“Oh, tapos? Umalis na si Carl?” kinikilig na tanong ni Becka nang ikuwento niya ang nangyari kagabi sa bar pagkaalis nito.
Taas-kilay siyang tumitig dito dahil kinikilig talaga ito matapos niyang ikuwento ang 'nangyari'sa kanila ni Mr. Overpass kagabi. Akala pa naman niya ay maiinis ito dahil nilapitan na naman siya ni Carl, iyon pala ay iba ang magiging reaksiyon nito.
“Oo, umalis na siya pagkatapos… Sana nga tigilan na niya ako.” Pabuntong-hiningang sagot niya kay Becka.
“Iba na ‘yan, ha! Mukhang lagi kayong pinagtatagpo ng lalaking iyon. Hindi kaya siya na ang destiny mo?” tila nangangarap pa nitong tanong na ang tinutukoy ay si Mr. Overpass! At oo, ikinuwento na niya ang puno’t-dulo kung paano niya ‘nakilala’ si Mr. Overpass para mas maintindihan nito at hindi siya nito i-judge at okrayin na basta na lang siyang nanghalik ng kung sino para lang makaiwas kay Carl.
Umasim naman tuloy agad ang mukha niya sa sinabi nito. Naalala kaagad niya si Carl at kung paano niya inakalang totoong mahal siya nito, na totoong hindi siya lolokohin nito at kung paano siya noon nangarap na bubuo siya ng pamilya kasama ito.
Pero itong si Becka ay mukhang mas interesadong pag-usapan si Mr. Overpass!
“Destiny ka diyan! Naniniwala ka na sa ganyan? Akala ko hindi ka naniniwala sa love, kaya ka nga hindi nagboboyfriend, ‘di ba? Hindi ko alam na hopeless romantic ka pala.” Nakangisi niyang wika rito. Paraan na rin niya iyon para maiba ang topic nila at mailayo kay Mr. Overpass!
“Tse! Hindi ako ang topic natin dito. Bakit nga ba ayaw mong makipagkilala sa gwapong lalaking iyon? Sis, hot siya huh! Tapos ang gwapo pa. I bet nasarapan ka sa halik niya!”
Inikutan niya ng mga mata si Becka. Iyon ang hinding-hindi niya aaminin dito! Kahit totoong nasarapan siya sa mga halik ni Mr. Overpass ay hinding-hindi niya iyon sasabihin kay Becka. Hindi na niya ii-entertain pa ang feelings niya sa mga lalaki. Mag-eenjoy na lang siya pero ekis na ang pagsama ng feelings niya para hindi na iyon lumalim pa.
Siguro nga totoo ang sinabi nitong hot at gwapo si Mr. Overpass. Pero, ano naman? Hindi siya interesado.
“Bakit pa ako makikipagkilala sa kanya? Ayaw kong makipagkaibigan sa kanya. Sigurado ring hindi na kami ulit magkikita. Nagkataon lang talagang nandoon siya kagabi. Pero last na iyong nangyari sa amin kagabi, I mean, iyon na ang last na ugnayan namin.” paglilinaw niya kay Becka. Umirap naman ito sa kanya.
“Wag kang magsasalita ng tapos, babae! Malay mo, mamaya lang o bukas ay magkita kayo ulit. Kapag nangyari iyon, baka nga nakatadhana talaga kayong maging malapit sa isa’t-isa!” muli ay kinikilig na naman nitong sabi.
Napailing na lang siya ng ilang beses kay Becka. Ibang-iba ang inaasal nito ngayon kumpara sa madalas nitong ugali na medyo maldita at madalas seryoso. Mukhang ang gaan ng loob nito kay Mr. Overpass kahit hindi naman talaga nila ito kilala at isang beses pa lang itong nakita ni Becka. Samantalang si Carl noon, mabait naman ang pakikitungo kay Becka pero mainit pa rin ang dugo ng kaibigan niya rito. Pero tama lang pala ang akala ni Becka kay Carl dahil niloko lang siya nito.
“Hindi na iyan mangyayari…” may katiyakan niyang saad dito.
At kung sakaling magkita man sila ulit ni Mr. Overpass, hindi naman nila kailangang makipagbonding sa isa't-isa, di ba? For sure na balewala lang din dito ang halikan nila.
“Pero ano, masarap siyang humalik, tama? Sa hitsura non, mukhang marami na iyong experience sa.. alam mo na… sex.” Maingat nitong dugtong.
“Hindi malabo iyon.” Aniya. Hindi niya alam kung bakit parang may nalasahan siyang mapait habang sinasabi iyon. Siguro ay dahil sa isip niya, bibihira lang ang lalaking kayang makuntento sa isang babae at hindi nagloloko.
“Makalaglag-panty ang kagwapuhan. Pati rin yong friends niya, huh! Inalam mo sana kahit pangalan.” Patuloy na pangungulit ni Becka.
Napailing na lang siya kay Becka. Gwapo naman talaga ang friends nito gaya nito, kaya nga iyon ang nilapitan niya noong nag-dare siya kay Becka. Pero kailangan pa ba nila iyong pag-usapan? Tapos na iyon, matagal na. At wala sa plano niya na hanapin o makipaglapit kay Mr. Overpass!
"Tumigil ka na, Becka. Itulog mo na yan. Siguradong puyat lang yan."
Tinalikuran na niya si Becka at baka hindi na matapos ang pag-uusap nila tungkol kay Mr. Overpass! Parang gusto tuloy niyang magsisi kung bakit nagkwento pa siya rito tungkol sa huli. Ngayon lang kasi ito naging tila isang kupido na gusto siyang ireto sa isang lalaki.
MAKALIPAS ang ilang araw ay lihim siyang nagpasalamat na hindi na niya muli pang nakita si Carl. Mukhang tumigil na nga ito sa pangungulit sa kanya dahil kahit text o tawag ay hindi na nito ginawa. Mukhang effective talaga ang pakikipaghalikan niya ng dalawang beses kay Mr. Overpass para ipakita kay Carl.
Hanggang sa 2 weeks na ang nakakalipas at halos buo na ang paniniwala niya na tuluyan na siyang tinantanan ni Carl.
Pero isang gabing pauwi na siya galing sa trabaho ay bigla siyang napatigil sa paghakbang papasok sa eskinitang daan papunta sa boarding house nila ni Becka. Paano ba naman ay natanaw niya si Carl na sumisilip sa boarding house nila at tila nag-aabang sa pagdating niya!
Bwisit! Akala pa naman niya ay lulubayan na siya nito pagkatapos ng nakita nito at ng sinabi niya, iyon pala ay nagpalipas lang ito ng dalawang linggo para kulitin ulit siya!
Ano pa ba ang hindi malinaw dito?? Hindi ba nito matanggap na ayaw na niya rito? Hindi ba kapani-paniwalang may iba na siya? Letse! Nakipaghalikan na siya, useless rin pala!
Pero dahil ayaw na niyang makaharap ulit si Carl ay umatras siya.
Bahala na! Hindi muna siya uuwi sa boarding house nila ni Becka. Siguradong nang mga sandaling iyon ay nakaalis na rin si Becka papuntang trabaho at mukhang sinadya ng letseng si Carl na pumunta roon nang nakaalis na si Becka para makausap siya nang mag-isa!! Mabuti na lang talaga at natanaw niya si Carl kung hindj ay mapipilitan siyang harapin na naman ito. Napapagod na siya kaka-kausap dito. Kailan ba ito makakapag-move-on sa kanya?!
Naglakad na siya palayo. Siguro ay tatambay na muna siya sa mall. Hindi sa pinagtatrabahuhan niyang mall dahil delikado kung pumunta doon si Carl at doon pa siya nito makita.
Papara na sana siya ng jeep na natanaw niyang paparating nang bigla na lang may kotseng tumigil sa mismong tapat ng kinatatayuan niya. Kunot-noo siyang napatingin sa tinted glass window niyon hanggang sa bumaba iyon.
"Hi!"
Nanlaki ang mga mata niya nang makilalang si Mr. Overpass ang driver niyon!
"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" naguguluhan niyang tanong.
Hindi kaya siya talaga ang sadya nito roon?? Pero paano naman nito nalaman na doon siya nakatira? Sinundan ba siya nito noon?
Ipinilig niya ang ulo niya dahil nagiging assumera na siya! Sino naman siya para sundan nito, huh?
"I was just passing by when I saw a familiar body built. Tapos nakilala kita. So, dito sa bandang ito ka ba nakatira?" tanong nito habang tumitingin-tingin sa paligid.
Wala siyang balak sagutin ito dahil hindi naman sila close! Kaso, nang sundan niya ang tingin nito sa may bukana ng eskinita papasok sa boarding house nila ni Becka ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang palabas na roon si Carl!
Nataranta tuloy siyang napahawak sa handle ng pintuan ng kotse ni Mr. Overpass! Naka-lock pa iyon pero buti na lang ay agad iyong ini-unlock ni Mr. Overpass kaya nabuksan niya iyon at kaagad siyang pumasok sa loob!
Walang hiya! Baka makita pa siya ni Carl!
Yumuko siya agad pagkapasok sa sasakyan at naramdaman na lang niyang pinaandar na nito ang kotse. Napasilip naman siya sa bintana nang sa palagay niya ay nalagpasan na nila si Carl. Tama nga siyang nalampasan na nila ito at ang damuhong lalaki ay palinga-linga pa sa paligid at mukhang doon balak maghintay sa kanya!
Gulat siyang napalingon kay Mr. Overpass nang marinig niya itong tumawa ng mahina.
Shit! Nakakahiya ang ginawa niya! Basta na lang siyang sumakay sa kotse nito nang hindi nagpapaalam. Pero kasalanan naman nito dahil hinayaan nitong makapasok siya!
"Ginugulo ka pa rin pala ng ex mo?" Natatawa nitong tanong.
Tumikhim lang siya dahil wala siyang planong sagutin ang tanong nito.
"Pakitabi na lang diyan...." Aniya nang makitang puwedeng magbaba sa medyo unahan.
Pero imbes na tumigil ay lalo pa nitong binilisan ang pagpapatakbo ng kotse nito.
"H-Hoy! Bakit di mo pa ako pinababa?" naniningkit ang mga matang tanong niya rito.
"Paano kung makita ka rin lang ng ex mo ron? Malapit lang 'yon sa tinutuluyan mo, di ba?"
Eh ano ba'ng pakialam mo?! Gusto niya sana iyong itanong dito pero tumahimik na lang siya. Sabagay ay may punto naman ito. Hindi niya rin sigurado kung hanggang anong oras maghihintay sa kanya si Carl kaya hindi niya alam kung anong oras siya uuwi para di na niya ito madatnan doon.
Siguro ay pupunta na lang talaga siya sa mall--
"Do you want to grab a drink?"
"Ha?" Medyo nalito pa siya sa itinanong ni Mr. Overpass. Tama ba ang intindi niya na niyayaya siya nitong uminom? Bakit??
"It's my mother's death anniversary. Gusto ko sanang uminom but my friends are busy right now. So, is it ok if you drink with me?"
Napatitig siya rito at napakurap-kurap. Papayag ba siyang uminom kasama ito?
Pero nang maisip niya ang tulong na ginawa nito sa kanya noong nakaraan maging kanina ay tumango siya rito. Siguro ay ito na lang ang pambawi niya sa mga itinulong nito.
"Great!"
Ngumiti ito sa kanya kaya agad niyang iniwas ang paningin niya. Mas gumwapo kasi ito!
Nagtaka siya nang ipinarada nito ang kotse nito sa parking lot ng isang condo building.
"T-Teka... Akala ko ba iinom tayo? Bakit tayo... nandito? Di ba dapat sa bar tayo?" tanong niya dahil biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi naman siya natakot pero bigla siyang kinabahan. Kung para saan ang kabang iyon ay hindi niya alam.
"I didn't say we'll drink outside. Don't worry, I won't do anything to you. Iinom lang tayo. Sayang din kasi ang mga pagkaing pinamili ko." anito at inginuso ang backseat. Doon ay nakita niya ang mga nakaplastic at naka-pack na tila mga pagkain nga. Meron pang mga inumin.
"O-Okay.... Inom lang ha." Parang tangang paninigurado niya rito.
Natawa naman ito sa kanya bago tumango.
"Of course.." Nakangisi nitong sabi.
Mukha ngang wala naman sa hitsura nito ang rapist. Kaya lang... Ngumiti na naman ito na lalo nitong ikinagwapo at nakaramdam siya ng pag-aalala na baka malasing siya at siya mismo ang magbigay ng motibo rito.
"By the way, my name is Bruce Axell Martinez.." Inilahad nito ang kamay sa kanya kaya napatitig siya roon.
Naalala niya ang sinabi ni Becka. Hindi kaya nakatadhana nga talaga silang muling magkita at lalong magkakilala?