"I guess you still haven't moved on from your ex, huh! Still love him that much?" May pang-aasar na tanong ni Axell. Umupo na lang ito muli sa tapat niya at muling sumimsim ng alak. Siya man ay muling napainom dahil kinabahan talaga siya nang lumapit ito. Akala niya kanina ay susunggaban na siya nito! Pakshet, wala siyang kalaban-laban kung sakali. Pero ang kakatwa ay parang nakakaramdam siya ng excitement. Parang gusto niyang magpakawala ngayong gabi! At ano daw, hindi pa siya nakaka-move on kay Carl? "Naka-move on na ako sa kanya! Hinalikan pa nga kita sa harap niya, di ba? Kung hindi pa ako nakakamove on sa manlolokong iyon eh di sana nakipagbalikan na ako sa kanya at wala ako rito ngayon para makipag inuman sa'yo." Mataray niyang sagot. Nagkibit-balikat lang ito sa sinabi niya na t