Chapter 7 - Finally Met

1556 Words
"Ahm.. Hindi naman na siguro natin kailangang magkakilala--" "Oh, come on! Ano pala ang itatawag ko sa'yo?" Saglit siyang natigilan. Oo nga pala. Hindi puwedeng 'kuwan' o 'hey' lang ang itawag nito sa kanya. "Rona... Rona na lang ang itawag mo sa akin." Sa huli ay pakilala niya rito sabay abot sa kamay nito para magkipagkamay pagkatapos ay dali-dali na siyang bumaba ng sasakyan nito. Nickname lang ang naisip niyang sabihin dito dahil wala namang dahilan para ipaalam niya ang buong pangalan at apelyido niya. Hindi nga siya sure kung tama bang pumayag siyang makipag-inuman dito?? Sila lang dalawa at sa condo pa nito! Pero wala naman siyang dapat ikahiya, di ba? Malinis naman ang konsensiya niya at inuman lang talaga ang gagawin nilang dalawa. Mukha rin namang matino si Mr. Overpass--Este si Bruce Axell para pag-isipan niya ito ng masama. "Is that really your name?" tila may duda pa nitong tanong kaya napataas ang isang kilay niya. Napilitan na nga siyang sabihin ang pangalan niya rito ay hindi pa rin ito maniniwala? "Oo naman!" "Relax! I was just making sure. Mukha kasing ayaw mo pa ring magpakilala. Atleast we now know how to call each other, right?" Anito. Ngumiti pa ito sa kanya at kumindat. Muli ay agad niyang iniwas ang paningin niya. s**t! Tama ba talaga ang desisyon niyang sumama rito? Baka naman simpleng manyak itong si Bruce Axell... Hinalikan nga siya nito noon ng dalawang beses--pero dahil naman iyon sa sinabihan niya itong bakla. Haist! Bahala na! Basta maya-maya lang ay uuwi na siya! Siguro naman ay umuwi na sa oras na iyon sa Carl. "Ano ba ang nickname mo?" Maya-maya ay tanong niya rito. Dalawa kasi ang pangalan nito at hindi niya alam kung alin doon ang itatawag dito. "Well, my friends call me by my first name." "Axell na lang ang itatawag ko sa'yo." aniya tutal ay hindi naman sila friends at wala siyang balak makipagkaibigan dito. "Whichever you prefer." Ngumiti na lang ito sa kanya at nagpatiuna nang naglakad papunta sa elevator. Nang makapasok sila sa elevator ay pinindot nito ang button na may number 20. Hanggang 30 kasi ang palapag na iyon. Habang papaakyat ang elevator na sinasakyan nila ay papalakas ng papalakas naman ang kabog ng dibdib niya. Hanggang sa mga sandaling iyon ay tinatanong niya pa rin ang sarili niya kung tama ba talagang sumama siya kay Axell?? Para kasing hindi tama na iinom sila sa condo nito... Lalaki ito at babae siya kaya sinumang makaalam niyon na kakilala nila ay lalagyan iyon ng malisya kahit inuman lang naman ang gagawin nila. Pero nang tumunog na ang elevator senyales na nasa 20th floor na sila at bumukas iyon ay wala na siyang nagawa kundi sumunod kay Axell nang nagpatiuna na itong naglakad palabas. Bahala na talaga! Ito ang una at hiling beses na makikipag-bonding siya kay Axell! Pagkatapos nito, parang wala lang na tapos na rin ang ugnayan niya rito. Makakabayad na siya sa utang na loob niya sa pagtulong nito at makakapagpalipas oras pa siya habang nag-aabang pa sa kanya si Carl. Tama! Siya ang mas makikinabang sa pagsama niya rito. Kailangan lang naman nito ng kasama at nagkataong nakita siya nito. Namalayan na lang niyang binubuksan na nito ang condo unit nito na may nakalagay na 204 sa taas. Hindi niya maiwasang mamangha sa linis at ganda ng condo nito. Mayroon doong tatlong pintuan, medyo malawak din ang sala niyon at mula roon ay tanaw ang kusina at may space pa para sa kapagkainan. Tapos mayroon pang tila maliit na balcony sa labas ng natanaw niyang glass door. Simple lang ang theme ng condo nito, white and a bit of black and gray. Di rin karamihan ang mga gamit nito na nakaayos at nakadagdag pa iyon sa kagandahan ng loob ng condo nito. Para sa isang lalaki ay masasabi niyang organized ito sa mga gamit nito at malinis. At mukha ngang may kaya talaga sa buhay itong si Axell dahil bukod sa may condo ito ay may kotse pa, samantalang siya ay wala ni motor, tapos minimum lang ang sahod niya bilang cashier kaya hirap talaga siyang makaipon. Pero bakit niya ito noon nasalubong sa overpass kung may kotse naman ito?? Bakit ito nagpagod lakarin ang mataas na overpass kung may kotse naman ito na puwedeng magpaikot-ikot sa kalsada at puwede itong bumaba kung saang establishimento nito gusto? Agad niyang ipinilig mentally ang ulo niya. Tama nang alam niya ang pangalan nito at hindi na siya interesadong malaman ang iba pang bagay tungkol dito. Pagkatapos ng gabing iyon ay magtatapos na ng tuluyan ang koneksiyon nila sa isa't-isa. "Maupo ka na muna." Iminuwestra nito ang magara nitong sofa at agad naman siyang umupo roon samantalang ito at dumiretso sa kusina dala ang mga pagkain at inuming pinamili nito. Di nagtagal ay niyaya siya nitong kumain at matapos iyon ay lumipat sila sa sofa at doon uminom. "So... Wala ka na talagang balak makipagbalikan sa ex mo?" Bigla ay tanong nito. Napataas na naman tuloy ang isang kilay niya dahil sa tanong na iyon. Ang topic nila ay tungkol sa alak na iniinom nila, flavor niyon at saan iyon ginawa tapos ay bigla siya nitong babanatan ng personal na tanong? Nagkibit-balikat lang siya rito at muling uminom. Iinom lang sila, wala nang getting-to-know-each-other portion. "To tell you frankly Rona, bihira na ngayon ang lalaking nagseseryoso. Take it from me." Doon na siya tuluyang tumingin dito. So, inaamin ba nitong manloloko rin ito? At ano naman ang ibig sabihin nito? Na tanggapin na lang niya ulit si Carl dahil hindi na bago ang lalaking manloloko? Ganoon ba? "Sinasabi mo bang nag-iinarte lang ako at dapat ay bigyan ko pa ng chance ang gagong yon?" Eh gago rin pala itong kainuman niya! "No, it's not what I meant. I remember seeing you the first time at the overpass. The truth is, nadaanan na kita bago tayo nagkabanggaan at bumalik na lang ako. You were crying your heart out, shouting and cursing someone. It's easy to guess na iyong ex mo ang iniiyakan mo noon, tama? So what I mean earlier is, you should expect the unexpected para 'di ka masyadong masaktan. Nobody is perfect. Ok, let me rephrase what I said a while ago, bihira ang lalaking hindi nagkakamali. I mean, men are men." kibit-balikat nitong paliwanag. "Hindi pa rin excuse na manloko ka ng tao. Once na pumasok ka na sa isang relasyon, dapat iwasan mo na ang tukso. Ganon 'yon! Hindi puwedeng i-justify mo na natukso ka kaya ka nagkasala! Kapag commited ka na sa isang tao, dapat mananatili kang faithful sa kanya! Kahit gaano pa kahirap, dapat umiwas kang magkasala sa karelasyon mo." Aniya. Ipaglalaban niya talaga na kasalanan ang magloko! Kahit gaano pa ka-liberated ang mga tao ngayon, 'pag may karelasyon ka na, magbehave ka sa iba! Siguro kasi itong Axell na na ito ay manloloko rin kagaya ni Carl. "I don't know about that. It's just in my personal perspective that no matter how much you are committed to someone, you might make a mistake somehow. But yeah you're right, it's not right to cheat. That's why I don't enter into such relationships to avoid complications and hassle." saad pa nito bago inisang lagok ang laman ng baso nito at muli iyong sinalinan ng alak. "Talaga? Kaya pala ganyan ka magsalita dahil hindi mo pa nararanasang magka-girlfriend. Tsk. Pare-pareho lang kayong mga lalaki. Single o hindi, hindi makuntento sa isa." nakaismid niyang sabi bago uminom dn ng alak. "Hey. Don't compare me to your asshole ex. In my situation, babae ang mismong lumalapit sa akin. I am not into any relationship with anyone so I can flirt with anyone I want, right?" nakangisi nitong pagtatanggol sa sarili. Muli siyang uminom ng alak hanggang sa napatitig na siya rito. "So, are you flirting to me? Kaya mo ba ako niyaya dito sa condo mo?" matapang niyang tanong dito. Although alam niyang nagkataon lang na nagkita sila kanina, naitanong niya pa rin iyon. Nawawalan na kasi siya ng hiya dahil sa mga nainom niya! Pero nagtatanong lang naman siya... may masama ba roon? Ngumisi naman ng pilyo sa kanya si Axell at inikot-ikot nito ang lamang alak sa baso nito. "Why? If I flirt with you right now, will you flirt with me too?" Napahagikhik siya sa tanong nito. Medyo hindi na talaga niya kontrolado ang pag-iisip niya ngayon kaya nagiging carefree na siya. Mabilis yatang makalasing ang iniinom nilang alak. Tsk. Iba talaga kapag hindi sanay uminom. Bakit naman kasi feel na feel niyang uminom? Narealize pa niya bigla na nag-eenjoy siyang kausap si Axell. May sense din naman pala ito at hindi ito nakakainis lang. Uminom muna siya ulit at namulutan ng lechong manok. Pag-angat niya ng mukha niya ay nagulat siyang nakatayo na si Axell sa mismong harap niya at nakangisi ito. "I can pleasure you better than your ex. Wanna bet?" hamon nito sa kanya. Napakunot-noo naman siya dahil hindi niya agad naintindihan ang sinabi nito. Pleasure? Anong pleasure--s*x ba ang tinutukoy ni Axell?? "W-Wait, nagkakamali ka ng iniisip." Iniharang niya ang kanang kamay niya nang tangka nitong mas lumapit pa sa kanya. Virgin pa siya! Iniisip ba nitong ginagawa na nila iyon ni Carl? Kahit naman liberated na ang halos lahat ng kaedaran niya ay dalagang Pilipina pa rin siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD