasaktan ba kayo?" Sunod sunod na tanong ng Tito George nya. Halata ang takot at pag-aalala sa boses nito.   "N-nakatakas po kami agad Tito. I hate to say this pero mukhang si Julianne talaga ang gusto nyang makuha. He doesn't want to let go Julianne mula ng mahawakan nya ito." Paliwanag nya.   "I am sending body guards, okay? Hintayin nyo kami. We'll go home. Just cooperate with the Police, they will know what to do." Sa huli ay bilin nito.   The condo's management feel responsible dahil sa higpit ng kanilang security ay nakalusot pa rin ang masamang loob na lalaki and the incident happened in that building so they provided them with a new unit upang makapag pahinga na sila.    Nagtalaga din muna sila ng dalawang body guard sa unit na iyon. Awang awa sya kay Julianne. Tila nagka slight trauma ito. She's still shivering at hindi na halos tumigil sa kakaiyak. She remembered he saw a g*n in the man's hips. Ang laki ng pasasalamat nya at hindi nito iyon naisip bunutin dahil siguro ay wala na sila ngayon.   "Ang laki mo'ng tanga!" Galit na initsa ni Kent ang news paper na hawak kay Lopez. Sa laki ng bulto nito ay kakatwang tingnan ang tila maamo na anyo nito habang nasa harap ng amo.   "How could this happened? You even had the g*n! You should've at least used it to scare those little girls!" Muli ay bulyaw ni Kent dito. "Hindi ka ba nag-iisip? Mga babae lang yun!"   "Eh, boss, nasipa ho nila ako at naka takbo sila agad sa fire exit, automatic po pala na nag alarm. Natakot ho ako na mahuli kaya umalis na ako." Paliwanag nito.   Pagalit na inilapag ni Kent ang dalawang kamay sa mesa paharap sa lalaki. "And now what? Kalat na ang balita na may gusto'ng kumuha kay Julianne Paredes! Paano pa natin sya makukuha? Kung hindi ka ba naman bobo, edi sana hawak na natin sya!" Gigil na sabi pa nya rito.   Yumuko lang ang lalaki. Alam nito na kapag sumagot pa sya ay baka mapatay lang sya ng amo. May tendency ito na bigla na lamang bumubunot ng b***l, although alam nya na wala pa naman ito'ng napapatay, but he can easily send someone to kill him.   "Umalis ka na nga! Naaalibad baran ako sa mukha mo. Huwag ka muna magpapakita sakin." Asik pa na sabi ni Kent dito.   Dagli-dagli na tumayo ang lalaki at mabilis na tumakbo.   Naihilamos ni Kent sa mukha ang dalawang kamay. Kailangan nyang makuha ang Julianne Paredes na iyon. She need her. Madami syang plano at ang Julianne Paredes na iyon ang susi upang magawa nya ang mga bagay na iyon.   He became furious when he learned na pumalpak si Lopez. Kinabukasan ay naging headline sa pahayagan ang nangyari ayon sa inaasahan nya. Paano pa sya kikilos kung nakatutok na ang mata ng sambayanan sa Julianne Paredes na iyon?   "J-Jet.." Halos hindi lumabas sa bibig ni Patricia ang kataga na iyon. Bigla ay tila nanuyo ang lalamuna nya ng ipakilala sa kanila ni Julianne ang mamamahala sa kaligtasan nila. They were a bunch of body guard of course, but a certain man na sya raw leader ng mission na iyon ang kumuha ng atensyon nya.   Hindi sya maaaring magkamali. Sigurado sya na si Jester Manansala ito, ang kanyang first love. Napa-awang ang labi nya. Isa-isa nang pinapakilala ng Tito George nya sa kanila ang mga ito. Nang ito na ang pinapakilala ay tila nagulat din ito.   Impossible na hindi sya makilala nito. She turned her face away upang hindi nito Makita kung ano man ang mababasa na expression sa mukha nya. Hay, ano nga ba ang dapat nyang maramdaman? She was fifteen then, at twenty years old naman ito noon. Bumuntong hininga sya.   "I am giving you my trust in securing mga only daughter and niece." Sabi pa ng Tito George nya rito. Jet smiled. Hindi pa rin nagababago ang epekto sa kanya ng makalaglag panty na ngiti nito.   "Ate, he's cute no?" Bigla ay sabi ni Julianne ng lumabas na ang mga ito. Bale lima ang mga ito, 24 hourse na magbabantay ang mga ito sa kanila ni Julianne. Lumipat na sila ng condo. Mas mataas na ang kinaroroonan ng unit nila, which is located sa Ayala.   "S-sino?" Patay malisya na tanong nya.   "Hindi mo ba napansin yung leader ng mission nila? Dad said na anak daw ni Tito Frederic si Jet, which is sila yung mismong nag mamay-ari ng agency kung saan umupa si Daddy." Sabi ni Julianne. She seemed interested in him.   "G-ganon ba?" Lang ang nasabi nya. So natuloy pa rin pala ang pangarap nito na maging kagaya ng Daddy nito.   "Masama ba pakiramdam mo 'te?" Julianned asked. Sinalat nito ang noo at leeg nya.   Umiling sya. "N-no. Napagod lang siguro ako. Masyadong stressful sa atin ang mga nangyari." Dahilan nya. Ang totoo ay hindi pa sya maka get over sa mga pangyayari lalo na sa kaalaman na si Jet ang isa sa mga magbabantay sa kanila.   Dahil naglilipat pa lang sila ng araw na iyon ay natural na tinulungan sila ng mga body guards nila sa paghahakot ng ila'ng gamit. Ginawa nya ang lahat upang umiwas rito. Dalawa ang kwarto doon which is tig-isa sila ni Julianne.   Kinabukasan ay flight na ulit pabalik sa Canada ang Tito George nya. Ang mama nya naman ay alam na ang nangyari pero ni rest assured dito ng Tito nya na magkaka bantay na nga sila.   Hapon na natapos ang pag hahakot at pag-aayos nila ng mga gamit. Just when everybody is in the living room, exclusing her Tito George because he has to go somewhere, nagpaalam sya na gagawa ng merienda.   Tumayo si Jet. "Tutulungan na kita." Sabi nito.   "No need!" Malakas na sabi nya. Nagulat ang apat pa'ng body guards pati si Julianne kaya nagtinginan ang mga ito sa kanya. "I-I mean, gawaing pangbabae yun tsaka sigurado ako na pagod ka rin." Pahiya na sabi nya.   Jet smiled, "I don't mind. Tara," Sabi pa nito na nauna pa papunta sa kusina. Kumuha sya sa cabinet ng tatlo'ng box ng one step hotcake mix at tatlo'ng itlog sa ref. Binuksan ni Jet ang mga box at sya naman ay nag bati ng itlog.   "So, how have you been?" Bigla ay tanong nito, na ikinagulat nya. Napa pitlag sya. He chuckled. "Hindi ka pa rin nagbabago, magugulatin ka pa rin." Sabi nito. He poured the mix in a bowl together with the egg and some water.   Inagaw nya mula rito ang bowl at sya ang nagdagdag ng tubig at naghalo. "Wala'ng nakaka tawa." Sabi nya. She's fighting her feeling that makes her wanna hug him.   "Ang sungit mo naman. Ganyan ka ba bumati sa childhood friend mo?" bagamat hindi nya ito tinitingnan ay alam nya na may naglalaro'ng ngiti sa mga labi nito.   Iniwan nya ang bowl sa lamesa at inihanda ang waffle maker. Malaki iyon kaya sigurado sya na dalawang salang lang ang mix na ginawa nila. Paborito kasing merienda ni Julianne ang hotcake o waffle.   "I am fine, really." She tried to surpass the feeling of wanting to be sarcastic.   Umiling-iling si Jet. Kumuha ito ng cheese sa ref at hiniwa into stripes. Tahimik sila sa kanilang ginagawa. Alam nya na alam pa rin nito na kapag gumagawa sya ng waffles ay kailangan may cheese. Why not, after all, isa ito sa mga binibigyan nya ng home made waffles nya noon.   She put butter into the surface of the waffle maker using a brush para hindi dumikit dito ang mixture at makagawa ng perfect shape waffle. Habang pino-pour nya ang mixture sa maker ay naka tunghay lang ang lalaki.   Bigla ay tila nais nya na talaga ito'ng pabalikin sa living room. Ila'ng pulgada lang ang tangkad nito sa kanya. Tumangkad ito ng sobra, refined and lean ang katawan nito at naaamoy nya ang male scent nito. Hindi pa rin ito nagbabago ng pabango.   "You smell the same. Hindi ka pa rin pala nagpapalit ng pabango." Bigla ay sabi nito.   Napatigil sya sa ginagawa, kapagdaka ay tinuloy ulit. Nainis sya rito bigla. Bakit kailangan pa nito iyon ipaalala? Damn.   "Akala ko, sumama ka sa mama mo sa Canada, I am glad na andito ka pa rin pala sa Pilipinas." Tuloy pa rin na sabi nito. Sya naman ay nakikinig lang. "And, I want to congratulate you kahit huli na kasi natapos mo yung gusto mo'ng course."   "Salamat." Tugon nya.   She heard him na huminga ng malalim. "C-can we talk?" Sabi nito.   Inilapag nya ang bowl ng mixture sa lamesa. "Ano pa ba ang ginagawa natin? She sarcastically replied.   "Not like this, Patty." Bigla ay naging malambong ang mga mata nito.   Her heart is pumping like a drum. Ganito'ng ganito ang epekto sa kanya ni Jet, noon. At napatunayan nya na hindi pa rin ito nagbabago hanggang ngayon and she wants to curse herself. Tangging ito lang ang tumatawag sa kanya ng 'Patty". Everbody calls her Tricia or Pat.   She smiled bitterly pero yumuko sya. "Wala naman na tayo'ng dapat pag-usapan. Anyway, congratulations rin kasi natupad mo yung dream mo na maging kagaya ni Tito Frederico." Cassual na sabi nya.   Muli ay bumuntong hininga ito. "M-matagal na kami'ng wala si Cyrene." Nakayuko rin na sabi nito.   May kirot sya na naramdaman ng marinig ang pangalan ng babae'ng iyon. She despise her, pero ano'ng magagawa nya, ganoon ang mag tipo ni Jet? She wondered kung hanggang ngayon ay ganoon pa rin. Pinipigilan nyang maiyak. Biglang tumunog ang waffle maker, hudyat na luto na ang isinalang nilang mixture.   Isa-isa nya itong inaalis ng muling nagsalita si Jet. "A-alam ko na nasaktan kita, but believe me, hindi ko sinasadya yon, Patty." Frustration runs in his voice.   Bumuntong hininga rin sya bago muling ibuhos ang huling mixture. "Tapos na iyon, Jet. Huwag mo na sanang balikan. I moved on, matagal na." Napagakat sya sa kanyang labi dahil sa pagsisinungaling.   Nang mailagay na ang mixture ay hinugasan nya ang mga ginamit nila at nag timpla ng juice. Dalandan flavor to be exact, which is favorite ni Julianne. Hindi nya na narinig pa na nagsalita si jet. Tila nakikiramdam na rin ito.   Napuno ng katahimikan ang huling sandali bago maluto ang waffles. Ito ang nagdala ng dalawang pitcher of juice samantalang sya naman ang nagdala ng waffles plus forks. Masayang kumain ang mga ito, kasama na si Julianne na tila palagay na ang loob sa mga tao na magtatanggol sa kanila.   "Ikaw ate, di ka kakain?" Bigla ay tanong ni Julianne bago kumagat sa hawak na waffle.   Tumingin sya kay Jet na surprisingly ay naka tingin rin pala sa kanya. Binawi nya ang tingin. "Hindi, busog pa ako. Iwan nyo na lang sa kusina yang mga pinagkainan nyo, I think I want to rest." Sabi nya bago tumayo at dumiretso sa kwarto nya.   Dinig na dinig sa buong Mansion Montes ang yabag ng paglalakad ni Kent. Tahimik ang kapaligiran, ayon sa nais nya. Ayaw nya sa maingay, nais nya ng tahimik at peaceful environment, ngunit hindi nya alam kung bakit tila nagkaroon ng kahungkangan sa puso nya.   He hates being sentimental pero sa pagkakataon na iyon ay inamin nya sa sarili na miss nya na ang mama nya, the late Donya Cecilia. He would remember how graceful her mother was noong buhay pa ito, how she tells her things na maaring makapagpa ganda ng kanyang nararamdaman..   Dumiretso sya sa dating kwarto ng mama at papa nya. Puno iyon ng litrato ng mga ito. Ito ang comfort zone nya when he feels alone. Alam nya na hindi sya naging mabuting anak sa mga ito, lalo na sa papa nya. He would always do things that made his father almost curse him.   Pero alam nya na mahal sya ng mga ito. Sya lang ang lumihis ng landas. Hanggang sa mamatay ang mga ito dahil sa isa'ng shipwreck habang nasa kalagitnaan ng European cruise ang mga ito, hindi sya naka hingi nga patawad.   He was an only child. Namatay ang ate nya dahil sa sakit nito sa puso noong kinse anyos pa lang ito at sya ay dose anyos. Kaya marahil bente anyos pa lang sya noon, which is seven years ago ay parang tinutulak na sya ng mga magulang mag-asawa. Gusto na nang mga ito magka apo.   But he hated them because of that. Ang nasa isip nya ay minamanipula sya ng mga ito, which is pinaka ayaw nya. He ran away. Hindi pinutol ng mga ito ang bank accounts nya. Nagpunta sya kung saan saan hanggang sa tuluyan na mapariwara ang buhay nya.    His parents died when he was just twenty two years old. Napunta sa kamay nya ang Montes Conglomerates, ang corporation na minana pa ng papa nya sa mga angkan nito. Napunta rin sa kanya ang mga ari-arian ng mama nya which is galing rin sa mga lolo at lola nya rito. Kapwa napalago ng mga magulang nya ang mga ito.   But he is such a failure. Nalihis sya ng landas with all of his wealth. Hindi nya na alam kung paano bumalik.   Natigil ang pagmumuni nya ng kinatok sya ng mayordoma nya. "Senyorito, may naghahanap po sa inyo. Si Attorney Lee."   Pinunasan nya ang luha na hindi nya namalayan na bumagsak na. "Tell him to wait for me at the library." Sabi nya.   Ilang sandali pa ay kausap nya na si Attorney Lee. Ito ang abogado ng pamilya nila at hindi nya ito pinalitan ng mamatay ang mga magulang. He's one of the trustworthy person left to him sa mundo na ginagalawan nya.   "I want to discuss to you this matter. Nagkakaroon ng nakawan sa pier dos. Dalawang beses na ito'ng nagyayari. We couldn't chase the suspect or suspects for this matter." Sabi ng abogado.   "Ano ang ninanakaw?"  "Sa opisina, Kent. Nag-aalangan ako na nagkakasabwatan na ang mga empleyado mo sa pier dos." Sabi nito. "As you know, nagkaroon ng union ang mga trabahador mo sa pier dos. Ayoko ng isipin pa kung ano ang maaari pa nilang gawin."   "I'll take care of this matter Attorney. I'll conduct a surprise visit then."   One week na mula ng magkaroon sila ng bodyguards ni Julianne. Nagpapahayag na ito ng pagka bagot pero wala sila'ng magagawa. Hindi sila pwedeng gumala hanggang hindi pa nahuhuli ang gusto'ng kumidnap sa pinsan.    Tumatanggap naman sila ng mga bisita. Madalas ay si Meg. Ngunit todo bantay ang mga body guards nila na sila Gab, Kevin, Rufus, Glenn at si Jet nga. Mga late twenties pa lang ang mga ito. Lahat daw sila ay may passion na sa ganoong trabaho noon pa.   It was a lazy afternoon. She was expecting her daily period ang when it came, nagulat sya ng makita na wala na pala syang stock ng napkins bukod sa gamit nya. He told their guards na bibili sya ng gamit sa isa'ng convenient store sa dulo ng kanto kung saan naroroon ang building na kinaroroonan nila.   Jet refused to let her go alone. But she insisted, in a casual way. Ayaw nyang mahalata ni Julianne na matagal na silang magkakilala nito, lalo na at alam nya na may gusto ang pinsan rito.   "Hindi naman ako ang target nila. Tsaka dyan lang naman ako pupunta." She insisted. Ayaw nya na kasi magpasama. Naiilang sya, lalo na at mukhang si Jet na naman ang sasama.   Sa huli ay pumayag rin ang mga ito. Nangako sya na babalik agad. Nagdala sya ng paper bag, dahil ayaw nyang makita ng mga ito ang bibilhin nya. It's too private. Nagsuklay sya at bumaba na.   Hindi naman mahaba ang pila kaya madali syang nakabili. Paliko na sya papunta sa building nila ay bigla na lang may humablot sa kanya at isinakay sa sa kotse. She tried to resist pero may pinaamoy ang mga ito sa kanya na dahilan kung bakit bigla syang nahilo at nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD